REYN’S POV “Na-nagkamali ako ng kuwarto na pinasukan,” I uttered. Tumaas ang isang kilay nito at mas lumapit pa sa akin. “At paano ka nakapasok? May tauhan ako na nagbabantay sa labas.” Alam kong cornered na ako pero susubukan ko pa ding makawala. “Pumasok ako, baka hindi lang nila napansin?” inosenting sambit ko. Saglit siyang tumahimik, his stares is scanning me. Ilang segundo pa at ngumisi ito. I don’t know if he bite my alibi or he is just faking it. “Siguro,” tumatango habang nakangisi. “Ahm. Lalabas na ho ako.” Wala siyang sinabi bagkus ay tumango lang. Iniwan ko na siya sa opisina niya at nagmamadaling pumasok ng kuwarto ni Ethan. Nang maisara ko ang pinto ay tsaka lang ako nakahinga ng maluwag. I glanced at Ethan who is sleeping peacefully on his bed, mas pinili ko

