"Hi, I'm Theo. Theo Navarro." Ito ang paulit-ulit na naririnig ni Cyndie sa kanyang isip. Kasalukuyan silang naglalakad ni Victor papunta sa kanilang sasakyan. Pagkatapos ng maikling kamustahan at matikman ang lahat ng pagkain sa menu nagdesisyon na rin silang umuwi na. Nangako kasi si Victor na hindi sila magpapaabot ng gabi sa daan at ibabalik niya si Cyndie sa itinakdang oras na binigay ng tiyahin nito.
"Hindi ko talaga gusto ang Theo na iyon. Kung umasta parang boyfriend ng pinsan ko," naiinis na sabi ni Victor nang mapagbuksan ng pinto si Cyndie.
Hindi umimik si Cyndie. Hindi kasi maalis sa isip niya ang lalaki. When she saw him, a part of her heart galloped and became restless. He seems familiar to her.
"I really hope that this would be our last meeting dahil kung magkikita kami ulit I might forgot my manners," dagdag pa ng binata. After getting in the car, they both fastened their seat belt and Victor drove the car.
"He can't be. Imposibleng mangyari 'yon. Patay na siya. And besides, hindi lang naman siya ang Theo sa mundo," pag-aalo niya sa kanyang sarili.
"Cyn, are you alright? Kanina ka pa walang imik diyan,"pukaw ni Victor sa kanya nang mapansin itong tahimik at nakatingin sa labas ng sasakyan.
"Yeah. Oo naman. Ano nga ulit 'yung sinasabi mo?" sagot ni Cyndie.
"Kita mo na. Sabi mo ayos ka lang but you're not listening," pagrereklamo ng binata.
She felt guilty. Si Victor ngayon ang kasama niya pero kung kani-kanino naman napapadpad ang isip niya. Ngumisi ito at nag-sorry sa lalaki.
"Ano nga ba kasi ang sinasabi mo kanina pa?" tanong niya ulit dito. Ayaw niyang mahalata siya ng lalaki dahil baka kung anu-ano na naman ang itatanong nito sa kanya.
"Ang sabi ko, I don't like Theo. Period."
"Eh bakit nga? Mukhang mabait naman siya. At saka, di ba nga may explanation naman kung bakit ganun na lang siya kung makadikit sa pinsan mo. He is blind, Vic. Natural lang na nasa tabi niya lagi si Stacey," pagpapaliwanag ni Cyndie sa binata para naman eh ng sa ganun ay umiba ng konti ang impression nito kay Theo.
"That's right Cyndie. Bulag ang Theo na'to kaya it's really impossible," pangungumbinsi pa niya sa sarili.
"I already put a period pero andami pa rin ng dinugtong mo," lalong nagtampo ang binata.
Tumawa siya. Nakakatuwa talaga 'pag ganito ang inaasta ng binata. She finds him cute and adorable.
"Porke't may period hindi na puwedeng dugtungan? Wala naman sa grammar rules iyan," pang-aasar niya lalo kay Victor.
Victor let out a sigh. "Okay fine. You win."
Eto pa ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi niya maayaw-ayawan ang lalaki. Palagi siya nitong hinahayaan na manalo sa kahit anong argumento na mayroon sila. Victor always takes care of her lalo na nung nagkaroon ito ng atraso sa kanya.
"I always do," natatawang sabi niya saka bumaling ng tingin sa binata.
Hindi siya nagalit kay Victor nang madatnan niya itong may kahalikan na ibang babae, few years ago. Oo aaminin niya na nagtampo siya pero talaga namang wala siyang panama sa ganda at kaseksihan ng Clarisa na iyon.
Para siyang nabunutan ng tinik nang malaman na naghiwalay ang mga ito at bumalik sa Maynila ang babaeng iyon. Sa wakas, sa kanya na ulit ang atensyon ng lalaki. Nagdouble effort pa ito dahil sa kasalanang nagawa.
She can't help herself from smiling.
"O ba't ngi-ngiti ngiti ka diyan?" Victor asked her.
"Ngiting tagumpay 'to," nakangisi pa ring sabi niya.
Umiling na lamang si Victor at nagpatuloy sa pagdrive.
***
"Nabusog ka ba kanina?" tanong ni Stacey kay Theo habang pauwi sila.
"Oo naman. All the dishes were delicious. Pero wala pa ring tatalo sa luto ng nanay ko," pagmamayabang ni Theo.
Pero ang totoo, hindi niya halos malasahan ang mga pagkain because he was thinking Cyndie the whole time. Hindi man niya nakikita, nararamdaman naman niya na ito ang batang babae sa mga panaginip niya.
"Oo na po. Sana nag-enjoy ka today," sabi pa ng dalaga.
"I did. I know that I don't have the vision but I still have my other senses. Plus factor rin 'yung mga detailed descriptions mo kanina. I really thank you for that," pasalamat ni Theo.
"Pero hindi ako dapat umasa sa kutob lang. I need proof," sabi ng isang bahagi ng isip niya.
"And gusto ko rin pala mag-apologize sa ginawa ni Victor. Nakalimutan ko kasing sabihin sa kanya na... you know..." nakokonsensyang dagdag pa nito.
"Ginawa? Wala naman siyang ginawa ah," painosenteng sabi ni Theo.
"That's what you think. Pero kung nakita mo lang sana kanina 'yung reaksyon niya habang nakaakbay ka sa akin. He really thought you're being presko," pag-amin ni Stacey saka tumawa.
Napakunot ng noo si Theo. Hindi niya kasi gets kung bakit tumatawa ang dalaga.
"Ooops...sorry. Hindi ko lang talaga mapigilan matawa sa reaction ni Victor. Kung nakita mo lang sana..." Hindi na tinapos ni Stacey ang sasabihin dahil foul na siya.
She saw the sudden change of Theo's facial expression upon hearing it. She didn't mean it. Na-ammuse lang talaga siya sa pinsan and she felt comfortable joking around with Theo.
"No, it's fine. In fact, it's my fault. You're just telling the truth. Ako lang naman itong bitter," pag-aalo ni Theo kay Stacey saka kumapa-kapa para abutin ang balikat nito.
When Theo finally reached her right shoulder, she felt relieved. Sisiguraduhin niya na kakastigohin niya ang sarili 'pag nakauwi na siya. Ayaw niyang nasasaktan si Theo. She doesn't want to hear from somebody else what she has said to Theo a while ago.
"Change topic tayo. In fairness, maganda ang ka-date ni Victor kanina," may tono ng paghanga ang boses ng dalaga.
"Bakit, nagde-date na ba talaga sila nun?" mausyosong tanong ni Theo. This is a good for him. At least, makakaipon siya ng impormasyon tungkol sa babaeng iyon.
"Well, I'm not sure pero the way Victor treated her kanina and the way he looks at her bilang isang babae, I'm sure he's madly in love with her," pagpapaliwanag ni Stacey.
"Eh ang tanong, babae ka ba?" mapang-asar na banat ni Theo.
Pagkarinig ni Stacey sa sinabi ng binata ay awtomatiko itong hinampas gamit ang kanang kamay.
"I hate you!" naiinis na sabi niya saka inirapan si Theo.
"Aray...kita mo na, may babae bang ganun kasakit humampas? Equivalent na yata ng hampas mo ang isang suntok sa mukha ko eh," lalo pa nitong pang-aasar sa kaibigan.
Gustuhin man ni Stacey na gumanti ay hindi niya magawa. Baka mabangga pa sila kung papatulan niya pa ang pang-aalaska ng binata.
"Oo na. Ako na nga 'yung tibo. Pero balik nga tayo sa sinasabi ko kanina". Sumuko na lang siya nang tuluyan. "But I noticed Cyndie looked at you as if familiar ka sa kanya. Alam mo iyon, that "you look familiar" thingy."
"Ah. So ganun lang pala kadali sa kanya na kalimutan ako? Pagkatapos ng ginawa ko sa kanya, basta-basta niya na lang akong kakalimutan? Napakawalang utang na loob talaga niya," paghihimutok ng kanyang isip.
"Really? I doubt. Ang alam ko kasi, nag-iisa lang ang mukhang 'to. Wala pa akong nakikilala na lumampas sa kagwapuhan ko," pagmamayabang niya.
"Yuck, Theo. Tigilan mo na nga iyan. Nakakasuka pakinggan lalo na kung sa'yo nanggaling," nagsuka-sukahang saway ni Stacey.
But it's the opposite. Looking at Theo's face is like landing in a paradise. Sa tuwing nagsasalita ang binata, hindi niya maiwasang ma-amaze sa facial features nito. His almond eyes, thin lips at ang tangos ng ilong nito ang lalung bumibihag sa kanya.
For her, Theo is perfect. wala siyang pake kung bulag ito. Who cares? Para sa kanya, sapat na nagiging karamay siya nito sa lahat ng bagay, sa masaya man o malungkot na bahagi ng buhay nito.
"Anong yuck? It's the opposite, Stacey," sabat ng binata.
Hindi na siya kumontra pa. Kinurot niya na lang ito sa pisngi dahilan para sumigaw ang lalaki sa sakit at patuloy na nagmaneho.
***
Hatinggabi na pero hindi pa rin makatulog si Cyndie. Ewan ba niya kung bakit hindi maalis-alis sa isip niya ang lalaking nagpapakilala bilang Theo.
"Ano ba Cyndie, walang tulugan na ba 'to? Maaga ka pa bukas, remember?" Nababaliw na yata siya dahil pati sarili niya kinakausap niya na.
Bumangon ito sa pagkakahiga tapos humiga ulit. Nagpagulong- gulong siya sa kama.
"Aaarrgghhh...'wag ka ng mag-isip Cyndie. Mga matatalino lang ang nag-iisip," pang-aalaska niya sa sarili.
Kinuha niya ang kanyang unan at pinatong sa mukha saka nagsisigaw-sigaw. Inis na inis na siya sa sarili. Kailangan niya ng matulog dahil kung hindi ay tatanghaliin siya bukas.
Nang hindi pa rin umeepekto ang ginagawa ay inalis niya ang unan at umayos sa pagkakahiga. Susubukan niyang ipikit ang mga mata at baka sakaling makatulog siya.
"Andito na sila! Tumakbo na tayo," takot at nagmamadaling sabi ni Cyndie sa kasama nang makita itong lumalakad palapit sa kanya.
Hindi na siya nag-isip kung saang direksyon siya tatakbo. Alam lang niya, dapat hindi siya mahuli ng mga lalaking iyon. Tumakbo siya para tumawid sa kalsada.
Nasa gitna na siya ng kalsada nang may biglang humaharorot na sasakyan patungo sa kanya. Dahil sa labis na takot, hindi niya nagawang kumilos. Gusto niya lang mahanap ang nanay niya. Ayaw pa niyang mamatay.
Ilang sandali pa'y bigla na lang siya itinulak ng lalaki na kasama niya kanina pa sa pagtakbo.
"Tumakbo ka na, bilis!" sigaw na sabi nito sabay tulak sa kanya.
Tatakbo na rin sana ang kasama niya pero naabutan na siya ng sasakyan. Kitang- kita ng dalawang mata niya kung paano humagalpak ang katawan ng kasama sa lupa at tumama ang ulo nito sa isang bato.
Bago ito tuluyang mawalan ng ulirat ay nagawa pa nitong iunat ang kamay na parang humihingi ng tulong sa kanya. Hindi siya makakilos. Hindi niya alam ang gagawin. Lalapitan ba niya 'to? Kung gagawin niya 'yun, siguradong mahuhuli siya ng mga humahabol sa kanya.
Nakita niyang nawalan na ng malay ang kasama. Akmang lalapitan niya sana ito nang may biglang humawak sa kanyang kamay at kinaladkad siya.
"Theo!" sigaw na sabi niya nang magising siya. Panaginip lang pala. Biglang humagulgol si Cyndie.
"I'm sorry, Theo. I'm really sorry," paulit- ulit na sambit niya habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
Hindi nagtagal at nakatulog rin si Cyndie dahil sa labis na pag-iyak.