Chapter 7

572 Words
"Paki linis ng Cr Ms. Ledezma." utos nya habang naka upo sa swivel chair at nag checheck ng mga papel. Teka?! Student assistant ako hindi janitress, nakakaloka! "Sir tutulungan na kitang mag check. Hindi naman ako aware na ang pagiging Student Assistant mo pala ay para naring nag jajanitress" sagot ko sa kanya. "Yun yung utos ko, kaya gawin mo Ms. Ledezma" malamig nyang tugon. Napakaseryoso naman neto, hindi na mabiro. "Sir kay Ms. Flores nalang ako total ako rin naman yung naka perfect sa quiz nya kanina at tinanong nya pa sa'ken kung pwede ba akong maging Student Assistant niya." "Sige." masungit nya paring tugon. What the?! "Pumunta kana kay Ms. Flores." "Joke!! Ano ba yan Sir hindi mabiro, syempre pinagsikapan kong ma perfect yung quiz kanina para ako ang maging SA mo para araw araw tayong magkasama, tapos sabay tayong kakain tapos ihahatid mo'ko, tapos ayun maiinlove kana sa'ken tapos manliligaw ka tapos sasagutin kita!" at tumawa pa ako. "Tss. Ang daldal" bulong nya pero rinig ko naman. Tumawa nalang ako at pumunta sa Cr ng office nya para linisin ito. "Sir, Cr nyo lang po ba ang lilinisin? Yung bahay nyo madumi ba? Marami bang kalat? Naks Sir, kayang kaya ko yan! Tara punta tayo sa bahay nyo at ng malinisan ko rin!" Tapos na kase akong mag linis sa kanyang Cr. Sa totoo lang mas nakakadagdag pogi points yung lalakeng mabango at malinis. Nilinisan ko yung Cr nya pero ang linis naman tapos ang bango pa! "You may go now." malamig parin yung boses niya, habang nagbabasa ng libro. "Ano ba yang binabasa mo Sir. Pocketbook bayan? Marami kami sa bahay nyan Sir, pero sinunog ni Manang Alice yung kasambahay namin. Grabe yung iyak ko nun pero wala naman akong nagawa at nag sorry naman si Manang pero okay lang rin kase binilhan ako ulit ni Mommy ng maraming maraming pocketbooks nung birthday ko!" tuwang tuwang kwento ko sa kanya. Tinignan ko sya pero patuloy pa rin sya sa pagbabasa, sinilip ko yung libro at- anak ng! Hindi pala pocketbook yun! "Sir ano ba ang favorite mo na pagkain? Sa'ken Pizza yung maraming pineapple! Tapos Nachos, burger, french fries, at Lasagna!" Patuloy pa rin ako sa pagkukwneto kahit hindi sya nakikinig. "Tapos yung favorite kong movie-" hindi pa ako tapos sa pag kukwento ng putulin nya ako. "Ms. Ledezma umuwi kana" seryoso sya. "Eh ikaw Sir? Uuwi ka na rin ba?" tanong ko sa kanya. Tumango lang sya. Parang ayaw nya na nandito ako. Kaya nagpaalam ako at umalis na. Pero hindi pa rin ako susuko noh! ---------- Pumunta ako sa parking lot at nakita ko kaagad ang sasakyan ni kuya Rix- yung kapatid ko, at dumeritso na ako dun. "Ez, maypupuntahan kami ni Daddy at Mommy ngayong Saturday, sumama ka" sabi nya habang nag didrive. "Talaga? Saan naman kuya? Malayo ba?" Sumasama kase kami ni kuya kina Mom at Dad pag pumupunta sila ng mga Bukid or Probinsya para tulungan yung mga taong walang pera na nangangailangan ng check up at gamot. "Hindi ko pa alam." Anak ng? Nag yaya tapos hindi alam kung saan pupunta. Dumating na kami sa Restaurant at nakita ko kaagad sina Mommy at Daddy, bumeso at yumakap ako kay Mommy at hindi na pinansin ang presesnya ng taksil kong ama. Nag order na kami at kumain, maraming tanong si Daddy samin ni kuya at nagsasalita lang ako pag tinatanong niya. Tangina, babaero.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD