"Class dismissed."
Naks! Yan, yan ang salitang paboritong paborito ko!
Ang sarap sa tenga!
Lumabas na ako classroom ng makita ko kaagad ang pinaka langhiya kong best friend.
"Sismars, May date ako hehe, una na ako ha?"
Agad namang kumunot ang noo ko.
Date?
Baket my boyfriend ba'to?
"Sis, gutom lang yan. Wala kang jowa, hoy! Baka nakalimutan mo yung crush mo ako yung gusto, ano ba" pang aasar ko.
"Heh! May boyfriend na ako! Si Edrian!" Pagyayabang niya.
Edrian? Yung model na sikat dito sa school?
Tangina, pinatulan ni Edrian 'to?!
Jusmiyo!
"Ano nganga ka ghorl? Kawawa ka naman wag kang mag aalala single rin si Sir" pang aasar niya pa.
Duh, alam ko namang single si Sir no, dimo sure baka next year may girlfriend na yun. Tinatanong pa ba kung sino?
Syempre ako.
"Edrian!" Agad napabaling ang atensyon ko sa kaibigag tumatakbo papunta dun sa bago nyang jowa.
"Hoy Ezha, wag ka ngang paharang harang sa dinadaanan ko" tinignan ko si April.
"Ha?" Tanong ko.
"Sabi ko-" hindi pa sya tapos sa sasabihin nya ng putulin ko sya.
"How you like that" at tumakbo papunta sa library na natatawa.
Tengene, ano bang problema ng mga tao dito, at isa pa din yung si April since grade 8 kami ako yung pinag iinitan! Alam ko namang hot ako noh kaya nga napainit ko ulo nya kahit wala naman akong ginagawang masama.
-------
Nandito ako sa Library nagbabasa ng libro at nag answer na rin ng assignment, ayoko kaseng gawin ang assignment ko sa bahay.
Mga 30 mins lang at tapos na ako.
Kaya dumeritso na ako sa opisina ng future husband ko. Hehe
----------
"Good afternoon Sir" bati ko sa kanya.
At as usual hindi pa rin ako pinapansin.
Dalawang araw simula nung naging SA niya ako at nakakaloka!
Pinapalinis niya lang ako ng CR!!!
Amputs, hindi talaga ako na inform na Janitress pala tong pinasukan ko!
At dahil nasanay na ako dumeritso na ako sa CR nya na as usual malinis at mabango naman pero gusto niya pa rin tong linisin ko, kaya G lang. Utos to ng future hubby ko eh.
Minsan nga nag iimagine nalang ako na isa akong mabuting asawa na nag lilinis dito sa bahay at yung pinakagwapo kong asawa ay nasa tabi lang nag tatrabaho.
Ang ganda naman mamuhay sa imahinasyon.
"Sir tapos na ako" at umupo sa sofa.
Ganito ako lagi, pagkatapos mag linis, uupo sa sofa at makikipagkwentuhan sakanya kahit alam ko namang wala syang pake at hindi sya nakikinig.
"Grabe Sir, nakakapagod kanina sa Math! Sabi ni Sir. Ramos simple lang daw yung quiz, syempre simple lang yun para sa kanya e alam nya yung sagot, kase sya yung gumawa! Hmp!"
Hindi pa rin sya kumibo kaya nagpatuloy ako.
"Tapos si Edrian! Kilala mo yun Sir? Yung senior na gwapo tapos-" hindi pa ako tapos sa pagsasalita ng padabong niyang nilagay ang libro na binabasa niya sa kanyang mesa.
"Sir, dahan dahan naman glass yung mesa mo baka mabasag, at isa pa pag malaman ni Dean na nabasag 'tong mesa, lagot ka." Pananakot ko sa kanya pero hindi naman sya natakot.
"Sir ba't ba kase ang seryoso mo?" tanong ko sa kanya ng naramdaman kong medyo interesado sya sa mga sasabihin ko.
"Busy lang ako" sagot nya.
Woah, marunong palang magsalita 'to?
Napatawa ako.
"What's funny?" Seryoso nyang tanong.
Sa dalawang araw kong pagiging SA niya ngayon nya lang talaga ako pinagtuonan ng pansin.
"Wala, first time mo kase akong kinausap simula nung Thursday" at tumawa.
"Tss" sagot nya.
Amp, ang sungit!
"So, anong meron kay Edrian?" tanong niya.
Ha?
Bakit, ano ba ang nangyari kay Edrian?
Ay, oo nga pala yun yung chismis ko sa kanya kanina.
"Ah si Edrian. Wala naman" sagot ko.
Gusto ko sanang sabihing Boyfriend ni Marie si Edrian kaso wag nalang student nya pa naman si Marie baka pag malaman nya isusumbong nya kay Tita Maris pag may teacher-parent meeting sila.
"Uuwi na ako, umuwi ka na rin" malamig niyang sabi at binalik ang tingin sa libro na binabasa.
Kinuha ko ang bag at nagpaalam.
"Good bye Sir"
At anak ng? Hindi ako pinansin!
--------
Habang naglalakad papuntang main gate pinaplano ko na sa utak ko kung ano ang mga dapat kong gawin upang mapansin ni Sir.
Pupuntahan ko kaya siya sa bahay nila? Pero hindi ko naman alam saan yung bahay nila.
Yayain ko kaya siya mag date? Tss, papayag ba yun?
Gagawa ulit ako ng letter? Argh! Ayaw ko na no! Hindi naman ma a-appreciate, hmp! Tengena, bumili pa talaga ako ng magandang ballpen at papel nung nag confess ako sa kanya, tapos yung letter, parang tinapon niya lang!
Eh kung bibili ako ng pagkain? uhmm, ano ba ang gusto niya? Fries, burger, shawarma, milktea, oh- ako nalang kaya? Masarap rin naman ako, duh.
Hays, ang hirap kase basahin niyang si Sir eh, parang baliw tapos-
"Aray!!!" tangina, bakit bigla bigla nalang akong tinapunan ng libro, sino ba yun?!
"Sorry, natamaan ka ba?" mabilis akong pinuntahan nung lalaking, alam ko na sya yung bumato! Teka, Dmitri ang pangalan neto eh, yung transferee na gwapo da. Tss gwapo? Wala silang taste.
Sarcastic akong ngumiti sa kanya "Tanga ka ba? Sisigaw ba ako ng 'aray!' kung hindi ako natamaan?" inirapan ko siya, aalis na sana ako ng tumawa siya.
May nakakatawa ba?! Tangina, pinipikon niya ba ako?
"May nakakatawa?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Uh- w-wala" tss.
"Dmitri, Hali ka na may practice pa tayo!" nilingon ko yung likuran niya, nandoon yung mga basketball players, hinihintay siya para sa practice ata nila. Tinignan ko naman si Dmitri na hanggang ngayon titig na titig sa'ken. Inirapan ko siya at dumeritso na sa main gate.
Bwesit, ang sakit ng noo ko.