Henry.
Hindi na kami muling nagkita pa ni Felicia, hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang sakit ng paghihiwalay namin, alam naming dalawa na dito rin mauuwi ang lahat pero kapwa kaming sumugal at hindi ininda ang sakit na naghihintay sa amin, mula nang nakipaghiwalay sya at tinuon ko ang lahat ng oras ko sa trabaho para hindi mabakante ang isipan ko at maisip pa sya.
Hindi narin ako makapagsulat pa, kahit na anong isip ko ay walang nabubuo na mga talata sa papel na nasa harap ko. kinuha ko ang isang baso sa gilid ng lamesa ko at nilagok ang laman non.
Napatingin ako sa lalaking pumasok sa silid,my dad,madilim ang mukha may hawak itong brown envelop na hindi ko sigurado kung ano ang nilalaman.
“What’s this?!”
Bulalas nito nang ihagis nya sa lamesa ko ang envelop. “Akala mo ba hindi ko malalaman na umaalis ka ng company at hindi bumabalik? Anong ginagawa mo!sinabi ko na sayo na intindihin mo ang kumpanya at hindi ang mga walang kwentang bagay nayan!” Sambit nito, tiningnan ko ang laman ng envelop, yun ang mga entry na pinasa ko sa Campbridge para sa literature.
Ngumisi ako bago sumagot, “This is the only thing that make me breath and yet you’re telling me to stop? Want do you want dad? Gusto nyo ba akong mamatay?! Singhal ko rito.
Halos mablangko ang isip ko nang bigla nalang dumapo ang kamao nito sa mukha ko, kung hindi ako napakapit sa lamesa ay malamang natumba na ako, ramdam ko ang sakit sa gilid ng labi ko. “I am your father! How could you talk to me like that? Lahat ng meron ka, ako ang nagbigay sayo nyan, hindi mo mararanasan ang marangyang buhay kung hindi dahil sa akin! wala kang utang na loob!” Sigaw nito, agad na pumasok si Mikaela para awatin kami, lumapit sya sa akin at tiningnan ang sugat sa labi ko.
“Mikaela, take care of your husband, bukas na kami maguusap kapag hindi na lasing yan.” Sambit nito. Paalis na sana sya pero natigilan ito nang bigla akong magsalita.
“I did everything you want, walang utos mo na hindi ko sinunod, lahat ng sinabi mo ginagawa ko! Tama ka, Dad anak mo ako at habang buhay kong dapat tiisin yon per hindi mo ako tao tauhan lang na kailangang sumunod sa mga gusto mo! I have my own life! Im human too I also need to breathe. This is the only reason for me to breathe a little, now tell me do you want me to live or to die?” Sambit ko, pero tila ba sarado ang isip nito sa mga sinasabi ko at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Felicia.
“Felicia, where do you want to go pagkatapos nating kumain?” Si William habang kumakain kami sa isang restaurant. “Felicia, are you okay? Don’t you like the food? Gusto mo umorder…” Naputol ito nang bigla akong magsalita.
“I’m okay, I just want to rest.” Sambit ko.
“Okay, ihahatid na kita pagkatapos mong kumain.” Tugon nito.
Nagpababa nalang ako kay William sa main gate, hindi na ako nagpahatid pa sa tapat ng main house, gusto kong maglakad lakad. Gusto kong huminga, mabuti nalang at puno nang halaman ang madaraanan ko, kahit paano ay nakatulong iyon para makahinga ako ng maluwag.
Iniisip ko parin si Henry, walang araw o oras na hindi ko sya naiisip. I missed him. I wish I could see him again, parang hindi ko na yata kakayanin pa ang lahat ng ito.
“Felicia.”
Napalingon ako nang parang may tumawag sa pangalan ko, ngunit wala akong nakita bukod sa mga halaman at puno sa paligid. Kilala ko ang boses na iyon, pero napakaimposible nang naiisip ko, bumaba ang tingin ko sa kamay ko,bahagya kong tiningnan ang engagement ring na suot ko, wala na ba akong ibang magagawa bukod sa pagpapakasal kay William? Namimiss ko na ang init ng palad ni Henry sa twing hinahawakan nya ang kamay ko.
Nangilid ang luha sa mga mata ko, hindi ko mapigilang maging emosyonal sa lahat ng mga nangyayari.
Dala narin sigurp ng emosyon at pagod ko ay nakita kong may humawak sa kamay ko, kilala ko ang may ari ng kamay na iyon, umangat ang tingin ko sa lalaki na nasa harapan ko, si Henry.
Kalmado ang itsura nito habang nakangiti sa akin, nananaginip lang ako hindi ba? Mapait akong ngumiti rito at nang tingnan kong muli ang kamay nya na nakahawak sa akin ay naglaho na ito sa harapan ko.
Napaawang ang labi ko, naaawa ako sa sarili ko. Pumihit ako para muling maglakad ngunit laking gulat ko nang may humawak sa braso ko.
Halos mapaawang ang labi ko at mamilog ang mga mata ko habang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko. si Henry. Totoo ba ito? Si Henry nga. Kagaya ng imahinasyon ko kanina, nakangiti rin ito sa akin.
Ang mga luha na kanina ko pang pinipigilan ay agad na nagunahang kumawala na para bang nagkakarera. Hinila nya ang braso ko at mariin akong niyakap. Mahigpit iyon, isang yakap na halos ayaw na akong pakawalan.
Inangat ko ang kamay ko at niyakap narin sya ng mahigpit, hindi ito panaginip hindi ba?
“Henry.” Mahina kong sambit, habang patuloy sa pagagos ang mga luha ko.
“Stay by my side, I don’t think I can live without you.”
Bulong nito sa tenga ko habang mahigpit na nakayakap sa akin, naguumapaw sa saya ang puso ko, pero patuloy na umaagos ang mga luha ko na kanina pa lumalandas sa pisngi ko.