Marahan ko syang tiningnan kita ko ang lungkot sa mga mata nito. “I’m sorry, Please don’t forgive me.” Sambit ko, saka naglakad palabas, hinawakan nya ang braso ko kaya napahinto ako sa paglalakad.
“Please, don’t leave Henry.” Pagsusumamo nito sa akin, marahan kong tinanggal ang kamay nito na nasa braso ko at tuluyan ng umalis.
Felicia.
Nakayuko ako habang kausap ko si William. “I’m sorry.” Sambit ko.
“Don’t worry, alam ko namang wala kang nararamdaman para sa akin.” sambit nito. “Pero, Felicia..” Napaangat ang tingin ko rito, ngayon lang ako tinawag ni William sa buong pangalan ko.
“Sigurado kaba sa gagawin mo? Pano ang daddy mo? Sigurado akong hindi nya matatanggap kapag nalaman nya ang plano mo.” Dugtong nito.
Tama si William, walang kahit na sinong magulang na papayag na sasama ang anak nya sa isang pamilyadong lalaki, ngunit buo na ang desisyon ko. wala nang makakapigil pa sa akin maski ang daddy.
“Ako nang bahala, thank you William. Take care of yourself.” Sambit ko saka tumayo na at umalis sa restaurant.
Habang nagdadrive ako pauwe ay biglang nagring ang phone ko, nakita ko ang pangalan ni Henry na rumehistro sa screen ng sasakyan ko, agad ko iyong sinagot.
“Where are you?” Tanong nito. Ngumiti ako saka sumagot.
“Nagdadrive ako pauwi, nasa airport kana ba?” Tanong ko rito.
“Yup, I have 30 minutes before boarding, sigurado ka bang hindi ka sasama sa akin ngayon?” Tugon nito, lumawak ang ngiti ko at saka sumagot, kung pwede lang na sumama na ako sa kanya ngayon. Pero kailangan ko munang makausap si daddy sa huling pagkakataon.
“Ilang araw lang naman at susunod narin ako sayo dyan, are you sure you want to live with me?” Sambit ko, narinig ko ang pagtawa nito. “I won’t be here if I’m not yet sure.” Aniya, I bit my lip kahit nasa malayo sya ay nagagawa nya paring papulahin ang mga pisngi ko.
“Hey, are you still there?” Sambit nitong muli.
“Yeah, Henry..”
“Yes?”
“I love you.”
“I love you too.” He said, my heart race. Naibaba ko na ang telepono pero nakangiti parin ako habang nasa sasakyan, gabi na ng makauwi ako. I don’t know, but I feel uneasy.
At hindi nga ako nagkamali, naistatwa ako nang pagpasok ko sa sala ay nakita kong nakaupo si Mikaela kausap ang daddy ko, sabay sillang napatingin sa akin at matatalim na tingin ang binigay ni daddy sa akin. Bakit sya nandito? Nakaplano na ang lahat sa amin ni Henry, hindi ako pwedeng panghinaan ng loob sa pagkakataong ito.
Umayos ako ng tindig at lumapit sa kanila. “Dad.” Sambit ko nang makalapit dito, pero laking gulat ko nang tumayo ito at isang malakas na sampal ang tumama sa mukha ko. Nanlaki rin ang mga mata ni Mikaela at halatang nagulat sa ginawa ni daddy sa akin.
Agad na namula ang pisngi ko na noon ay hawak ng isa kong kamay, “How could you! hindi kana nahiya sa ginawa mo! Bakit sa dinami dami sa may asawa at anak pa Felicia!” Galit na galit na sambit nito.
Agad akong napaangat ng tingin dito at kay Mikaela, kumunot ang noo ko, Henry doesn’t tell me na may anak sya kay Mikaela. Salitan ko silang tiningnan at saka nagsalita. “W-what do you mean?”
Tumayo si Mikaela saka na noon ay mangiyak ngiyak na. “I-I’m pregnant.” Sambit nito, para akong nabuhusan ng malamig na tubig, hindi pa man nabubuo ay gumunaw ang mundo na gusto ko para sa aming dalawa ni Henry. Unti unting namuo ang luha sa mga mata ko.
Humarap ako kay Mikaela, “Why are you saying this now?” garalgal kong sambit.
“Huli na ng malaman kong buntis ako, Felicia, please nagmamakaawa ako sayo. Ibalik mo na sa akin ang asawa ko, please, I need him. Kailangan namin sya ng magiging anak nya.” Pagsusumamo nito, nanghina ang tuhod ko at napaupo sa sofa, wala na akong naririnig pa o naiintindihan sa sumunod nyang sinabi at saka kinulong ng palad ang mukha ko saka humagulgol ng iyak.
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko saka naglakas loob na muling magsalita. “I’m sorry, Henry doesn’t love you, buo na ang desisyon namin na magsama sa States. If it’s about the child he can support you, hindi ko hahayaan na pabayaan nya ang magiging anak nya sayo.” Sambit ko rito. Napaawang ang labi ng aking ama at galit na galit na binulyawan ako.
“Tumigil kana Felicia! Hindi ka aalis at kakalimutan mo na ang lalaking iyon!” Sigaw nito. Umiling ako at saka muling tumayo.
“No, I tried to forget him but I can’t dad, mamamatay ako kapag hindi ko sya nakasama, dad please ngayon lang. Just this one.” Tugon ko rito.
Pero madilim itong nakatingin sa akin at tinawag ang dalawang tauhan nya at hinawakan ako sa magkabilang braso. “Hindi ka aalis Felicia, magpapakasal ka kay William at kakalimutan mo na ang lalaking iyon. Sige iaakyat nyo na yan sa taas.” Mariing sambit nito.
“Dad please! Dad don’t do this! Please!” SIgaw ko rito habang kinakaladkad ako ng dalawang tauhan ni daddy.
A/N:
“I’m sorry, Mrs. Carson, hindi ko alam kung anong gagawin ko para mabayaran ang ginawang kasalanan ng anak ko. But I assure you, hinding hindi na sya makikipag kita kay Mr. Carson.” Sambit niito, habang nakatayo sa labas ng bahay nito.
“I’m sorry din Mr. Delgado, hindi ko lang talaga alam kung kanino ako lalapit, maraming salamat sa tulong ninyo, don’t worry, I will tell father if he can help you with the company.” Tugon nito habang nakangiti saka sumakay na ng sasakyan, pinagbuksan pa ito ng driver nya saka tuluyan nang umalis.
Samantala, nakaupo sa gilid ng pinto si Felicia habang yakap ang sarili, she keep on calling Henry’s name habang humahagulgol ng iyak.
Kinabukasan, ang lahat ng tauhan sa kumpanya ni Henry ay nagkakagulo dahil sa narinig na balita, halos manghina ang kanyang ama at hindi mapigilan ang patuloy na pagagos ng luha ni Mikaela dahil sa pagdadalamhati, nakarating sa kanila ang balitang bumagsak ang eroplanong sinasakyan ni Henry, wala ni isa ang nakaligtas sa aksidente.
Nagising si Felicia dahil sa sikat ng araw na dumadampi sa kanyang mukha,nakalugmok parin sya sa gilid ng pinto marahan syang tumayo at agad na hinawakan ang door knob para buksan ang ito, laking tuwa nito nang napagtanto na hindi na nakalock ang pintuan agad syang lumabas at bumaba sa sala, ngunit napahinto sya at halos mapako ang tingin nang makita sa tv ang isang balita na gumimbal sa kanya, isang masamang balita na hindi nya lubos maisip na mangyayari na syang wawasak ng tuluyan sa mundo nya.
Agad na lumandas ang mga luha sa kanyang mga mata, nanginginig ang mga kamay nito at napahawak sa bibig nya makailang beses pa syang umiling dahil hindi makapaniwala sa nalaman nito hanggang bigla nalang syang nawalan ng malay. Agad syang nakita ng mga kasambahay at tinawag ang ama nito natataranta ang lahat nang makita sya agad naman syang sinugod sa hospital.