Chapter 10

797 Words
2 months na simula ng naging Student Assistant ako ni Sir Adi, sa maniwala kayo o sa hindi, nag iba na ang trato nya sa'ken. Hindi cold, Hindi rin jolly. Normal lang. Parang Guro lang na tinrato ng mabuti ang isang estudyante. Na parang anak. Or Kapatid. Ampota. "Tangina, sino ba ang nag imbento ng mathematics at gugulpihin ko." Nandito ako sa Office ni Sir, gumagawa ng assignment! "Simple lang naman yan. Itinuro na yan nung grade 9 pa kayo." sulpot niya. Tangina, hindi ko nga matatandaan yung lesson namin kahapon nung grade 9 pa kaya?! "Ba't ba yan ang mga favorite lines ng mga Guro 'simple lang naman yan blahblah'." Pumunta sya sa tabi ko at tinignan yung assignment. Hays, ang gwapo. Ang bango pa. "Ganito kase yan-" panimula nya at nagsimula ng i-explain ang assignment ko. May pakinabang rin pala ang pagiging bobo ko sa math. I love mathematics!! ---- "Naintindihan mo ba?" Tanong nya bigla. Tapos nya ng iexplain sa'kin ang mga formula pero ni isa wala akong naiintindihan! Paano ba naman ako makakapag focus kung nasa tabi ko sya. "Oo" kahit hindi naman talaga. Tinignan ko ang Assignment ko at nasagotan nya na pala lahat. "Sir, kumusta naman yung grade ko sa Science?" Tanong ko bigla. "Okay naman, ba't mo natanong?" "Bukod sa Math parang olats rin ako sa Science" "Bakit? Hindi mo ba ako naiintindihan pag nag didiscussed ako? Mabilis lang ba? Ano?" Natawa naman ako para syang gago. "Minsan nakakatakot ka kapag seryoso at isa pa feeling ko maraming babagsak sa subject mo" pananakot ko. "Bakit?" Tanong niya. "Sino ba naman kase ang makakapag focus kung yung nagtuturo ang gwapo tas ang hot pa! Sa blackboard lang sana titingin pero hindi talaga maiwasang tignan yung mukha mo, ang gwapo kase!" Pagrereklamo ko. Tumawa nama sya. Ampota?! Tumawa sya! "Marunong ka palang tumawa Sir." pang aasar ko sa kanya. "Alam mo Ms. Ledezma, ikaw lang yung ganyan. Pag nagtuturo ako sa klase nyo lahat ng classmates mo focus at sa blackboard lang nakatingin pero ikaw, kung yelo palang ako matagal na akong natunaw." sabi niya. "Ang gwapo mo kase!" Tumawa nanaman sya. "By the way, 1st Grading Recognition Day bukas sino ang dadalo sayo? Parents mo?" Tanong niya bigla. "Ah si Daddy lang kase may pinuntahan si Mommy tapos si Kuya nasa Mindanao next month pa ang uwi nun" Si Mommy sana yung pupunta bukas kaso giniit niya na siya nalang daw. Akala nya siguro madadala nya ako sa pagpunta niya dito bukas. Tsk. "Sige unuwi kana para makapaghanda kana bukas" "Sige, bye Sir. Ingat ka pauwi ha." at tumawa. ----- Tinawagan ko si Marie para sabay na kaming umuwi pero hindi ko sya ma contact, hindi ko rin sya nakita kanina ah, iba talaga pag may boyfriend na. Uuwi na sana ako ng medyo kumulo yung tyan ko, kaya dumeristo na ako sa canteen. Kahit medyo hapon na marami pa rin yung mga estudyante. Nag order lang ako ng isang slice na pizza at juice. Oo alam kong kulang pa'to pero no choice ako, ubos na yung allowance ko tapos mag tataxi pa ako mamaya pauwi. Sana talaga may himala mamaya at tatawag si Kuya Rix para ibigay na sa'kin yung allowance ko ngayong month. Dala dala ko yung tray ng pagkain ng nakita ko si Dmitri, kumakain mag isa sa table kaya naisipan kong puntahan siya. "Hoy" gulat naman siyang napatingin sa'kin. Umupo ako sa upuan na nasa harap niya at tinuro ko yung bukol na nasa noo ko. "Nakita mo 'to?" pananakot ko sa kanya. "Uh- sorry-" parang kinabahana pa siya. Gusto kong matawa pero pinigilan ko ang sarili ko. Focus Ezha, para sa pagkain! "Mapapatawad kita, kung ililibre mo ako" tinaasan ko siya ng kilay. Gulat naman siyang napatingin sa'kin. "Oo ba, ano bang gusto mo?" Tadaaaa! "Burger, Fries, tapos Mango shake, Shawarma, Carbonara at dalawang box ng pizza, itake out mo nalang, yung Hawaiian" "Sigesige" nagmamadali siyang pumunta sa counter para bilhin yun. ----- "Sorry talaga ha, hindi ko talaga sinasadya" busy ako sa mga pagkaing nasa harap ko, ito namang si Dmitri, sorry ng sorry eh parati ko namang sinasabi na okay lang. "Dmitri nga pala" lahad niya sa kanyang kamay pagktapos kong kumain. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Alam ko" uuwi na ba ako? How rude, kailangan kong magpasalamat sa kanya. "Uh- Ezra" nakipag shake hands na rin ako. "Salamat nga pala sa foods Dm" "Dm?" Tanong niya. "Dmitri for short Dm, duh" inirapan ko pa siya, tumawa naman siya. Nagkuwentuhan lang kami saglit at hinatid niya ako sa main gate. Nag taxi ako pauwi ayoko kaseng magpakuha sa driver baka may plano si Daddy na mag dinner sa Resto at ayokong kasabay sya. Ayoko sa kanya. Ayoko sa presensya nya. Kahit tatay ko pa sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD