Felicia’s dream*
“You know what, I made a poem in my mind just now.” Si Felicia habang nakaupo sila sa isang bench at nakatingin sa malawak na palayan.
“Really? Hmm. Can I hear it?” Nakangiting tugon ni Henry sabay baba ng libro na hawak nito.
Ngumiti naman si Felicia at umayos ng upo saka tumingin sa malayo at nagsalita.
“Sa mundong walang patutunguhan,
ikaw ang nagsisilbing liwanag sa bawat hakbang
ako’y patuloy na maglalakbay hangga’t yakap mo’y muling matagpuan
sa malupit na mundong ating ginagalawan, ika’y marahang hahagkan..”
“That’s it, hanggang don palang ang naiisip ko.” Dugtong ko saka binaling ang tingin rito. Ngunit napaawang ang labi ko ng dugtungan ni Henry ang tula na nabuo ko.
“Ngunit sa bawat paghakbang ko sa liwanag ay aking napagtatanto
Na sadyang malupit ang mundo kaya’t tayo’y pilit na pinaglalayo,
Patawad mahal kung hanggang sa huli ay kinakailangan parin nating maghiwalay,
Patuloy akong mananalangin na dinggin ang ating hiling na sa
Kabilang buhay, tayo ay muling pagtagpuin.”
---
“Henry!” Agad na napabalikwas sa higaan si Felicia at pagkasambit ng pangalan ni Henry, nilapitan sya ni William na noon ay nagaalala sa kanya.
“Icia, are you ok?” Sambit nito nang makalapit ito sa dalaga.
“Si.. si Henry, William, si Henry.. wala na si Henry.” Muli nitong sambit habang patuloy na umaagos ang luha sa kanyang mga mata, pilit naman syang pinapakalma ni William ngunit parang wala itong naririnig at patuloy na sinasambit ang pangalan ni Henry.
“Icia, tama na.”
“Si Henry, p-pupuntahan ko sya, William, hindi pwedeng mangyari to, nangako ako na susunod ako sa kanya sa States, hindi nya ako pwedeng iwan, k-kailangan kong umalis.. k-kailangan ko syang puntahan.” Sambit nito habang pilit na tinatanggal ang dextros na nakakabit sa kamay nya, sumisigaw na ito at nagwawala sa kagustuhang mapuntahan si Henry, agad namang dumating ang mga doctor at nurse para pakalmahin ito.
Nakapameywang si William at alalang alala rito, habang pinapakalma ang dalaga.
How could he leave me? I thought he loved me, but why? Why did he left me in this cruel world?
Felicia.
I can’t think anymore, nakatingin lang ako sa labas habang nakatayo sa may bintana ng kwarto ko sa hospital, I can’t believe that Henry left me, he just leave me without saying anything, without even saying goodbye. Muling sumikip ang dibdib ko at nangingilid ang luha sa mugto kong mata.
Pagod nako sa kakaiyak ngunit kapag naaalala ko ang trahedyang nangyari kay Henry, agad na umaagos ang luha sa mga mata ko. I guess I can understand now why that student kill herself, Henry was right. The loneliness after parting is terrifying.
Yumuko ako at nanghina ang mga tuhod ko. “I miss you, I miss you Henry.” Garalgal kong sambit saka bumagsak sa sahig habang umiiyak hawak ko ang dibdib ko na parang napupunit sa sobrang sakit.
“Icia, kailangan mong kumain.” Si William habang hawak ang isang bowl ng lugaw, hindi ko sya kinakausap, wala akong ganang kumain.
Maya’t maya ang pagpatak ng luha ko, napatingin ito nang may kumatok sa pinto, at pumasok ang isang nurse. “Excuse me sir, may kailangan lang po kayong pirmahan sa counter.” Sambit nito. tumango naman si William saka muling binaling ang tingin sa akin.
“Babalik ako kaagad, sana kumain kana pagbalik ko, okay?” Sambit nito, saka lumabas na ng kwarto ko. Pagkalabas nya ay napansin kong naiwan nito ang cellphone at susi ng sasakyan sa lamesa.
My heart aches, It hurts as much as I love him, because he’s someone I shouldn’t love.
Even if my last resort is following him in eternity, I will, just to be with him.
William.
Nabitawan ko ang mga hawak kong papel nang Makita kong wala na si Felicia sa higaan nito, agad akong tumungo sa restroom at tiningnan ang loob non pero walang kahit na anong bakas nya, napansin ko ang dextros sa higaan at agad na namuo ang takot at pangamba sa dibdib ko, akma kong kukunin ang susi ng sasakyan at cellphone ko sa lamesa pero natigilan ako nang wala na doon ang susi na kanina ay naalala ko pang nilapag don.
Agad akong nataranta, lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa nurse station para ireport ang nangyari, agad silang tumawag ng security at naghanap kami sa paligid ng hospital, tumungo rin ako sa parking para kumpirmahin ang kutob ko. At hindi nga ako nagkamali, wala na ang sasakyan ko.
Halos manghina ako, umakyat ang kilabot sa katawan ko, anong binabalak nyang gawin? Bakit sya umalis? Saka ko naisip na tawagan ang daddy ni Felicia para sabihin ang nangyari, maski ito ay nagulat at hindi malaman ang gagawin.
Pinareview ko ang cctv ng hospital kasama ang ilang security, tumawag narin ako ng mga pulis para makatulong na mahanap si Felicia, nakita naming sa screen ang paglabas nito sa hospital patungo sa parking area. Galit na galit ako sa mga security na nasa hospital dahil bigo sila sa pagbabantay ng mga lumalabas masok sa loob nito.
Maya maya lang ay dumating ang daddy ni Felicia at humahangos pa, nagalala ako sa kalagayan nito dahil kamakailan lang nang inatake sya sa puso.
“Nasaan ang anak ko? William anong nangyari?” Sambit nito nang makalapit sa amin sa loob ng cctv room.
“Umalis si Felicia gamit ang sasakyan ko, we need to check all the cctv’s in the area.” Sambit ko, tumingin ako sa mga pulis at sumenyas na umalis na kami. Muli kong tiningnan ang daddy ni Felicia na nagaalala sa anak nya, I hope she won't do anything stupid, hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari iyon.
Nakasakay ako sa sasakyan ng mga police kasama ang ilang kapulisan para mahanap si Felicia sa paligid ng hospital pero wala kaming nakita, sobrang kaba at takot ang nararamdaman ko habang tumatakbo ang oras.