"S-sya pala yung Daddy mo?" tanong nya.
Tumango lang ako, wala ako sa mood para mag salita.
Wala kaming imikan ng makarating kami sa bahay.
"Salamat." at dumeritso na ako sa bahay, alam kong medyo pangit ang ugaling pinakita ko kay Sir Adi, pero bukas nalang siguro ako mag sorry. Oh may mukhang maihaharap pa ba ako sakanya?
-----
Nagkulong ako sa kwarto.
Umiiyak.
Hindi naman bago sa'kin to, sanay na ako.
Sanay na akong umiyak ng patago.
Sanay na akong masaktan na ang pamilya ang dahilan.
Pero nakakapagod.
Nakakapagod masanay.
"Ezha, nandito yung Daddy mo, kain na daw kayo." si Manang.
Nakalimutan kong i-lock yung pinto kaya nabuksan nya ito nag tulogtulogan nalang ako.
"Ang himbing naman ng tulog ng alaga ko. Napagod siguro." sabi ni Manang at umalis na.
----------
Kinabukasan alas syete pa ng umaga nasa School na ako, papunta na sana ako sa Cafeteria para kumain ng almusal ng nakita ko Sir.
Nakakahiya pala yung nangyari kahapon.
Naawa siguro sya sa'ken ngayon.
Yung tatay ko may kabit.
Hindi ko na sya pinansin at nag order nalang ako ng pagkain at umupo sa may bakanteng upuan.
"Hindi kapa kumakain Ez?" Biglang sumulpot si Sir Adi.
Hindi ba obvious? Kaya nga may kanin at hotdog sa harapan ko kase hindi pa ako kumakain.
Gusto ko syang barahin, pero wag nalang. Wala ako sa mood.
"Hindi rin ako kumain sa bahay." sabi nya at umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan ko.
Share mo lang?
Wala ako sa mood para kausapin ang sino man kaya binilisan ko ang pagkain.
"Dahan dahan lang, wala namang humahabol sayo." tumawa pa sya.
"Mauna na ako Sir." pumunta muna ako sa Cr para mag toothbrush at pumasok na sa Classroom.
Wala talaga ako sa mood pumasok ngayon hindi ko pa alam na may quiz pala kami sa English.
"Girl pa copy naman" bulong ni Erik sa tabi ko.
Tapos na ako pero hindi ako sure kung tama yung mga sagot ko. Wala akong pakealam last subject na rin naman 'to, uuwi na ako.
"Pa cop-" hindi pa tapos si Erik ng binigay ko sa kanya yung papel ko.
"Wag mo'kong sisihin kung babagsak ka"
"Oo naman. May tiwala naman ako sayo"
Tapos na ang mga kaklase ko at umuwi na ang ilan sa kanila, ampota Erik kokopya na nga lang ang bagal pa.
"Ikaw nalang mag pasa kay Sir nyan. Uuwi na ako"
Dumeritso na ako sa labas, hindi muna ako pupunta sa office ni Sir Adi, wala ako mood para mag linis.
Halos tumalon naman yung puso ko ng makita ko Sir Adi na nasad labas ng classroom namin.
"Ez, kailangan kita sa office" sabi nya.
Wala akong magawa kaya sumama na ako sa kanya, responsibilidad ko naman 'to bilang SA.
Pagkarating sa office didiretso na sana ako sa Cr para mag linis- dahil yun lang naman talaga ang ipinapagawa nya sa'ken ng bigla syang nagsalita.
"Upo ka muna, wag ka ng mag linis. Oorder ako ng pagkain, anong gusto mong kainin?" Tanong nya.
"Sir wala ako sa mood makipaglandian sayo, kaya pwede ba? Uuwi na ako."
Tumawa naman sya.
"Uuwi kana? Sayang naman oorder pa naman sana ako ng Pizza na may maraming pineapple tapos nachos na maraming cheese. Sge kung uuwi kana ako nalang ang kakain" yung tono ng boses nya parang batang naiiyak, alam ko ko naman na inaasar nya lang ako.
"Sir wag kang pabebe, ang sagwa" tumawa ako.
"Oorder na ako, baby girl" tumawa sya.
Baby girl.
Tangina, napangiti ako.