Episode 13

959 Words
Bumitaw sya sa pagkakayakap sa akin saka ako hinawakan sa balikat. “Im going to leave for States, please come with me.” Baritonong sambit nito, hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Sa wakas, binigyan ako ni Henry ng rason para ipaglaban ang nararamdaman namin sa isa’t isa. Marahan akong ngumiti at tumango rito habang umiiyak, pinunasan naman ng daliri nya ang mga luha ko at nilapit ang mukha nya sa akin saka ako marahan na hinalikan. Isang mainit na halik ang kanyang pinakawalan, punong puno ng damdamin at sinseredad.   Magkahawak kamay kami habang nasa tapat ng sasakyan nito. “Can you stay a bit longer?” Sambit ko habang nakatingin rito. Ngumiti  naman ito saka muling nagsalita. “I must go now.” Tugon nito, yumuko ako at bumuntong hininga. Hinaplos nito ang buhok ko saka muling nagsalita. “We can be together sooner for a very long time. By that time I am absolutely broke, so earn a lot of money.” Pabirong sambit nito. Ngumiti ako saka sumagot. “Okay.” “It would be nice if we leave together.” Nakangiti nitong sambit habang nakatingin sa akin. “May mga kailangan lang akong asikasuhin dito, pagkatapos ay susunod narin ako sayo.” Sambit ko “If you still have problems in your company I can..” Agad akong nagsalita nang mapagtanto ang gustong sabihin nito. “No, I don’t want you to worry about that.”Pagpuputol ko rito. Ngumiti ako saka muling nagsalita. “You should go now.  Bago pa magbago ang isip ko at hindi kana paalisin.” Dugtong ko. ngumiti naman sya at hinawakan ng dalawa nyang kamay ang kamay ko.   Henry.   I finally believe in love, Felicia thought me how, she show me and make me believe in love. I want to know how far can our forbidden love take us, I want to fight for her, I finally know what I want. She opened the door that I had been shutting for a long time and shone a light on a path I could not see. She makes me realize that I can love someone as much as I love her. I was stunned by the door, there’s a man standing with a dark face.My dad, Hindi pa kami nakakapagusap simula nang magkasagutan kami sa office room ko.  “Go to my office.” Sambit nito, saka tumalikod at pumasok sa loob.  Sumunod ako sa kanya, nakaupo sya sa may desk nya at ako naman ay nakatayo sa harapan nya, may kinuha sya sa drawer at hinagis iyon sa akin.   Tumigin ako sa sahig at nakita ko ang mga nagkalat na litrato namin ni Felicia. Maimpluwensya ang taong nasa harapan ko, kaya hindi na ako nagtaka pa kung malaman nya ang tungkol sa relasyon namin ni Felicia.   “Are you out of your mind Henry!?” Singhal nito saka tinapunan ako ng matatalim na tingin. “Sya ba ang rason kaya madalas kang umaalis ng opisina? Isang babaeng kayang kumabit sa isang lalaking may asawa na?!” Hindi ako sumagot at patuloy lang ang pagtitig sa mga litratong nagkalat sa sahig.  Umangat ang tingin ko at binaling sa aking ama. “She’s precious to me.” Sambit ko.  Sa puntong iyon lalo kong napagtanto kung sino ba dapat ang piliin ko, pinapakita ng litratong iyon kung gaano kami kasaya ni Felicia, kasiyahan na sa kanya ko lang naramdaman.  “Pano mo nasasabi yan! Hindi mo ba naiisip ang nararamdaman ni Mikaela?” Sambit pa nito.  “She’s the one I love, wala akong nararamdaman kay Mikaela, pinakasalan ko sya dahil iyon ang gusto nyo.” Tugon ko, isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan nito at pilit na pinapakalma ang sarili.  “Okay, it’s not uncommon for a man to brieftly lay his eyes on another woman.” Sambit nito habang pinapakalma ang sarili, tiningnan ko ito bago nagsalita.   “It’s not brieftly,  like what I’ve said, she’s the one that I love. For a long time, I tried to forget her but I can’t.” Tugon ko.  “So what! Anong binabalak mong gawin!” Sigaw nito.  “Aalis ako kasama sya, aalis kami sa lugar na ito at hindi na babalik kahit kalian.” This time, hindi na ako aatras pa, ipaglalaban ko ang puso at kalayaan ko.  “What did you say? Ano bang ginawa sayo ng babaeng yan at kaya mo kaming talikuran? Kami ng pamilya mo? Si Mikaela? Makakaya mo kaming talikuran para lang sa babaeng yan!” Singhal nito ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming magama hindi ko man gustohin na makipagsagutan pa sa kanya ngunit kailangan kong ilabas ang lahat ng nasa saloobin ko para gumaan ang pakiramdam ko.   “I’m willing to give up everything for her, if I can just to be with her I will give up anything.” Napapikit ito at humawak sa dibdib. Hindi ko gusto na nakikitang nahihirapan ang aking ama ngunit wala akong magagawa, buo na ang desisyon kong umalis kasama ang taong mahal ko, kasama si Felicia. “That w***e finally bewitched you.”  Sambit pa nito habang nakahawak sa dibdib.   “No dad, you’re wrong. I love her more that she loves me.” Mariin kong sambit habang nakatingin rito. Alam kong kahit na anong sabihin ko ay hindi ako maiintindihan ng aking ama, kalian nya nga ba ako inunawa?   Inangat nito ang tingin sa akin. “You fool, kung hindi dahil sa kayamanan at pera ko, sa tingin mo ba mamahalin ka nang babae na yan? Without my money you will lose that woman. Namuhay ka ng marangya dahil sa kayamanan ko, sa tingin mo makakayanan mong mamuhay ng wala ang yaman ko?! how long that woman will stay with you if you have no money and power?” Mariing sambit nito.   “If she leaves me for that reason, I will accept it. That’s my fate for loving her.” Tumayo ako at nagpaalam na rito. Narinig ko pa ang paglagabog ng ilang gamit pagkalabas ko ng silid, nabaling ang tingin ko sa babaeng nakatayo sa may pinto at nakatitig sa akin, nangingilid din ang luha nito.   “Henry.” Mahinang sambit nito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD