Episode 9

1200 Words
Pumunta kami sa isang café na bukas pa ng ganoong oras, he was starring at me. Ganun din ako, hindi ko mahiwalay ang tingin ko sa napakagwapo nitong mukha. Lalo syang gumwapo lalo na sa suot nyang suit. I missed him. I really do. “How’s your dad?” Baritonong boses nito. Mapait na ngiti ang binitawan ko at saka sumagot. “He’s safe now, pero kailangan pang imonitor ng mga doctor ang kalagayan nya, kaya kailangan pa naming magtagal dito sa hospital.” Sambit ko saka yumuko. “Don’t worry to much, magiging maayos din ang lahat.” Tugon nito, napaangat ang tingin ko sa kanya saka tumango at ngumiti ng bahagya. “Thank you.”   Naglakad kami pabalik sa hospital, dahil nandon din nakapark ang sasakyan nya, habang naglalakad ay hindi ko maiwasang sulyapan ang mukha nya. Habang sya ay tahimik lang na nakatingin sa nilalakaran namin. “I heard you were running your business. Sabi ni Rey busy ka daw masyado kaya hindi na kayo nagkikita, nagsusulat ka parin ba?” Sambit ko. “I’m busy writing and signing documents that ‘s why I don’t have time writing poems anymore.” Tugon nito, may parte sa akin na nanghihinayang, nabasa ko ang ilan sa mga gawa nya at sa unang pagkakataon ay naging interesado ako sa literature, he has a heart in literature, hindi kagaya ko kaya nakakapanghinayang na hindi na niya ito naituloy pa. Huminto sya sa paglalakad at humarap sa akin, he smiled. “You looked more beautiful and braver.” Naramdaman ko ang pamumula sa pisngi ko at paginit nito dahil sa sinabi nya. “I’m not afraid to anything, anymore. But when it comes to dad. Hindi ko alam ang gagawin ko.” Sambit ko. Ngumiti syang muli, I missed those smiles that I thought I will never seen again. “Seeing you makes my heart race, nung nakita kita kanina,natakot ako na baka umalis ka ulit, na baka mawala ka nalang ulit. I thought I will be able to forget you, and I thought I did, pero nung makita kita kanina.. I was wrong I never been able to forget you.” Dugtong ko, habang nangingilid ang luha sa mata ko. Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa isip ko ang nasabi ko iyon. Siguro ay hindi na napigilan pa ng puso ko at nasabi ko ang mga bagay na matagal ko nang kinikimkim. Nakatitig lamang sya sa akin at hindi nagsasalita pero kitang kita ko sa mga mata nya ang lungkot, bakit sya malungkot? Nagulat na lamang ako nang bigla nya akong niyakap ng mahigpit, tuluyang rumagasa ang tubig sa pisngi ko, matagal kong inasam ang yakap na iyon, isang yakap na alam kong hindi ko kailanman dapat maranasan, I shoudn’t respond to that forbidden hug and I should keep myself away from it, away from him pero, tumugon ako sa yakap na iyon. Niyakap ko sya ng mahigpit yung tipo ng yakap na nagsasabing ayoko syang pakawalan. “Just leave it then, don’t forget me, and I will too.” Sambit nito habang nakayakap sa akin. Sumilay ang ngiti sa mukha ko, alam kong mali. Alam kong hindi tama pero wala na akong pakialam.   Habang nasa tapat kami ng sasakyan nya, ngumiti ako habang hawak ang kamay nya. “I’ll call you. You can ignore Rey but I’m expecting you’ll answer mine.” Sambit ko. Ngumiti sya saka tumingin sa kamay naming dalawa, saka tumango. “Okay.” Bumitaw ako sa pagkakahawak ng mga kamay namin bago magsalita. “I should go now, ingat ka sa pagdadrive.” Sabay talikod dito, ilang hakbang palang ang nagagawa ko nang muli ko syang tingnan. “Henry, you should write again, I’m fond of your writing,I hope I can read some of your work again.” Pahabol kong sambit bago tuluyang bumalik sa loob ng hospital.   Henry. My heart sank when she finally said goodbye to me. I was looking at her back as she was walked away. This was the right thing to do it’s the best thing for both of us. I hurt her, and we can’t be together. This forbidden love that grows between us should be ended this way. No, it should not be started at all. “Henry, you should follow your dad, alam nya ang makakabuti sa iyo, at ang pagsusulat mo ang dahilan ng alitan nyong dalawa. You should refrain from doing this and build a strong relationship to your dad.” Si Mikaela, habang kinakausap ako sa study room. “Isn’t hard for you? To live a life that you know already done?” Sambit ko rito, maliwanag sa amin ni Mikaela ang sitwasyon naming dalawa, napilitan akong pakasalan sya dahil pinagkasundo kaming dalawa para sa negosyo. “I have never thought of it that way.” Tumango sya saka naglakad na palabas ng silid. Pinatong ko ang dalawang siko sa lamesa saka tinungkod ang noo ko, when will I live my life? Where I can do anything I want, yung walang kumokontrol sa akin? I used to it, but I slowly felt tired of it. I rushed to the hospital when I saw the news, I want to see her. I want to tell her that everything will be alright. And then I saw her in front of the ICU, wala akong lakas ng loob para lapitan sya, ang kaninang tapang ko sa pagpunta rito ay bigla nalang nawala nang makita ko sya, hindi ko kayang makita syang nasasaktan.   Napapikit ako nang marinig ko ang boses nya, ang boses nyang matagal ko nang gustong marinig. She’s still beautiful, I gave her the hugged that I shouldn’t give and utter the words that I shouldn’t say. Can we be selfish? Even just now?   Felicia.   My dad is still in the hospital, after I get to the office ay pumupunta ako roon para bantayan sya, he’s recovering. Sana ay magpatuloy pa ang paggaling nya hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyari nanamang masama rito. “Felicia, Mr. Liang told me that he offered you a deal. How’s the company?” Sambit nito, natigilan ako sa pagbabalat ng mansanas at tumitig dito, “Dad, wag mo nang intindihin ang company, ako nang bahala don. Ang isipin mo ngayon ay magpagaling.” Sambit ko. “Pumayag kaba sa sinasabi nya?” Tanong nito, ramdam ko ang pagaalala nito, hindi ko nga lang masigurado kung sa akin ba o sa company sya nagaalala. “Dad, I will always be grateful to their family for giving us some help. Pero, hindi ko kaya ang gusto nyang mangyari.” Sambit ko, bumuntong hininga ito, at doon ko nakumpirma sa kumpanya ito nagaalala at hindi sa akin. Sabay kaming napalingon nang biglang may kumatok sa pinto at bumukas iyon. Si William. Nagusap kami sa labas ng hospital. “How are you?” Tanong nito habang nakatingin sa akin, yumuko ako at nakatingin lang sa sahig. “Sa totoo lang hindi ko na alam kung anong gagawin ko, una sa company tapos ngayon si daddy.” Sambit ko. “Felicia, you don’t have to face this alone, remember that I’m here.” Tugon nito, sabay tapik sa likod ko. bahagya akong ngumiti at tiningnan ito.     Di nagtagal ay nagpaalam narin si William, mayroon pa daw kasi syang meeting at baka malate sya, nagpaalam din sya kay daddy bago umalis, iba ang pakikitungo ngayon ni daddy kay William, mas naging mabait sya dito. Lalo akong nalungkot, kung ganun ay desidido syang ipakasal ito sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD