CHAPTER 19
WHO'S COMING? ?
RAMDAM na ramdam ni Akina ang electricity mula sa dalawang lalakeng mahalaga sa kanya. Nang magkaharap ang mga ito ay tila manunugod na ang itsura ng mga ito.
"May problema ba kayo?" tanong niya habang nilalapag niya ang juice sa harap ng mga ito.
"Wala naman." sabay na sabi ng mga ito kaya napatango siya habang palipat-lipat ang tingin niya sa dalawa.
"Ano ba kasi ang ginagawa ng lalakeng ito dito, baby?" tanong ni Shin na kinausok ng ilong ni Diesel.
"Don't call her 'baby'. And for your information, I'm her boyfriend." pinagdidiinang sabi ni Diesel sa bestfriend ni Akina. Naiinis siya sa pagtawag nitong baby sa nobya niya.
"Bakit kita susundin? Matagal ko na siyang tinatawag na baby mula pa ng bungi palang ang ngipin niya. Saka ikaw? Boyfriend niya? Haha! Patawa ka. Walang binabanggit si Akina na may boyfriend na siya." pang-asar na tugon naman ni Shin.
"Akina ko.." tila nagsusumbong na tawag sa kanya ni Diesel kaya ang nagawa na lang niya ay napahilot ng sentido.
"Enough. Hindi ko kayo pinakilala sa isa't-isa para magbangayan." sabi niya sa mga ito at naupo siya sa isang sofa, "Anyway, Diesel, siya si Shin Rama. My bestfriend since I'm five years old. Pareho kaming laking japan ngunit ang Mom ko ay pure pinoy but my Dad is pure japanese. Sila Shin ay pure pinoy kaya sila ang naituring ng pamilya namin na kaibigan. Nakapagtapos na ako ng course na Business sa japan dahil 'yon ang nais ni Dad." pagsisimula niyang pagsabi ng katotohanan kay Diesel.
"Lahat pala ng pagkakakilala ko sa iyo ay puro gawa-gawa lang." sabi ni Diesel kaya nabahala siya.
"Hindi naman lahat. Lahat ng pinakita ko sa iyo ay ako talaga 'yon. Ang gawa-gawa lang naman ay ang status ko sa buhay at ang pangalan ko." sabi niya.
"Kung hindi ka pala mahirap, anong status mo sa japan?" tanong nito kaya napatingin siya kay Shin na alam niyang nagtatampo sa kanya dahil kay Diesel.
"Isang prinsesa sa japan si Akina. President ng japan ang Dad niya habang ang Mom niya ay may-ari ng shop ng mga bulaklak na pinaka-expensive na bulaklak sa buong japan." sabi ni Shin kaya pinagdilatan niya ito ng mata dahil ayaw niya na ipagsabi pa ang status nila dahil ayaw niyang masabihan na nagyayabang.
"President? You mean, pangulo ng bansa n'yo?" gulat na gulat na sabi ni Diesel kaya napahinga siya ng malalim.
"Oo." sabi niya kaya natawa ito at napailing.
"Wow! Hindi ko akalain na malaking tao pala sa japan ang angkan n'yo." sabi nito kaya namula siya.
"Oo, kinikilala ang angkan ng mga kobayashi dahil sa angking galing ng pamilya nila sa pamamalakad sa bansang japan." sabi ni Shin.
Napatingin siya kay Diesel na tumayo kaya nagtataka siya na napatingin rito.
"Kailangan ko nang umuwi. May sasabihin lamang ako kay Dad." sabi nito kaya tumayo siya.
"Ganoon ba." sabi niya at napabuntong-hininga siya, "Tara, hatid na kita sa labas." sabi niya rito at tumingin siya kay Shin na nakanguso. Kaya napailing siya at humawak siya sa braso ni Diesel para akayin ito palabas.
Nang makalabas sila ay lumapit sila sa kotse nito na hindi nag-iimikan. Pinindot nito ang remote ng kotse para mabuksan ang lock. Huminto sila sa tapat ng driver seat.
"Paano, mauna na ako. 'Wag kang magpapatawag ng baby sa gunggong na 'yon. Naiirita ako kapag naririnig ko." sabi nito.
"Gasolina, kaibigan ko pa rin si Shin. 'Wag mo naman siyang tawaging gunggong. Sasabihan ko na lang siya na tawagin niya ako sa pangalan ko." sabi niya rito.
"Okay, fine. Basta ayokong maririnig sa bestfriend mo ang pagtawag niya sa iyo na baby. Baka mamaya ay isipin ng iba na siya ang boyfriend mo." sabi nito kaya natawa siya dahil napaka-seloso nito.
"Oo na, sige na, umalis ka na. Mag-iingat ka sa pagda-drive mo." bilin niya rito kaya ngumiti ito at ngumuso.
"Good bye kiss ko." ungot nito kaya naningkit ang mata niya at napangiti siya dahil napakapilyo talaga nito. Pero hindi din naman niya natiis ito at dumampi ang labi niya sa labi nito, "Sarap. Tiyak na makakatulog ako nito mamaya ng mahimbing." sabi nito kaya hinampas niya ito ng mahina sa braso.
"Sige na, puro ka kalokohan. Mag-iingat ka at tumingin ka dinadaanan mo." sabi niya at muling bilin niya.
"Opo." sabi nito kaya inismiran niya ito at sinensyasan nang sumakay. Ngumiti muna ito bago nito buksan ang pinto bago sumakay. Hinintay niya munang umandar ang sasakyan nito bago siya humakbang paatras. Kumaway siya kaya nag-busina ito bago pinasibat paalis ang sasakyan nito. Nakatanaw siya rito hanggang sa mawala ito.
"Akina, talaga bang boyfriend mo 'yon?"
Napalingon siya kay Shin na nakasandal sa pinto habang nakahalukipkip na nakatingin sa kanya. Lumapit siya rito habang nakapamulsa siya ng kamay sa bulsa ng pantalon niya.
"Oo naman." tugon niya.
"Tsk. Sabi mo ay hindi ka mag-bo-boyfriend. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi na sana kita kinunsinte sa paglalayas mo." sabi nito kaya napataas siya ng kilay.
"Bakit naman napakainit ng ulo mo kay Diesel? Saka bakit ba ayaw mo akong mag-boyfriend? May hindi ka ba sinasabi sa akin, Shin?" may panghihinala niyang tanong na kinagulat nito at tila hindi ito mapakali.
"Akina, ano kasi.. may--"
"Alam ko na. Type mo ang boyfriend ko, no?" sabi niya. Napanganga ito sa sinabi niya kaya napapailing siya dahil tama ang hula niya. Confirm! Bakla ang bestfriend niya. Kaya pala hindi niya nakita na nag-girlfriend ito o 'di kaya ay nanligaw ng babae. 'Yun pala ay lalake ang type.
"Ano bang pinagsasabi mo?" galit nitong maang-maang kaya lumapit siya rito at tinapik ang balikat nito.
"'Wag kang mag-alala, suportado ko ang tunay mong pagkatao. Pero maghanap ka naman ng iba, 'wag 'yung boyfriend ko, okay?" sabi niya rito at napapailing siya na nilagpasan ito para pumasok na muli siya sa loob ng bahay.
"What the f**k!" rinig niyang bulalas nito kaya napahinga siya ng malalim dahil hindi man lang niya napansin na may pusong eba ito.
-
PANAY ang ayos ni Diesel sa necktie niya dahil tila hindi ayos ang pagkakalagay niya no'n. Marahas na napabuga siya ng hangin dahil kung kailan siya nagmamadali ay saka naman nagpahirap ang necktie niya.
"Need help?"
Napalingon siya ng marinig ang boses ng Mommy niya. Napabuga siya ng hangin at tumango rito. Nakangiti na lumapit ito sa kanya at tinignan ang suot niya.
"Ang gwapo ng baby ko, pero hindi naman marunong mag-ayos ng necktie niya." pang-aasar nito.
"Mom!" suway niya rito kaya natawa ito at napailing habang hawak na nito ang necktie niya at inaayos.
"Mabuti naman at nagkaayos na kayo ni Jhaycee--"
"Akina, Mom." pagtatama niya.
"Alright, Akina. Mabuti at nagkaayos na kayo ni Akina. Akala ko ay magpapakipot ka pa, baby." sabi nito.
"Hindi ko naman talaga nais na patagalin, Mom. Gusto ko lang sana na parusahan siya sa pagsisinungaling niya sa tunay niyang pagkatao." sabi niya rito at humarap siya sa salamin ng maayos nito ang necktie niya.
"Hindi naman kasi aabot ng ganoon kung nag-research ka about her." sabi nito kaya napalingon siya rito na gulat.
"Kilala mo na skya noon pa, Mom?" tanong niya kaya ngumiti ito at tumango.
"Oo. Alam mo naman ang Dad mo, maraming connection. Gusto niya kasi nalalaman ang mga nagugustuhan n'yong magkakapatid. Kaya hindi niya pinapalagpas na malaman kahit ano pang pinakatatago ng mga babaeng gusto n'yo." sabi nito kaya napanguso siya.
"Bakit hindi n'yo naman agad ako sinabihan, Mom? Edi sana hindi na ako nagalit sa kanya." nagtatampo niyang sabi kaya piningot nito ang tenga niya na kinangiwi niya.
"Ewan ko ba kung talagang anak ka ng Dad mo. Pagdating sa babae ay mabagal ka. Hindi mo gayahin ang mga kapatid mo." sabi nito at binitawan na ang tenga niya kaya napahimas siya sa tenga niya.
"Kasi naman masyadong magaling magtago si Akina. Hindi ko man lang napansin ang kakaiba niyang kilos na malayo sa mga pang-ordinaryong tao. Hindi ko man lang napansin ang maganda niyang kutis na tila alaga sa sabon na gatas. Hindi ko man lang napansin ang mga gamit na binigay niya sa akin na halos mamahalin pala. Ganoon ba ako kamanhid, Mom?" bulalas niya at napabuga siya ng hangin.
"Hindi ka manhid, anak. Siguro ay mahina ka lang magkilatis ng tao." sabi nito.
Magsasalita sana siya ng mapukaw sila ng isang katok. Bumukas ang pinto at bumungad sa kanila ang Daddy niya na kagagaling lang sa company nito.
"Hi, Dad." aniya at lumapit siya rito para makipagbeso. Nagtapikan sila ng likod bago nagbitaw ng yakap. Lumapit ang Dad niya sa Mom niya at hinalikan nito sa labi ang Mom niya na kinangisi niya.
"Anniversary ng WCU ngayon, right?" paniniguro ng Dad niya kaya tumango siya.
"Yes, dad. Actually, male-late na po ako." sabi niya kaya natawa ang mga ito.
"Sino naman ang ka-partner mo?" tanong nito pero tila nahulaan na nito kung sino.
"You know her, dad." sabi niya kaya napatango ito.
"Okay. Tatawagan ko na lang ang school mo para makapasok si Ms. Kobayashi." sabi nito kaya napangiti siya.
"Thanks, Dad." sabi niya rito kaya tumango lang ito at ngumiti habang tinatapik ang balikat niya.
"Sige na, baby. Lumakad ka na at baka naghihintay na sa iyo si Akina." sabi ng Mom niya kaya tumango siya at excited na kinuha ang coat niya bago siya tumakbo palabas ng kwarto. Habang pababa siya ng hagdan ay sinusuot niya ang coat niya.
Pagbaba niya ay nakita niya sila Bettina, Benj, Seige, at Magnolia sa sala na nagbo-bonding. Napatingin ang mga ito sa kanya.
"Omg! Ang gwapo mo, Diko." sabi ni Bettina kaya napangiti siya habang inaayos ang coat niya.
"Tingin n'yo ay lalong mahuhulog sa akin si Akina?" tanong niya.
"Oo naman. 'Di ba, Baby bro?" tugon ni Bettina at binalingan si Benj na nakatayo sa sofa habang nagtatalon.
"Bakit naman po mahuhulog sa inyo si Ate Akina, bangin ka po ba?" tanong nito kaya inismiran niya ito. Nagtawanan sila Bettina, Seige, at Magnolia dahil sa sinabi ni Benj.
"Sapul ka do'n, Bro." nakangising sabi ni Seige.
"Tsk. Manang mana sa iyo, ugok. Sige na, wala na akong time na gantihan 'yang bu-bwit na 'yan. I have to go." sabi niya at naglakad na siya palabas habang kinukuha ang susi niya sa bulsa at pinaikot sa daliri niya.
Kinuha niya ang phone niya at tinawagan si Akina para sabihin na papunta na siya sa bahay nito.
"Sa university ng gate muna lang ako hintayin, Gasolina." sabi nito at dahil masunurin siyang boyfriend ay pumayag na siya at doon na nga siya dumeretso.
Pagdating sa university ay naroon na ang bangtan na pinagkakaguluhan ng mga girls. Napangisi siya dahil talagang pinaghandaan ng mga ugok ang anniversary ng university. Well for him ay ito na siguro ang pinaka-exciting na anniversary ng school na dinaluhan niya. Kasi ngayon ay kasama na niya si Akina.
Bumaba na siya ng kotse ng makapag-park siya sa pwesto niya. Pagbaba niya ay tilian agad ng mga gilrs ang narinig niya.
"Naks! Ron, gwapo ka ngayon." sabi ni Benedict.
"Ul*l! Matagal na akong gwapo. Mas gwapo lang ako ngayon." confident niyang sabi na kinatawa ng mga ito.
"Ang lakas ng tiwala mo sa sarili." natatawang sabi ni Michael.
"Naman! 'Yon nga lang ang mayroon ako kaya napasaakin si Akina." sabi niya na kinaubo ng mga ito.
"Fall na fall ka na." sabi ni Jin.
"Patay na patay kamo." hirit ni Michael na malakas talagang mang-asar.
"Tama na 'yan. Tara, pumasok na tayo." aya ni Sandro.
"Sige, mauna na kayo, Guys. Hihintayin ko pa si Akina." sabi niya at tumingin siya sa wrist watch niya.
"Wow!" bulalas ni Michael kaya napatingin siya rito. Nakatingin ito sa likod niya kaya parang slow motion siyang lumingon sa likod niya.
Unang nakita niya ay ang kumpulan ng mga estudyante pero nang mahawi ang mga ito ay napatulala siya sa nakita niya. Si Akina ang nakita niya na nakasuot ng pink cocktail dress, habang may balabal sa balikat nito na gawa pa sa balahibo na kulay puti. Habang ang buhok nito ay kinulot ang dulo at light make up lang ang nakapahid sa mukha nito pero napakaganda nito. Napatingin siya sa legs nito na napakinis habang ang suot nito sa paa ay isang sneakers avenue na kulay puti kaya napailing siya at napangiti dahil napakadali talaga nitong pangitiin siya.
Napapakamot isya ng batok na lumapit rito. Nakangiti ito sa kanya kaya lalo siyang nabighani.
"You're so gorgeous." papuri niya.
"Thanks. Ikaw rin. Ang gwapo mo sa suot mo." sabi nito kaya lalo siyang napangiti at tila nag-init ang tenga niya.
"Ahem.." tikim niya bago siya tumabi rito at nilahad ang braso niya, "Let's go?" aya niya kaya napatingin ito sa kanya at ngumiti bago ito humawak sa braso niya.
Nakangiti silang pumasok sa loob ng pinagdadausan ng celebration at lahat ng nadadaanan nila ay napapahawi at napapatitig sa kanila.
Napahinto sila sa mga asheret na nakaabang sa entrance ng pagdadausan. Ngumiti ang dalawang babae sa kanila at sinuotan siya ng bulaklak sa leeg habang si Akina ay sinuotan ng bulaklak na may ribbon sa wrist.
Nang maisuot na sa kanila ay pinayagan na silang pumasok kaya napangiti sila at excited na pumasok na tila wala silang pakialam sa paligid. Tila ang isa't-isa lang ang nakikita nila.
Inalalayan niya si Akina na maupo sa naka-assign na table nila. Pagkaupo nito ay naupo siya sa tabi nito. Dinantay niya ang kaliwang braso sa upuan na sandalan nito habang masaya silang nagkwe-kwentuhan.
"Ang isa d'yan, nand'yan lang ang love of his life, hindi na tayo pinansin. Grabe ang sakit ng kagat ng langgam. Ang tamis kasi sa table natin." pagpaparinig ni Benedict.
Doon naman napukaw ang atensyon nila ni Akina. Nakita niya na pinapanood pala sila ng barkada niya kasama sila Mina, Briones, at Rex.
"Oh, nand'yan pala kayo." sabi niya kaya nag-sign ang mga ito ng bad sign. F*ck you sign.
"Oo, kanina pa kami nakaupo rito pero para kayong may sariling mundo." sabi ni Briones.
"Tsk." asik niya dahil panira talaga ang mga ito sa pag-uusap nila ni Akina.
Natigil lang ang pag-uusap nila ng may tumugtog na sound na galing sa stage. At tumapat na doon ang spotlight kaya natahimik sila.
Nakita niya ang mga head, supervisor, at ilang board member na umakyat sa stage.. Mga naka-formal suit at dress ang mga ito na talagang pinaghandaan ang gabing ito para i-celebrate ang anibersaryo ng university.
"Good evening, Everyone!" bati ni Mrs. Cruz na supervisor ng school.
Nagpalakpakan naman ang mga estudyante bilang pagtugon sa bati nito. Nang tumahimik na ay nagpatuloy ang iba sa paninimula ng selebrasyon.
"I heard na bibigyan tayo ng special dance and sing number ng Bangtan." nakangiting sabi ni Mr. Policarpio ang head professor ng university
Nagtilian at nagpalakpakan naman ang mga estudyante kaya napuno ng ingay ang buong gusali. Napatingin siya sa bangtan at nagsitanguan sila. Tumingin siya kay Akina at nilapit niya ang bibig sa tenga nito.
"Panoorin mo ako. Hinanda ko talaga ito para sa iyo." bulong niya.
"Sige, galingan mo." nakangiting sabi nito kaya napangiti siya bago tumayo kasabay ng bangtan.
[BOY IN LUV BY BTS]
May pasabog na usok at nagsimula ng maglikot ang ilaw hanggang sa magsimula ng kumanta ang bangtan. Nakangiti na pinanood ni Akina ang performance ng mga ito at syempre hindi niya mapigilan na kiligin kapag titignan siya ni Diesel.
Napapahanga siya dahil talagang ang gagaling ng mga ito. Walang sapawan. At feel na feel niya na talagang nag-e-enjoy ang mga ito. Ang ganda pa ng mga boses.
"Jhaycee, ang swerte mo girl." pukaw sa kanya ni Briones kaya napatingin siya rito.
"Bakit mo naman nasabi?" tanong niya.
"Kasi lahat ng girls rito sa university ay nangangarap na kantahan sila ng Bangtan. Pero ikaw ay walang ka-effort-effort dahil simula palang ng pagkanta nila ay sa iyo na nakatingin si Diesel." sabi nito kaya napangiti siya at muling tumingin sa stage.
"Tama ka. Ang swerte ko nga." aniya habang nakangiting nakatingin kay Diesel. Nag-flying kiss ito sa kanya kaya namula siya ng magtilian ang mga nasa kalapit niyang table dahil nasaksihan ng mga ito ang ginawa ni Diesel.
"Whaaa! Ako din Jin ko!" hiyaw ni Mina.
"Lukaret! Kanina ka pa nga kinikindatan ni Jin, hindi mo pala napapansin." sabi ni Briones at kinurot sa tiyan si Mina.
"Ouch! Ang hard mo talaga, bakla." sabi ni Mina kaya napailing na lang siya at tumingin na lang siya sa bangtan na nagpe-perform.
Pumalakpak siya ng matapos ang performance ng mga ito. Ang pinagtataka niya tila may kulang sa grupo. Wala si Jack. Pero tila nagawan ng mga ito ng paraan dahil natawid nila ng maayos ang performance.
Nang makabalik ang mga ito sa kanilang table ay agad siyang bumaling kay Diesel.
"Gasolina, bakit tila kulang kayo?" tanong niya. Napahinga muna ito ng malalim bago binaba ang baso na naglalaman ng tubig. Hingal na hingal kasi ang mga ito dahil sa pagsasayaw ng mga ito.
"Hindi ko rin alam kung bakit hindi dumalo si Jack. Pero kahapon ay ayos naman siya at sumali sa practice. Ewan ko lang ngayon dahil pati kami nung umakyat ng stage ay doon lang namin napansin na wala si Jack." sabi nito kaya napatango siya.
"Hindi ko talaga siya ma-contact." sabi ni Michael kaya napatingin sila rito.
"Baka naman ay may family event din." sabi ni Benedict.
"Pansin ko nga na wala rin si Tito Romeo ngayon rito." sabi ni Jin.
"Saan naman kaya nagsusuot si Jack? Ngayon lang nangyari na hindi siya nagpakita sa atin. At lately, parang naging ilap na siya." sabi ni Sandro.
Natigil sila sa pag-uusap ng tumunog ang isang party dance. Ang ilang estudyante ay maligalig na tumayo para sumayaw sa dance floor.
Nabigla siya ng hawakan sya ni Diesel sa kamay at tumayo ito kaya naguguluhan siyang tiningala ito.
"Ang mabuti pa ay i-enjoy na lang natin ang gabing ito." sabi nito at hinila siya patayo. Napapailing na lang siya at nagpatangay na lang rito.
Nang makarating sila sa dance floor ay binitawan ni Diesel ang kamay niya at natawa siya ng magsayaw ito ng parang baliw. Ginaya na lang niya ito kahit pa hindi siya marunong sumayaw.
Nakisayaw na rin ang bangtan at sila Mina. Tuwang tuwa siya dahil parang mga nagwawala ito. Tumagal ang pagsasayaw nila ng crazy dance ng biglang maiba ang song. Naging isang slow motion sweet dance.
Nagsialisan ang iba at naiwan ang mag-couple. Nabigla siya ng kunin ni Diesel ang pareho niyang kamay at pinatong ito sa balikat nito. Humawak naman ito sa baywang niya at hinapit siya palapit sa katawan nito.
"Hindi ako marunong." sabi niya rito na kinangiti nito.
"It's okay. Sabayan muna lang ako." sabi nito habang nakatitig ito sa kanyang mga mata habang nagsisimula na silang gumalaw para sundan ang tugtog.
"Ngayon lamang ako nag-enjoy sa mga ganitong pagdidiriwang." sabi pa nito.
"Ako man." sabi niya kaya natawa sila.
"Oo nga pala. Naalala mo ba 'yung kumain tayo sa japanese restaurant?" tanong nito kaya tumango siya, "Hindi pa natin nakikita ang mensahe natin sa isa't-isa sa garapon. Lumagpas na ang isang buwan." sabi nito.
"Edi bukas puntahan natin." sabi niya kaya napangiti ito.
"Sige." sabi nito kaya napangiti siya at yumakap siya rito.
"Gasolina, mahal na mahal kita." sabi niya bigla.
"I love you too, Akina ko." tugon nito kaya napangiti siya.
-
NANG matapos ang selebrasyon ay hinatid siya ni Diesel sa bahay ni Isabelle. Nakatayo pa sila sa harap ng bahay.
"Mag-iingat ka sa pagda-drive." bilin niya rito at maglalakad na sana siya ng humawak ito sa kamay niya kaya napalingon siya.
""Yung good night kiss ko?" ungot nito kaya hinampas niya ito ng dala niyang pouch na kinatawa nito.
"Ang hilig mo talagang manghingi ng kiss." sabi niya ngunit ngumiti lang ito ng pilyo. Napahinga siya ng malalim at hinawakan niya ito sa mukha. Pinakatitigan niya ito dahil pakiramdam niya ay matagal niyang mamimiss ang mukha nito. Dumampi ang labi niya sa labi nito kaya niyakap siya nito at nilaliman nito ang paghalik kaya natangay siya. Kung hindi lang biglang kumulog ay hindi pa sila maaawat.
"Damn! Makakatulog ako nito ng mahimbing." sabi nito kaya pinisil niya ang pisngi nito bago niya inalis ang kamay nito sa baywang niya.
"Sige na, umalis ka na at tila uulan pa ata. Mag-iingat ka at i-text mo ako kapag nakauwi ka na." bilin niya rito kaya tumango ito at sumaludo.
"Yes, boss." sabi nito kaya napangiti siya at napailing. Lumayo siya ng kaunti para makasakay ito. Nang makasakay ay pinanood niya ito habang binubuhay ang makina. Kumaway siya ng tumingin ito sa kanya hanggang sa paandarin na nito ang sasakyan paalis.
Tinanaw niya ito hanggang sa mawala na ang sasakyan nito sa paningin niya. Tumalikod na siya at maglalakad na sana siya ng mahinto siya at natuod sa kinatatayuan niya.
"Otōsan.." gulat niyang sambit.