Chapter 14

493 Words
"Marie!" Halos hindi na ako makahinga sa kakaiyak habang yakap yakap ko si Marie. Sabado ngayon at walang pasok kaya pinuntahan ko sya dito sa bahay ng Lola ni Edrian. "Ano bang nangyari sayo? Anong plano mo?" Tanong ko. "Mamahalin at aalagaan ko ng maayos ang magiging anak namin ni Edrian, tama ka nga, Gaga ako," tumawa pa sya. "Gaga ako pero hindi ako bobo para ipalaglag ang bata, Mahal ko 'to." umiiyak sya habang hinahaplos ang kanyang tyan. Kinuwento nya ang lahat na nangyari sa kanya ng bigla syang nag tanong. "Ez, alam mo na ba?" "Ang alin?" Naguguluhan ako sa tanong nya. "Si Sir Adi" bulong nya. "Alam ko na ba na nahuhulog na si Sir Adi sa'ken?" Tumawa pa ako. Tinignan nya ako habang nakangiti pero kitang kita ko ang lungkot at awa nya sa kanyang mga mata. Naawa sya sa'ken? Diba ako dapat yung maawa sa kanya kase sya yung nabuntis. "i****t," bulong nya at mahinang natawa. Tumawa na rin ako kahit hindi ko alam ang pinagsasabi nya. Bakit i****t? ----- "Marie, hindi ako magtatagal, uuwi na ako." "Ez, tanungin mo si Sir Adi, kung ano kayo" kanina pato si Marie ah, bakit ba? "Ha?" Naguguluhan na talaga ako. "Basta tanungin mo na siya." Ha? -------- Nung weekend wala akong ginawa kundi mag overthink. Ang sweet naman talaga kase ni Sir, uhm? Pero baka ganyan talaga siya sa lahat ng students? Niyayaya niya ba sa Enchanted Kingdom yung ibang estudyante niya? Tinatawag niya rin ba ng baby girl? Hayz! Nakakaloka! Bahala na nga, diba yung motto ko 'Yolo' kaya tatanungin ko siya bukas, wala namang mangyayari kung tatanungin ko siya, diba? ---------- Kaya ng dumating ang Lunes, dumeritso ako sa Office ni Sir Adi. Tama si Marie, kailangan kong tanungin si Sir kung ano nga ba kami. Biglang ng Vibrate ang cellphone ko. From: kuya Rix Susunduin kita mamaya Ez. May importanteng sasabihin si Dad mamaya sa Dinner. Hindi ko na nireplyan kase wala maman akong load. Kumatok muna ako bago pumasok sa office ni Sir "Good morning Sir" "Morning, ang aga mo naman ata pumasok." "Sir may itatanong sana ako." Kung ano ang mangyari, bahala na. "Sir gusto mo na ba ako o mahal na?" Nakapikit ako habang binibigkas ang mga salitang yun. "Ms. Ledezma ano ba yang pinagsasabi mo?" tanong nya at iniwas sa akin ang tingin. "Sir, bakit? Wala ba?" Konting konti nalang tutulo na yung mga luha ko. Tinanong ko lang naman sya kung mahal nya ako, ba't parang galit sya? "Sir, bakit wala ba? Eh, hinahatid mo ako sa bahay palagi. Tine-text mo ako kung nakauwi na ako. Tinatanong mo kung kumain na ako, anong ginagawa ko, nag study ba ako, naligo na ba ako. Sabay pa nga tayong mag lunch a-at nag seselos k-ka kay E-edrian" hindi ko na kinaya, tumulo na ang mga luha ko. "You're nothing but a student to me Ms. Ledesma. Now leave"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD