Venia Tatlong buwan pa ang lumipas at hindi pa rin namin nakikita kahit ang anino ni Armania. Sumuko na kami sa paghahanap dahil na sa ipinag-uutos ni Era na bumalik kami sa Olympus. Natapos na raw niyang basahin ang orasyon na nasa mga bagay na ipinahanap nito sa amin. Nagmadali kami sa pagbalik at ngayon ay nasa harapan kami ng malaking bulwagan at hinihintay ang pagdating ni Era kasama ang ibang elites at royalties. Talaga ba na meron niyan? Ngayon ko lang iyan narinig. Napatingin ako kay Liana na hindi mapakali sa isang tabi, dahil siguro nakaselyo ang bibig nito para hindi makapagsalita. Napahinto kami at nagpalabas ng kapangyarihan para proteksyonan ang aming sarili ng biglang may mga patalim na sumalubong sa amin. Si Liana ay hinarangan ni Arivia kaya hindi ito natamaan. Ako nama

