CHAPTER 17 - THE TRUTH

4098 Words
CHAPTER 17 THE TRUTH ?? NAGKAKAGULO ang mga estudyante habang ang lahat ay nasa waiting area ng airport na pagmamay-ari mismo ng mga Ford. Kanina pa hindi mapakali si Diesel habang nakatayo at palakad-lakad habang hawak-hawak niya ang passport at plane ticket niya. Napapailing ang bangtan habang sumusunod ang tingin ng mga ito sa kaibigan. Tanggap na nila na malakas ang tama nito kay Jhaycee. Kaya naka-suporta na lang sila dito. "Damn, nasaan na ba siya? Bakit wala pa siya? Malapit na ang flight." sambit niya na tila sa sarili sinasabi 'yon. Ngayon kasi ay mayroong field trip ang first college na tulad nila. Isang buwan na ang nakalipas at mahigit isang buwan na rin magkasintahan si Diesel at Jhaycee. At alam na 'yon ng buong university. "Aaron!" Napalingon si Diesel sa pagkakaala na dumating na ang nobya, ngunit iba ang nakita niya. Bumagsak ang balikat niya dahil hindi pala ito ang hinihintay niya. "Zia." sambit niya sa pangalan ni Zia na nakangiting lumapit sa kanya habang nakasuot ito ng summer dress habang naka-shades at summer hat ito. May hila-hila itong maleta na dadalhin nito. "I'm excited to our trip. What's your seat number?" masayang sabi at tanong nito. "V.I.P seat." sabi niya. "Tatabi ako sa iyo, ha? Kayo lang ang kilala ko, e." sabi nito. Nag-,transfer ito sa school nila at nagkataon pa na same section sila. Kaya kasama ngayon ito sa trip ng school sa hawaii. Sasagot na sana siya ng mahagip ng tingin niya si Jhaycee na hingal na hingal at nililibot ang tingin. Napangiti siya at agad na naglakad. Nilagpasan niya si Zia at inilang hakbang niya ang pagitan nila ni Jhaycee na napatingin na sa kanya. "Bakit ang tagal mo? Hindi mo ba alam na abot-abot ang kaba ko na baka mahuli ka." sermon niya rito. Napatingin siya sa suot nitong plain stripe white and black polo na maluwang rito habang nakatiklop ang manggas hanggang sa siko nito. Habang naka-skinny jeans ito na nakatiklop ang dulo habang nakasuot ng red casual shoes. Habang may leather black back pack ito na sukbit sa magkabilang balikat sa likod. "Napasarap kasi ang tulog ko kaya hindi agad ako nagising. Sorry kung hindi ako nakarating sa oras na pinag-usapan natin." tugon nito kaya napahinga suya ng malalim at ngumiti bago siya tumayo sa tabi nito at inakbayan niya. "Okay, apology accepted. Ang mahalaga ay narito ka na." sabi niya kaya napangiti ito. Inakay na niya ito palapit sa bangtan at kay Zia na nakatingin sa kanila na may hilaw na ngiti. "Ron, nag-anunsyo na ang airport. Tayo na." sabi ni Sandro kaya tumango siya at naunang maglakad habang akbay-akbay si Jhaycee. Pagpasok nila sa V.I.P area kung saan ang seat nila ay inakay niya si Jhaycee at pinaupo sa tabi ng bintana. "Aaron, I thought ako ang katabi mo?" sabi sa kanya ni Zia na nakatayo sa harap ng seat nila. Tumingin siya kay Jhaycee na pinagtaasan siya ng kilay kaya agad siyang tumingin sa bangtan at nakita niya na walang katabi si Jack. "Makitabi ka n alang kay Jack. Dito si Jhaycee sa tabi ko, e." sabi niya kaya umasim ang mukha nito at tumingin kay Jhaycee bago ito nagdadabog na naglakad patungo sa seat assign ni Jack. Naupo siya sa tabi ni Jhaycee at tumingin siya rito na nakatingin na sa bintana. Tila bad shot na naman siya. "Akina ko, excited na 'ko." sabi niya rito. Tumingin ito sa kanya at napahinga ng malalim. "Hindi ako excited." sabi nito kaya napasimangot siya. "Dahil ba kay Zia?" tanong niya. "Hindi. Dahil sa iyo." sabi nito kaya nabahala siya. "Bakit dahil sa akin? May nagawa ba ako?" tanong niya. "Ang mahal kasi ng binayad mo rito. Nilibre mo pa ako." sabi nito kaya nakahinga siya ng maluwag. "Asus, 'yun lang pala, pinakaba mo pa ako. 'Wag ka nang mahiya. Ang mabuti pa ay mag-enjoy na lang tayo sa trip natin." sabi niya rito at nilabas niya ang cellphone niya. Binuksan niya ang camera at tinapat sa kanila ni Jhaycee. "Okay, smile." sabi niya at ngumiti siya bago pinindot ang button. Tinignan niya ang kuha nila at natawa siya ng makita ang mukha ni Jhaycee na nakasimangot, siya ay ngiting-l ngiti. "Sir, paki-off po ng phone. Lilipad na po ang plane." sabi ng flight attendant. "Ah, Miss, pakikuhanan mo muna kami ng group picture." sabi niya rito na hindi pinansin ang pagsuway nito. Kinuha naman nito kaya binalingan niya ang bangtan, "Hey, Guys. Groupie tayo." aya niya sa mga ito kaya nagsitayo ang iba na nasa likod habang sumilip naman ang mga nasa una para makita sa litrato. Inakbayan inya si Jhaycee at nakangiti silang tumingin sa camera. "Okay.. Pagbilang ko ng tatlo ay say kimchi." sabi ng flight attendant. Kaya tumango sila ni Jhaycee ,"Okay. In one..two..three!" pagpapatuloy ng flight attentand. "Kimchi!" sabay-sabay nilang sabi lahat at napangiti sila habang naka-heart shape sila ni Jhaycee. - Hawaii "Whooo! Hawaii, narito na kami!!" sigaw niya nang makalabas sila ng airport ng hawaii. Nagsigawan sa tuwa ang lahat at nagsisakayan sa tour cart na naka-reserved sa kanila. Ang bangtan at sila ni Jhaycee ay sa ibang tour cart din. Nasa unahan sila ni Jhaycee malapit sa driver. Nakangiti ang lahat habang pinagmamasdan ang mga nadaanan nila. Napakaaliwalas ng paligid ng Hawaii at feel na feel nila ang summer vibes ng hawaii. Sa isang sikat na hotel sila dinala. At dahil tatlo lamang ang girls sa grupo nila ay ito na ang nagsama-sama. Habang si Briones at Rex ang magkasama sa isang room. Habang sila naman ng bangtan ay sa isang room na may pitong single bed. "Shoot! Bangtan, excited na akong mag-beach. Daming hot babe sa paligid na naka-swimsuit." maligalig na sabi ni Michael na naghahalungkat sa maleta nito. "Mamaya na. Nakakapagod ang byahe." sabi ni Raphael na bagsak sa kama. "Oh C'mon. Kaya nga tayo nagpunta dito para magsaya." sabi ni Michael kaya napailing si Diesel at may kinuha siyang damit na pang beach niya--Board short and white shirt. Tumingin siya sa salamin ng banyo at sinuot niya ang beach hat. Sinuot din niya ang summer shades niya. Nang makita niya na ayos na ang porma niya ay excited na lumabas na siya ng banyo. Nakita niya na wala na ang bangtan sa kwarto kaya naisipan na niyang lumabas para sunduin si Jhaycee. - LUMABAS si Jhaycee na suot ang simpleng white shirt at maong short niya na tinernuhan lang niya ng sandals. Hawak-hawak niya ang camera na matagal na niyang hindi nagagamit. Kaya ngayon ay tiyak na magagamit na niya ito. Napangiti siya ng makita ang larawan ni Allen. Maging ang Dad at Mom niya habang nasa disneyland sila. At nandoon din ang larawan ni Shin. Maging ang larawan ng lolo niya. Napangiti siya ng malungkot dahil bigla niya itong namiss. "Jhaycee, 'yung prince charming mo narito na!" hiyaw sa kanya ni Mina kaya agad niyang inexit ang gallery ng cam at saka siya tumayo, "Bakit ganyan ang suot mo? Akala ko nag-improve na ang babaeng style mo. Bakit bumalik ka muli sa lalake?" sita ni Mina sa suot niya kaya napatingin siya doon. Tumingin siya kay Mina na napailing at nabigla siyang hatakin papasok muli. May hinalungkat ito sa maleta nito at nakita niya ang design na winter leaf sa summer dress na pinaghalong kulay na black, green, at orange. Sa parte ng neckline ng dress ay may lalay na tela para takpan ang pinakastrap ng dress. Hinagis nito 'yon sa kanya kaya bigla ay nasalo niya 'yon. Matalim ang mata na tinignan niya si Mina na nag-piece sign bilang pasensya. "Isuot mo na 'yan. Naghihintay na ang prince charming mo." sabi nito kaya napailing siya at walang choice kundi ang magpalit. Nang maisuot niya ay lumabas na siya ng banyo at nagulat siya na napatili pa si Mina. "Omg! You're so pretty talaga. Hindi ko talaga alam kung bakit ka nagpapaka-boyish. Pusong babae ka naman pala." sabi nito. Hindi na niya ito sinagot at lumakad na siya palabas para mapuntahan si Diesel na naghihintay sa kanya. Lumabas siya ng room nila pero napahinto siya ng makita si Diesel at Zia na magkayakap. Napatingin sa kanya si Zia dahil ito ang nakaharap sa side niya. Ngumisi ito ng makita siya. Umiwas siya ng tingin at naglakad para lagpasan na lang ang mga ito. Bahala si Diesel sa sarili nito. "Teka! Akina ko, wait!" dinig niyang tawag sa kanya ni Diesel pero hindi niya pinansin ito at mabilis siyang naglakad sa hallway. Nang makarating sa harap ng elevator ay madiin na pinindot niya ang button nito para magbukas agad. Nang magbukas ay pumasok siya agad at agad na pinindot ang button para magsara. Magsasara na sana ang pinto ng may paang pumigil sa tuluyan nitong pagsara. Bumukas muli ang pinto at nakita niya si Diesel na napapangiwi dahil naipit ang paa. Umiwas siya ng tingin at pinatili niyang blanko ang expression ng mukha niya. Pumasok ito at tumapat sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya kaya hinawi niya dahil tiyak na uutuin na naman siya nito. "Akina ko, mali ang iniisip mo. Siya 'yung yumakap sa akin." paliwanag nito. "Sinong may sabi na mag-explain ka?" malamig niyang sabi at lumipat siya ng pwesto. Sumunod ito at kinorner siya kaya tinulak niya ito sa dibdib nito pero hindi naman ito sumuko at hinawakan siya sa balikat. "Of course, mag-e-explain ako sa part ko. Gusto ko lang malaman mo na hindi ako ang yumakap sa kanya. Nagulat lang talaga kaya hindi ko agad siya naalis sa pagkakayakap sa akin." sabi nito pero umiwas lang siya ng tingin at hindi siya nagsalita, "Sige na. Patawarin muna ako, Akina ko. Matitiis mo ba ako?" sabi nito. Nakita niya na hinawakan nito ang pisngi nito at binatak kaya tila ito nagmukhang intsik na abnormal ang itsura. Nilabas pa nito ang dila kaya napangiti siya at tinulak ang mukha nito na kinatigil nito sa pagme-make-face. "Para kang tanga." sabi niya kaya napangiti ito at hinawakan ang kamay niya kaya hindi na niya hinawi muli. "Okay lang na maging tanga, basta napangiti kita at hindi ka na galit sakin. Please, kapag may mali akong nagawa ay sana pagpaliwanagin mo muna ako. Ayoko na mag-aaway tayo, okay?" sabi nito na tila siya tinamaan sa sinabi nito. Tumango siya pero nasa isip niya ay parang nais niya na sabihin na ang sekreto niya. "Ah, Gasolina.." aniya. "Bakit?" tanong nito habang nakatingin sa kanya at hinihintay ang sasabihin niya. "May nais akong ipagtapat sa iyo. Hindi ko--" hindi na niya natatapos ang sasabihin ng lumingon ito sa pinto ng elevator ng magbukas 'yon. "Mamaya myna sabihin. Tara, lumabas na tayo para malibot na natin ang ibang pasyalan sa hawaii." sabi nito at hinila na siya palabas ng elevator. Napahinga siya ng malalim at nagpahila na lang siya kay Diesel. Tinignan niya ito sa mukha habang panay ang salita tungkol sa papasyalan daw nila dito sa hawaii. Kating kati na siyang umamin, ngunit natatakot siya na baka 'pag umamin siya ay bigla siyang layuan ni Diesel at ang higit na kinatatakot niya ay magalit ito sa kanya. "How much is this." tanong ni Diesel sa tindera ng mga bracelet na may tinda na iba't-ibang uri ng bracelet na gawa sa shell at bato. Sinabi ng Ale ang presyo kaya binili ni Diesel ang bracelet. Nang mabayaran inya ay pinagmasdan niya ang bracelet at saka niya nilingon si Jhaycee na nakaupo sa isang beach chair habang nakatingin sa karagatan. Narito sila sa bayan ng hawaii. Napakaraming maaaring bilhin kaya masayang masaya sila. Enjoy-enjoy na siya basta kasama niya si Jhaycee. Lumapit siya rito at naupo sa tabi nito. Napatingin ito sa kanya kaya ngumiti siya. Kinuha niya ang kaliwang kamay nito at isinuot niya rito ang bracelet na binili niya. "Wow! Sukat na sukat sa iyo. Bagay na bagay rin." sabi niya dahil bumagay sa maputi nitong balat ang bracelet. "Ano ba 'to? Hindi naman ako nagsusuot nito." sabi nito habang tinitignan ang bracelet. "Kahit na. Simula ngayon ay parati mo nang isusuot 'yan, kundi yari ka sakin." banta niya rito kaya nakatikim siya ng tutok sa ulo. "Pinagbabantaan mo ba ako?" maangas nitong tanong kaya ngumiti siya. "Hindi. Sinasabi ko lang." malambing niyang tugon kaya inismiran siya nito at tinignan ang bigay niya. "Diesel..." Bigla ay kinabahan siya ng tawagin siya nito sa pangalan niya imbes na sa endearment nito na 'Gasolina'. "Hmmm?" aniya pero bakit parang ayaw niyang marinig ang sasabihin nito. "Diesel, may dapat kang malaman tungkol sa akin." sabi nito at humarap ito sa kanya. "Ano ba 'yun? Bakit parang ang seryoso mo?" nakangiti niyang sabi pero sa loob-loob niya ay kinakabahan siya. Huminga ito ng malalim at bubuka na sana ang bibig nito para siguro sabihin sa kanya ang nais nitong sabihin pero binulabog sila ng barkada. "Hey, guys! Let's go! Bonfire tayo." aya ni Michael na may kaakbay na chicks. Dalawa pa ha. Tumingin siya kay Jhaycee na napahinga ng malalim at napapikit. "Mamaya muna lang sabihin, ha?" sabi niya rito kaya tumango ito. Ngumiti siya at hinawakan niya ito sa kamay. Tumayo sila at naglakad palapit sa barkada. Napatingin si Jhaycee kay Zia ng ngumisi ito sa kanya. Tumalikod na ito at sumabay sa barkada ni Diesel na maglakad. Nakibat-balikat siya at sabay sila ni Diesel na maglakad. Sa tabi ng dagat ay may nakahanda ng bonfire at blanket na uupuan nila. Na-kanya-kanya sila ng upo. At magkatabi sila ni Diesel na nasa gitna. Ang ingay ng grupo at lahat ng dumaraan na may lahi ay may kanya kanyang kwento at trip sa mga ito. Nakikitawa na lang siya at masaya siya dahil talaga masayang kasama sila. "Guys, iba naman. Slap-kiss the truth tayo." sabi ni Mina. "Ano na naman 'yun, Lukaret?" sabi ni Briones. "Ganito ang laro ng slap-kiss the truth. Kung sino ang matapatan ng boteng ito ay siya ang tatanungin. Kapag nagsinungaling ay sasampalin o 'di kaya ay hahalikan ng nagtanong." paliwanag ni Mina kaya napatango ang lahat. "Okay. Mukhang maganda 'yan." sabi ni Jin na katabi ni Mina. "Asus! Kaya maganda dahil si Mina ang nag-suggest." sabi Benedict. Natawa ang lahat at napailing dahil sang-ayon sila sa sinabi ni Benedict. "Okay, game na. Ako na ang mauuna." sabi ni Michael at hinawakan ang bote. Napatingin siya kay Diesel ng lagyan siya nito ng blanket sa likod. "Thanks." sabi niya kaya ngumiti ito at inakbayan siya. Nilalamig kasi siya kaya salamat kay Diesel at nilagyan siya nito ng blanket. Huminto ang bote na pinaikot ni Michael at tumapat 'yon kay Diesel. "Oh-oh! Loverboy, ikaw ang tatanungin ko." nakangising sabi ni Michael kay Diesel. Napangiti siya ng magkamot ng batok si Diesel at tumango kay Michael. "Game. Ano ba ang tanong mo?" sabi ni Diesel. "Heto ha, wala akong intensyon na makasakit.." paalalanan ni Michael kaya napatango ang lahat, "May feelings ka pa ba kay Zia hanggang ngayon kahit na kayo na ni Jhaycee?" tanong ni Michael kay Diesel at para siyang natigilan dahil sa tanong. Napatingin siya kay Diesel na tumingin kay Zia kaya kinabahan siya. Namayani ang katahimikan at lahat ay hinihintay ang isasagot ni Diesel. Napatingin siya sa kamay niya ng pagsiklupin ni Diesel ang kanilang mga daliri. "Wala na. Kaibigan na lang ang nararamdaman ko para kay Zia. Dahil ngayon ay wala ng ibang laman ang puso ko kundi si Jhaycee." seryosong sabi ni Diesel na kinalambot ng puso niya. Tumingin ito sa kanya at ngumiti kaya nakahinga siya ng maluwag at ngumiti rin. "Okay. Mag-spin ka na, Diesel." sabi ni Benedict na sumira sa ilang ng lahat. Huminga ng malalim si Diesel bago i-spin ang bote. Nakatingin ang lahat sa bote hanggang huminto ito sa tapat ni Jack. "Oh, Jack, ikaw!" natatawang sabi ni Sandro at tinapik ang balikat ni Jack na tahimik naman palagi. "Matagal na kaming curious ng bangtan sa babaeng crush mo na fiancé mo daw ngayon. Pwede mo bang sabihin samin kung sino?" tanong ni Diesel. Tumingin si Jack sa kanya at kinabahan siya dahil pakiramdam niya ay mayroon itong alam sa kanya. Nagulat ang lahat ng paluhod na lumapit si Jack kay Diesel at ang mas nakakagulat ay 'yung hinalikan sa labi si Diesel na natuod sa kinauupuan nito. Umayos ng upo si Jack nang magawa niya 'yon kay Diesel. Tahimik ang lahat na mababakasan ng gulat sa mga mukha, maging sya. Tinignan niya si Diesel na namumutla at natulala. "Whaahahaha!" nauna sa pagtawa si Michael ng maka-recover ito. "God Jack! Kadiri ka!" sabi ni Benedict na nasusuka. "Omg! Ako na lang, Jack!" tili ni Briones kaya nakatikim ng batok kay Mina. "Walanghiya ka! Kadiri ka, Jack!" galit na sabi ni Diesel at sinugod si Jack bago sinakal gamit ng braso. Nagpipigil suya ng tawa dahil hindi siya makapaniwala na makakasaksi siya ng maghalikan ang kapwa lalake. "Pwe! Kadiri!" sabi ni Diesel ng maupo muli sa tabi niya at todo pahid ng labi habang kinikilabutan ito. "Pasensya na, Ron. Ayokong malaman n',yo ang pangalan niya. Kaya hinalikan kita." sabi ni Jack na tila lasing. "Shoot! Lasing na ang gag*." sabi ni Michael at inangat ang can beer na nasa tabi ni Jack. "Kaya pala. Kung nasa katinuan 'yan hindi niya gagawin 'yan." sabi ni Jin. "Okay. Jack, paikutin muna ang bottle." sabi ni Michael. Kaya kahit lasing ay pinaikot ni Jack ang bottle at huminto ito kay Zia na natahimik kanina pa at umiinom rin. "Zia, ikaw na." sabi ni Raphael. Napaangat ng tingin si Zia at napangisi. "Ano ba ang nais n'yong itanong sa akin? Kung nasaktan ako sa sinabi ni Diesel? Oo, nasasaktan ako. Dahil akala ko ako parin ang gusto niya kahit na matagal na panahon kaming hindi nagkita. Pero wala, huli na pala ang lahat. Mayroon na siyang ibang mahal." lasing na wika ni Zia na nilalabas ang lahat ng saloobin. Natahimik si Jhaycee at tinignan si Zia na umiiyak na nakatingin sa kanila ni Diesel. Napahinga si Diesel kaya napatingin siya rito. "Sorry, Zia. Nakaraan na 'yon. Kalimutan na natin at sana ay maging mabuting magkaibigan na lang tayo." sabi ni Diesel kaya pagak na tumawa si Zia at tumango. "Okay. Erase-erase.. Kalimutan n'yo rin ang pagka-OA ko ngayon. Oh, ako na ang mag-i-spin." sabi ni Zia at hinawakan ang bote at pinaikot. Sa pag-ikot ng bote ay huminto ito sa tapat niya. Kaya rinig niya ang pagsinghap nila Mina at Briones. "Oh, Jhaycee, akalain mo ikaw pa ang tumapat." sabi ni Zia na ngumisi at ininom muna ang laman ng can beer na hawak nito bago ito tumingin sa kanya ng may mapaghamon, "Alam mo curious ako sa iyo. Sabi ng iba ay lumaki ka raw sa mahirap. Pero nakakapagtaka na kutis mayaman ka, desente kumilos, at may binigay ka pa kay Diesel na sunglasses na worth of 5 million. 'Di ba nakakapagtaka?" sabi nito kaya tinignan niya ito ng blanko. "Ano ba ang nais mong itanong sakin?" tanong niya sa kalmadong boses. Ngumisi ito at pinahid ang labi dahil sa pag-inom nito ng beer. "Bakit ayaw mong ibunyag ang tunay mong pagkatao? Tutal ay narito naman lahat ng barkada. Magtapat ka na ngayon." hamon nito habang nakikipagtagisan sa kanya ng tingin. "Kung ano man ang nakikita n'yo at nakikilala n'yo ay ako pa rin ito." sabi niya kaya natawa ito bago napailing. "Hindi ko alam na..." sabi nito at nabigla siya ng sampalin siya nito ng malakas kaya napapaling ang mukha niya, "Sinungaling ka!" pagpapatuloy nito. "Zia! Bakit mo sinampal si Jhaycee?!" galit na sabi ni Diesel at hinawakan ang mukha niya. Hinaplos nito ang pisngi niya na sinampal ni Zia, "Ayos ka lang?" tanong nito na may pag-aalala. Hindi siya makaimik dahil mayroon na palang nakakaalam ng sekreto niya. "Sinungaling siya! Mapagpanggap! Hindi n'yo pa kilala ang tunay na siya!" histerikal ni Zia habang pinipigil nila Jack, Sandro, at Benedict. "Guys, dalhin n'yo na sa room niya si Zia. Lasing na siya." sabi ni Michael. "Hindi pa ako lasing! Alam ko ang sinasabi ko! Sinungaling ang babaeng 'yan, Diesel! Nagpapanggap lamang siya!" hiyaw ni Zia habang nagwawala na inaakay na ng tatlo para dalhin sa room nila. Napayuko siya at napapisil ng daliri dahil kinakabahan siya. "Let's go, Jhaycee." seryosong sabi ni Diesel at inakay siya patayo. Napatingin siya sa mukha nito na napapatiim-bagang habang seryoso ang reaksyon. Hinila siya nito at hindi niya alam kung saan sila patungo. Dinala siya ni Diesel sa isang bridge na nasa bungad ng pangpang. Walang tao sa paligid kaya silang dalawa lang ang nandoon. May mga tomatoe light na nakasabit sa bawat poste kaya maliwanag ang pinagpupwestuhan nila. Nakatalikod sa kanya si Diesel habang nakatingin ito sa dagat habang nakahawak sa harang ng bridge. "Hindi ko maintindihan si Zia kung bakit ka niya sinisiraan. Well, kung umaasa siya na magkakaroon pa ako ng feelings sa kanya ay nagkakamali siya.. Kung hindi pala niya matanggap ang sinabi ko na wala na akong gusto sa kanya ay sana hindi ka na niya sinaktan." sabi ni Diesel sa kanya. "Diesel, may gusto akong sabihin sa iyo." sabi niya rito kaya humarap ito sa kanya. "Bakit tila pormal mong magsalita? Nasaan na ang endearment mo?" nakangiti nitong sabi na tila nais na ilihis ang nais niyang sabihin. "Gusto ko sanang sabihin sa iyo--" "Pwede bang saka na lang. Inaantok na ako, e. Tara na." sabi nito at maglalakad na sana ito ng pigilan niya. "Gusto ko nang sabihin sa iyo ito, Diesel. Nais kong magtapat sa iyo, dahil ayoko nang maglihim." sabi niya rito. "Bakit, ano ba ang nais mong ipagtapat? 'Yung sinabi ni Zia na nagsisinungaling ka sa tunay mong pagkatao? Bakit totoo ba ang lahat ng sinabi ni Zia" tanong nito at hinarap siya. Kita niya sa mukha nito ang kaseryosohan habang kita niya sa mga mata nito na tila ito nagpipigil. Napalunok siya at napayuko. Napapikit siya at dahan-dahan na tumango. "Really? So, ibang tao pala ang nasa harap ko ngayon?" hindi makapaniwala nitong sabi kaya tumingin siya rito at kita niya ang pagngilid ng luha nito. "Hindi naman ako ibang tao. Ako parin ito." sabi niya at hinawakan niya ito sa braso pero nabigla siya ng bigla nitong hinawi ang kamay niya. "Nagsinungaling ka sa akin! Sino ka ba talaga?! Bakit nung una pa lang na magkasintahan tayo ay hindi mo sinabi agad?!" galit nitong bulyaw sa kanya kaya napaiyak siya. "Gusto kong sabihin sa iyo, pero palagi akong inuunahan ng kaba. Please, let me explain first. Pakinggan mo muna ako." pagmamakaawa niya rito at muling hinawakan niya ito sa braso. "Jhaycee, Akina, or whoever you are, minahal kita! Sinabi ko sa iyo lahat ng sa akin. Sabi mo pa, wala tayong dapat na ipaglihim sa isa't-isa, pero bakit ikaw, naglihim ka sa akin?! Ang daya mo!" sabi nito na puno ng diin habang patuloy ang pagtulo ng luha nito. Hinawi nito ang kamay niya at tinignan siya nito na may galit, "Hindi ko tuloy alam kung sino nga ba ang minahal ko. Hindi pala kita kilalang kilala pa." malamig nitong sabi bago siya talikuran. "Diesel!" tawag niya rito ngunit agad na itong tumakbo kaya napahagulgol siya habang sinusundan ito ng tingin. Napaupo siya at napatakip ng mukha habang humahagulgol ng iyak. Sinuntok niya ang dibdib dahil sa paninikip. Inalis niya ang pagkakatakip sa mukha at hinawi niya ang luha. Nabigla siya ng may maglahad sa kanya ng panyo at nakita niya si Jack. "Hindi bagay sa isang prinsesa ang umiiyak." sabi nito kaya napatitig siya rito dahil sa sinabi nito, "Oo, alam ko na ikaw si Akina Kobayashi." sabi nito kaya napayuko siya bago tinanggap ang panyo. Tinulungan siya nitong tumayo. Nagpahid siya ng luha at sumandal sa harang ng bridge. "Paano?" tanong niya habang basag ang boses niya. "Hindi na mahalaga 'yon. Ang mabuti ay umamin ka na. Kung talagang mahal ka ni Diesel, kaya ka niyang patawarin. Pero kung hindi matibay ang pagmamahal niya sa iyo, wala tayong magagawa kung hindi ka niya mapatawad." sabi sa kanya ni Jack kaya napahigpit ang hawak nuya sa panyo at lalong nanikip ang dibdib niya sa sinabi nito. Hinawakan siya sa balikat ni Jack at hinila para yakapin. Hindi na siya nakapagprotesta dahil para siyang walang lakas. Nabunyag na ang lahat. At natatakot siya ngayon dahil baka magkaroon ng lamat ang relasyon nila ni Diesel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD