Chapter 13

916 Words
Pagkasama ko si Sir, ang saya saya ko. Para akong walang problema. "Salamat." ngumiti ako sa kanya. "Good bye, Baby girl." alam kong inaasar niya lang ako, pero bahala na kinikilig naman ako. At isa pa, bakit niya alam na baby girl yung tasag sa'ken ni Dad? Ah, bahala na nga! Nakakapagod mag isip! Hinatid nya ako sa bahay, pagkatapos naming pumunta sa Enchanted Kingdom. Tinanong nya kase ako kung naka punta na ako doon ,sabi ko hindi pa kaya niyaya nya ako. Sabado naman kaya walang problema. Ilang linggo na noong nakita ko si Dad na maykasamang iba, umuuwi si Kuya sa bahay pero twice a week lang si Mommy naman parang walang pake sa'kin parating nasa Bacolod or states? Hindi ako sure, alam kong alam nya ang mga nangyayari dito, alam nya may kabit si Dad kaya naiintindihan ko kung bakit nya iniiwasan ang bahay. Pero bakit pati ako iniiwisan nya rin? Si Sir Adi naman, parating nag tetext sa'ken parati nyang tinatanong kung kumain na ba ako, at sno yung kasama ko sa bahay. Oo, alam kong mali dahil Guro sya. Pero ito lang ang nagpapasaya sa'ken. "Ez, nandyan si Sir Cliff hinahanap ka." Si manang. Si Cliff, kapatid ni Marie. Teka? Si Marie? Ilang linggo ko na syang hindi nakikita ah! "Ez, nakita mo ba si Marie?" Nabigla rin ako sa tanong ni Kuya Cliff. Ilang linggo ko ng hindi nakikita si Marie, parati ko syang pinupuntahan sa Classroom nya pero wala sya dun. Nag deactivate din sya mga Social media accounts nya, hindi rin sya nag rereply sa mga text at tawag ko. Pinuntahan ko sya sa bahay nila noong isang araw pero ang sabi naman ng kasambahay nila may pinuntahan lang daw. "Hindi kuya eh, bakit?" "Hindi kase sya umuwi kahapon tapos nakita sya ng guard namin na may dalang maleta. Pero sige salamat Ez, sa iba ko na lang itatanong." nagmamadali pa sya. Ramdam ko yung kaba nya. Hindi umuwi? Nag dala ng maleta? Baka nag bakasyon lang. Naala ko pa naman yung nabagsak sya sa Mathematics tapos 1 week syang nawala nun tinanong ko sya kung saan sya galing, pumunta lang daw sya ng Palawan para mag unwind at mag relax, na stress kase daw sya sa grades nya. Pero ramdam ko na may kakaiba kay Marie simula nung si Edrian na ang naging boyfriend nya. Kailangan kong makausap si Edrian bukas. -------------- Kaya kinabukasan, dumeritso ako sa classroom nila Marie para mag tanong sa mga kaklase nya pero pati sila wala ring alam. "Ano ba yan Girl, kanina pa tayo palakad lakad dito, tanong ng tanong kung nakita ba natin si Marie." tanginag Erik, ang sarap itumba dito sa 4th floor kanina pa putak ng putak. "Pagkatapos nito, bibilhan kita ng shampoo yung katulad sa'ken." "Talaga?! Marami pang buildings na hindi natin napuntahan, tara doon tayo!" pabiro ko syang inirapan. Kaming tatlo talaga yung mag sisters kaya alam kong nag aalala rin siya Kay Marie. --------- Alas kwatro na ng hapon pero wala pa rin kaming nakuhang balita tungkol kay Marie. Si Edrian nalang talaga yung pag asa ko. Tinignan ko si Erik na pagod na pagod. "Umuwi kana." "Seryoso ka?" ramdam ko yung pag aaalala niya. "Oo, last na rin naman 'to, tatanungin ko lang si Edrian" tumango sya at pagod na ngumiti. "Makikita rin natin si Marie," at umalis na. Kaya dumeritso ako sa building ng Senior high. Sakto namang nakita ko si Edrian na palabas ng classroom nila. "Edrian!!" Sigaw ko. "Ez? Baket?" Tanong nya. "Nasan si Marie?!" tumingin sya sa'ken, kinakabahan. Tangina niya ha, wala akong pake kung gagawa ako ng eskandalo dito! "Mr. Lopez may practice tayo" may biglang sumulpot. Tinignan ko naman ng masama si Sir Adi na seryosong nakatingin sa'min, hindi nya ba nakikita na nag uusap yung tao? Bulag ba sya?! "Opo sir" tumango muna si Sir at tinignan ng masama si Edrian bago umalis. Nag vibrate naman kaagad yung cellphone ko. From: Erik Girl parang knows ko na kung nasan si Marie. Tangina, mag rereply sana ako ng napagtanto kong- wala akong load! "Ez" nakalimutan ko na nasa harapan ko pa pala si Edrian. "Nasan si Marie?" Alam kong alam nya kung nasan si Marie halatang halata sa mukha nya na kinakabahan sya. "Tangina mo Edrian, nasan si Marie?!" kinakabahan ako, may nangyari ba kay Marie? "Ez, b-buntis si Marie, n-nsa bahay ng Lola ko sya n-ngayon" Ano?! Hindi ako makapaniwala! Alam ko naman talaga na gaga yung si Marie, maraming lalaki, pero pota- "Tangina mo Edrian! Sinira mo yung kinabukasan ng kaibigan ko! Ang bata bata pa niya para sa responsalidad na yan! Akala ko ba mayaman ka, hindi mo ba afford yung c****m, ha?! Ha?!" naiiyak na ako sa frustration, gusto kong ihampas kay Edrian, 'tong mga librong hawak ko. Putangina, paano kung malalaman ito ng parents ni Marie? "Ez" nanginginig ang kanyang boses at isa isang tumulo ang kanyang mga luha. Hala gago, ano ba yung ginawa ko? Ba't siya umiiyak? Baka akalain ng mga tao dito inaway ko 'to. "Huwag ka ngang umiyak dyan Edrian," "Mahal ko si Marie. Handa akong humarap sa mga magulang niya. Ez, mahal na mahal ko si Marie" "Siguraduhin mo lang Edrian, dahil pag nalaman kong iiyak yung gaga na ikaw ang dahilan, makakapatay ako ng tao" chos! hindi nga ako marunong pumatay ng ipis, tao pa kaya? "Pupuntahan ko si Marie, bukas."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD