"Hindi ko din alam kung bakit eh. Basta pinoprotektahan kita, poprotektahan kita. Yun lang ang gusto ko kaya sana hayaan mo na ko" Makalipas ang isang linggo, masyadong naging busy ang lahat sa school dahil may gaganaping kung anong orientation para sa mga graduating. Sa madaling salita, para saming mga 4th year. Lahat busy, lahat may ginagawa dahil marami daw magiging bisita. Lahat napapagod, lahat natataranta maliban sa isa. At ako un. Wala akong ginawa kundi tumunganga at pagmasdan ang mga taong hindi mapakali kakagalaw at kakaayos sa gagamiting gym, para sa gaganaping orientation. Nawala ang malalim na iniisip ko ng biglang may pumitik ng kaliwang tenga ko. Taena talaga, bakit kasi tenga ko pa! Lumingon ako sa direksyong may pumitik sa tenga ko. Kunot na kunot ang noo ko't handa

