Episode 5

752 Words
He tilted his head at nanliit pa ng bahagya ang mata na tila hindi kumbinsido sa sinabi ko. “Okay, actually hihingin ko sana yung tulong mo, kaya ako nandito.” Dugtong ko, he was just starring at me and didn’t say anything. “Baka pwede mo kong tulungan sa literacy exam, kailangan ko kasing makabisado yung poem, pero hindi ko alam kung paano ko idedeliver ng maayos yon, narinig kitang tumula nung nasa literature libriary ka, naisip ko na ikaw lang ang makakatulong sa akin.” Sambit ko, tiningnan nya ako na parang ineeksamina, hindi sya agad tumugon kaya sinundan ko na ang sinabi ko, “Pero kung ayaw mo, it’s okay, nagbaka sakali lang ako na baka matulungan mo ako, mauna na ako.” Patayo na sana ako nang bigla sya muling nagsalita. “Tomorrow 3pm in literature libriary.” Lumingon ako at saka ngumiti, wala paring emosyon ang mukha nya.   Kinabukasan, habang naglalakad ako sa campus, nagulat ako nang biglang may umakbay sa akin. Si William. “Ano kaba, bigla ka nalang nanggugulat.” Sambit ko, tiningnan ako nito at nanliliit ang mga mata. “Parang may kakaiba sayo, may sakit kaba ha? Icia?” sambit nito,saka hinipo ang noo ko. “Anong sakit, wala akong sakit. Ano kaba.” Tugon ko sabay hawi sa kamay nito. “Kapag kasi ginugulat kita, binabatukan mo ako, pero ngayon hindi mo ginawa.” Sambit nito. “Ewan ko sayo, oo nga pala, solve na ang problema ko, may nagtuturo na ng poem saken.” Muli kong sambit. Ngumiti naman si William at humarap sa akin. “Talaga? Buti naman kung ganon, sino naman yan? Kaklase mo?” Aniya, tumango ako saka sumagot habang nakangiti.  “Si Henry Carson, pumayag syang tulungan ako sa poem ko.” Sambit ko, nawala ang ngiti nito nang marinig ang sinabi ko, at bahagya pang kumunot ang noo. “Henry Carson? From business department?” Kunot noong tanong nito. I answered him with hummed, saka nauna na akong maglakad. “Bakit ganyan itsura mo?kilala mo ba sya?” Tanong ko rito. “Not that much, but I knew him.” Tumango lang ako saka nagpaalam na rito, “Teka, Icia..” pahabol pa nito, nilingon ko sya saka nagsalita. “Malalate nako sa practice mamaya nalang tayo magusap.” Sambit ko pa bago tuluyang umalis.   2:30 Palang ay pumunta na ako sa literature libriary, maigi nang mauna ako kesa naman paghintayin ko sya nkakahiya. Nagikot ikot muna ako sa loob ng libriary habang naghihintay at tumitingin ng mga libro sa shelf, di ko na namalayan ang oras dahil naaliw ako sa mga libro na tinitingnan ko, nang kukunin ko na ang isa pang libro ay napatingin ako sa isang lalaki na tahimik na nagbabasa sa kabilang side ng shelf. Hindi ko alam kung bakit ako natigilan, parang gusto ko nalang syang pagmasdan sa pwesto nyang iyon, nataranta ako nang bigla itong tumingin sa akin. Tinablan ako ng hiya sa buong katawan ko at wirdong ngumiti dito. Tumango naman sya.   Bumagsak ako sa sofa paguwi ko sa bahay, hindi ko alam kung tama ba naging desisyon ko na kay Kenneth pa ako nagpaturo, halos ayoko na magsalita at gusto ko nalang ipahinga ang boses ko na nangarag dahil sa pagtuturo nya sa akin ng poem. Ilang beses pa nya akong tinuruan at unti unti ko syang nakikilala, hindi naman pala sya ganun ka cold, marunong din palang ngumiti tong lalaking ‘to.  Habang nakikinig ako sa discussion, napatingin ako sa lalaking biglang umupo sa tabi ko. natigilan pako nang lingunin ko kung sino yun, si Henry. Deretso lang ang tingin nya at hindi nagsasalita, napako naman ang tingin ko sa gwapo nitong mukha. “Nasa harap mo ang lesson wala sa mukha ko.” Bulong nito, umayos ako ng pagkakaupo at makailang kurap pa saka binaling ang tingin sa harap. “Anong ginagawa mo dito, Henry?” Tanong ko dito. “We need to practice, remember?” Tumango naman ako at di na nagsalita. Paglabas namin ng discussion room, nakaabang sa labas si William, nakangiti sya sa akin pero bigla rin itong napawi nang makita nya si Henry. Hindi ko alam pero may kakaiba kay William, may problema ba sya kay Henry? “William, anong ginagawa mo dito?” Tanong ko nang makalapit ako dito, nakatayo naman sa di kalayuan si Henry at naghihintay sa akin. “Bakit magkasama kayo?” Tanong nito, habang nakakunot ang noo. “Kailangan kasi naming magpractice para sa poem ko, teka bakit ba nandito ka?” Sambit ko. “I want to treat you to lunch, pero mukhang busy ka.” Aniya, tumango naman ako. “Sa susunod nalang William, naghihintay si Henry nakakahiya.” Sambit ko saka ito tinalikuran. Lumapit ako kay Henry at saka naglakad na paalis, nakatingin lang sa amin si William habang papaalis kami. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD