"Sasamahan kita, sa ayaw at sa gusto mo. Sa gusto't ayaw mo, sasamahan kita. Ang gwapo ko kaya" Magang maga ang mga mata ko! Ang hapdi hapdi at nakakatakot! Ang bintog bintog nya . Ang bigat bigat eh! Magdamag kasi akong ngumalngal kagabi at hindi na masyado nakatulog! Ang sakit sakit tuloy ng ulo ko ngayon. Buti nalang at walang pasok. Humilig ako at napapikit ng tumama sakin ang sikat ng araw. Bakit ang hapdi na? Anong oras na ba? Tiningnan ko ang alarm clock ko sa side table ko at nanlaki ang mata ko, 10 am na! Hindi pa ko nag aalmusal! Kaya pala kumukulo na sikmura ko. Dahan dahan akong bumangon, hinawakan ko pa ang mata ko't napapahagulgol na naman ako sa laki't hapdi! Nakakainis! Masyado akong nagpadala sa emosyon ko. Tumayo ako't naghilamos. Napangiwi ako ng makita ang mata k

