Reyn’s POV “Anong gusto mong suotin ko?” tanong ko sa kanya habang naghahanap ng damit sa closet. Nasa likod ko siya, crossed arms na nakahilig sa pader habang pinapanuod ko. “Anything. Boyfriend mo ako pero hindi ako makikialam sa susuotin mo.” Nakangiti akong bumaling sa kanya. “Boyfriend pala kita? Bakit ikaw lang ang nakakaalam?” natatawang biro ko. “Ngayon alam mo din,” he mumbled and grinned. Napanguso lang ako at kinuha ang isang sando tsaka nilapag iyun sa kama. Hindi ko alam kung seryoso ba si Ethan sa sinabi niya, pero aayaw pa ba ako kung unti-unti ko nang naisasakatuparan ang plano? Lumapit siya bigla at tinignan ang nilabas kong damit. “Magsasando ka? Malamig sa labas,” seryosong tanong nito. Humarap ako sa kanya. “Akala ko ba hindi ka makikialam sa susuot

