CHAPTER 15
THE GARTER AND FLOWER
TULALA si Diesel habang panay ang pag-iisip niya sa sinabi ni Jhaycee sa kanya. Tila nagka-eyebags na siya dahil doon. Dalawang araw na rin ang nakalipas mula ng iwanan siya ng katanungan ni Jhaycee. Ngayon ay araw na ng kasal ng Kuya niya pero kahit excited siya ay wala doon ang isip niya. Kailangan niyang malaman kung sino ang lalakeng sinasabi ng Girlfriend niya, masisiraan siya ng ulo kapag hindi pa niya nalaman kung sino ba ang lalakeng 'yon. Kapag nakilala niya ay sisiguraduhin niya na magsisisi ito na inagaw nito sa kanya si Jhaycee.
"Yow, Sel!"
Napalingon siya sa pinto ng kwarto niya at nakita niya ang bangtan na mga pormal na pormal ang suot para sa kasal ngayon ng Kuya niya. Nakasuot siya ng tuxedong puti. Lahat silang magkakapatid ay abay sa kasal kaya kung ano ang suot ng Kuya nila ay ganoon din sila. Iba nga lang ang design.
"Araw ng kasal ng Kuya mo, pero tila byernes santo ang mukha mo." sabi ni Michael na nakipagbanggaan ng kamao sa kanya at ganoon din ang bangtan bago maupo ang mga ito sa kama niya, habang si Jack ay nakasandal sa pader at ano pa nga ba? Edi tahimik pa rin.
"May iniisip lang ako." sabi niya at napabuntong hininga bago sumandal sa swivel chair sa tabi ng study table niya na kinauupuan niya.
"Hulaan ko, si Jhaycee, 'di ba?" sabi ni Benedict.
"Sino pa nga ba? Si Jhaycee lang naman ang bukang-bibig niya palagi. Tila gustong gusto mo na talaga siya." sabi ni Jin.
"Ano ba kasi ang prinoproblema mo? Dalian mo at baka magsimula na ang kasal ni Kuya Duke. Para makakain na tayo." sabi ni Raphael na akala niya ay wala ang pagkain sa isip nito ngayon, pero nagkakamali pala siya.
"Tsk kahit kailan talaga, puro pagkain ang nasa isip mo." aniya rito na kina-sign peace lang nito kaya inismiran niya ito bago siya natahimik saglit at bumuka ang bibig para sabihin ang pino-problema niya, "Sinabi niya kasi sa confess room noong nakaraang araw na may mahal na siyang lalake. Alam ko naman na ako 'yon, pero sabi niya ay hindi daw ako nakakasiguro na ako 'yon. Sabi pa niya ang lalakeng nagugustuhan daw niya ay ang lalakeng kapag tinapunan ng apoy ay bigla na lang daw magliliyab. Hindi ko malaman ang ibig niyang sabihin, dahil ang hirap hulaan ng sinabi niya." pagbabahagi niya sa problema niya.
"Hmmm, ang gusto kamo ni Jhaycee ay 'yung lalakeng kapag tinapunan ng apoy ay bigla na lang magliliyab?" sabi ni Michael kaya tumango siya.
"I think, it's me." sabi ni Sandro kaya matalim ang mata nuya na tumingin siya rito.
"Hoy, Sandro! 'Wag kang mang-aagaw, at 'wag kang mag&claim na ikaw ang gusto niya dahil sinisiguro ko sa iyo na hindi ikaw 'yon." inis niyang sabi rito na kinangisi nito.
"Bakit, ikaw ba ang tinutukoy niya? Eh, tiyak ako na hindi rin ikaw dahil una pablang ay binully muna siya, kaya malabo na ikaw 'yon. Kaya patas lang tayo." pang-aasar nito sa kanya na kinausok ng ilong niya.
"Kung sino man ang sinasabi niya ay tiyak ako na wala sa inyong dalawa, dahil mayroon ng nakatadhana sa kanya." sabi ni Jack kaya napatingin siya rito na nagtataka.
"Anong pinagsasabi mo? Ano ka, future prediction?" natatawa niyang sabi rito ngunit seryoso lamang ito at hindi na sumagot.
May kumatok kaya doon na na-focus ang paningin nila ng bumukas na rin ang pinto.
"Diko, bumaba na raw kayo sabi ni Mommy." sabi ni Bettina habang hawak nito ang press powder nito habang tinitignan ang make-up nito na kinailing niya.
"Hi, pretty Bettina." maligalig na bati ni Raphael na kinairap ni Bettina.
"I'm not pretty, I'm gorgeous. Tsk. D'yan na nga kayo." maarte nitong sabi at nag-flip pa ng hair bago sila talikuran at lumabas ng pinto.
"Whooa! Grabe ang kapatid mo kahit kailan, Diesel, ang taray." natatawang sabi ni Michael at tinapik ang balikat ni Raphael na napasimangot ng tarayan ni Bettina.
"Alam n'yo naman na matalas ang dila no'n, hindi pa kayo nadala." nakangising sabi niya at tumayo bago inayos ang tuxedo niya.
"May boyfriend na ba 'yun?" tanong ni Michael kaya nagsalubong ang kilay niya.
"Wala, pero broken hearted. Bakit mo tinatanong? 'Wag mong sabihin--"
"Hindi no! Paputukan pa ako ng Daddy mo ng baril." sabi nito kaya napangisi siya at tumango.
"Buti alam mo. Dahil hindi lang si Daddy ang kakaharapin mo, kundi pati kaming mga kapatid niya. Kung sino man ang manliligaw doon sa brat na 'yon ay tiyak na dadaan muna siya sa butas ng karayom bago makuha ang kapatid namin." sabi niya kay Michael.
"Alam na namin 'yon kaya walang magtatangka." sabi ni Michael kaya napatango siya.
"Kung gano'n ay halika na kayo at baka mauna pa ang bride sa atin." aya niya kaya nagsitayuan na rin ang mga ito.
Lumabas sila ng kwarto at bumaba. Nakita niya na nakagayak na ang pamilya niya at todo ang ayos ng Mommy niya sa tuxedo ng Kuya niya na tense na tense kaya napangiti siya.
"Oh, mabuti at bumaba na kayo. Halika na, Mister." sabi ng Mommy niya at bumaling sa Dad niya na nakaupo sa sofa.
Tumayo na ang Dad niya at binuhat si Benj na gwapong gwapo sa suot nito. Umakbay siya sa dalawa na si Deo at Drake na palaging wala. Hindi niya alam kung ano ba ang pinagkakaabalahan ng dalawa.
"Kumusta, Bro. Namiss ko kayo." nakangisi niyang sabi at humalik sa pisngi ng mga ito kaya nakatikim siya ng siko kaya napabitaw siya ng akbay habang natatawa.
"Siraulo ka talaga. Kadiri." sabi ni Drake na pinahiran ang pisngi gamit ang panyo nito.
"Kadiri ka d'yan. Baka i-reveal ko ang sekreto n'yo? Tiyak na mas kadiri 'yon." nakangisi niyang pananakot sa mga ito.
"Tssk, d'yan ka magaling. Palibhasa sa gitna ka kaya ikaw 'yung pinaka-siraulo." sabi ni Deo.
"Siraulo? Ako? Ikaw kaya 'yon. Playboy ka nga e,.--"
"Enough, boys. Tama na 'yan. Halika na kayo at baka mahuli pa tayo." pag-aawat sa kanila ng Mom nila.
Ngumisi si Drake at Deo sa kanya bago tumalikod ang mga ito.
"Dude, pinagigitnaan ka pala kaya pala malakas ang topak mo sa dalawa." sabi ni Jin kaya napaasik siya rito.
"Tsk." asik niya at lumakad na siya pasunod sa pamilya niya.
-
DUMATING sila sa church na maaga pa at ramdam niya ang kaba ng Kuya niya habang hindi mapakali sa paghintay sa mapapangasawa nito na si Nestle.
Sigurado na kapag siya ang ikinasal ay tiyak na ganoon din ang mararamdaman niya. Nilibot niya ang tingin baka sakali na dumating si Jhaycee. Binigyan niya ito ng invitation para dumalo pero wala pa ito. Yari sa kanya 'yon kapag hindi ito dumalo.
Nagsimula na ang seremonya ng kasal kaya doon na na-focus ang atensyon niya. Hanggang sa natapos ang seremonya ng kasal ay hindi man lang nagpunta si Jhaycee kaya inis na inis siya.
"Yari ka sa akin. Sinabi ko na magpunta ka, pero hindi ka naman umattend. Aist! Nami-miss ko tuloy siya ngayon." aniya habang nagmamaneho na siya ng kotse niya patungo sa venue ng kasal.
Pagdating sa resort kung saan napili ng Kuya Duke at Ate Nestle niya ang venue ay pinarada na niya ang sasakyan sa tabi ng sariling sasakyan ng mga kapatid niya.
Bumasangot ang mukha niya na bumaba ng kotse. Lumapit sa kanya ang bangtan ng magbabaan ang mga ito sa sariling sasakyan ng mga ito.
"Oh, busangot ka na naman?" si Sandro.
"Tsk, hindi kasi dumating si Jhaycee. Nakakainis." banas niyang sabi kaya natawa ang mga ito.
"Hanep, Ron. Masyado ka na atang hibang kay Jhaycee. Hindi lang dumating ang tao ay galit ka na." si Michael.
"Tsk," 'yun lang ang sinabi niya at nauna na siyang maglakad.
Pagpasok nila sa venue ay nilibot niya ang tingin para hanapin kung saan ang table nila. Nang makita niya ang Mommy niya sa unahang table ay naglakad na siya ngunit nabangga siya sa waitres na nakatalikod.
"Shit." bulalas niya ng matapon ang tubig sa pants niya. Banas na napaangat siya ng tingin sa nakabasa sa kanya pero sumalubong ang babaeng kanina pa niya hinahanap, "A-Akina." nauutal niyang sambit sa pangalan nito at nawala ang pagkabanas ng reaksyon niya kundi ngayon ay abot-tenga ang ngiti niya.
"Hi, Jhaycee!" bati ni Sandro kaya nagsalubong ang kilay niya dahil sa pagsingit nito.
Tumango si Jhaycee kay Sandro at tumalikod na ito kaya agad siyang pumunta sa harap nito kaya napatigil ito at walang reaksyon na tumingin sa kanya pero nakangiti pa rin siya.
"Akala ko hindi ka a-attend. Kumain ka na ba? Tara, kain na tayo." aniya at kinuha ang hawak nitong tray at nilapag sa isang bakanteng table. Hinawakan niya ang kamay nito at hinatak niya si Jhaycee. Ngiting ngiti na lumapit siya sa table ng pamilya niya habang mahigpit na hawak ang kamay ni Jhaycee na pilit na umaalis sa pagkakahawak niya.
"Dad, Mom, si Jhaycee." pukaw niya sa parents inya kaya napatingin sa kanila ang lahat.
"Oh, hija." nakangiting sabi ng Mom niya kay Jhaycee at tumayo kaya napangiti siya at pasimpleng umakbay kay Jhaycee na tila nahihiya sa pamilya niya.
"Wife!" tuwang-tuwang sabi naman ni Benj kaya agad niyang pinigil ito sa ulo bago pa makayakap kay Jhaycee.
"Hep! D'yan ka lang, Benj. Kota-kota ka na." sabi niya rito na pilit inaalis ang kamay niya. Napatingin siya sa Mommy niya na bumeso kay Jhaycee.
"Hija, bakit ka naka-uniform ng waitres?" tanong ng Mom niya kaya napatingin siya sa suot ni Jhaycee at oo nga, suot nga nito. Napagkamalan niya tuloy ito na ibang waitres ang nakatapon sa kanya ng tubig.
"May sakit ho ang isang waitres na naka-assign sa serving kaya napakiusapan po si Tiya na siya sana ang mag-waitres, pero po ayoko naman na mapagod pa si Tiya kaya ako na po ang nag-prisinta." sabi ni Jhaycee kaya napatango siya at napangiti.
"I see. Pero 'wag ka nang mag-waitres, sumabay ka na sa amin." aya ng Mom niya.
"Oo nga, tara." aya niya rin pero inalis nito ang kamay niya sa balikat nito.
"Pasensya na po, kumain na ho kasi ako bago pa po kayo dumating. Ayos lang po ako. Sige po, ipagpapatuloy ko na po ang naudlot kong ginagawa." magalang nitong sabi sa Mom niya at tumalikod na. Hahabulin sana niya ng pigilan siya ng Mom niya.
"'Wag na, Anak. Baka magsawa sa iyo si Jhaycee kung palagi kang nakabuntot. Kumain ka muna at saka mo siya lapitan." sabi ng Mom niya.
Napabuntong-hininga siya at sinundan ng tingin si Jhaycee na lumapit sa mga bisita at pinagsilbihan ang mga ito.
Tumingin siya kay Benj na sinisipa ang binti niya dahil hindi pa niya binibitawan ang ulo nito.
"Let me go!" sabi nito at galit na sinisipa siya pero hindi naman masakit dahil mahina pa itong sumipa.
Binitawan inya ang ulo nito at binuhat niya ito pabalik sa upuan nito.
"Diko, siya ba ang girlfriend mo?" tanong ni Bettina at nginuso si Jhaycee kaya tumango siya at ngumiti.
"Yes." sagot niya at naupo sa tabi ni Benj. Hinanap niya ang bangtan at nakita niya na nasa malapit lang din pala na table ang mga ito nakaupo. Sinenyasan niya at nagtanguan naman ang mga ito.
"Oh, I liker her. She's cool." puri nito kay Jhaycee.
"Parang hindi naman kayo magkasintahan. Hindi ka ata type." nakangising tukso sa kanya ni Deo.
"Tsk, wala ako sa mood sa pang-aasar mo." sabi niya.
"Whooa! Tama ba ang narinig ko? Seryoso ka talaga?" si Drake.
"Tumigil kayong tatlo. Triplets na nga kayo, kayo pa ang nag-aasaran. At hayaan n'yo ang kapatid n'yo, mabait na bata si Jhaycee kaya walang problema sa akin." sabi ng Mom niya kaya napangiti siya.
"'Yan ang gusto ko sa inyo, Mom." sabi niya at umakbay siya rito na katabi niya. Humalik siya sa pisngi nito.
"How about me, Mom? Bakit palagi n'yo akong pinapagalitan kapag may dala akong chicks?" si Deo.
"Dahil hindi ka naman seryoso sa mga babaeng dinadala mo. Magtino ka na nga, Deo. Hindi ko alam kung bakit ka ganyan, iba-iba ang nagiging babae mo." sabi ng Mom niya.
"Yes, your mom is right, Son. Pumili ka ng babae na gusto mong iharap sa altar, hindi 'yung babaeng gusto mo lang sa kama. Like your Kuya." sabi ng Dad niya kaya napatango siya habang si Deo ay natahimik.
"Daddy.." napatingin sila kay Kuya Duke niya na lumapit sa kanila kasama si Ate Nestle niya na masayang masaya talaga ang mga ito.
Gusto rin niya na ganoon sila ni Jhaycee pagdating ng oras.
Nagpatuloy ang seremonya sa kasal sa picture taking, groom and bride's slow sweet dance, cake slice, wine toast, at sa pagkakawala ng kalapate.
Ngayon naman ay nasa parte na sila na kung saan maghahagis ang groom ng garter. Hinanap niya si Jhaycee pero napasimangot siya ng makita na nagse-serve pa rin ito. Tsk. Nawalan tuloy siya ng gana. Napatingin siya sa Kuya Duke niya na maghahagis ng garter kaya nagulat siya ng hinagis na pala nito. Iiwas sana siya dahil ayaw naman niya na siya ang makasalo dahil kung hindi rin naman si Jhaycee ang makakaparehs niya ay 'wag na.
Kaso sa kamay niya napunta ang garter kaya nahagis-hagis pa niya sa ere dahil ayaw niya na nasa kanya ito kaso lumayo na ang ibang best man at mga kapatid niya.
"Naks! Magsusuot ng garter si Ronron!" kantyaw sa kanya ni Michael kaya napahalakhak ang iba na kinabanas niya. Banas na lumapit siya sa Kuya niya na nakangiti at tinapik ang balikat niya ng makalapit siya.
"Parang ayaw mo, ha? Malay mo 'yung gusto mo ang makasalo ng bulaklak." sabi nito.
"Tsk. Hindi naman kasama 'yon. Ayun oh, busy pa sa pag-serve." sabi niya kaya napahalakhak na lang ito at tumingin sa Ate Nestle niya na ito naman ang maghahagis ng bulaklak.
"Okay, ready?" sabi ng Ate Nestle niya sa mga abay na babae na nakaabang. Napabuntong-hininga siya habang nakatingin kay Jhaycee. Naniningkit ang mata niya at hiniling na sana masalo nito ang bulaklak.
Nang ihagis na nang Ate Nestle niya ang bulaklak ay parang nag-slow-motion pa ito hanggang sa bumagsak ang bulaklak sa tray ni Jhaycee na unti-unti niyang kinangiti.
"Oh-Oh! Tila tuwang tuwa ka, bro." bulong sa kanya ng Kuya niya.
"Syempre, Kuya. Tila gustong gusto ko itong part na ito." sabi niya habang nakatingin kay Jhaycee na gulat na gulat at ayaw pa nitong lumapit, "Lapitan ko lang, Kuya, nahihiya pa, e." aniya kaya napatawa ito at tinapik ang balikat niya kaya lumakad na siya palapit kay Jhaycee.
"Paano ba 'yan, talagang tinadhana na pareho tayong nakasalo." sabi niya rito kaya napatingin ito sa kanya.
"Ayoko nga. Hindi naman ako kasama sa mga sasalo." sabi nito pero agad niyang hinawakan ito sa pulso at hinila palapit kung nasaan ang Kuya niya at Ate niya.
Sapilitan niyang pinaupo si Jhaycee sa silya at inagaw ang tray na hawak nito at inabot sa waiter na dumaan. Ngumiti siya kay Jhaycee at lumuhod.
"Akin na ang paa mo." aniya at hinawakan ang kanang paa nito.
"Ano ba, ayoko nga." mariin nitong bulong at nahihiya na pinigil siya.
"'Wag ka nang tumanggi, ikaw ang nakasalo kaya hindi ka pwedeng tumanggi." sabi niya kaya inismiran siya nito.
"Bakit, sinasadya ko ba?" maangas nitong bulong kaya napangiti siya habang nakatingin rito.
"Hindi mo magagamit ang pagka-amazona mo rito. Kaya sumunod ka na lang. Tayo talaga ang itinadhana." sabi niya kaya napaiwas ito ng tingin, kaya napangiti siya at sinuot sa paa nito ang garter. Nang maisuot niya ay tumingin siya sa mga mata nito habang unti-unti niyang tinataas ang garter sa legs nito na kinapula ng pisngi nito at umiwas ng tingin habang nakaabang ang kamay sa tuhod nito. Nang maitaas na niya ang garter hanggang tuhod nito ay binitawan na niya at tumayo siya kaya nagpalakpakan ang lahat at kinatyawan pa sila na susunod na raw na ikakasal na kinangiti niya ng abot-tenga.
Naglahad siya ng kamay rito na inabot naman nito. Tumingin siya sa Kuya niya at Ate niya na nakangiting nakatingin sa kanila kaya humawak siya sa baywang ni Jhaycee na kinatingin nito pero hindi niya pinansin ang pagbabanta nito at inaya niya ito sa tabi ng bagong kasal.
"Laki ng ngiti mo, bro. Parang kanina lang ay busangot ka." sabi ng Kuya niya.
"Syempre siya pala ang makakasalo kaya masaya ako." aniya kaya nakatikim siya ng siko kay Jhaycee pero napangiti lang siya at tumingin rito na timping timpi sa kanya pero nakangiti naman ito sa Kuya at Ate niya.
"Kiss na!!" hiyaw ng mga taong nakapaligid kaya lalo siyang na-excite.
Nagharap ang Kuya at Ate niya para mag-kiss sa lips kaya humarap siya kay Jhaycee na nahihiya.
"San mo gusto, sa lips?" tanong niya kaya pinagtaasan siya nito ng kilay.
"Sapak gusto mo?" maangas nitong sabi kaya natawa siya.
Nagbilang na ang mga tao at hudyat 'yon para pagkatapos ng bilang ay sabay na magki-kiss ang magkapareha.
"Kiss!!" hiyaw ng mga ito kaya hinawakan niya sa mukha si Jhaycee na kinagulat nito. Ngumiti siya at dinala ang labi niya sa noo nito. Pumikit siya at masuyong dumampi ang labi niya sa noo nito.
Bumitaw siya at tumingin sa mga mata nito na kay gaganda at nais niya na matitigan parati. Ang chinita nitong mata na medyo malaki pero may mahahabang pilik mata at tamang sukat ng kilay na hindi manipis at hindi rin makapal. Maliit ang ilong at ang labi ay manipis na mapula. Habang maliit ang mukha nito na may magandang chin na bumagay sa hugis ng mukha nito.
"I respect you, Akina, because I love you so much." sabi niya rito na kinatulala nito habang natingin sa kanya na hindi makapaniwala. Ngumiti suya ng maluwag at hinawakan ito sa baywang bago siya tumingin sa pamilya niya na nakangiting nakatingin sa kanila.
"Ron!" tawag sa kanya ni Raphael ng pabalik na siya sa table ng pamilya niya. Pagkatapos nila sa pagsuot ng garter ay agad na umalis si Jhaycee tila nais na magtago. And for him it's cute.
"Oh." aniya at lumapit sa bangtan.
"Alam ko na ang bugtong ni Jhaycee sa iyo." sabi nito kaya tila siya nataranta at agad na naupo sa tabi nito at hinarap ito.
"Ano?" seryoso niyang tanong habang naiinip na nakatingin kay Raphael na kumakain ng cake. s**t! Tila may mapapala siya sa matakaw na si Raphael.
Dumighay muna ito na kinalayo niya at inis na tinignan ito pero nagtimpi siya dahil kailangan niyang malaman kung sino ang lalakeng sinasabi ni Jhaycee.
Uminom muna si Raphael ng tubig bago nagpunas ng table napkin sa nguso.
"'Di ba sabi niya ang lalakeng gusto niya ay 'yung lalakeng kapag sinindihan mo ay magliliyab?" pag-uulit nito kaya tumango siya habang inaabangan niya ang sasabihin nito.
"Naku, Sel. 'Wag kang makinig d'yan, baka pagkain lang ang sabihin n'yan." sabi ni Jin.
"Hindi no, alam ko na. Napag-isip-isip ko kasi na...." sabi nito at binitin pa siya kaya kinuwelyuhan niya ito.
"Na?" naiinip niyang sabi.
"Naisip ko kasi, ano ba 'yung bagay na kapag nahagisan ng apoy ay nagliliyab agad?"
"Kaya nga tinatanong kita, tapos tatanungin mo rin pala ako." sabi niya rito at binitawan ang kwelyo nito. Tatayo na sana siya ng mapahinto siya sa sinabi nito.
"'Di ba Diesel ang name mo? Tapos gasolina ang palayaw ni Jhaycee sa iyo, naisip ko lang na baka--"
"s**t! Ang talino mo, Raphael." masayang sabi niya at niyakap niya ito at malakas na tinapik ang likod na kinaubo nito. Bumitaw siya at tinignan ito na nakahawak sa leeg.
"Naman, e! Papatayin mo pa ako, tinulungan na nga kita." reklamo nito.
"Sorry, masaya lang. Sige, maiwan ko muna kayo, hanapin ko lang si Jhaycee." masayang sabi niya at agad na umalis sa table ng mga ito.
'Damn! Bakit hindi ko agad naisip 'yon? Tsk, mas mautak pa si Raphael sa akin." aniya sa isip at natawa. Pero hindi na niya inisip 'yon at kailangan niyang mahanap agad si Jhaycee para makumpirma niya na siya nga ang mahal nitong lalake.