"Bakit hindi nya ko kinikibo? Ni tingnan? May problema ba sa mukha ko? Sa boses ko? Bakit ganun nalang sya kung umiwas sakin?!"
Napatigil ako sa pag-iikot ng room ng makita syang pumasok. Walang ngiti na makikita sa labi nya. Hindi rin sya malungkot. Kalmado lang. Simple lang.
Kakaiba sa nakakasama kong Shawn. Na pag pasok palang nya sa umaga may ngiti na at handa ng mangulit saming mga kaibigan nya. Na para bang hindi nauubusan ng energy.
Bumilis pa ang t***k ng puso ko ng malaman na dadaan sya sa kinatatayuan ko.
Ano sasabihin ko? Hi? Hello? Hi Shawn? Ui Shawn? Ano? An--
Natigil ako sa pagpapantasya ng lumiko sya sa kabilang daan at iniwasan ako. Iniwasan nga ba ako o nagkataon lang na dun nya planong dumaan?
Oo tama! Plano nyang dun dumaan! Tama! Tama!
Naglakad na ko pabalik ng upuan ko at saglit na sinulyapan sya, pero malayo ang tingin nya. Sa labas ng bintana kung saan malapit syang nakaupo.
Napalingon naman ako sa likod ko ng maramdaman ang kulbit ng kung sinong nilalang.
Uh! Si Caiden pala.
"Anong kailangan?" Mataray kong sabi
"Pagkatapos ng klase, kina Basty daw!" Nakangiting sagot nya
Nagnod lang naman ako at humarap na uli sa unahan. Napasulyap na naman ako sa kanya at ganun parin ang pwesto nya.
May problema na naman kaya?
Bigla namang bumukas ang pinto at niluwa nito ang babaeng .. Ang babaeng minahal ni Shawn.
Si Hailey Smith.
Nagsimula na ang bulong bulungan ng maglakad na sya papunta sa upuan nya, kaklase pa pala namin to? Napaka dalang nitong pumasok sa klase. Ni hindi naman lumingon man lang si Shawn sakanya. Tulala parin sya sa malayo.
Ilang minuto pa, dumating na ang teacher namin at gaya ng nakagawian, natulog ako.
Ugali ko ang tulugan ang first subject namin. Nakakaantok kasi eh, lalo't malayo ang upuan nila Diara sakin.
Saka wala namang sense kung makikinig ako, ending nito exam uli. Saka nalang ako mag rereview pag exam na.
--
Nang matapos ang lahat ng subject namin, agad kaming nagsama sama at sumakay sa van ni Basty, gimik na naman eh. Ganito ang paraan namin magsaya, gumigimik pag katapos ng klase.
Nasa passenger seat si Basty, sa gitnang seat naman ay kaming tatlong babae. At sa huli ang tatlong lalaki.
Lumingon ako ng pasimple at nakitang nakapikit si Shawn. Haaaay, minsan iniisip ko rin na sana hindi nalang nangyari samin un kung ganitong iiwasan rin naman nya ko. *Sigh*
May nagawa ba ko? May nasabi? O sila na uli ni Hailey?
Nakarating kami kina Basty at halos tumalon ang tatlong lalaki sa pagbaba ng van maliban kay Shawn.
Nahuli akong bumaba ng van at dahan dahan naglakad papasok sa bahay nila Basty. Pero bago pa ko makapasok ng tuluyan, napalingon ako sa kaliwa ng marinig ko ang mga boses ng ilang lalaki.
Tatlo sila. At kilala ko sila!
Sila lang naman ang madalas na kaaway ni Shawn. Mas maangas silang tingnan kesa kina Shawn, dala narin siguro ng bulgaran ang pagiging matatapang at mayayabang nila. Sina Shawn kasi, hindi masyado, may class pa rin naman silang tingnan.
Ang pinaka nauuna sakanila ay si Alford De Guzman. Nasa kaliwa naman nya ay si Anfernee Cruz, sa kanan naman ay si Luis Anfol.
Hindi lang sila tatlo, kasama nila sa Grupo sina Hailey at Diamond. Ang dalwang babae sa grupo.
Siguro gangster din si Hailey at Diamond. Gaya ni Diara at Anton, mga gangster sila.
Pero ako? Hindi. Oo nakakasama nila ako, pero hindi ibig sabihin gangster din ako. Feeling ko nga, ligtas ako sa grupo nila eh.
"Oh, look who's here?" Nakangiting sabi ni Alford.
Tiningnan ko lang sya at yumuko. Dahil nga hindi naman ako gangster tulad nila, hindi ako basta basta nag mamatapang dahil baka mapasabit pa ay sina Shawn.
Naglakad na ako papasok at iniwasan ang tatlo pero napatigil ako ng biglang hilahin ng isa sa kanila ang kamay ko.
Si Anfernee.
Tiningnan ko sya ng may pagtataka, pero isang smirk lang ang ginanti nya. At hindi basta basta smirk, ngiting nakakamaniac pa!
Inalis ko ang pagkakahawak nya at inirapan sila.
"Aba! Matapang tong isang to uh?"
"Naimpluwensyahan ka ba nila?"
Mga salitang binitawan nila na nakapag painit ng ulo ko. Avery, relax. Relax.
Tiningnan ko lang sila at saka sumagot ..
"Tigilan nyo ko!" Asar na sabi ko
"Hahaha. Mukha mo!" Pang asar na sagot naman ni Luis
Mga .. eeerrr! Nakakainis! Akala mo kung sinong mga gwapo! Pero Oo gwapo nga sila, pero masasama kasi ang ugali kaya pangit narin!
"Avery!" Boses ng isang lalaki mula sa pinto nila Basty.
Sya.
"Shawn?" Sagot ko
Naglakad naman papalapit samin si Shawn at hinila ang kamay ko. Humarang sya sa harap ko at matapang na hinarap ang tatlo.
"Anong ginagawa nyo dito?" Kalmadong tanong nya
"Nililigawan ang magandang babae sa likod mo" sagot naman ni Anfernee.
Problema ba nitong lalaking to?!
"Tigilan nyo sya. May boyfriend na sya" simpleng sagot ni Shawn
May boyfriend na ako? Sino?
"Haha, kung asawa naghihiwalay, mag-on pa kaya?" Nakasmirk na sagot naman ni Alford.
"Please, wag sya. Iba na lang"
"Okay. Iba nalang, sa ngayon. Pero bukas asahan mo .. Sya parin" sagot naman ni Anfernee.
Nakakatakot na talaga mga salitain nitong lalaking to huh! Parang mamamatay tao sa mga movies!
"Pumasok ka na sa loob Avery!" Sabi ni Shawn ng hindi ako nililingon.
Mataman lang siyang nakatingin sa tatlo. Syempre, sinunod ko ang sabi nya. Pumasok na ko.
Paglingon ko, kasunod ko na sya. Pero nauna pa syang makapasok at nilagpasan lang ako.
"Ayiiieee .. Nag date pa kayo sa labas huh! Pwede namang dito nalang" nakangiting sabi ni Anton
"Gagi. Di tayo talo talo Anton!" Sigaw ni Augen.
Tama. Hindi kami talo talo.
"Ano bang problema mo? Ikaw ba huh?! Si Avery naman at Shawn uh! Masyado ka."
"Kahit na! Mag kakaibigan tayo dito, para naring mag kakapatid kaya tigil tigilan nyo ang pang-uulit sa isa't isa huh!"
Bawat salitang binitawan ni Augen, tamang tama sakin. Grabe!
Umupo ako sa tabi ni Diara at kinuha ang isang piatos. Mag-isa kong kinain un habang tulala sa kawalan.
"Okay ka lang ba? Wag mong pansinin ung sinabi ni Augen." Bulong ni Diara
Ngumiti lang naman ako at nag-nod. Tama naman si Augen eh, mag kakapatid kami dito.
Tiningnan ko si Shawn pero focus sya sa panonood at sa pagkain ng popcorn.
Lumingon sya saglit pero hindi man lang ako tiningnan. Ni daanan ng tingin. Hindi man lang!
*Sigh*
Wala naman akong maalala na ginawa kong masama, bukod sa nangyari samin. Pero pareho naman naming ginusto yun. Pero bakit ako lang nag susuffer?
Kinuha ko pa ang isa pang chips at pabiglang binuksan iyon dahilan para magulat sila at sabay sabay na napatingin sakin
"Aba nakakarami ka na Avery ah, silent killer ka ng chips ah" pang-aasar ni Augen
"Che" sabi ko habang ngumunguya padin sa harap nila
"Hayaan nyo nga sya, baka naglilihi na"
Sabay sabay kaming natigilan sa sinabi ni Anton. Pinanglakihan ko naman sya ng mata at napansing napatingin sakin si Shawn. Sa haba ng maghapon, ngayon lang sya tumingin sakin ulit!
May pagtataka ang tingin nya sakin.
"A-aray ko naman Diara, charot charot lang naman iyon ehh. Di naman nila gets yon" Pahabol ni Anton
Jusko, minsan ang bunganga din nito hindi nya mapigilan.
"Anong hindi magets? Hindi kami pinanganak kahapon Anton ahh" sagot ni Augen
Napalunok ako ng mariin at napatingin sa gawi ni Shawn. Nanunuod na uli ito ng movie na parang walang nangyayari sa paligid nya.
Bakit hindi nya ko kinikibo? Ni tingnan? May problema ba sa mukha ko? Sa boses ko? Bakit ganun nalang sya kung umiwas sakin?!
"Avery!"
Napalingon ako sa pagtawag ni Caiden. Pero hindi naman nakatingin sakin! Trip nito?
Humiga nalang ako ng maayos sa sofa, total nag-iisa akong nakaupo dito sa mahabang sofa. Bumaba kasi sa sahig si Diara at tumabi kay Anton.
At don't get me wrong, hindi na ko nakanood ng movie ng maayos dahil maya't maya ang tingin ko kay Shawn. Kahit bigong bigo akong matagpo ang tingin nya.
At ngayon masasabi ko na ..
SANA HINDI NA NANGYARI YUN!!!!