CHAPTER 18
CAN'T RESIST
SA PAGPASOK palang ni Jhaycee sa university ay pinagbubulungan na siya. Matapos ang nangyari nung gabi na umamin siya na hindi tunay ang pagkatao niya na si Jhaycee Akina Flores ay agad na umalis si Diesel pauwi ng pilipinas. Ngayon lang muli ang pasukan kaya tiyak na makikita na niya si Diesel ngayon. Hindi kasi niya naabutan ito sa bahay nito. Maging sa bangtan ay humihingi siya ng tulong para sabihin ng mga ito kung nasaan si Diesel. Alam niya na pinagtataguan siya nito. Pero pursigo siya na makausap ito. Nais niyang magpaliwanag rito. Gagawin niya ang lahat para masabi niya ang side niya.
Nabigla siya ng may nagbuhos sa kanya ng tubig. Napamaang siya at napatingin sa uniform na suot niya. Ngayon araw pa lang siya nagsuot ng uniform pero nabinyagan agad ito.
"Go away fake girl!"
"Oo nga! Umalis ka na sa university! Hindi welcome ang fake dito!"
"Hey, boyish girl!" si Amanda, "Oh! I'm wrong. Fake girl na pala. Kapal ng mukha mong magpakita pa. Niloko mo lang si Diesel." sabi pa nito at tinulak siya sa balikat.
Umirap suya at lalagpasan na sana niya si Amanda at alagad nito ngunit napahinto siya ng hatakin nito ang suot niyang bonet sa ulo. Pinagtulungan siya ng tatlo at sinabunutan siya. Napaupo siya habang nakahawak sa ulo niya dahil ang sakit na ng anit niya.
"What are you doing?!" agad na napatigil sila Amanda sa pagsabunot sa kanya ng marinig ang boses ni Jack.
Tinulak ni Jack ang tatlo kaya napaupo sa sahig ang mga ito. Tinulungan siya ni Jack na tumayo habang siya ay natutulala sa mga nangyayari. Tumingin siya sa paligid dahil baka nasa paligid lamang si Diesel ngunit tanging si Jack lamang ang narito.
"Halika nga." sabi sa kanya ni Jack at hinila siya. Dinala siya nito sa garden. Wala siyang imik at naglakad siya palapit sa bench. Naupo siya habang natutulala sa kawalan.
"Bakit ka nagpapaapi sa mga 'yon? Dapat nilabanan mo sila. Magaling ka naman sa martial arts." sermon sa kanya nito.
"Alam mo ba kung nasaan si Diesel?" tanong niya habang nakatingin na ngayon sa kamay niya na nasa kandungan niya.
Natahimik si Jack at napahinga ng malalim dahil sa tanong niya.
"Hindi pa siya nagpapakita, kahit sa amin na bangtan. Simula nang mauna siyang umuwi sa atin ay hindi pa siya nagpaparamdam." sabi nito kaya napapikit siya.
Tumayo siya dahil wala naman pala ang taong hinahanap niya.
"Bakit hinahanap mo pa rin siya? Tiyak naman na kasama niya ngayon si Zia. Hindi ka niya mahal dahil kung mahal ka niya edi sana nasa harap mo siya ngayon at pinapakinggan ang sasabihin mo." sabi nito.
"Dahil ayokong mahuli ang lahat. Gusto kong makapagpaliwanag sa kanya para wala akong pagsisihan sa huli." sabi niya. Hindi na ito nakaimik kaya humakbang na siya paalis.
Pumasok siya sa klase ngunit tila wala rin siya sa konsentrasyon. Hindi naman naging ilap sa kanya sila Mina kaya mayroon pa rin siyang nakakasama. Ang ibang bangtan ay ramdam niya na may pagdisgustong pakikitungo sa kanya. Nauunawaan niya 'yon dahil kaibigan nila si Diesel.
"Class dismissed!" anunsyo ng huling Prof nila kaya tumayo na siya at sinukbit ang bag sa balikat niya.
Hindi niya pinansin ang mga pagtitinginan sa kanya ng mga kaklase niya basta dumeretso na siya palabas.
"Jhaycee, wait!" tawag sa kanya nila Mina kaya lumingon siya at huminto sa paglalakad para harapin ang tatlo na si Mina, Briones, at Rex.
"Anong kailangan n'yo?" tanong niya.
"Gusto lang namin sabihin na kahit sino ka pa ay ikaw pa rin 'yung tinuturing namin na kaibigan." sabi ni Mina kaya ngumiti siya.
"Salamat." sabi niya.
"Kung hindi Jhaycee Akina Flores ang tunay mong pangalan, ano? Pwede ba naming malaman?" tanong ni Rex kaya napatingin siya rito. Napahinga siya ng malalim at umayos siya ng tayo.
"I'm Akina Kobayashi, 18. From Japan." pakilala niya at yumukod siya sa mga ito.
"Omg! Isa ka palang japanese friend." tili ni Briones kaya napangiti siya na umayos ng tayo.
"Half japanese." sabi niya.
"Kaya pala mukha kang japanese na may pagka-pinoy. Saka kung kaya mong makapagpalit ng pangalan, edi mayaman ka?" sabi ni Mina na tipid niya lang nginitian ang sinabi nito, dahil hindi na niya nais na ipagkalat 'yon.
"Ms. Flores."
Napalingon sila ng may tumawag sa kanya. At nakita niya si Mrs. Evangelista, ang guidance councilor. Tumingin siya kela Mina na tumango sa kanya.
"Mauna na kami. May dinner kasi kami ng parents ko." sabi ni Mina kaya tumango siya. Umalis na ang mga ito kaya bumaling siya kay Mrs. Evangelista at lumapit rito.
"Ma'am.." aniya.
"We need to talk." sabi nito kaya tumango siya. Tinalikuran siya nito at nauna na itong maglakad kaya sumunod siya.
Sa opisina nito sila nagtungo. Naupo ito sa swivel chair at pinatong ang kamay sa table nito at pinagsiklop bago siya tinignan.
"Nagsinungaling ka about sa true identity mo. Alam mo na hindi namin tino-tolorate ang ganyan, Ms. Flores." sabi nito kaya napayuko siya at tumango.
"Alam ko po." tugon niya.
"Sorry pero kailangan namin na i-drop ka sa school dahil ayaw namin na gayahin ka ng ibang estudyante at sa mga nagnanais pa na pumasok sa university." sabi nito kaya napalunok siya at tumango.
"Tatanggapin ko po ang pasya n'yo. Alam ko naman ang naging pagkakamali ko. Naging masaya din naman po ang pag-stay ko rito at inaamin ko po na maganda magturo ang paaralang ito." sabi niya. Ngumiti naman ito at napahinga ng malalim.
"Nanghihinayang ako sa iyo, Ms. Flores. Napakagaling mo sa klase at lahat ng Prof mo ay natutuwa sa participation mo sa klase." sabi nito. Tumango lang siya at tipid na ngumiti.
"Mrs. Evangelista, mauna na po ako." sabi niya rito.
"Ganoon ba." sabi nito kaya tumayo siya mula sa pagkakaupo niya at hinubad ang I.D niya.
"Iiwan ko na po ito." sabi niya.
"Naku, hindi na. Sa iyo na 'yan." sabi nito kaya ngumiti siya at muling sinuot ang I.D.
"Sige po." paalam niya na kinatango nito. Tumalikod na siya at huminga muna siya ng malalim bago naglakad palabas.
Wala nang masyadong tambay sa mga koridor kaya nakakapaglakad na siya ng matiwasay at walang mga estudyanteng pinagbubulungan siya. Dumeretso siya sa locker room. Binuksan niya ang locker niya na may nakadikit na mga rose. Idinidikit niya sa pinto ng locker niya ang mga rose na binibigay sa kanya ni Diesel araw-araw. Kinuha niya ang kuhang litrato nila ni Diesel nung unang araw ng date nila. Napangiti siya dahil kitang kita niya ang napakagandang ngiti ni Diesel habang siya ay poker face.
Napahinga siya ng malalim ng mangilid ang luha niya. Umiling siya at kinuha ang book niya at inipit doon ang mga kuhang litrato nila ni Diesel.
Napatingin siya sa teddy bear na sakto lang ang laki. May damit 'yon ng half boy and half girl. Sabi ni Diesel ay ganoon daw siya, half girl and half boy. Natawa siya ng maalala 'yon. Hinawakan niya ang katawan ng teddy at pinagmasdan 'yon. Napindot niya ang button sa tiyan nito kaya nagsalita ang teddy bear.
'I love you, Akina ko. I love you, Akina ko.' kanta ni Diesel kaya napangiti siya at mahinang pinalo niya ang ulo ng teddy bear.
"Nasaan ka na ba? Akala ko ba mahal mo ako? Bakit hindi mo man lang ako pinakinggan? Hindi ko naman intensyon na magsinungaling sa tunay kong pagkatao. Nagawa ko lang 'yon para hindi ako agad mahanap ng otōsan ko. Pasensya na kung hindi ko sinabi sa iyo. Natatakot lang talaga akong umamin." sabi niya habang nakatitig siya sa teddy bear. Pinunasan niya ang luhang tumulo sa mga mata niya na hindi niya namamalayan.
Niyakap niya ang teddy bear at libro bago niya isara ang pinto ng locker room. Sinabit na lang niya ang susi doon at saka siya naglakad paalis. Pag-alis ng tuluyan sa eskwelahang tinuring niya na isang daan para makilala niya si Diesel, ang bangtan, at sila Mina. Hindi niya aakalain na makakakilala siya ng mga kaibigan sa loob lamang ng ilang buwan.
Tumingin siya sa logo ng school at mapait siyang ngumiti bago pinidal ang bisikletang gamit niya paalis ng university.
-
PAGDATING sa bahay ni Isabelle ay nagtaka siya ng may makitang lalakeng nakatayo sa harap ng pinto habang nakatalikod sa kanya. Maputi at maganda ang porma nito. May katabi itong maleta kaya muli niyang sinuri ang katawan ng lalake.
"Sino ka?" tanong niya. Napatigil sa pagtingin sa bahay ang lalake at agad na humarap sa kanya na kinamaang niya, "Shin!" nakangiti niyang sambit sa pangalan nito. Agad niyang binitawan ang bike at tumakbo siya palapit rito. Niyakap niya ito ng mahigpit.
"Baby ko!" natutuwa nitong sabi at niyakap rin siya at inikot. Natawa siya at hinampas ito sa balikat upang tumigil ito. Tumigil naman ito sa pag-ikot sa kanya kaya kumalas siya ng yakap, "Grabe, miss na miss na kita, baby ko. Mabuti na lang at tama ang address na napuntahan ko." sabi pa nito.
"Hindi kita nakilala, Shin. Mas naging manly ka. Saka bakit tila hindi ka na nagsusuot ng mga superherong t-shirt? Nag-improve na ba ang taste mo?" sabi niya rito kaya napasimangot ito.
"Kakakita lang natin ay nilalait muna ako. Syempre, na-realize ko na baguhin ang sarili ko baka sakaling makita ako ng babaeng gusto ko ay magustuhan na niya ako." sabi nito na biglang nagseryoso.
"Asus! Tagal na no'n hindi ka pa sumusuko. Baka hindi ka naman type no'n. Maghanap ka na lang kaya ng iba." suggestion niya na kinahinga nito ng malalim at malungkot na ngumiti.
"Sinusubukan ko pero siya pa rin talaga. Kung saan ay ganoon kadali 'yon." sabi nito kaya siniko niya ito dahil napaka-drama talaga ng bestfriend niya.
"Ang drama mo. Tara na nga sa loob. Tiyak na matutuwa si Tiya kapag nakita ka." sabi niya rito.
"Wala naman atang tao sa loob. Tawag ako ng tawag pero wala namang sumasagot." sabi sa kanya ni Shin kaya nagtaka siya dahil bakit wala pa si Isabelle.
Lumapit siya sa pinto at binuksan. Pagbukas ng pinto ay katahimikan ang tumambad sa kanya..
"Wala pa pala sila tiya. Siguro ay nasa mga ford pa 'yon." sabi niya kay Shin at inaya niya ito sa sala.
Pabagsak na naupo siya sa sofa habang si Shin ay nililibot ang tingin sa bahay ni Isabelle.
"Gusto mo ba ng maiinom?" tanong niya rito kaya tumingin ito sa kanya.
"Sige, gusto ko ng malamig. Grabe ang init pala sa pilipinas. Hindi ako sanay." sabi nito kaya napangiti siya.
"Ako man, ganyan din ang una kong sinabi sa pilipinas, pero habang tumatagal ako rito ay napapamahal ako. Para bang napakalaya ko kapag narito ako." nakangiti niyang sabi.
"Tila nagustuhan mo talaga dito, ah. Pero Akina, kaya pala ako narito dahil may nais akong sabihin sa iyo." sabi nito.
"Mamaya na. Kukuha lang muna kita ng juice." sabi niya rito at agad niya tinalikuran na ito.
Pagdating sa kusina ay napasandal siya sa pader at napabuga ng hangin. Alam niya na alam na tiyak ng Dad niya kung nasaan siya. Pero natatakot siya na oras na matunton siya nito ay ayain na siya pabalik ng japan. At gusto sana niya kung sakaling mangyayari 'yon ay nakahingi na siya ng sorry kay Diesel. Ayaw niya na umalis siya na mayroon sa puso niya na konsensya dahil hindi man lang sila nakapag-usap ni Diesel.
Umalis na siya sa pagkakasandal sa pader at tinungo niya ang ref. Nakita niya na may cold softdrink can kaya kinuha niya 'yon. May slice ng cake pa palang natira kaya naglagay siya sa platito.
Nilagay niya sa tray ang mga ito at binuhat niya palabas ng kusina. Napatingin siya kay Shin na hawak ang teddy bear na bigay ni Diesel kaya agad siyang lumapit at binaba sa lamesa ang tray. Kinuha niya kay Shin ang teddy bear ng magsalita ang boses ni Diesel doon.
"Sino 'yon? Bakit sinasabihan ka ng 'I love you'?" tanong nito habang may seryoso itong mababakas sa mukha.
"Wala 'yon. Heto na ang inumin mo. Naglabas na rin ako ng cake. 'Di ba hilig mo ito?" sabi niya na nililinis ang usapan.
"Nagpapaligaw ka na ba, Akina? Akala ko ba ay wala sa isip mo ang magkagusto sa ibang lalake?" hinanakit nito kaya piningot niya ito sa tenga.
"Napakaarte mo. Sinabi ko na wala lang iyon. Saka bakit ka ba nagagalit kung may magustuhan akong iba? Dapat nga ay sumuporta ka sa akin." sabi niya rito.
"Kasi ayoko na may kaagaw ako sa iyo. Baka mamaya ay hindi muna ako mapansin dahil may iba ka na. Dapat ako lang." pagtatampo nito kaya inakbayan niya ito at tinapik-tapik niya ang balikat nito.
"'Wag kang mag-alala. Dahil kahit anong mangyari ay kailanman ay ikaw ang no. 1 bestfriend ko. Hinding hindi kita makakalimutan kailanman." sabi niya rito.
"Talaga? Kahit na 'wag ka nang magboyfriend. Ako na lang?" tanong nito kaya kinutongan niya ito.
"Tigilan muna nga ako. Kainin mo na itong cake, pati itong softdrink, baka mawala ang lamig." sabi niya at binitawan na niya ito at naupo siya sa sofa. Naupo na rin ito at nilantakan ang cake. Napailing siya at napangiti.
Bumukas ang pinto kaya napabaling sila doon ng tingin. Nakita niya si Isabelle at Allen kaya napatayo siya.
"Tiya! Allen!" tawag niya kaya tumingin ang mga ito sa kanya. Tumakbo si Allen palapit sa kanya at niyakap ang baywang niya.
"Ate, nauna ka po samin." sabi nito kaya napangiti siya at pumantay siya rito.
"Oo, maagang nakauwi si Ate. Kumusta ang school mo? Ayos ba?" tanong niya.
"Opo. May star po ako dahil very good daw po ako sabi ni Ma'am." sabi nito at pinakita ang star sa kamay kaya napangiti siya at ginulo ang buhok nito bago siya tumayo. Tumingin siya kay Isabelle at Shin na nagkukumustahan.
"Akina, sino ang batang 'yan? Anak ba 'yan ni Aunt Isabelle?" tanong ni Shin kaya natawa sila ni Isabelle.
"Hindi siya nanggaling sa akin, pero tinuturing namin siya ni Akina na pamilya. Inampon ni Akina si Allen bilang maging guardian. Ulila na kasi si Allen sa magulang at nang makita siya noon ni Akina ay inuutusan ng Tiyo nito na gumawa ng masama at nakita rin ni Akina na sinasaktan si Allen ng Tiyo nito." ani ni Isabelle kaya napatango si Shin.
"Pero kung inampon mo siya paano kapag babalik ka na sa japan, Akina?" tanong nito.
"Hindi problema 'yon. Naayos ko na ang papeles ni Allen, maging ang passport niya para kapag dumating ang araw na babalik ako ng japan ay maisasama ko si Allen." sabi niya at hinaplos ang buhok ni Allen.
"Pero paano kung hindi siya matanggap ng Dad mo?" tanong muli nito kaya napabuntong-hininga siya dahil 'yon nga ang malaking problema kapag nalaman 'yon ng Dad niya.
"Edi kapag ayaw ni Dad ay pwedeng sa iyo muna si Allen." biro niya na kinalaki ng mata nito kaya natawa sila ni Isabelle.
Napatigil lamang siya sa pagtawa ng makarinig siya ng tunog ng papaalis na sasakyan. Kumabog ang dibdib niya at dali-dali siyang lumakad para lumabas. Paglabas niya ay ang humaharurot paalis na kotse ni Diesel na lang ang naabutan niya.
Agad siyang lumapit sa bisikleta at nagpidal siya para sundan ang binata.
Napakabilis ng takbo nito kaya nahihirapan sya na mahabol ito. Pero hindi siya susuko at ginawa ang lahat para maabutan niya ito.
Sa ford hotel ito huminto. Kaya agad niyang tinabi ang bisikleta niya at nilapitan niya ito. Bumaba ito ng kotse kaya pinigil niya ang emosyon niya na yakapin ito.
"Gasolina!" tawag niya. Napahinto ito sa paghakbang at tumingin ito sa kanya. Nawala ang gulat sa mukha nito ng makita siya at napalitan 'yon ng pagkaseryoso, "Nais kong makausap ka, please." pakiusap niya rito.
"Hindi na kailangan dahil alam ko na. Alam ko na kaya ka nagsinungaling dahil hindi mo naman talaga ako mahal. Nais mo lang ako na paglaruan dahil sa pangbu-bully ko sa iyo noon." mariin nitong sabi na kinamaang niya.
"Ano? Saan mo naman napulot 'yan? Ang gusto kong sabihin sa iyo ay ang dahilan kaya ako nagpanggap na ibang tao. Please, pakinggan mo muna ako." sabi niya rito at hinawakan niya ito sa kamay.
"Aaron.."
Napalingon sila sa nagsalita at nakita niya si Zia na nakataas ang kilay habang nakatingin sa kanila. Inalis ni Diesel ang kamay niya at agad na nilapitan si Zia. Pinagbuksan nito si Zia ng pinto sa front seat. Tinignan pa siya ni Zia bago ito sumakay.
Umikot si Diesel sa driver seat ngunit pinigil niya.
"Please pakinggan mo muna ako..*
"Umalis ka na. Ayoko muna na makita ka." mariing sabi nito kaya napahinga siya ng malalim at masakit man ang sinabi nito ay wala siyang magawa kundi bitawan ito.
"Sige kung 'yon ang nais mo. Sana ay malaman mo na totoong minahal kita. Hindi katulad ng sinasabi mo. Mag-iingat ka." sabi niya at pinigil niya na mapiyok bago siya tumalikod rito.
Napapikit siya at tumulo ang luha niya dahil nasasaktan siya dahil hindi nito pinakinggan man lang ang sasabihin niya.
Agad siyang lumapit sa bisikleta at agad siyang nagpidal paalis doon.
Habol ng tingin ni Diesel si Akina at agad niyang sinipa ang gulong ng kotse niya dahil sa inis. Napasabunot siya ng buhok dahil nais niyang sundan ito ngunit hindi niya alam kung bakit nauunahan ng galit na nararamdaman niya.
"Aaron, tara na." tawag sa kanya ni Zia ngunit hindi niya pinansin. Napakuyom siya ng kamay habang naguguluhan kung ano ang dapat niyang gawin, "'Wag mong sabihin na nagpapaapekto ka sa sinabi ng babaeng 'yon? Tandaan mo na niloko ka niya. Hindi ka niya mahal dahil kung mahal ka niya ay hindi siya maglilihim sa iyo noong magkasama kayo. 'Wag ka ngang magpakatanga." pagpapatuloy ni Zia.
"Can you just shut up! You're so annoying!" bulyaw niya rito sa sobrang pagkairita niya sa boses nito.
"What? What are you saying?" hindi makapaniwala nitong tanong sa kanya.
"You know what, simula ng iniwan mo ako ay akala ko hindi na ako makaka-move-on. Pero simula ng makilala ko si Jhaycee ay nalaman ko na napakababaw lang pala ng feelings ko sa iyo. Akala ko noon ay wala ng sasakit ng bastedin ka ng crush mo. Pero mali pala, dahil mas masakit ang magkasira kami ng mahal ko. Pakiramdam ko ay mababaliw ako kapag hindi ko nakikita si Jhaycee pero anong ginawa ko ngayon? Pinagtabuyan ko siya, 'di ba nakakatanga! Nagpapaliwanag siya pero ayokong pakinggan kasi ayokong malaman na baka nga hindi naman niya ako minahal. Napakasiraulo ko kasi! Tanga! Tanga talaga!" sabi niya habang panay ang patak ng luha niya.
"Then, go, follow her. I know I don't have any space to your heart, Diesel. Sinubukan ko na siraan kayo, kaso wala na talaga." sabi ni Zia.
"Tsk. Kala mo naman madali na lang 'yon? Pinalayas ko na nga." sabi niya.
"Tanga ka nga. Akala ko nag-mature ka na, hindi pa pala." sabi ni Zia.
"What?" banas niyang sabi rito dahil na-insulto ata siya sa sinabi nito.
"Habulin mo siya. Hindi pa naman siguro nakakalayo 'yon." sabi nito kaya napaisip siya at nagmadaling buksan ang pinto.
"Thank you." sabi niya kaya ngumiti ito at sinara ang pinto sa front seat.
Agad niyang inatras ang kotse at niliko niya bago niya pinaharurot paalis sa harap ng hotel. Tumingin siya sa paligid upang hanapin si Jhaycee. Nang hindi niya makita ay nagpatuloy siya sa pagmamaneho sa daan kung saan patungo sa bahay nito.
At nakita niya nga ito na nakababa sa bisikleta at tinutulak na na lang nito 'yon habang mabagal na naglalakad. Agad siyang nagpreno at bumaba.
"Akina kobayashi!" tawag niya kaya napahinto ito, kaya inilang hakbang niya ang pagitan nila. Gulat na napalingon ito sa kanya.
"G-Gasolina!" sambit nito na gulat na gulat. Nang makalapit siya ay hinawakan niya ito sa baywang hinapit palapit sa kanya kaya nabitawan nito ang bisikleta.
"Mahal mo ba talaga ako?" tanong niya na kinatango nito habang gulat na gulat, "Answer me. Ayoko ng tango lang." sabi niya.
"Oo, mahal kita." sabi nito kaya niyakap niya ito at tinignan ang mga mata nito.
"Good." sabi niya at niyuko niya ang mukha upang dampian ng halik ang labi nito. Nung una ay naglapat lang ngunit nabigla siya ng yakapin siya nito at gumalaw ang labi nito. Bigla ay nanginig siya at agad niya itong nilayo.
"Bakit?" tanong nito na nagtataka.
"Bakit may kakaiba sa halik mo?" tanong niya na kinakunot ng noo nito.
"Anong kakaiba?" naguguluhan nitong tanong.
"Agressive ka nang humalik." nakangisi niyang sabi kaya nakatikim siya ng suntok sa tiyan na kinadaing niya at nabigla siya ng kwelyuhan siya nito.
"Bakit may problema ka ba doon?" maangas nitong tanong kaya ngumiti siya at hinawakan niya ito muli sa baywang.
"Wala akong problema. Sige na, ituloy na natin." sabi niya at ngumuso siya. Natawa na lang ito at napailing sa kanya.
"Ayoko na. Tara na lang sa bahay. May ipakikilala ako sa iyo. Para din malaman mo na hindi ako nagsisinungaling sa tunay kong pagkatao." aya nito sa kanya.
"Sino ba 'yun?" tanong niya.
"Basta." sabi nito kaya tumango na lang siya.