Bumalik ako sa company at dumeretso sa office ko, di pa man ako nakakaupo ay lumapit sa akin ang sekretraya ko. “Ms. Felicia, tumawag po kanina si Mr. Liang,tinatanong nya po kung nakapagdesisyon na po ba daw kayo sa offer nya.” I sighed.
“Sige na, ako na tatawag sa kanya mamaya.” Walang buhay kong sambit.
“Saka po pala, gusto na pong magbackout ni Mr. Sarmiento, yung bago nating client, hindi nya na daw po itutuloy yung project.” Napaawang ang labi ko, halos close deal na ang project na iyon at hinihintay nalang ang funds pagkatapos ay iaatras nya lang. sumandal ako sa upuan at hinawakan ang ulo ko. sinenyasan ko ang sekretarya ko na iwan muna ako.
Kahit saan ako pumunta puro problema ang bumubungad sa akin. Bakit ganito?
Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang number ni Henry, pinagiisipan ko kung tatawagan ko ba sya, gusto ko syang makausap pero naisip kong baka abala sya sa office kaya nagtipa nalang ako ng text message sa kanya.
*Hi Henry, kamusta dyan? I’m..* Sandali akong natigilan at huminga ng malalim, gusto kong dumaing sa kanya, gusto kong sabihin lahat ng problema ko, pero ayoko naman syang magalala pa.
*Im doing very well, you don’t have to worry anymore, things are going great. but it will be greater whenever I see you* Felicia.
Wala pang ilang minuto ay biglang nagring ang phone ko,nakita ko ang pangalan ni Henry na nakarehistro sa screen agad ko iyon sinagot.
“What are you doing?” Sambit nito sa kabilang linya.
“I’m in the office, I send a text message instead of calling you, akala ko kasi busy ka.”
“I will always find ways to call you back kung hindi ko man masagot ang tawag mo, I promise, remember?”
“How are you doing?” Muli kong tanong.“I’m doing well, how’s your company?” Tanong nito, hindi ako kaagad na nakasagot at bumuntong hininga. “Felicia, I can help you if you just tell me.” Tugon nito, agad kong tinanggihan ang sinabi nya.
“No, Im doing great here, actually may nahanap na akong investor, you don’t have to worry about me.” Sambit ko, kahit hindi totoo ay gumawa nalang ako ng kwento para mapanatag sya, ayokong idamay sya sa problema ko.
“Are you sure?” Muling tanong nito. Ngumiti ako, Masaya ako dahil pinaparamdam nya sa akin na mahalaga ako at nagmamalasakit sya, pero hindi nya responsibilidad na pasanin din ang mga problema ko.
“Yes, I have to go.” Sabay baba ng phone, tumayo ako sa glass wall at tumingin sa langit.
Ngumiti ako nang makita ko si Henry na bumaba ng sasakyan nito, pinuntahan nya ako sa resthouse namin, sandali kong nakakalimutan ang mga problema ko kapag magkasama kami, I know this is not right, pero wala na akong pakialam. Gusto ko nalang sulitin ang mga sandali na magkasama kami, I want him, I need him. I love him. He start to write again, Masaya ako kapag nakikita ko syang abala sa hilig nya, nakikita ko kasing Masaya sya sa ginagawa nya.
Is it because the wramth in you’re eyes when you looked at me? Or its because of how wramth your hand feels when you held me. Whatever it is doesn’t matter as long as I’m with you. As long as we can be together.
Kung pwede lang na pahintuin ang mga oras na magkasama kami, gagawin ko ang lahat para lang mangyari iyon, pero imposible. Ang hiram na oras naming dalawa ay limitado lang at kailangan naming bumalik sa realidad.
Henry.
She was my solace, my peace I can do anything when I’m with her. whenever I write I realize how much I misses her. I visited her often when I feel that way.
So, is this love? I used to not believe on things like this but look at me now. I think I’m going crazy when she’s not around. But all of this are pointless the moment I see her back I find myself already missing her, what should I do? I want to stay with her for the rest of my life, but how? Is there anyone who can hear my heart grant my wish and help me to find a way to be with her longer.
Felicia.
Hapahinto ako at natulala nang buksan ko ang pinto ng room ni daddy. I saw Mr. Liang and William inside nagtatawanan pa sila habang nagkukwentuhan, sabay sabay silang napatingin sa akin pagkabukas ko ng pinto.
“Oh, Felicia, mabuti naman at nandito kana.” Bungad ni daddy sa akin nang makita ako.
“William, Mr. Liang, anong g-ginagawa nyo dito?” Sambit ko habang papalapit sa kanila.
“Kinamusta ko lang si Chairman, and we are talking about your engagement.” Napaawang ang labi ko sa narinig, bumaling ang tingin k okay William na noon ay hindi makatingin sa akin ng diretso.
“What do you mean? I didn’t give my answer yet.” Sambit ko.
“Felicia, don’t be like that, we already talk about it.” Sambit ng daddy ko, napaawang ang labi ko at hindi makapaniwala, ako ang magpapakasal, hindi sila, bakit sila ang nagdesisyon sa buhay ko? hindi naba talaga mahalaga sa daddy ang desisyon ko? paano ako? Paano ang nararamdaman ko?
Tahimik lang ako habang naguusap sila sa couch, panay ang tingin sa akin ni William pero hindi na ako nagabala pa na tapunan sya ng tingin, para akong nawalan ng buhay at nabibingi sa mga pinaguusapan nila.
Nagpaalam na sila na aalis na kaya hinatid ko sila sa labas ng hospital, “See you in the company tomorrow,Ms. Delgado.” Sambit ng daddy ni William, tumango naman ako nakatingin sa akin si William at nagpaalam na.
“Alis na kami Icia.” Sambit nito, hinawakan nya ang kamay ko pero agad ko iyong binawi, kung dati ay wala lang sa akin kung akbayan o hawakan ni William ang kamay ko pero ngayon ay para akong napapaso, naiilang ako kapag lumalapit sya sa akin.
Bumalik ako sa loob ng kwarto ni daddy at hinarap ito.
“Dad, I don’t want to marry William.” Sambit ko rito, tumingala sya sa akin na noon ay nakaupo sa couch.
“They are the one who will help us, who will help our company. Why? Are you seeing someone?” Tugon nito.
“No im not.” Sambit ko saka yumuko.
“Then why do you keep turning down these offers? Felicia, I know that you don’t love William, but later on you will learn to love him. Mabait na bata si William sigurado akong aalagaan ka nya.” Aniya, tumingin lang ako ng bahagya sa kanya saka muling yumuko.
Natuturuan ba ang puso? Napapagaralan ba ang pagibig? Kung ganon, bakit may mga tao paring nasasaktan sa kabila nito? Kung ganon bakit hindi ko magawang kalimutan si Henry at ibaling sa iba ang nararamdaman ko? kung totoong natututunan ang pagibig bakit hindi matuto-tuto ang puso ko?