Chapter 17

1180 Words
Narinig ko sa mga kasambahay kanina bago ako pumunta dito sa School, na nasa Batangas o Bacolod lang daw nagtatago si Mommy, akala ko ba nasa States? "Wala si Ms. Madrigal ngayon ghorl, kaya wala tayong last subject, so maaga tayong makakapunta kay Marie." Si Erik. "Huh? First time atang umabsent ni Ma'am" hindi naman talaga ako interesado, sa English teacher namin. Gusto ko lang magsalita at ipakita kay Erik na okay lang ako. Kanina kase pagpasok ko sa room, tinanong niya ako kung okay lang ba raw ako, yung mukha ko kase raw, parang namatayan. "Loh? Hindi mo knows ghorl? Syempre malapit na yung fairytale wedding nya." Dagdag niya pa. Oo nga, ang ganda ni ma'am, stable narin yung trabaho niya, may pera na siya, pwede na siyang mag asawa. Si Sir Adi kaya, kailan? Stable nanaman yung work niya dito, wala siyang problema sa pera kase may sweldo naman siya buwan buwan, at ang gwapo kaya niya! Sino bang babae ang hihindi sa kanya? Tapos ako neto, Grade 10 student pa lang, walang sariling pera, ang layo ko pa kumpara sa narating niya. Siguro pag dumating yung araw na nakapagtapos na ako, nakapag trabaho, at stable na rin katulad niya hindi pa rin magiging kami, kase syempre kapatid ko sya. Kagabi, parang panaginip sa'ken ang lahat. Pagkatapos naming mag usap ni Sir Adi ay umuwi na siya kasama si Tita Allia- yung Mama niya na uh- first love ni Daddy. Kagabi kinuwento samin ni Dad kung paano sila nagkakilala ni Tita Allia, College pa lang talaga sila, ay gusto na nila ang isa't isa pero nawalan rin sila ng connection sa isa't isa dahil pumunta sa ibang bansa si Tita Allia. Ang haba pa nag kuwento ni Dad pero hindi ko na masyadong pinansin, bakit ako makikinig? Makikinig ako sa Love story niya sa ibang babae? Eh, hindi ko nga alam ang love story nila ni Mom. "Good Morning Class." agad akong nakabalik sa aking ulirat ng narinig ko ang boses niya. Nagsitayuan naman ang mga classmates ko para batiin siya. Tahimik ang lahat, hindi ko alam kung bakit pero ramdam namin na parang bad mood si Sir, may kinukuha siyang mga papel na nasa maliit niyang envelope. "Sir, ano yan?" tanong sa leader ng sipsipers dito sa classroom, walang iba kundi si April. Hindi siya pinansin ni Sir Adi. Bad mood talaga, huh? Ano bang nangyari sayo, kuya? "Sir, ano po yung gagawin natin?" Tanong nanaman ni April kaya napairap ako sa kawalan. "Long quiz," kasing lamig ng aircon dito sa classroom yung boses niya. Binigay niya na isa isa ang mga papel, Hindi niya sinabi na may quiz ngayon ah? Tinignan ko si Erik at iba ko pang mga kaklase, mukha palang alam mo ng problemado. Binasa ko yung first question, agad namang kumunot ang noo ko, tangina wala naman to sa discussion ha! "It's a pre-test, but still it's recorded." nganga akong tumingin sa kanya. Bakit recorded?! Syempre maraming babagsak dito, hindi pa naman 'to diniscuss sa amin! "Answer now, stop glaring at me." hindi ko na namalayang halos pinatay ko na siya sa paninitig sa kanya. Tinignan niya ako, umirap siya, kaya umirap rin ako. Tengena, magkapatid pala talaga tayo 'no, pereho tayong ma-attitude! Binasa ko lahat ng questions, at wala talaga akong maiintindihan kaya hindi na ako nag answer. Masasayang lang ang oras ko dyan no' ipililit ko bang sagutan yun e' hindi ko nga alam. ----- Magkalipas ang 45 minutes ay nag bell na. Halos tumalon sa tuwa yung mga kaklase ko. Kanina sa loob ng ilang minuto ramdam ko talaga yung pagka bad mood ni Sir, parang may malaking problema. Sana naman hindi na kami involve ni Kuya Rix at Dad sa problema niya ngayon, hindi ko pa nga naayos yung mga problema ko ngayon, may dadagdag nanaman? "Ms. Ledezma go to my office." How rude! Hindi siya nag paalam sa buong klase yun lang yung sinabi niya at umalis na, kaya bulong bulongan ng mga girls kong classmates kung anong problema ni Sir Adi, broken hearted ba daw. Hysterical pang sumigaw ng "no!" si April nang sinabi ni Janice- isa sa mga sipsipers na alagad ni April, na baka mag re-resign daw si Sir. "Oy Ez, diba pupunta ka sa office ni Sir? Itanong mo naman sakanya bakit malungkot at badtrip siya kanina." Pagmamakaawa ni April. Ewan ko ba, pati ba yan big deal sakanila? Hindi ba pwedeng malungkot o badtrip yung tao kase may pinagdadaanan? Kailangan ba talaga nilang malaman ang dahilan? Hindi ba nila alam ang word na 'privacy'? Ang oa ha! Ang oa talaga! "Sige. Pero sabihin mo muna 'please master Ezha'." tinignan ko siya at ngumisi, agad namang kumunot ang noo niya at padabog na kinuha ang kanyang bag. "Che! Salamat nalang 'no!" Padabog siyang umalis sa harapan ko, at umirap naman yung mga slapsoil niyang mga alagad bago nila sinundan yung lider nilang kakandidato papuntang impyerno. "Ghorl, can't wait to see Marie na, so una nalang ako ha? I know na busy ka ngayon kase ichecheck mo yung papers natin kanina sa science, but don't worry sinabihan ko na si Edrian na sabay na kayo. By the way, where na yung mga clothes mo? Ako na magdadala" mag s-sleep over kase kami kina Marie ngayon, dahil sa loob ng ilang buwan ngayon palang sya nakakuwi. Wala namang problema kase tanggap naman ng mga magulang ni Marie ang nangyari, iyon nga lang hindi nila tanggap si Edrian. "Sige." binigay ko sa kanya yung extra kong bag kung saan nandoon yung pajama at iba ko pang gamit. ------- Dumeritso na ako sa office ni Sir, siguro iuuwi ko nalang sa bahay nina Marie yung mga papel na ichecheck ko para may pagkaabalahan naman kami mamaya. Kumatok ako ng tatlong beses bago ako pumasok. "Yes. I'll try, okay? I love you. Bye love" naestatwa ako dito sa may pinto, yun yung bumugad sa'kin pagkapasok ko sa kanyang office. May kausap siya sa kanyang cellphone, agad naman niyang binababa ng nakita niya ako. "Come here," hindi pa rin ako naka move on sa narinig ko kanina? Totoo ba 'yon? Akala ko ba walang love life si Sir? Tinignan ko siya, alam niyang narinig ko sya kanina pero parang wala lang sa kanya. Mapait akong ngumiti. Tangina. "Sir, nasaan na yung mga papel? Pwede po bang, sa bahay ko nalang ichecheck?" ngumiti pa ako sa kanya. "Huh? Anong papel?" kunot noo niyang tanong. "Yung quiz natin kanina, diba ichecheck ko po yun?" "Nah, it's a pre-test, hindi yun recorded." kalmado niyang tugon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis? Natutuwa ako kase hindi yun recorded, wala naman talaga kase akong sagot sa mga tanong na 'yon, syempre bagsak ako do'n kung irerecord niya. Pero ba't niya pa ako pinapunta dito?! May lakad pa ako no'! Anong akala niya, siya lang yung busy kase siya yung may trabaho?! Excuse me, busy rin ako 'no! Sana talaga sumama ako kay Erik eh! "Ez, I'm n-not your kuya. Hindi kita kapatid."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD