Tulala ako habang nakatingin sa pagkain.
Yung babaeng nasa harapan ko, ito yung babaeng kasama ni Daddy sa mall.
Sya ang ina ni Sir Adi.
"Baby girl, naikwento ka ni Adi sa'kin, subject Teacher mo daw sya sa Science, matalino ka raw anak, syempre mana ka sa'kin" tumawa pa sya.
Hindi ako kumibo.
Kaya pala pagkatapos naming makita si Daddy at ang mama nya sa mall, nag iba ang turing nya sa'kin.
Tine-text nya ako palagi kung sino ang kasama ko sa bahay, kung mag isa lang ako.
Tinanong nya ako kung nakapunta na ba ako sa Enchanted Kingdom kasama ang pamilya ko, sabi ko hindi kaya nilibre nya ako doon.
Ayaw nyang may manligaw sa akin na lalaki sa school.
Inaalagan at pinoproktehan nya ako palagi.
Hindi dahil may gusto sya sa'kin.
Kundi dahil, kapatid nya ako.
"Baby girl" tumingin ako kay Sir Adi.
"Kuya" ngumiti ako sa kanya.
Lumabas ako sa may Garden ng Restaurant dahil hindi ko kinaya ang hangin sa loob, ramdam na ramdam ko yung tensyon.
"Hey," boses palang, alam ko na kung sino.
Para akong asong ulol na natatawa. Tangina Marie, hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sayo o isusumpa kita? Alam mo pala 'to hindi mo lang sinabi sa'ken. May pa dare dare ka pang nalalaman at ako namang si Tanga, pumayag rin!
Nasa kilid ko Sir Adi- ay este Kuya Adi. Parehas naming tinitignan ang mga lights na nasa downtown.
Ang awkward, nilalandi ko sya tapos kapatid ko lang pala!
Hindi ko naman gusto na isipin niyang affected ako sa nangyari kaya tinignan ko sya at ngumiti na parang walang nangyari.
"Grabe ha, hindi ko inakalang 'kuya' itatawag ko sayo, akala ko pa naman 'babe'" tumawa pa ako para asarin siya.
Hindi siya nagsalita kaya tinignan ko siya, titig na titig siya sa'kin kaya agad kong uniwas ng tingin sa kanya.
"Hindi ko aakalaing k-kapatid kita, ang ganda kaya ng lahi namin!" Tumawa pa ako, hindi ko alam pero kinakabahan ako.
Ang seryoso niya ngayon, I mean, seryoso naman talaga siya pag nasa school kami pero ngayon, iba eh.
"Best actress," bulong niya habang nakatitig sa'kin.
Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Pero hindi ko gusto na mag dramahan kami ngayon, ang drama na ng buhay ko 'no! Nakakapagod!
"Sir-" hindi pa ako tapos sa pagsasalita ng tumaas ang kilay niya.
Ayaw niyang tinatawag ko siyang Sir?
"Ah hehe, K-Kuya kase ano" pinutol niya kaagad ako.
"I prefer the 'sir', don't call me kuya." Malamig ang kanyang boses, at agad na umalis sa kilid ko.
Ha? Anong problema nun?