"Hindi sa lahat ng oras mabait ako. Nagbago na ako Avery. Kaya kung pwede lang layuan mo na ko kung ayaw mong pati ikaw madamay" ..
Natapos ang tatlong sunod sunod na movie at nakatulog na ang karamihan samin. Si Shawn, ako, at si ..
Uh .. Well, kami nalang palang dalwa ang gising pa! Shemay talaga.
Tumayo sya at naglakad papuntang kusina. Pagkakataon ko na siguro to. Kakausapin ko na sya!
Sinundan ko sya papunta sa kusina at nakitang umiinom sya ng tubig. Nagtama ang tingin namin pero agad syang umiwas kaya napayuko ako. Lalapit na sana ako pero bigla syang nagsalita.
"Anong kailangan mo?"
Napatingin ako sa kanya, nakatingin lang sya sakin ng walang ka emosyon emosyon.
"Tubig. Kukuha lang ako ng tubig" sagot ko *sigh* bakit kinakabahan ako?
"Ayan lang sa gilid mo ang baso at tubig" sagot nito
Napatingin ako at akmang kukuha na ng baso ng papalapit na sya at babalik na sana ng sala
"Shawn" biglang sambit ko
Huminto ito at inintay akong magsalita
"May itatanong lang ako" kinakabahang sagot ko
Hindi sya sumagot. Basta nakatingin lang sya sakin at nag-iintay ng sunod kong sasabihin
"Bakit mo ko nilalayuan Shawn? May problema ba?"
Nanginginig ang boses na sabi ko. Huminga ako ng malalim at umiwas na ng tingin. Di ko kaya ung tingin nya. Alam mong malalim kahit walang emosyon.
"Anong iniiwasan ang sinasabi mo? Pano mo nasabi yan?" sagot nito
"Obvious naman eh, saming lahat ako lang ang hindi mo kinikibo nung nakaraan pa" kabado pa ding sagot ko
"Ganun ba tayo kaclose para mapansin mong hindi kita kinikibo?"
This time napatingin ako sakanya ng masama.
"Seryoso ka ba sa pinagsasasabi mo? Eh matapos na may mangyari satin, iniwasan mo na ko!" pinipigilan ko pa ang sarili kong tumaas lalo ang boses. Baka may makarinig samin
Napangiti sya na nakakaloko
"Wala. Hindi mo ba mahalata, ayaw kitang makita?" Sagot nya
Napatingin uli ako sa kanya at isang smirk ang binigay nya. Niloloko ba nya ako o ano?
"Anong ibig mong sabihin?"
"Akala ko ba matalinong babae ka, Avery? Bakit hindi mo maintindihan ang nangyayari ngayon. Gaano ba kahirap intindihin ang salitang AYOKONG KAUSAPIN O MAKASAMA KA!" Binigyang diin nya ang mga huling salitang binitiwan nya
"Walanghiya ka! Matapos kong ibigay sayo ang p********e ko" maiyak iyak kong sabi
"Hindi kita pinilit. At intindihin mo ulit ung sinabi mo, binigay mo diba? Hindi ko kinuha." Mahinahon nyang sabi
F*CK!!
"Ganyan ka pala talaga Shawn!" Nangingilid na mga luha kong sabi
"Hindi sa lahat ng oras mabait ako. Nagbago na ako Avery. Kaya kung pwede lang layuan mo na ko kung ayaw mong pati ikaw madamay." Sagot nya saka lumabas ng kusina.
Iniwan nya ako. Mag-isa.
Hindi ko na napigilan ang pag-iyak kaya napaupo ako at tinakpan ang bibig. Para walang makaalam kung gaano kasakit. Kung gaano kalupit ang ginawa ng Shawn na yan!
Tumayo ako't tumakbo palabas ng bahay at pumara ng taxi na pwedeng masakyan.
At dun ako humagulgol ng tuluyan.
Hindi ko na pinansin pa ang pagtawag nila Diara.
"Ma'am saan po tayo?" Tanong ni Manong Driver
"Sige ho. Dirediretsyo lang" sagot ko
Sa sobrang kakaiyak ko, naghalo na ang luha't sipon ko. Ngayon lang kasi ako nakaramdam ng ganitong sakit. Akala ko, sugat lang ang humahapdi. Pati pala puso. Ramdam na ramdam mo pa.
Nakakapamura!
Ilang minuto pa'y naubos na ang luha ko kaya naman pinunasan ko na ang kamay kong pinangtakip ko ng mukha ko.
Pero nakakaiyak padin!!!! Mashakiiiit!! Huhuhuhu
Tae bakit wala ng luhang lumalabas sa mata ko?! Masyado na bang kulang sa tubig ang katawan ko?
"Nong, dito nalang ho!" Sabi ko ng makita na ang Cafe na pag-aari ni Dad.
Binayaran ko sya at naglakad na papasok ng cafe. Pagkapasok ko, nasalubong ko ang babaeng may kasamang bata at nang mapatingin sakin ung bata bigla nalang pumalahaw ng pag-iyak ung bata. Takot na takot ung itsura nya.
Ano namang nakakatakot? Lumingon lingon ako pero wala naman. Lumagpas na sakin ang mag-ina at dumiretsyo ako ng CR at muntik ko ng masuntok ang salamin sa gulat ng makita ang itsura ko.
HUWAW! Kaya siguro pumalahaw ng pag-iyak ung bata.
Nakakatakot pala talaga ang itsura ko! Ang gulo gulo na ng buhok ko, kumalat ang mascara ko, lipstick at eyeliner.
"My god!" Nasabi ko
Naghilamos ako ng maayos at inayos uli ang mukha ko. Nakakahiya naman ang ginawa kong eksena dun. Mukha akong narape na hindi man lang pumalag. Grabe!
Nang matapos na kong mag-ayos ng sarili, edi fresh na uli. Sensya na huh? Bipolar talaga ako. Tignan nyo mamaya masaya na ko, bukas malungkot na naman. Ganun lang naman talaga ang buhay diba?
Lumapit ako sa counter at umorder. Nang maka-order na ko, naglakad na ko papunta sa paborito kong pwesto. Sa sulok at dulo ng cafe. Ako lang ang tanging umuupo dito. Pero ewan lang kung meron pag hindi ako nakakapunta.
Napabaling ako ng tingin sa labas ng medyo mainip na ako. At sht lang pumasok na naman sa isip ko ung nangyari kanina.
Ibang iba na talaga sya. O sadyang hindi ko lang sya kilala? Marahil Oo kasi hindi naman kami ganoon kaclose. Madalas na tahimik sya at hindi nakikipagtawanan pero alam mong bossy sya dahil narin sa kilos at pananalita nya.
Pero ang sakit sakit talaga. Ano ng gagawin ko? Payo naman oh!
Sana talaga hind--
Naputol ang mga kung ano anong pumapasok sa isip ko ng makita ko ang lalaking kumuha este binigyan ko ng p********e ko. Sino pa ba? Padaan dito sa tapat ng cafe.
May kasama syang babae! HINDI KO KILALA syempre! At nakahawak sya sa bewang ng babae at ito namang babae, makapulupot sa braso ni Shawn parang ahas! Eee! Sarap sipain!
Pinagmasdan ko lang sila habang naglalambingan. Padaan sa cafe. At kitang kita sa pwesto ko ang hinayupak na paglalandian nila!
Mga walang hiya!
At humapdi uli ung puso ko. Mahapding mahapdi! Bakit ganun? Ang sakiiit!!
Nakakaiyak na naman tuloy. Nang makalampas na sila ng Cafe, yumuko ako't ibinaling nalang ang tingin sa pagkaing inorder ko.
"Buti ka pa Cake and Coffee, minamahal nyo ko. Eh sya kaya? Kelan kaya nya ko mamahalin? Hays!"
At syempre, eto si ako, walang patawad kinain ko na! Simot sarap.
"Hmmmm sarap!" Nakangiti kong sabi
Tsk. Tsk. Minsan naweweirdohan din ako sa sarili ko. Paiba iba ng mood eh.
Naglakad na ako pauwi dahil malapit narin naman dito sa cafe.
Nang makarating ako ng bahay, dumiretsyo agad ako ng kwarto at isang note ang nakapukaw sakin ng pansin.
'Hey! Where have you been? Meet me in my house tomorrow. 7pm! SHARP. Don't be late my darling. Xoxo
-Zac'