Lee’s POV Nakatingin lang ako sa maliit na bintana, ang tanging nagbibigay liwanag sa loob ng madilim na kuwarto. I can hear the sound of the waves, and it scares me. Tuwing naririnig ko ang dagat ay nanginginig ako sa takot, lalo na kapag alam ko na sobrang lalim at hindi ko kayang maabot. Ngayon, ang kamay ko ay nasa likod ko, nakatali sa paa ng lamesa. Bumukas ang pinto dahilan para mapaangat ang tingin ko. Kahit madilim ang kuwarto ay kilalang-kilala ko ang pumasok. Lumapit si Ethan at nilapag ang pagkain sa sahig, kahit hindi pa ako kumakain ay hindi ko maramdaman ang gutom sa dami ng iniisip. Nakaluhod ang isang tuhod ni Ethan, habang ang isang siko nito ay nakapatong sa kanyang isang tuhod. “Eat,” he whispered. “Hindi ko pweding tanggalin ang tali mo.” Akmang isusubo na

