REYN’S POV Sinubukan ko ulit na buksan, pinilit kahit na nakalocked. Malakas ang kutob ko na may kakaiba sa kuwartong ito. Kinagat ko ang daliri ko habang malalim na nag-iisip. Hindi koi to mabubuksan kong walang susi, naghanap ako ng susi pero dahil sa pagpapanic na baka hanapin na ako ni Ethan ay wala akong nagawa kundi ang bumalik na lamang sa kanila na may dalang tubig. “Tubig, para mahismasan kayo,” I smiled at them. Nilapag ko ang tray na dala. “What took you so long?” tamad na tanong ni Ethan, wala sa akin ang tingin kundi nasa beer na hawak niya. “NagCR ako eh,” pagsisinungaling ko. Napawi ang ngiti sa labi ko nang arogante niya akong tinaasan ng isang kilay. He seems mocking me or not believing on my excuse. Nahihirapan akong lumunok at napaiwas ng tingin sa kanya.

