"Alam nyo guys, minsan masaya rin ang magbago ng pag-uugali lalo na pag minsan ka nang nasawi"
Nandito ako ngayon sa condo ko at tulala lang sa kawalan habang iniinum ang wine. Masyado akong na-istress ngayon.
Kagabi lang, may nakasama akong babae sa kama ko. Gabi gabi ay iba ibang babae ang dinadala ko sa bahay ko. Gabi gabi iba ibang babae ang lumalapat ang katawan sa kama ko habang sinisigaw ang pangalan ko.
Satisfied? No! Hindi ko maramdaman sa kanila ang pagkakuntento. Kaya umaabot sa puntong gabi gabi nalang iba iba ang babae ko.
Oo, nagbago ako. Pero ano ang pinagbago ko? Hindi ang pagiging s*x addict ko, kundi ang kalimutan na may pakiramdam ang kababaihan. Na nasasaktan din sila. Wala na akong pakialam ngayon sa nararamdaman nila. Basta mairaos ko lang ang pangangailangan ko, makakaalis na sila sa buhay ko.
Ni hindi ko nga tinatanong man lang ang pangalan nila. Wala akong paki. Tapos.
Dalawa lang ang kinikilala at pinangangalagaan kong Babae. Si Mom at Si Ate. Pareho silang nasa states at nagtatrabaho. Mahal na mahal ko sila. Sila lang ang babaeng dapat na ginagalang para sakin. At ang lalaking ginagalang at kinatatakutan ko naman ay ang aking Ama. Tanging sa kanila lang umiikot ang mundo ko. Wala ng iba.
At ngayon.. Hindi ko maintindihan pero, iba ang pakiramdam ko. Gustong gusto ko ang mga babaeng kahit sabihin mong first timer marami ng alam at hindi mangmang. Gusto ko ako ang kukuha ng virginity nila para hindi nila makalimutan ang First Time Pleasure nila.
At gusto ko din ung mga babaeng hindi naghahabol matapos ang one night stand. Sobra kong pinandidirihan ang mga babaeng kung makaasta akala mo, pag-aari nila ako.
Nagbihis ako ng casual lang at dinala ang susi ng sasakyan ko, nag drive ako papunta kina Augen at nadatnan ang tatlo doon. Si Augen, Caiden at Basty.
"Shawn!"
"Pare! Buti naman napadaan ka"
"Miss ka na namin uh!"
Sabay sabay nilang sabi. Ngumiti lang ako't umupo sa tabi ni Caiden.
"Nakakapanibago ka Shawn, hindi ka na sumasama sa mga gimik uh?" Sabi ni Augen
"Pasensya na. Pero kailangan siguro masanay na kayo. Mukhang madalang na akong makakasama sa inyo." Sagot ko na ikinalungkot nila
Hindi ko sila masisisi, alam kong namimiss din nila ang kakulitan namin lalo pag kumpleto kami. Hindi naman sila nawawala sa isip ko, namimiss ko din naman sila pero kasi, ang hirap magpanggap na masaya ka.
Lalo kung malungkot at kulang talaga ang pakiramdam mo.
"Bakit naman pare?" Tanong ni Basty.
"Kakalas ka narin ba sa pagkakaibigan natin?" Tanong naman ni Caiden
"Hindi naman. Ayoko nga ng iniiwan ako tapos ako naman pala ang gagawa nun sa kaibigan ko, hindi ako ganun. Lalo na pagdating sa inyo." Sagot ko
Napangiti naman sila
"Sige pare, basta pag wala kang lakad. Sumama ka samin gaya ng dati" sagot ni Basty
"Oo naman."
"Bakit ka ba nagbago? Dahil ba kay Hailey?" Tanong ni Augen
"Obvious naman tinanong pa!" Pag sagot naman ni Caiden
Napangiti ako.
"Alam nyo guys, minsan masaya rin ang magbago ng pag-uugali lalo na pag minsan ka nang nasawi" sabi ko
Sabay sabay naman silang napatingin sakin.
"Oo nga, nagbago ka nga. Ang drama mo na!" Natatawa tawang sabi Augen.
"Haha loko!" Sagot ko sabay bato sa kanya ng unan. Nasalo naman nya
Napalingon ako sa pinto ng biglang bumukas iyon. Niluwa nito ang dalwang babae. Si Diara at Anton.
"Hi Guys!" Bati nila.
Ngumiti lang naman ako, pero hindi pa ko makuntento. Para bang may hinahanap pa ako.
Napatingin sakin si Diara at nahuling lumilingon pa ko sa pintuan.
"Si Avery? Wala! May lakad. Pumunta ata sa bahay ng Bestfriend nyang si Zac" sabi nito na parang nabasa ung nasa isip ko
"Huh? May sinabi ba akong sya hinahanap ko?" Nagtatakang sabi ko
"Huh? Hindi naman ikaw kausap ko" mataray nitong sagot
Napayuko naman ako. Sya nga ba talaga hinahanap ko?
At sinong Zac naman un? Parang ngayon ko lang narinig ung pangalan na un uh!
AH! Nevermind. Bakit ba ko nakikialam pa sakanya? Eh kung tutuusin may kasalanan pa nga ako sa kanya eh. Napagsalitaan ko sya ng masama. And I'm guilty about it.
Gusto ko atang magsorry?
Pero wag na. Nakakatamad. Wala rin namang sense. Kaso mukhang hindi na sya sumasama kina Diara dahil sa ginawa ko at mga nasabi ko.
Pero wala akong paki. Ako nga na hindi ko maayos ang sarili, sila pa kaya?
Nag paalam ako sa kanila na aakyat lang ako saglit sa terrace para manigarilyo at magpahangin. Pumayag naman sila.
Nang makarating akong terrace, kinuha ko ang sigarilyo ko at sinindihan. Saka nag hits habang nakatingin sa kawalan.
Nitong nakaraang araw, may hinahanap ang katawan ko. Nabanggit ko naman na may hinahanap nga ang katawan kong ibang babae na makakapareha ko sa kama diba?
At ang huling pagkakuntento kong naramdaman ay noong ..
Kelan nga ba?
Shit. Nung kay Avery!
Hindi ko rin maintindihan kung bakit. Pero ngayon lang nahiyang ang katawan ko sa isang babae. Para bang nakahanap na ako ng perfect match. Sa kama? Oo. Sa kama lang
Huminga ako ng malalim kasabay ang pagbuga ng usok ng sigarilyo. Dahan dahan kong pinikit ang mata ko't biglang nagflash ang mukha nya kaya naman napamulat agad ako.
Ganito ba katindi ang dating nya sakin? Kakaiba sya. Oo. Pero kasi, kaibigan ko sya at hindi maganda ang gagawin ko kung magkataon. Nagawa ko na nga ng isang beses, ayoko na sanang ulitin.
Pero ...
Hinahanap hanap ng katawan ko ang katawan nya. At sht lang! Kung kelan nilalayuan ko sya at sumama na ang loob nya sakin, saka ko naramdaman ito
I want her. I want her badly on my bed now!
Pinatay ko ang sindi ng sigarilyo at hinagis sa basurahan at bumaba na.
"Guys, I need to go." Paalam ko
"Babalik ka pa ba?" Tanong ni Augen
"I don't think so" sagot ko
"Okay. Sige ingat!" Sagot naman nya
Kumaway na ako at halos mapatakbo sa paglabas ng bahay nila Augen.
At narealize ko nalang na tinatahak na ng sasakyan ko ang daan papunta sa bahay nila Avery.
Ano na namang kahibangan ang gagawin mo Shawn. Eto ka na naman sa pagkakamaling ito.