Lee’s POV Blister made a round kicked but I automatically ducked to avoid her kick. Doon ako nagkaroon ng pagkakataon na sipain ang isang tuhod niya para mawalan siya ng balanse at matumba tsaka mapahiga sa carpet. Mabibigat ang sunod-sunod nitong paghinga at pagod na umupo, pawisin ang mukha habang ang buhok nito ay nakatirintas. Umayos ako ng tayo at nilahad ang kamay ko sa kanya, namumula ang pisngi ni Blister habang tagaktak pa din ang pawis. Hindi niya tinanggap ang kamay ko bagkus ay kusang tumayo. Ang mukha niya ay matapang at palaban. “Natalo mo ulit ako, Lee,” she stated with a fierce eyes. “Pero wala ding silbi ang galing mo kung hindi ka sumasabak sa misyon,” prangka nitong usal. She always say what is on her mind. Napakagat ako ng pang-ibabang labi dahil naapektuhan ako

