CHAPTER 16 - THE EX CRUSH IS BACK

3962 Words
CHAPTER 16 THE EX CRUSH IS BACK KANINA pa tinitignan ni Akina kung ano ang susuotin niya na damit. Puro panlalake ang t-shirt niya kaya hindi niya alam kung alin doon. May nakita siyang long sleeve na pula at short na maong na puti kaya tinapat niya sa katawan niya 'yon habang nakaharap siya sa salamin. Napatango siya at naisip niya na 'yon na lang ang isusuot niya sa date daw nila ni Diesel. Mula kasi na malaman nito kung sino ang lalakeng mahal niya ay palagi na itong sweet sa kanya at sinusundo siya o 'di kaya ay lumalabas sila para mamasyal sa kagandahan ng bf island. Kagabi nga ay magkatawagan sila at sinabi nito na inaaya siya na mag-date daw sila. Kaya naman ay maaga siyang gumising dahil palagi naman itong maagang dumadating kapag may date sila. Kaya ngayon ay inagahan na niya para hindi na niya paghintayin ito. Nang makapili na siya ng susuotin ay binitbit na niya ito patungo sa banyo. Ginawa niya ang morning ritual niya at sinuot ang damit na napili niya. Pinaragan niya ang long sleeve sa white short niya at medyo inayos ang style. Lumabas siya ng banyo at tinungo ang kwarto nila ni Allen. Humarap siya sa salamin at inalis ang towel sa buhok niya. Huminga siya ng malalim at kinuha ang face cream at pinahid sa mukha niya para maging fresh tignan ang face niya at hindi oily. 'Yon ang parati niyang ginagamit sa japan para makinis din ang skin niya. Hindi kasi masyadong toxic ang ingredients na ginagamit kaya glowing ang skin niya. Lalo't gawa pa sa iba't-ibang dahon na pampaganda ng balat ang cream na ginagamit niya. Nang makapagpahid siya. Nagpahid lamang siya ng pink lipstick at napangiti siya dahil nagkakulay na ang mukha niya. Pinunasan niya ang buhok niya bago siya nag-blower. Nang matiyo na ang buhok ay kumuha siya ng clip at inipitan ang harapang buhok niya. Napangiti siya ng ma-kontento na siya sa itsura at ayos niya. Kinuha naman niya ang red sneakers niya at sinuot. Nang ayos na ay kinuha niya ang sling bag at sinuot bago siya naglakad na palabas ng kwarto. Pa-unti-unti ay sinasanay niya na makita ng ibang tao ang suot niya. Gusto niya na maging komportable naman ang itsura niya kay Diesel. Ayaw niya na may masabi pa ang ibang tao. Bumaba siya sa sala at nakita niya sila Isabelle na mga nakagayak na para magtungo sa mansyon ng mga ford. Nakabihis ng uniform si Allen para ihatid ni Isabelle sa school nito. "Oh, nauna ka pa kay Diesel. Wala pa siya." sabi ni Isabelle sa kanya. "Sa port po ang usapan namin, Tiya. Kaya doon na ako dederetso." nakangiti niyang sabi at humalik sa noo ni Allen, "Sige, mauna na po ako, Tiya. Baka naroon na din si Gasolina." pagpapatuloy pa niya kaya tumango ito. "Sige, mag-iingat ka at mag-enjoy kayo sa date n'yo." sabi nito kaya tumango siya at ngumiti bago siya tumalikod na lumabas ng bahay. Napatingin siya sa bike na binigay sa kanya ni Diesel. Napangiti siya sa tuwing maalala niya kung paano siya nito inangkas noon. Sumakay siya at ginamit 'yon para makapunta siya sa port. Balak kasi ni Diesel sa labas ng isla sila mag-date kaya doon sila sa port magkikita para sumakay ng yatch. - PAGDATING sa port ay pinaiwan niya sa isang lalake na siyang nagpapaarkila ng mga life vest sa pangpang ang bike niya. Sinabi niya na baka gabihin sila ng uwi kaya pumayag ito at pinadlock ang bike niya. Naglakad siya malapit sa daungan ng mga yate at nilibot ang tingin upang hanapin si Diesel, dahil baka sakaling naroon na ito. Ngunit wala pa ito kaya sumandal siya sa lubid kung saan siya nakatayo ngayon sa isang daanan ng mga pasaherong sumakay ng yatch. Tumingin siya sa wrist watch niya at nakita niya na alas otso pa lang naman, kaya maaga pa. Pero thirty minutes na ay wala pa ito. Kaya naghintay pa rin siya... Hanggang sa ang thirty minutes ay naging isang oras at naging dalawa. Hindi maaraw dahil makulimlim ang kalangitan. At tila paulan na lalo't nagmamadali na sa pagtali sa mga yate ang mga may-ari ng yate para hindi matanggay ng tubig ito. Tumingin siya sa paligid ngunit wala pa ring sign kung dumating na ba si Diesel. - "P-PAANO?" hindi makapaniwalang usal ni Diesel habang nakatingin sa babaeng nasa harapan niya ngayon na malayo sa Zia na nakilala niya. Fashionista itong magsuot at blond ang kulay ang buhok nito. Mas gumanda din ito at kuminis ang balat dahil siguro sa pag-mo-modelo nito. Pagbaba niya ay nagulat siya na naroon ito at hinihintay siya. Hindi talaga siya makapaniwala na nakauwi na ito at nasa harapan na niya. "Ganyan lang ang reaksyon mo, ang tagal nating hindi nagkita, Aaron." nakangiti nitong sabi at binitawan ang hawak nitong maleta bago ito lumapit sa kanya at niyakap siya, "Namiss kita, Aaron. Pangako, hindi na ako aalis pa." sabi nito na kinangiti niya kaya tumugon siya sa yakap nito. Bumitaw sila ng yakap at humawak ito sa braso niya bago siya ayain na maupo sa sofa. "May pasalubong ako sa iyo. Tiyak na magugustuhan mo ito." sabi nito kaya ngumiti siya habang pinagmamasdan ito. Hindi niya alam pero wala na ang katulad ng dati na para siyang patay na patay rito. Pero nandoon pa rin ang paghanga niya sa kagandahan nito. May nilabas itong mga t-shirt na itim na mga may tatak pa kung saang bansa ito nagmula. Mayroon ring bagong shoes na dilaw. At nang mapatingin siya sa shades na huling binigay nito ay napatingin siya sa shades na nakasabit sa polo njya na bigay sa kanya ni Jhaycee na kapalit ng nabasag niyang shades. "Nasaan na 'yung dati kong binigay sa iyo? Bakit iba na ito? At saka hindi bagay sa iyo ito, mas bagay ito." nagtatampong sabi nito at aalisin sana nito ang shades sa pagkakasabit sa polo niya ngunit pinigil niya ang kamay nito kaya nagtataka ito na napatingin sa kanya. "'Wag ito. Mahalaga sa akin ito." sabi niya kaya binaba nito ang kamay at ngumiti bago napatango. "Sino? May iba na bang laman ang puso mo?" mapait nitong tanong at nakita niya na nalungkot ito kaya napahinga siya ng malalim bago tumayo at tumalikod rito. "Maraming taon na ang nagdaan, Zia. At marami na rin ang nagbago. At mayroon na ring babae na siyang nagpapatibok ng puso ko." sabi niya. "Sino siya? Pwede ko bang malaman?" tanong nito kaya lumingon siya rito. "Oh, Zia!" Napabaling sila ng tingin sa Mom niya na pababa ng hagdan habang nakasuot pa ito ng pantulog nito na roba. Tila ngayon lamang nagising. Himala nga at tinanghali ito ng gising. Baka naman pinagod ng Dad niya. "Hi, Tita, kumusta po." bati ni Zia sa Mom niya na tumayo at lumapit sa Mom niya ng makalapit ito sa kanila. Nagbeso ang mga ito bago napatingin ang Mom niya sa kanya at sinenyasan siya tila tinatanong kung bakit nasa bahay nila si Zia. "I'm fine, Hija. Ikaw, kumusta ka? Lalo kang gumanda at sumexy." nakangiting papuri ng Mom niya rito at tinungo ang sofa bago ito naupo at tumingin kay Zia. "Ayos lang din po ako, Tita. Salamat sa papuri." nakangiting tugon ni Zia at naupo rin sa kinauupo nito. "Hmm, nagtataka lang ako kung bakit ka dito dumeretso, imbes na sa parents mo?" tanong ng Mom niya. Oo nga, ngayon niya lang napagtanto kung bakit kay aga-aga ay dito ito dumeretso. Napatingin siya kay Zia na napayuko at napahinga ng malalim. "Nagalit po kasi si Mom sa akin dahil tinigil ko raw po ang pag-mo-modelo ko. Kaya po ayaw daw po niya akong makita at 'wag na raw po akong magpapakita sa kanila." sabi nito sa malungkot na tono kaya nakaramdam siya ng pag-aalala rito. "Bakit naman sila nagalit dahil lamang sa paghinto mo? Hindi ba nila ikaw naisip at namiss dahil matagal kang nawala sa pilipinas?" naawang tanong ng Mom niya. Ngumiti ng mapait si Zia at tumingin sa Mom niya bago napaiyak, "Pangarap na po kasi sa akin ni Mom na maging isang sikat na sikat na modelo sa buong mundo, kaso binigo ko lang daw po siya. Si Dad naman po ay wala rin pong kakayahan na kontrolin si Mom, kaya wala rin pong nagawa si Dad. Napagtanto ko po kasi na hindi na ako masaya sa pag-mo-modelo.." sabi nito at napatingin sa kanya si Zia, "Kaya umuwi na rin po ako dahil gusto ko po na makabawi ako sa mga taong naiwan ko. Gusto ko pong makasama si Aaron." sabi nito kaya napamaang siya. "But you're late, Zia." sabi ng Mom niya kaya tumingin siya rito. "What do you mean, Tita?" "What are you doing here, b***h?" Napatingin sila kay Bettina na nakahalukipkip ang braso nito sa dibdib habang pababa ng hagdan. "Stop calling her like that, Bettina." saway niya rito na inirapan siya kaya napatiim-bagang siya dahil sumosobra na talaga ito sa pagka-brat nito. "Bakit? Totoo naman. Saka bakit siya narito? Ang kapal naman niyang magpakita pa sa iyo matapos ka niya iwanan matapos mong mag-propose ng feeling mo noon." sabi nito at panay ang irap kay Zia. "Bettina, alam ko naman ang naging kasalanan ko noon kay Aaron, pero nais kong bumawi ngayon at handa ko nang tugunan ang nararamdaman niya." sabi ni Zia na kinatawa ni Bettina. "Funny ka. Noon 'yon, pero ngayon ay wala ng feelings sa iyo ang brother ko. Kapal ng face. Wala ka namang binatbat kay Ate Jhaycee." sabi ni Bettina. "Stop it, Bettina. 'Wag mong kausapin ng ganyan si Zia. Pati ang pagka-brat mo ay wala na sa posisyon para makisingit ka sa usapan ng may usapan." suway niya rito. Natigilan siya sa sinabi niya at nakita niya na masama itong nakatingin sa kanya habang nangingilid ang luha. Kaya lalapitan niya sana ng umatras ito. "I hate you! Magsama kayo. Isusumbong kita kay Ate Jhaycee!" galit nitong sabi at tumalikod na pero agad din itong napahinto at humarap muli, "Bago mo ipagtanggol ang ex-crush mo, sana naalala mo na may usapan kayo ni Ate Jhaycee." sabi nito at tumalikod habang siya ay nanlaki ang mata at napatingin sa wrist watch niya. Halos napamura siya ng makita na mag-a-alas diyes na. Agad siyang tumingin sa Mom niya na napailing kaya agad siyang tumalikod kahit na tinatanong siya ni Zia kung saan siya pupunta. Tumakbo siya palabas at nagmadali na sumakay sa kotse niya. Abot-abot ang kaba niya lalo na't napakalakas ng ulan. Hindi niya sinasadya na makalimutan na may usapan sila. "Damn it! I'm dead." usal niya at habang mabilis na nagmamaneho patungo sa port. Nag-aalala siya dahil baka magalit sa kanya si Jhaycee. Napakatanga niya! Pagdating sa port ay agad siyang bumaba ng kotse kahit na hindi pa nakaayos ang pag-park niya. Hindi niya ininda ang ulan kahit na nabasa na siya. Nilibot niya ang tingin habang tumatakbo patungo sa daungan ng mga yate. "Akina!" hiyaw niya at umakyat siya sa wooden bridge na akyatan ng mga pasaherong sumasakay. Napahinto siya ng makita ito na nakasandal sa lubid ng bridge habang nakayuko at walang pakialam sa ulan. Agad siyang tumakbo palapit rito at huminto siya sa gilid nito. "A-Akina.." sambit niya sa pangalan nito at natakot siya ng mag-angat ito ng tingin. Napalunok siya ng tumingin ito sa kanya ng seryoso. "Bakit ka na-late?" tanong nito kaya napabuka-sara ang bibig niya para maghanap ng dahilan, "'Wag kang mag-si-sinungaling kung ayaw mong makipaghiwalay ako sa iyo." sabi nito kaya humawak siya sa braso nito. "Sorry na. Kasi dumating ang old friend ko kaya medyo hindi ko naalala ang usapan natin." sabi niya habang kinakabahan siya. "Old friend? Sino?" tanong nito kaya napalunok siyang muli. "Kailangan pa ba 'yon? 'Wag na.. saka baka magkasakit ka, sumilong muna tayo." sabi niya ngunit hinawi nito ang kamay niya at maglalakad na sana ito para iwan siya kaya wala siyang choice, "S-Si Zia.." pag-aamin niya na kinahinto nito. "So, dahil pala sa kanya kaya nawala ako sa isip mo?" tanong nito kaya agad siyang umiling. "Hindi sa ganun--" "Sinabi mo na kanina na nakalimutan mo. Sana hindi ka na nagpunta." sabi nito at mabilis itong naglakad kaya agad siyang sumunod. "Akina, sorry na. Hindi ko naman alam na pupunta siya sa bahay. Kasi kakauwi lang din niya galing france." sabi niya kaya napahinto ito at hinarap siya. Nabigla siya ng suntukin siya nito sa pisngi kaya napahiga siya. "'Yan ang mangyayari sa iyo oras na kalimutan mo ulit ang usapan natin." sabi nito at iniwan siya. Napangiwi at napahawak sa pisngi bago naupo at sinundan ng tingin si Jhaycee. Napangiti siya at napailing dahil hindi na siya kayang tiisin nito. Agad siyang tumayo at hinabol ito. Niyakap niya ito sa likod ng maabutan niya ito kaya napahinto ito sa paglalakad. "Hinding hindi ko na makakalimutan pa kahit kailan ang date natin. Promise.. I love you, Akina ko." sabi niya at niyakap niya ito ng mahigpit. Tumingala sila at bumagsak ang ulan sa mukha nila kaya napangiti sila. Bumitaw siya ng yakap at hinawakan niya ito sa kamay bago niya hinila patungo sa kotse niya. Agad niyang pinatay ang aircon ng kotse at napatingin siya kay Jhaycee na yakap ang sarili at nakayuko habang nanginginig. Kaya tumingin siya sa backseat at inabot ang blanket na baong baon niya. Ikinumot niya rito 'yon kaya napadilat ito at napatingin sa kanya. "Ayoko na masayang date natin kaya may alam ako kung saan tayo pwede." sabi niya habang inaayos ang blanket rito para mawala kahit paano ang panlalamig nito. Umayos siya ng upo at pinaandar ang sasakyan. Tinungo niya ang isang japanese restaurant na kakaiba sa lahat ng restaurant sa isla.. One time, nakapunta siya rito noong umuulan at binasted siya ni Zia. Noon, parang hindi niya type ang lugar dahil makaluma at puro japanese food. Pero dahil wala siyang choice ay pumasok siya at kumain. Hanggang sa magustuhan niya lalo pa't natutuwa siya sa mga display ng mga sinaunang panahon ng mga hapon na naka-imprinta sa bawat paintings na nandoon. Napatingin siya kay Jhaycee na nakatitig sa restaurant. Napangiti siya at hinawakan niya ito sa likod kaya napatingin ito sa kanya. "Tara, pasok tayo." aya niya kaya tumango ito at humakbang. "Yoi tsuitachi (Good Day) Welcome to Ame no omoide resutoran (Rain memories Restaurant)" bati sa kanila ng waitres na nakasuot ng kimono. "Alam mo sa tagal ko ng kumakain rito hindi ko alam ang ibig sabihin ng pangalan ng restaurant." sabi niya kay Jhayce habang nakatayo sila at hinihintay ang waitres na kinukuha sila ng towel at pamalit. "Rain memories." sabi sa kanya ni Jhaycee kaya napatingin siya rito. "Huh?" takang tanong niya. Hindi na ito sumagot dahil dumating na ang waitres at may inabot sa kanilang kimono kaya napatingin siya kay Jhaycee na kinuha 'yon at namangha siya ng makipag-usap ito sa babaeng waitres ng japanese. "You can change clothes in the comfort room, Sir." sabi ng waitres at may tinurong hallway kung saan ang sinasabi nitong banyo kaya tumango siya at tumingin kay Jhaycee na patungo na siguro ito sa banyo kaya lumakad na siya at tinungo ang banyo. Napakamot siya ng ulo habang lumalakad pabalik habang pino-problema niya ang pagtali nung kimono sa pang-itaas. Napaangat siya ng tingin at napamaang siya ng makita si Jhaycee na suot ang pulang bulaklaking kimono. Bumagay rito at parang sanay ito na isuot 'yon. Lumapit ito sa kanya at inismiran siya nito bago kinuha ang tali ng kimonong pang-itaas na suot niya at inayos nito ang pagkakasuot sa kanya. "Wow! Ang ganda mo." puri niya rito kaya ngumisi ito at binitawan na ang suot niya ng maayos na. "Bolero." sabi nito kaya napangiti siya at tumingin sa suot niya. "Ang sarap pala suotin nito. Ang sarap sa balat." sabi niya kaya napailing ito at napatingin sa waitres na lumapit sa kanila at inaya sila sa isang room kung saan sila kakain. Naupo sila sa isang unan habang mababa ang lamesa. May nakahain na pagkain na puro gulay at japanese food. "I want a spicy ramen, please.." sabi ni Jhaycee kaya... "Ako man." nakangiti niyang sabi kahit na hindi naman siya mahilig sa noodles. Umalis na ang waitres kaya sila na lang muli ang naiwan ni Jhaycee. Tumingin siya rito na nililibot ang tingin kaya sinipa niya ang hita nito nito kaya napatingin ito sa kanya habang nakakunot ang noo. "Umayos ka nga ng upo. Hindi ganyan ang tamang pag-upo." sermon nito. "Ayoko nga. Mas masarap maupo ng ganito. Saka bakit ka marunong mag-japanese, ha?" Napahinga ito ng malalim bago siya sinagot. "Because I'm japanese." sabi nito kaya natawa siya. "Weh? Marunong ka nang mag-joke ha." sabi niya kaya inismiran siya nito at napailing. "Bahala ka na nga. Nagtatanong ka pero ayaw mong maniwala." sabi nito. "Sabagay mukha kang japanese. Sige nga, kung japanese ka, anong ibig sabihin ng gwapo ako?" tanong niya kaya napailing ito at natawa, "Dali na." pamimilit nito. "Watashi wa hansamudesu." tugon nito. "Eh, ang I love you?" tanong niya ngunit parang sinasabi niya rin ito kay Jhaycee. "Watashi wa, anata o aishiteimasu." tugon ni Jhaycee. "Napakahaba naman. Mas maganda pa rin pakinggan ang tagalog. 'Mahal kita'" sabi niya kaya umiwas ito ng tingin at umayos ng upo ng dumating ang waitres na dala ang order nila. Napangiti siya ng pilyo ng mag-blush ito. Nang makaalis ang waitres ay napatingin siya sa dalaga ng pagdikitin nito ang palad at pumikit, kaya ginaya niya. "Kono tabemono,-shin ni kansha shimasu.(Thank you for this food, God.)" sabi nito na hindi niya naunawaan at nasundan. Dumilat na ito at kinuha ang chopstick kaya ganoon din ang ginawa niya. Inamoy nito ang usok na nagmumula sa noodles ng alisin nito ang takip. Kaya natakam siya at ginawa rin niya. Ang bango. Nakakatakam ang itsura. "Kumain ka na nga. 'Wag muna akong gayahin." sabi sa kanya ni Jhaycee habang hinahalo nito ang noodles at tinaas pa bago nito isubo. "Hindi ka pa napaso? Mainit pa kaya." sabi niya rito. Nilunok nito ang kinain bago nito pinagpatuloy ang paghalo. "Mas masarap na mainit ang ramen kapag kinain. Saka sanay na ako." sabi nito kaya napatango siya at ginamit niya ang chopstick kaso hindi niya alam kung paano hahawakan iyon ng hindi lumuluwag sa daliri niya. "Tsk. Mag-tinidor ka na lang, pinapahirapan mo pa ang sarili mo." sabi nito. "Hindi, gusto kong matuto nito. Para kaya na kitang sabayan na kumain kapag ganito ang gamit na pangkain." sabi niya habang inaayos ang pagkakalagay ng chopstick sa daliri niya. Natigilan ito pero nagulat siya ng hawakan nito ang kamay niya kung saan nakahawak ang chopstick. "Hay! Hindi ganyan, dapat ay nasa pagitan ang isang stick ng hinlalake at hintuturo mo, habang ang isa ay nasa pagitan ng gitnang daliri mo at palasingsingan. Dapat ay maayos mong hawakan para hindi mahulog ang pagkain kukunin gamit n'yan." instruksyon sa kanya nito kaya napangiti suya at tumango. "Alright, boss." sabi niya kaya napairap ito. "Oh, sige, subukan mo nga." hamon nito kaya inayos nuya ang pagkakahawak ng chopstick sa daliri niya at kumuha siya ng noodles gamit no'n. Tumingin siya kay Jhaycee at saka niya nilapit sa bibig ang nakuhang noodles at sumubo, "Good. Madali ka lang palang matuto." sabi nito kaya napangiti siya at nagpatuloy sa pagkain lalo't ang sarap pala ng ramen. Nagpatuloy na rin sa pagkain si Jhaycee hanggang sa maubos nila at umorder pa sila ng isa. Pagkatapos ay nagpababa sila ng kinain habang magkatabi ng upo at nakasandal sa pader. Lumapit sa kanila ang waitres at may inabot na sticky note at garapon na kinuha nila kahit na nagtataka sila. Sinabi sa kanila ng waitres na isulat daw nila ang nais nilang sabihin sa isa't-isa. At paglipas daw ng isang buwan ay pwede daw nilang balikan ang garapon at maaari nang basahin. Kaya naman magkalayo sila habang nagsusulat sa table ng mga mensahe nila sa isa't-isa. Napatingin siya kay Jhaycee na seryoso na nagsusulat kaya napangiti siya. Nag-isip siya ng maaari niyang sabihin sa dalaga na hindi pa niya nasasabi rito. 'Akina ko, hindi mo alam na sobrang nagagandahan ako sa iyo ng mga araw na magkabunggo tayo. Kaso naunahan ng inis ang pagkagusto na nararamdaman ko. Pero sabi nga nila, sa una ay war, sunod ay like, at sa huli ay love. Sana sa bandang huli ay forever naman.' ani ng isip niya habang sinusulat 'yon sa sticky note. Pagkatapos niyang isulat 'yon ay binilot niya at nilagay sa garapon. Marami pa siyang mensahe na sinulat hanggang sa mangalahati siya. Napatingin siya kay Jhaycee at nagulat siya na mga sapong papel pa lang ata ang laman ng garapon nito, kaya napasimangot siya dahil ang unti naman ng mensahe nito sa kanya. "What?" tanong nito ng mapansin siguro ang pagkasimangot niya. "Ang daya mo. Ang unti ng sa iyo, tapos sa akin ay halos mapuno ko na." nakasimangot pa rin niyang sabi. "Tsk. Hindi naman sa dami ng papel ang basehan para masabi ang lahat ng saloobin. Maigi ng kaunti, binuhos ko naman lahat doon ng nais kong sabihin sa iyo." sabi nito kaya nawala ang pagkasimangot niya. "Pwede mo bang ibulong sa akin ang isang sinulat mo?" tanong niya kaya nakatikim siya ng tuktok ng ballpen sa ulo kaya napahimas siya sa ulo niya, "Tsk, ang sadista mo talaga." sabi niya kaya napailing na lang ito. Dumating ang waitres at kinuha ang garapon. Dinisplay nito ang garapon sa iba pang garapon. May pangalan nila na nilagay ang waitres sa garapon kaya madali nilang makikita ang sulat ng isa't-isa. Nagpalipas sila ng oras sa restaurant at naghintay na tumila ang ulan. Napatingin siya kay Jhaycee na napasandal ang ulo sa balikat niya at tila nakatulog na ito. Kaya hinawakan niya ang ulo nito at inayos ang katawan nito para ihiga niya ang ulo nito sa kandungan niya. Napatitig siya sa maamong mukha nito at sa magandang mukha nito. Napahaplos siya sa magandang kilay nito na wala ano mang bahid ng eyeliner kaya nadampian ng daliri niya ang malambot nitong kilay. Bumaba ang daliri niya sa ilong nito na maliit ngunit matangos. Bumagay sa maliit nitong mukha ang ganda ng ilong nito. Napatingin siya sa mata nito na chinita at gaya ng sinasabi nito ay isa daw itong japanese. Wala pa siyang alam tungkol sa pamilya nito. Gusto niyang magtanong ngunit mas gusto niya na ito mismo ang magsabi sa kanya. Napahinga siya ng malalim at hinaplos niya ang pisngi nito at napahawak siya sa labi nito na manipis, mapula, at magandang hugis ng labi nito na ilang beses na niyang nahalikan. Napakalambot ng labi nito at gustong gusto niya na palaging tikman. "Lalo kang gumaganda.. Kaya natatakot ako na baka may makapansin sa iyo na iba at agawin ka pa sa akin." aniya sa dalagang natutulog. Napatingin siya sa kwintas na suot nito na isang pa-heart at tiyak na may litratong nakapaloob rito. Marahan niyang kinuha 'yon at hinawakan. Binuksan niya ang heart at tumambad sa kanya si Jhaycee na mahaba ang buhok habang kasama sa larawan ang tila pamilya nito. Tila isang desente at sa may kayang pamilya nanggaling si Jhaycee at isa nga itong haponesa. Gumalaw si Jhaycee kaya agad niyang sinara ang heart necklace at inayos ang kwintas nito. Tumagilid ito at patalikod sa kanya na nahiga. "Sino ka ba talaga? Bakit mukha kang mayaman sa litrato pero bakit ang pagkakakilala ko sa iyo ay isa kang mahirap?" tanong niya rito kahit na hindi naman siya naririnig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD