Nakangiti ako habang naglalakad kami ni Henry papunta sa parking lot. “Thank you Henry, kung hindi dahil sayo baka hindi ko na alam ang gagawin ko.” Sambit ko habang naglalakad kami.
“Mahilig akong magsulat ng mga tula, kaya madalas akong nasa library.” Seryosong sambit nito, namilog ang mga mata ko at humarap sa kanya.
“Talaga? Kaya pala, ipabasa mo naman sa ‘kin minsan ang gawa mo.” Sambit ko, habang nakangiti rito.
“You already heard it, in the libriary that day..” Tugon nito,sandali akong nagisip at naalala ang unang beses na narinig ko syang nagbabasa ng tula. Napaawang ang labi ko nang mapagtanto ko ang ibig nyang sabihin.
“You mean, ikaw ang sumulat non?” Bulalas ko, napatakip pa ako ng labi sa pagkamangha.
“Yes.” Tugon nito.
“Wow, sana makagawa ka pa ng marami, promise babasahin kong lahat yon.” Sambit ko pang muli saka itinaas ang pinky finger ko.
Halos mapapikit ako nang biglang may dumaan na bike sa gilid ko at muntik na akong mabangga, mabuti nalang ay nahawakan ni Henry ang beywang ko at nahapit nya ako sa kanya kaya nakaiwas ako sa bike. Nagkalapit ang mga katawan namin, nakatitig sya sa akin habang hawak parin ang beywang ko.
Hindi ko matanggal ang tingin ko sa napakagwapo nitong mukha, isang perpektong likha.
Napalunok sya nang bumaba ang tingin nya sa labi ko, agad na namuo ang paginit ng pisngi ko at pamumula ng mga ito, dahan dahan nyang binaba ang muka nya sa akin, napapikit nalang ako at inabangan ang susunod nyang gagawin. Hahalikan nya ako, ganito yung napapanuod ko sa pelikula hindi ba.?
Pero halos dumoble ang pamumula ko dahil sa kahihiyan dahil bigla nya akong pinatayo ng maayos saka inalis ang pagkakahawak sa beywang ko, parang gusto ko nalang maglaho sa harapan nya, dahil sa kahihiyan. Felicia bakit ka pumikit?!
“I have to go, magingat ka sa pagdadrive.” Sambit nito, tumango naman ako saka sumagot.
“Sige, magingat ka rin.” Tugon ko saka tumango.
Laking tuwa ko nang matapos ang exam week namin, all the hardship at araw araw na pambubulyaw sa akin ni Henry sa tuwing hindi ko mabibigkas ng tama ang salita ay nagbunga ng maganda. Nagustuhan ng professor ko ang performance ko.
Agad ko syang hinanap sa campus para iparating ang magandang balita, pero hindi ko sya makita. Tinatawagan ko ang phone nya pero hindi sya sumasagot, bigla akong nalungkot, sayang naman.
Napalingon ako sa lalaking tumawag sa akin sa di kalayuan.
“Felicia!”
Paglingon ko ay ngumiti ako dito. “Mr. Chan.” Sambit ko. Ngumiti naman ito sa akin nang makalapit sya.
“Ano kaba, Rey nalang. Masyado ka namang pormal.” Tugon nito.
“Okay, ano nga palang ginagawa mo dito?” Sambit ko. inabot nya sa akin ang isang maliit na invitation card. Nakatingin ako doon nang muli syang magsalita. “That’s our company party, sana makapunta ka. uuwi kaba ngayong vacation sa Pilipinas?” Aniya.
“Oo, sige pupunta ako.” Sambit ko. “Um, Rey. Alam mo ba kung nasaan si Henry?” Dugtong ko rito.
“He already go back to the Philippines, may mga kailangan kasi syang asikasuhin.” Sambit nito, lalong nanlumo ang itsura ko, wala nang pagasa na masabi ko sa kanya kaagad ang nangyari.
“Um, Rey invited din ba sya sa party?”
“Oo naman, kaya pumunta ka ha? Sige Felicia, mauna na ako.” Sambit nito saka naglakad na palayo. Tumango naman ako saka kinawayan sya.
After 3 weeks.
Philippines.
“Welcome back Felicia, anak.” Bungad sa akin ni daddy na noon ay sinalubong ako sa sala.
“daddy! I miss you so much.” Sambit ko dito.
“Napagod ka ba sa byahe? Sige na magpahinga ka muna.” Aniya, nginitian ko sya at saka nagpaalam na.
Agad akong nakatulog dahil sa pagod, nang magising ako ay bumungad sa akin ang chandelier sa kisame at ang malambot kong kama, hay nakauwi na nga talaga ako.
Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang oras, pero napansin ko ang date ngayon. Hindi ba ngayon yung party ng company nila Rey? Agad akong pumunta sa banyo para magayos saka lumabas ng kwarto at pinuntahan si Daddy sa garden na noon ay kumakain ng agahan nya at nagbabasa ng dyaryo.
“Good morning dad.” Sambit ko.
“Oh, gising kana pala, kumain kana.” Tugon nito. “Hindi na dad, may kailangan pa akong puntahan.” Sambit ko habang nakangiti.
“Oo nga pala, umuwi ka ng maaga may pupuntahan tayong party.” Sambit nito, bumagsak ang balikat ko. “Pero dad may party din akong pupuntahan mamaya.” Sambit ko.
“Ipagpaliban mo muna yan,mas importante ito, Mr. Chan expecting us to come.” I tilted my head, at bahagyang nagisip, Chan? Lumapit ako ng bahagya kay dad at umupo sa upuan sa tapat nito.
“Dad, may kilala ka bang Rey Chan?” Tanong ko rito. “Yes, anak sya ni Mr.Wilfredo Chan yung pupuntahan nating party mamaya,why? Did you meet him in Campbridge? Nagaaral di sya don, halos sabay lang kayong bumalik.” Aniya, napanganga ako at halos hindi makapaniwala,
Really? E si Henry kaya? Pero imposible naman na kakilala ni dad si Henry, di nako nagtaka pa na kilala niya si Rey dahil nasa business industry rin ito, pero I doubt na kilala nya rin si Henry.
Nagpaalam nako at umalis na para kunin ang gown na binili ko sa isang sikat na designer.
Halos lahat yata ng mga prominenteng pamilya ay imbetado sa kasiyahan. Lahat ay mukhang ilegante at supistikada, excited na akong makita si Kenneth. Sinigurado kong maganda ako sa muli naming paghaharap agad kong hinanap si Henry sa loob ng party hall, lumapit naman sa akin si Wiliam nang makita nya ako.
“Icia!, wow you look stunning tonight.” Sambit nito, ngumiti naman ako at saka sumagot. “Thank you Mr. Architect. Infernes gumwapo ka ngayong gabi.” Tugon ko habang nanliliit ang mata na nakatingin sa kabuuan nito. Tumawa naman sya, nagkekwentuhan kami nang biglang halos huminto ang mundo ko nang makita ko ang isang gwapong lalaki na papalapit sa amin, naistatwa ako at halos hindi makapagsalita.
He’s so hansome in his suit, katabi nya ang noo’y nakangiti sa akin na si Rey. Bumalik lang ako sa realidad nang tuluyan nang makalapit ito sa amin.
“You look so gorgeous Felicia.” Bati ni Rey nang makalapit na sa akin.
Ngumiti naman ako,binaling ko ang tingin kay Henry na noon ay hindi nagsasalita, he’s just starring at me, gaya ng dati nyang ginagawa, pero ngayon.
May iba sa mga mata nya, may kung anong bumabagabag sa kanya na hindi ko mawari kung ano man iyon.
Napalingon kaming lahat nang may boses ng babae ang tumawag kay Henry. She’s pretty, napaawang pa ang labi ko nang makita ko sya, she looks like a master piece, perfect proportion of face and body. Another one of a kind art. Ngunit lalo akong nagulat nang kumapit ito sa braso ni Henry.
Ako lang yata ang nagiisang nakatulala don habang sila ay abala sa pakikipagusap sa magandang babae, napansin ko ang pagyuko ni Henry at muling pagtingin nito sa akin. What’s wrong? Naguguluhan ako, para akong nagbasa ng libro na kulang ang pahina, para sa akin napakamisteryoso ni Henry, pero mas marami pa pala akong hindi nalalaman tungkol sa kanya.
“Hi, I’m Mikaela Carson, Henry’s wife.”
Sambit ng magandang babae na nakatayo sa harapan ko at nakakapit sa braso ni Henry.
Ngumiti ako dito at nagpakilala rin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, nangangatal ang tuhod at mga kamay ko. Halos hindi ako makahinga nang mga oras na iyon.
Bakit? Ano ba dapat ang mararamdaman ko?
Tama ba itong nararamdaman ko? Bakit ang sakit ng didib ko? alam kong hindi naman dapat pero umaasa ako ng eksplenasyon sa mga nangyayaring ito.
Hindi ko na kinaya pang magtagal sa harap nila kaya nagpaalam ako na pupunta sa restroom. Ramdam ko ang paninitig ni Henry habang papaalis ako.
Nangingilid ang luha ko sa mga sandaling iyon, napapikit nalang ako nang maalala ko ang mga nangyari sa States, pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at pigilan ang matinding emosyon na nararamdaman ko, magpapaalam nalang ako kay daddy na uuwi na ako, hindi ko na kaya pang magtagal dito.
Pagbalik ko sa party hall ay nasa harapan sila Henry kasama ang babaeng kasama nya kanina,mali. Kasama ang asawa nya na nagsasalita habang inaanounce silang business venture ng kumpanya nila Rey at kumpanya nila. Napaawang ang labi ko nang malaman kong ang pamilya ni Kenneth ang nagmamayari ng hotel na ito, kung saan kami nagpaparty ngayon, at iba pang bangko sa bansa. Kabaliktaran ang nakita ko sa kanya sa States, mayaman sya.