Chapter 9

771 Words
Lunch break namin ngayon at mamayang hapon ay may program sa Gym at dahil wala namang pasok pumunta ako sa Office ni Sir para dun na kumain, isasama ko sana si Marie pero ang gaga, nakipag date nanaman! "Hi sir" ngiti ko pagpasok. Agad namang dumako ang mga tingin nya sa dala ko. Ohyes! Bumili ako ng pagkain, yun yung plano ko eh. "What's that?" tanong nya. Ampota, bulag ba sya? Tsk. "Pagkain 'to Sir binili ko sa labas dyan lang sa Mcdo. Ang Bobo ampota" binulong ko nalang ang huling sinabi. "Ako? Bobo?" Hala! Tangina, narinig nya? Tinignan ko sya at as usual seryoso pa rin yung mukha niya. Kailan ba'to tumawa? Ngumingiti ba'to na bukal sa puso? Parating seryoso kase yung aura at pag ngumingiti naman yung ngiting walang humor. Hahays. Ba't ba nagustuhan ko'to? "Ms. Ladezma, ano yung sinabi mo?" Ano, yung bobo? "A-ah k-kase Sir-" Tangina, huhu hindi ko naman alam na may irereact pala sya sa sinasabi ko eh. At isa pa matagal na akong ganito sa kanya ba't ngayon nya lang ako pinagtuonan ng pansin! "Guro ako Ms. Ledezma. Kailan pa naging Bobo yung mga Guro? At isa pa isusumbong kita kay Dean pwede kang ma suspended sa sinabi mo, harap harapan ba namang sinabihan ang isang Guro na bobo" Seryosong sabi nya. Seryoso ka na nyan Sir? Hays, ba't ang gwapo pa rin!!! Akala nya siguro natatakot ako at kinakabahan. Well, kinakabahan, Oo. Pero Hindi dahil galit sya kundi dahil kinikilig ako! "Ms. Ledezma-" Hindi pa sya tapos sa pagsasalita ng may naisip akong hugot. Anak ng, yun yung meme na shinare ko kagabi eh. May kwenta rin pala ang pag sscroll ko sa f*******:! Natawa ako. "Sir totoo naman ah, ang Bobo mo kaya" tinignan ko sya na parang asong ulol na galit na galit. Tumawa ako. "Sir Bobo ka naman talaga" pang iinis ko pa. "Leave" malamig nyang sabi. Anak ng! Pikon! Ang cute!!! "Sir totoo Bobo ka talaga. Kase ikaw yung Bubuo sa buhay ko" ngiti ko sabay kindat. At anak ng! Pumula ang pisnge ni Sir. Ang cuteeeeee! "Ano Sir, bobo ka diba?" pang aasar ko pa. "Ikaw yung bobo" sagot nya pabalik. Napangisi ako. "Bakit Sir ako rin ba ang bubuo ng buhay mo?" Pang aasar ko. "Ikaw yung Bubuo ng bahay ko" Ha? Ano daw? Gumagawa ba ng bahay ang Abogado?! "Sir, for your information mag Aabogado ako" "Hindi ko naman tinanong" sagot nya at kinuha na ang dala kong pagkain. "Skl Sir, mag aabogado ako. Naks ha, kaya ikaw Sir, dapat mahalin mo'ko, ipaglalaban kita!" "Tss." "Sir alam mo ba ang mahal nyan! Grabe ubos na allowance ko" Pagsumbong ko sa kanya. "Hindi ko naman sinabing bilhan mo'ko neto" sabi nya habang may kinukuha sa wallet. At biglang naglabas ng isang libo! Yaman naman ng future husband ko hindi ko na kailangang magtrabaho! Inabot nya sa'ken ang pera. "Ay Sir, wag na pala. Hindi naman mahal yan" pagtanggi ko. "Huh? Akala ko ba mahal 'to?" At tinuro ang supot ng pagkain. "Sir ano ba, mas mahal kita" pang aasar ko. Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba 'yon pero pumula yung pisnge niya. Tinignan niya ako biglang kumunot ang noo niya ng napadako ang mga tingin niya sa noo ko. "Anong nangyari dyan?" Tangina kase yung lalaking tanga eh! Bwesit masakit talaga yun, may bukol eh! "Ah, wala 'to Sir. Halika na kain na tayo." tatayo na sana ako para kunin yung burger ng bigla niya akong hinigit papuntang sofa at pinaupo. Hindi agad ako nakagalaw, may kinuha siyang ice sa maliit niyang ref dito sa opisina, at maliit na towel. Naestatwa ako ng biglang dumapo ang malamig na towel na may ice sa noo ko. "Ano bang nangyari sayo?" hindi ko talaga sure o baka feelingera lang talaga ako, pero nahimigan ko ang pag aalala ng kanyang boses. Sir, naman. "W-wala" ang bilis ng takbo ng puso, tangina heart wag kang ganyan, baka marinig niya at malaman niyang patay na patay ka talaga sakanya. Ewan ko ba pero parang pasasalamat ko pa yung si Dmitri dahil binato niya ako ng libro eh. Makita ko lang yan mamaya, ililibre ko sa kanya lahat ng pagkain sa canteen! Hindi ko na talaga kaya, sasabog na yung puso ko, ang sakit. Literal yung sakit. "A-ah Sir, okay lang hehe" marahan akong tumayo at lumayo sa kanya. Dumeritso ako kung saan yung mga pagkain at tinignan siya. "Sir halika na, kumain na tayo. Baka lumamig to." Ang sakit talaga. Wala naman akong sakit sa puso. Ganito ba pag na iinlove?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD