Armania Pakiramdam ko ay sinusunog ang buong katawan ko habang pilit nilang inihihiwalay sa katawan ko ang aking kaluluwa. Hindi ko alam kung bakit ako nandito at kung bakit ako ginagamitan ng kapangyarihan ni Era at nang ilang tao na hindi ko kilala. Hindi rin ako makasigaw dahil sa pagod at sobrang panghihina. Biglang bumukas ang pinto at humahangos na pumasok si Ephriem at may kasamang babae. Sino siya? Pinagpalit na niya ako sa sandaling panahon lamang? Lalong uminit ang buong katawan ko habang unti-unting humihiwalay ang aking kaluluwa. Bakit? Gusto kong isigaw kay Era. Bakit niya ito ginagawa sa akin? "Itigil niyo 'yan! Mapapatay niyo si Armania!" Sigaw ni Ephriem. Bigla siyang pinatamaan ng kapangyarihan ng isang lalake. "Kailangan namin ang itim na dyamante kaya tumigil ka!

