Lee’s POV Nagising ako sa pamilyar na kuwarto. Hinawakan ko ang nuo ko sa sobrang sakit, doon ko naramdaman ang pagtabi ni Ethan sa akin at paghagod sa likod ko. Nang pagmasdan ko ang kuwarto ay nakita ko ang iilang mga gamit ni Ethan, nasa mansyon ako ng mga Ramirez at nasa loob ako ng kuwarto niya. “A-anong nangyari?” paos kong tanong sa kanya. “Sumabog ang sinasakyan niyong yate, kung hindi ako nakarating ng maaga ay paniguradong nalunod kana.” Napayuko ako at inalala ang mga nangyari. He looks worried and bothered. Nang balingan ko ang bintana ay malungkot ang kalangitan at kulay abo ang mga ulap. It’s going to rain. “Si Terrence?” I panic. Mas nag-aalala ako sa nangyari kay Terrence kaysa sa misyon ko kay Roland. Nang makita ko ang reaksyon ni Ethan ay mas lalo lang ak

