Episode 8

824 Words
“What do you want Mr. Liang?” Tanong ng dalaga. “Nagkakagulo na ang lahat dahil sa patuloy na pagbagsak ng shares, do you have any idea kung gaano kalaki ang mawawala sa amin Ms. Delgado?” Sambit nito. Tumango si Felicia saka nagsalita. “I know that kaya nga bigyan nyo ako ng sapat na panahon para mapagisipan ko ang mga dapat kong gawin Mr. Liang.” Tugon nito. Ngumiti ng bahagya si Mr. Liang at pinatong ang siko sa lamesa. “I have a deal for you Ms. Delgado.” Sambit nito. Napakunot naman ang noo ng dalaga,”What do you mean Mr. Liang?” kunot noo nitong tanong. “Marry my son, in that way magmemerge ang mga company natin at masusolusyonan ang problema ng kumpanya mo, Ms. Delgado.” Sambit nito, kasal? Nahihibang na ba sya? Bakit ko naman pakakasalan si William? Napaawang ang labi nito at nakailang kurap bago pa sumagot. “Mr. Liang, alam mong magkaibigan kami ni William, bakit mo sinasabi yan?” Sambit ng dalaga, ngumiti sya ng bahagya. “Think about it, Felicia. Alang alang sa daddy mo at sa pinaghirapan nyang kumpanya, matatapos ang lahat ng ito kapag naging parte ka ng Liang family. Kapag nagpakasal ka sa anak ko, matatapos ang problema mo.” Sambit nito.   Felicia.   Natigilan ako at hindi makasagot. Wala akong kahit na anong nararamdaman kay William bakit ako magpapakasal sa kanya? Magkaibigan kami, pero hindi naman tama na gamitin ko sya para lang maisalba ang kumpanya namin. Tumayo si Mr. Liang at inayos ang coat nya, “You don’t have to answer today Ms. Delgado. Think about it, I take my leave.” Pahabol pa nito.  Sabay na bumagsak ang balikat ko dahil sa mga nangyayari, napukaw ang pansin ko nang biglang pumasok ang secretary ko habang humahangos at bitbit pa ang telepono nya. “Ms. Felicia! Si Chairman..” Humahangos na sambit nito. Napaangat ako ng tingin dito at nataranta narin dahil pakiramdam ko ay may hindi magandang balita itong dala. “Why? What happened to my dad?” “Sinugod po sa hospital si Chairman, naheart attack po Ms. Felicia sabi ni Mr. Reyes.” Sambit nito, agad akong tumayo at lumabas ng opisina, halos paliparin ko na ang sasakyan para lang mabilis na makarating sa hospital, no. not today. Not now, bakit sunod sunod nangyayari ang mga trahedyang ito? Hindi ko na naipark pa ng maayos ang sasakyan ko nang makarating ako sa hospital agad akong dumeretso sa information para hanapin ang daddy ko. sa ICU ako tinuro ng nurse at nadatnan ko doon ang secretary ng dad na nakatayo sa labas ng ICU. Kita ko sa mukha nito ang pagaalala. Agad akong lumapit para magtanong sa kanya tungkol sa nangyari. “What happened Mr. Reyes? Okay naman sya kanina ah, bakit  ganito?” Natataranta kong sambit. Hinawakan ako sa balikat nito at pilit na pinakakalma. “Bigla nalang syang natumba habang naguusap kami,try to relax yourself Felicia, makakayanan ni Chairman to. Lets just wait for the doctor.” Sambit nito. Wala akong ibang magawa kundi ang maghintay sa paglabas ng doctor.   Hindi ako umaalis ng hospital hangga’t hindi lumalabas ang doctor sa ICU, nagaalala ako kay daddy, pano kung may mangyaring masama sa kanya? Hindi ko kaya. Halos madaling araw na pero ni anino ng doctor ay wala parin anong nakikita. Maya maya pa ay biglang nagbukas ang pinto na syang pagtayo namin ni Mr. Reyes. Hinubad ng doctor and mask nya saka nagsalita.  “Your dad is safe now Ms. Delgado, pero kailangan parin naming imonitor and kalagayan nya, sa ngayon ililipat muna namin sya sa private room at hintayin syang magising.” Sambit nito. “Thank you doc.” Sambit ko nang nakangiti,kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko, sinundan ko pa ng tingin ang doctor habang naglalakad palayo, pero halos mapako ang tingin ko sa isang lalaki na naglalakad palabas ng hospital, his back reminds me of Henry.. Anong ginagawa nya dito? guni-guni ko lang ba iyon? Nang makalabas na ito ng pinto ay agad akong tumakbo palabas ng hospital, hindi ko alam pero gusto ko syang makita kung talagang totoo man sya. Agad kong nilibot ang paningin sa labas ng hospital at hinanap ito, pumunta ako sa parking area at don ko sya nakita habang papalapit sa sasakyan nya. “Henry.. it’s you isn’t?” Sambit ko, agad itong huminto at dahan dahang lumingon sa akin. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko,parang bumagal ang oras nang magtama ang mga mata namin sa isa’t isa, nangingilid ang luha ko pero naguumapaw sa saya ang puso ko nang makita ko sya, nang mapatunayan kong totoo ngang nandito sya. Ngumiti sya ng bahagya, habang nakatitig sa akin. “Felicia.” Halos pabulong na sambit nito, pero rinig na rinig ko ang pagbigkas nya ng pangalan ko.  “K-kamusta ka?” Sambit ko, hindi sya sumagot bagkus ay yumuko lang ito bahagya pa akong lumapit dito, “C-can you spare me some time?” Dugtong ko, hindi ko alam pero nagmamakaawa ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwalang makikita ko pa sya. Kung panaginip lang ito sana hindi muna ako gumising, gusto ko syang makasama kahit sa panaginip lang. Kahit saglit lang.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD