Era Kahit na ilang beses ko pagbali-baliktarin ang orasyon ay isa lang ang kinahihinatnan. ' kamatayan' . Nanghihinang napaupo ako sa isang tabi. Hindi ko gusto na may magbuwis nanaman ng buhay para patuloy na mamuhay lahat ng natitirang demi-gods. Ngunit ano ang pipiliin ko? Ang maging duwag at lumayo para patuloy kami na mamuhay o ang lumaban ng p*****n na maaaring ikawala ng aming lahi? Mahirap timbangin lahat. Napalingon ako sa mga bagong pasok. Kita ang pagod sa mukha ng bawat isa pero mararamdaman ang pagpalakas ng kanilang kapangyarihan. Napangiti ako sa aking isipan. Sila ang tangi kong pag asa, ang tangi naming pag asa. Subalit alam ko din na sila ang lubos na mahihirapan. "Buti at nandito na kayo" pero walang kahit na isa ang pumansin sa akin. Kita ang tensyon sa bawat isa. "P

