Chapter 4

2277 Words
Author's Note: Eto na naman po ako. Ito na po 'yung tamang sequence. Hope you enjoy guys. Maagang gumising si Cyndie. It's Sunday and it means worship time. Marami din naman siyang dapat na ipagsalamat sa Maykapal. She got a home, wherein nagmistulang hideout niya na rin habang lumalaki. Nakakapag-aral siya dahil sa tulong ng Tita niya. Well, kahit hindi ang kursong pinapangarap niya eh okay na rin. Mas mabuti na 'yung meron kesa sa wala, 'di ba? "Ano kaya ang susuotin ko?" tanong niya sa pagkatapos niyang maligo. Balak niya sanang magsuot ng maong jeans at puting long sleeves na paparisan niya sana ng korean sandals. Pero nai-imagine na niya ang magiging reaksyon ng tiyahin. "Ano na naman 'yang suot mo? Magsuot ka ng bestida. Andami ng bestida na binili ko para sa'yo para magamit mo sa tuwing sisimba tayo. Alam mo ba na pangit tingnan sa babae ang nakamaong pag' nagsisimba?" walang preno na sermon ng tiya sa kanya nung lumabas ito ng kwarto na nakapantalon at naka-polo shirt. Iniiling- iling niya ang ulo at iwinaksi ang pangyayaring iyon sa isipan. Simula kasi noon, ang Tiya na niya ang pumipili ng sinusuot niya sa tuwing nagsisimba sila. Hindi na siya kumokontra pa o nagrereklamo dahil hindi rin naman siya mananalo. "Kung ito na lang kaya?" sabi niya nang makakita ng isang emerald green na long sleeve at flower printed skirt na hanggang tuhod ang haba. Nang makapagdesisyon ay kinuha niya ito sa hanger at saka sinuot. Naglagay lang siya ng kaunting pulbo at manipis na lipstick sa labi. Pagkatapos ay dali-dali itong lumabas. Nadatnan niya ang kanyang tiyahin na nakaupo sa sofa. Nakasuot ito ng terno na blouse at palda. Nakasukbit sa balikat nito ang isang Class A Prada bag. "Buti naman at natapos ka rin. Kanina pa naghihintay sa labas sina Victor," tila naiiritang sabi ng tiya saka tumayo. Ano raw? Nasa labas sina Victor? Bakit? "Ano pa ang tinatayo mo diyan? Halika na at baka mahuli tayo sa misa," supladang turan ni Luchie sa pamangkin. Pagkalabas nila sa gate ay nakita niya si Victor na nakatayo sa labas ng sasakyan nito. As always, kahit anuman ang suotin ng binata ay lalo lang itong gumaguwapo. Hindi niya maiwasan na mailang at kabahan dahil ito ang unang beses na sabay sila na magsisimba. Gayunpama'y nginitian niya pa rin ito. "Good morning, pretty," nakangiting bati ng binata sa kanya saka binuksan ang pinto sa front seat ng van. Halos mamula naman ang kanyang pisngi sa bati ng lalaking ito. Buti na nga lang at hindi na siya naglagay pa ng blush on dahil pag' nagkataon eh parang payaso na ang naging kalalabasan ng itsura niya dala na rin ng pamumula. Umupo siya sa front seat ng sasakyan. Sumunod naman na pumasok ang tiyahin sa likod na kung saan nandoon rin ang mga magulang ni Victor. "Naku, sa pagkaganda-ganda naman ng pamangkin mo, Luchie," puri ni Mrs. Villegas nang makaupo ang dalaga sa unahan.  Matagal na ang pagkagiliw ng ginang kay Cyndie dahil sa pagiging mabait, mahinhin at pagkamasunurin nito. Nabanggit din nito minsan na gusto niya na maging daughter-in-law ang dalaga. "Aba, syempre naman. Sayang naman ang ginastos ko sa kanya kung hindi man lang maganda ang magiging kalalabasan," may pagmamayabang na sagot ni Luchie. "Tama ka nga naman diyan," tugon ng ginang saka tumawa ng mahina. Medyo nailang si Cyndie sa mga usapan ng dalawang babae sa loob ng sasakyan. Wala kasi silang pinag-usapan na hindi tungkol sa kanya. Mula sa nalalapit niya na graduation, board exam at hanggang sa mga eskwelahan na pwede niyang pasukan ay kanila ring pinagdiskusyunan. "Are you alright?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Victor ng mapansin ang isang kamay ng dalaga na tila kinukusot ang palda. "Ha? Yeah. Ayos lang ako," sagot niya saka hininto ang kamay sa ginagawa. "Pasensyahan mo na ang Mommy. Masyado lang talaga siyang naaaliw sa'yo," paghihingi ng pasensya na sabi ni Victor. Tipid na ngumiti si Cyndie. Kanina niya pa ipinagdarasal na sana malapit na sila sa simbahan. Nang makarating sa simbahan ay sabay-sabay na silang pumasok sa loob. *** "Ang gwapo naman ng anak ko," puri ni Sandra sa binata habang inaayos ang kwelyo nito. "Ma, tigilan niyo na ang pambobola mo sa'kin. Hindi na 'yan oobra," saway ni Theo sa ina. Hindi na siya sanay na ang ina ang umaayos ng damit niya kahit sabihin pa na ito ang umaalalay sa kanya simula noong nawala ang paningin niya. Ilang taon na ang nakalipas nang sinanay niya nang husto ang sarili na maging independent sa lahat ng kilos na gagawin niya kahit bulag na siya. Ayaw niya na maging pabigat sa ina. "Bakit, totoo naman ah. Sigurado akong maraming nagkaka-crush sa iyo sa eskwelahan," may himig na panunukso ang boses ng ina. "At sino naman ang magkaka-crush sa isang bulag na katulad ko?" mapait na tanong ni Theo. Nahinto ang ina sa ginagawang pag-aayos sa damit ng anak. Tama nga naman si Theo. Sino naman ang may maglalakas-loob na pumatol sa anak sa kasalukuyang kalagayan? "Bakit, paningin lang naman ang nawala sa'yo ah. Mabait ka naman, gwapo, matalino, at masipag. Tanging ang babaeng nakatadhana sa 'yo ang makakakita ng mga katangian mo at magmamahal sa'yo na walang ginagamit na panumbas," paliwanag ni Sandra. Kahit ganoon ang sitwasyon ng anak ay gusto niya pa rin itong bigyan ng pag- asa at maniwala sa tunay na pag-ibig.  "Naku naman, Ma. Tama na ang panonood mo ng mga soap opera ha. Pati ako dinadamay mo sa mga napapanood mo," tila naiinis na sabi nito. "Oo na. Titigil na po. Basta mag-enjoy kayo ni Stacey sa pupuntahan niyo ha," sabi ng ina saka inakay ito palabas ng kwarto. "Doon ka na sa sala maghintay para ng sa ganun eh pag' dumating na si Stacey, ready to go ka na," sabi pa nito. Pagkarating nila sa sala ay saka naman sila nakarinig ng busina ng sasakyan sa labas. "Si Stacey na ata yan, anak." Idineretso na ni Sandra ang anak sa gate. Pagkabukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya ang isang morena na babae. Nakasuot ito ng puting pantalon at flower-printed na long sleeve na naka-tucked in. "Hello po, Tita," nakangiting bati ng babae. "Mabuti naman at nandito ka na, Stacey. Tamang-tama ang dating mo. Ready to go na rin kasi itong si Theo eh," magiliw na sabi ng ginang sa dalaga. "Hihiramin ko po muna si Theo sa inyo, Tita. Ibabalik ko rin naman siya kaagad," pabirong sabi ni Stacey. "Ay naku, kahit iuwi mo po iyan sa bahay mo. Hinding-hindi ako tututol," sagot naman ni Sandra saka tumawa. Napakunot ng noo si Theo sa biro ng ina. Ano ba ang ginagawa nito sa kanya? Isang reto ba 'to o isang pagpapalayas sa kanya ng pailalim? "Pasensya ka na Stacey kay Mama. Mabuti pa lumarga na tayo," he butted in. Baka kung saan pa mapunta ang biruan ng dalawa. "Okay. Let's go," masiglang sagot ng dalaga at inalalayan ito papunta sa sasakyan niya. Pagkatapos bumeso at magpaalam ay agad na umalis ang dalawa. "Sorry talaga. Ako 'yung lalaki pero ikaw pa ang sumundo sa akin," nahihiyang sabi ni Theo nang makaupo na siya sa front seat ng Hilux. "Ano ka ba, Theo. Wala 'to. Besides, ako naman ang nag-invite sa'yo so technically ako dapat ang sumundo sa'yo," pagpapaliwanag ni Stacey at nagsimulang magdrive. "Kahit na." "Eh ikaw naman kasi. Yayain mo rin ako para sa ganun quits na tayo," pabirong sabi ng dalaga. "Don't worry. Babawi ako in my own way," ganti nito. "Aasahan ko 'yan ha." Stacey smiled. She really hopes na mangyari nga ang sinasabi ng binata. *** "Finally, we're here," pag-aanunsyo ni Victor nang i-park niya ang sasakyan sa ilalim ng isang malaking puno ng mangga. Pagkatapos kasi ng misa ay nagpahatid muna sa SM Laguna ang tiyahin ni Cyndie at mga magulang niya bago sila tuluyang umalis. Sabi nila, sila na ang bahala kung paano makakauwi kaya nasolo nina Victor at Cyndie ang van. Unang bumaba ng sasakyan si Victor para pagbuksan si Cyndie. Nang makababa ay biglang nanlaki ng bahagya ang mga mata ni Cyndie sa nakita. Isang restaurant sa loob ng isang malaking green house na may nagliliparang mga makukulay na paruparo! "Surprise!" masayang sambit ni Victor sa kanya. "Nang malaman ko kasi na dito nagpatayo ng restaurant ang pinsan ko, naisip ko agad na dalhin ka dito once na bumukas sila," paliwanag ng binata saka inalalayan si Cyndie papunta sa entrance. Sa labas ay may nakaabang na babae at lalaki na nakasuot ng pakpak ng paruparo. May mga kwintas na gawa sa bulaklak silang sinasabit sa bawat bisita na pumapasok. "Hello po Ma'am and Sir. Welcome to Cocoon Haven Resto," masiglang bati ng mga ito sa kanila saka sila sinabitan ng kwintas. Sa pagpasok nila, may mga munting paruparo na lumalapit sa kanila dahil sa bulaklak na kwintas na suot. Aliw na aliw si Cyndie sa mga paruparo. Makukulay ito at tila nagsasayaw sa paligid niya. Kakaiba ang ayos ng resto. Pabilog ang hugis ng mga mesa na gawa sa matibay na kahoy ang napapaloob sa tent na yari naman sa net. May mga nakapulupot dito na mga halamang bulaklak na siyang umaakit sa mga paruparo para ito'y pagpiyestahan. Nang makapasok ay sinalubong sila ng isang matangkad na babae na naka-costume ng parang isang diwata. "Victor, you came," salubong nito sa kanila. "And ohhh, you came with a gorgeous lady,". Nahihiyang ngumiti si Cyndie sa tinuran ng babae. "By the way, Martina this is Cyndie. Cyndie this is Martina, my cousin," pagpapakilala ng binata. "Oh, nice to meet you Cyndie. Finally, nakilala rin kita. Sa mga kwento ka lang kasi kita palaging naririnig eh," sabi nito sabay beso sa kanya. "Me too. Sabi ni Victor, you personally manage this resto. You did all the planning and everything," nakangiting pahayag ni Cyndie. Sa totoo lang, parang masa-star struck siya sa ganda ng pinsan ni Victor. She is the definition of perfection kung siya ang tatanungin. "Nagustuhan niyo ba?" tanong ni Martina. "Of course. And I'm sure masarap din ang mga inihanda mong menu sa opening mo," sagot naman ni Victor. Pagkatapos nun ay tumungo na sila sa mesang ni-reserve para sa kanila ni Martina. *** "Hulaan mo kung nasaan tayo ngayon, Theo," pilyang sabi ni Stacey matapos matulungan si Theo na makababa sa sasakyan. "I think, nasa isang garden tayo," hula naman ng binata. "What? Paano mo nahulaan agad, Theo?" kunwaring gulat na tanong ni Stacey. Napatawa ang binata. "Obvious naman kasi dahil sa halimuyak ng mga bulaklak na naaamoy ko. It's so easy. Chicken lang sa'kin," pagmamayabang na sagot naman ng binata. "Hahahaha. I'm just kidding. Tama ka pero it's not just an ordinary garden. A restaurant inside a green house to be exact," paliwanag ni Stacey habang inaalalayan sa paglalakad si Theo. Para mas ma-picture out ni Theo ang lugar, inilarawan ng mabuti ni Stacey ang lahat ng nakikita niya mula sa pinakamaliit na detalye hanggang sa highlight ng lugar. "Ibig sabihin pala, maganda nga talaga itong lugar," matipid na komento ni Theo. Nagpapasalamat siya sa effort ni Stacey para lang ma-picture out niya ang lugar. Indeed, he felt like it was a paradise. Lalo niyang naramdaman ang "paraiso feels" nang sinabitan sila ng kwintas pagpasok nila sa resto. Mabango ang mga bulaklak. Hindi man niya nakikita, nararamdaman naman niya na may mga paruparong dumadapo sa mga ito. "Ate!" napasigaw si Stacey sabay kaway sa babaeng naka-costume ng isang diwata. Pagkalingon ng babae ay agad itong ngumiti sa kanya at agad siyang nilapitan. "Mabuti at dumating ka na. Swerte ka ngayon kasi nakaladkad mo papunta si Theo dito," bungad nito sa kanila. "Ate naman. Pinapahiya mo na naman ako sa harap ni Theo eh," naiinis na sabi ni Stacey. "Hello, Ate Martina. Tigilan niyo na po ang pambu-bully kay Stacey. Nagiging iyakin kasi 'yan pag' ginaganyan mo," may himig ng panunukso ang tinig ni Theo na ikinatawa ng babae. "Walang kupas talaga ang mga hirit mo, Theo. Halina kayo. I reserved you a table next to Victor's table," yaya ni Martina sa kanila. "Nandito si Victor?" gulat na tanong ni Stacey. "Yes and may kasama siya. Let's go, ipakikilala ko kayo," she said then they started to walk towards Victor's table. Nang makarating sa table nina Victor, tinapik ni Martina sa balikat si Victor para kunin ang atensyon nito.  "Victor, look who's here?" sabi ni Martina sa pinsan. Pagkalingon ni Victor ay hindi kay Stacey dumiretso ang kanyang tingin kundi sa lalaking kasama nito. Hindi niya nagustuhan ang pagkaka-akbay ng lalaki sa pinsan niya. Sa pagkakaalam niya, wala pang nagiging boyfriend si Stacey. At kung sakaling meron man ay magsasabi ito sa kanya at sa kay Martina. "Ano ba naman 'yan. Ako 'yung nandito, pero sa iba ka naman nakatingin, Victor," kunwaring nagtatampong sabi ni Stacey nang makitang nakapukol ang atensyon ng insan kay Theo. "Well, bago kasi siya sa paningin ko. Alam mo na, pag' may bago dapat kinikilatis muna," makahulugang sagot niya. "Why don't you introduce yourselves?" suhestiyon ni Martina. Tumayo si Victor. "I'm Victor Villegas, I'm Stacey and Martina's cousin," pagpapakilala niya sabay lahad ng kanyang kamay. "Theo, I'm Theo Navarro," tugon ni Theo. Hinihintay ni Victor na makipagkamay sa kanya ang lalaki pero hindi man lang nito pinansin ang nakalahad niyang kamay kaya pasimpleng binalik niya ang kamay sa gilid niya. "Ipakilala mo namin kami sa kasama mo, Victor," sabi naman ni Stacey. Nang makita ni Cyndie na sa kanya tumingin ang nagsalitang babae, agad rin siyang tumayo. "Hi, ako nga pala si Cyndie. Cyndie Pelaez," nahihiyang pakilala niya. Napatingin ito sa kasama ni Stacey. He looks familiar but she can't remember when and where.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD