Agad akong dumeretso sa kwarto pagkauwi ko sa bahay, halos gumuho ang mundo ko at manghina, what should I do now? Gusto kong makita si Henry, gusto kong marinig ang boses nya. namuo ang luha sa mga mata ko at kusa itong dumausdos sa pisngi ko.
Kinuha ko ang phone ko at saka tiningnan ang pangalan ni Henry, tinawagan ko sya at ilang ring lang ay sinagot nya naman ito.
“Hello? Felicia?” Sambit nito sa kabilang linya, hindi ako sumagot, pinipigilan ko ang paghikbi ko at nang hindi nya marinig iyon. Binaba ko ang phone, dahil hindi ko na kaya bang pingilan ang hikbi ko, niyakap ko ang sarili saka umiyak ng umiyak. Hindi ko alam kung ilang oras ako sa pagiyak.
Inayos ko ang sarili ko nang mahimasmasan ako, gusto kong puntahan si Henry, kaya nagdesisyon akong umalis at puntahan sya.
Muli ko syang tinawagan nang makarating ako sa restaurant malapit sa company nya, nakaupo ako at nakatingin sa glass wall habang tinitingnan ang repleksyon ko sa salamin at sa mga taong dumaraan dito, hanggang sa nakita ko ang isang lalaki na humahangos sa labas at biglang napahinto sa harap ko, ngumiti ako nang makita ito.
Mukhang tinakbo nya mula sa office hanggang dito sa restaurant para lang mapuntahan ako. Muli syang naglakad papasok sa restaurant,tumayo ako at sinalubong sya.
“’What happened? Is there something wrong?” hindi ko sya sinagot at niyakap ko nalang sya, agad na dumapo sa ilong ko ang napakabango nitong amoy kahit pawisan, I really loved this man.
“Tinakbo mo talaga papunta dito? Hindi mo naman kailangang magmadali maghihintay naman ako sayo dito kahit anong oras ka pa dumating.” Sambit ko nang makaupo na kami,inabot ko ang tissue at kinuha naman nya iyon para ipunas sa pawis nito.
“I was in rushed, akala ko kung ano nang nangyari sayo, bakit ka pala nandito?” Sambit nito habang nagpupunas ng pawis nya. “Because, I missed you.” sambit ko. tumigil sya sa ginagawa at tiningnan ako at sabay kaming ngumiti.
I told him that I want to see the sunset. Pumunta kami sa beach at tinabi ang sasakyan sa gilid, nakangiti ako habang papalabas ng sasakyan. Lumapit pa ako para makita ito ng malapitan, habang sya ay nakasunod lang sa akin the cold sea breeze makes me calm.
Nakatingin sya sa akin habang nakatingin ako sa dagat. Kung pwede lang, dito nalang kami. Pwede bang ganito nalang palagi?
“Kung sinabi mo, ako nalang sana ang pumunta sayo.” Sambit nito, “I know you’re busy, kaya ako nalang ang pumunta sayo. At sabi mo ay nagagalit ang daddy mo kapag umaalis ka ng company, I want you to be a good son, ayokong nagkakaroon ka ng problema sa daddy mo dahil lang sa akin.” Tugon ko, habang nakangiti rito.
Humarap ako sa kanya bago nagsalita. “Don’t let me go.” Natigilan sya at tumingin sa akin ng malalim, unti unting namumuo ang tubig sa mata ko na kanina ko pa pinipigilan.
“What do you mean?” Tanong nito.
“Please tell me not to go and leave, tell me that you need me, and don’t let me go.” Sambit ko. bumaba ang tingin nito at sandaling nagisip.
“What’s wrong? Is there something wrong?” Tanong nito, habang nakakunot na ang noo, marahil ay ramdam na nya na may iba akong gustong ipahiwatig.
Tiningnan ko lang ang mukha nya, alam kong imposible ang gusto kong mangyari. “Alam kong hindi mo gagawin ‘yon.” Sambit ko. “I bet you can’t, you’re a good person, you’re a good son, I know you can’t do it.” Sambit ko saka yumuko.
“Felicia.” Narinig kong sambit nito sa pangalan ko, noon ay lumandas na ang luha na kanina ko pa kinukulong sa mga mata ko.
Humarap akong muli sa dagat habang sya ay pinagmamasdan lang ako. “You know that my company faces a lot of financial situations right now, Mr. Liang wants to help us, he want me to marry his son para maisalba ang company namin.” Sambit ko, muli akong humarap sa kanya. “Alam kong kapag sinabi ko sayo ang problema sa company hindi ka magdadalawang isip na tulungan ako at maglabas ng ganung kalaking pera, pero.. hindi ko kayang tanggapin ang pera mo. That’s not I want from you.” Dugtong ko.
“Felicia, I told you I can do anything for you.” Sambit nito.
Muli ko syang tiningnan. “Can you save me? Can you throw away everything for me? Please say that you will stay with me, that you can’t live without me.” Naluluha kong sambit. Nakita ko na ang pagaalala sa mga mata nya ay unti unting napapalitan ng pagaalinlangan.
Muli akong yumuko at lumandas ang luha sa mga mata ko, alam kong imposible ang iniisip ko, hindi magagawa ni ken na talikuran ang lahat ng meron sya,ang pamilya nya para sa akin. Sumisikip ang dibdib ko at nanlalabo na ang paningin dahil sa tubig na patuloy na umaagos mula rito.
Hindi sya nagsalita at niyakap nya lang ako habang patuloy parin sa pagiyak, hindi katulad ng tingin nya ay ramdam ko ang sinseredad sa mga yakap nya, alam ko iyon. Ramdam ko.