Reyn’s POV Hawak ko ang dalawang tuhod ko habang habol ang paghinga, naramdaman ko ang kamay ni Ethan sa likod ko. Nang tignan ko siya ay iniabot nito ang tubig sa akin. “Okay lang,” pagtanggi ko. “Give me your bag.” Mabilis akong umiling at iniangat ang tingin sa mga kasama namin na medyo nauuna na sa aming dalawa ni Ethan. “Come on, don’t be stubborn. Pagod kana,” he stated seriously and looked at his friends. “Let’s take a break, guys.” Marahan akong napalunok at umupo sa isang malapad na kahoy, tumabi naman sa akin si Ethan at iniabot ulit ang tubig niya sa akin. “Salamat,” pabulong kong saad. “Is this your first time doing this, Reyn?” tanong ni Gray sa akin. Tumango ako at ngumiti. This is my first time seeing the beauty of real world. Hindi biro ang makulong ng na

