CHAPTER 14 - CONFESS YOUR FEELINGS

3676 Words
CHAPTER 14 CONFESS YOUR FEELINGS GABI nang makauwi sina Akina at Diesel sa kanilang date. At masaya naman si Akina dahil inaamin niya na nag-enjoy siya sa pamamasyal nila sa mga pasyalan sa maynila. Bumaba ang dalawa sa kotse habang si Benj ay naiwan dahil bulagta na ito. Humarap si Akina kay Diesel na hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa binata. "Salamat sa paghatid. Sige, pasok na ako " sabi niya rito at hahakbang na sana siya ng humarang ito sa daan niya kaya napaatras siya ng kaunti at tinignan niya ito na may pagtataka. "Ah.. Jhaycee, baka naman pwedeng makahingi ng goodbye and good night kiss?" napapakamot sa batok na request nito kaya i-e-extend sana niya ang kamay rito ngunit nagtaka siya ng takpan nito ang mukha tila takot, "Oo na, hindi na. Tssk, ang amazona mo naman." sabi nito at maglalakad na sana ito. Natawa siya ng palihim dahil naunawaan na niya kung bakit ito nagtatakip ng mukha. Tila na-trauma na ito sa kanya. "Gasolina.." sambit niya sa palayaw niya rito kaya lumingon ito. Hinawakan niya ito sa kwelyo na kinalaki ng mata nito. "T-Teka!" hindi na niya pinatapos ito at hinatak niya ito palapit sa kanya at dinampi niya ang labi sa ilong ito na kinatuod nito. Inalis niya ang pagkahalik niya rito at tumingin siya rito na natulala na lihim niya na kinahalakhak at napailing siya na binitawan ang kwelyo nito at umatras siya bago nakapamulsa na tumalikod na. "Tsk. Nanghihingi ng halik 'yun pala ay mato-trauma din." aniya at tuluyan na siyang pumasok sa loob. "Oh, kumusta ang date ng binata ko?" bungad sa kanya ni Isabelle habang nakaupo ito sa sofa at pinapatiyo sa mukha nito ang nilagay nitong facial mask cream. "Tiya, bakit gising pa kayo?" tanong niya para maiba ang usapan. Hinubad niya ang bag at nilapag sa sahig bago siya naupo sa pang-isahang upuan. "Hinihintay kita. Tila nagustuhan mo ang pagde-date n'yo at tila nakaligtaan n'yo ang oras." sabi nito na may mapang-asar na tono na inismiran niya. "Tiya, nang-aasar ka na naman. Gusto pa ng bata na pasyalan namin ang mga sikat na pasyalan sa maynila kaya kami natagalan. Kung ano-ano ang pinag-iisip n'yo." sabi niya rito at sinandal niya ang ulo sa sandalan ng upuan na kinauupuan niya. "Asus! Baka naman gusto mo rin. Kilala kita, hindi ka makakatagal kung boring ang kasama mo o boring ang pinuntahan mo. At kita ko ang paghalik mo sa binata kaya hindi ka makakapagsinungaling sa akin." sabi nito kaya napabuntong-hininga siya dahil nakita pa nito 'yon. Kahit kailan ay malakas makasagap nito ng eksena. Umalis siya sa pagkakasandal at kinuha ang bag na nasa sahig. "Tiya, si Allen? Galing na ba siya?" tanong niya rito. "Oo, masigla ulit. Pero maaga kong pinatulog dahil baka mabinat. Gusto ka nga sanang hintayin pero sabi ko ay mas magugustuhan mo kung matulog na lang siya kaysa hintayin ka niya." sabi nito kaya napangiti siya. "Salamat, Tiya. Akyat na ho ako, matulog na rin po kayo" sabi niya rito. "Walang anuman. Sige, good night. Matutulog na rin ako kapag tapos na ako rito sa beauty mask ko." sabi nito kaya napailing siya at tumayo na mula sa pagkakaupo. Pumanik siya sa taas at pagdating sa room nila ni Allen ay nakita niya ito na mahimbing na natutulog. Binaba niya sa kama niya ang bag bago siya lumapit kay Allen at naupo sa gilid nito. Hinaplos niya ang mukha nito at ramdam niya na wala itong sinat kaya nakahinga siya ng maluwag. "Pasensya ka na at nagkasakit ka pa, pero pangako hindi na mauulit. Gagawin ko ang lahat para maalagaan ka ng mabuti. Naayos ko na rin ang papeles mo at malapit na maging opisyal na ang pagkupkop ko sa iyo. May kapatid na rin ako sa wakas." sabi niya habang pinagmamasdan ang mukha nito. Mabuti na lamang at siya ang nakakita sa bata, baka lumaki pa itong dala-dala ang masamang gawain ng Tiyo nito. Malaki ang pagkaawa niya sa mga batang katulad ni Allen. Nagagalit siya dahil ang bata pa ni Allen para gamitin lamang ng Tiyo nito. Ganoon ba talaga ang panahon ngayon? Kahit kamag-anak mo ay hindi ka sasantuhin at gagamitin pa sa dahas. Tila iba na nga talaga ang panahon ngayon.. masyado ng magulo. - PANAY ang ngiti ni Diesel habang nakahiga siya sa higaan niya habang hinahaplos at inaalala ang pakiramdam ng halik ni Jhaycee sa kanya. Kahit na sa ilong 'yon ay parang may electricity na gumapang sa buong sistema niya. "Okay lang kahit sa ilong pa lang, Akina ko. Alam ko na nahihiya ka pa na mahalikan ang malambot, mapula, at maganda kong labi. Alam ko na nahihiya ka lang kaya ayos na muna sa akin. Ang mahalaga ay binigyan mo ako ng good night kiss." aniya habang parang tanga na nangingiti habang nakaunan ang ulo niya sa isang braso niya habang ang isang kamay ay hinahaplos ang ilong niya. May bigla siyang naisip kaya agad siyang napaupo. Napangiti siya at agad na bumangon sa kama at nagmadaling isinuot ang tsinelas niya. Nagtungo siya sa baba at gaya ng ine-expect niya ay naroon pa ang parents niya at Kuya Duke niya na katabi si Neste dahil tila kahit ilang araw na lang ang kasal ay gusto ng mga ito na maging pulido. Yes, malapit na ang tinakdang kasal ng mga ito. Gusto ng Daddy nila na magpakasal agad ang Kuya niya at si Nestle. "Dad, Mom, Kuya, Ate." tawag niya sa mga ito kaya napalingon ang mga ito sa kanya. "Oh, bakit gising ka pa?" tanong ng Mommy niya. "Gusto ko lang po na itanong kay Dad kung gumagana ba ang bisikleta niya. Dad, ayos pa ba 'yon?" aniya at bumaling siya sa Daddy nya na humihigop ng tea habang nakatabi sa Mommy niya. As usual, parati naman itong nakadikit sa Mommy niya. Wala atang oras ay palagi itong nakasunod o nakadikit. Minsan nga ay natatawa na lang siya sa pagkapossessive nito. "Yes. Gagamitin mo ba?" tugon nito kaya tumango siya at ngumiti. "Yes, Dad. Dahil simula ho ngayon ay 'yun muna ang gagamitin ko." nakangiti niyang sabi na kinataka ng mga ito. "Really?" hindi makapaniwalang ani ng Kuya niya. "Baby, totoo ba ang naririnig namin. 'Yung bisikleta ang gagamitin mo imbes na si sunny?" tanong ng Mom niya na hindi rin makapaniwala. "Oo nga po. Sige, good night." sabi niya at masaya siyang tumalikod at pas-ipol-sipol pa siya na pumanik sa taas. "Hindi ko mahintay na makita ang mukha niya na tiyak na magugulat." aniya habang hindi mapigilan na mapangiti. - KINABUKASAN ay nagmadali si Akina sa pagbibihis dahil malapit na siyang ma-late sa klase. Hindi niya alam bakit hindi tumunog ang alarm niya, pero alam niya na sinet niya 'yon sa tamang oras. Hindi na niya pinagtuunan ng pansin 'yon at madali niyang inayos ang pagkakaparagan ng white shirt niya sa white maong pants na tinupi niya ang dulo habang suot ang black shoes na medyo mahaba ang medyas na maroon. Sinuot niya ang bonnet na pula sa buhok niya para hindi magulo kapag nag-bisikleta siya. Kinuha niya ang bag niya at saka siya nagmadali sa pagbaba. "Tiya, mauna na ho ako!" hiyaw niya at lumapit kay Allen at hinalikan ito sa noo, "Be a good boy." bilin niya rito na tumango at nag-thumbs sa kanya kaya napangiti siya. "Oh, aalis ka na? Kumain ka muna?" sabi ni Isabelle sa kanya na galing sa kusina at nilapag ang niluto nitong breakfast sana nila. "Hindi na ho, tiya. Kailangan ko nang umalis dahil late na ako." sabi niya at yumuko siya bilang pagbati bago siya nagmadali sa paglabas. Lumapit siya sa bisikleta niya ngunit napansin niya na flat ang gulong nito. "Aist, bakit ngayon pa?!" bulalas niya sa inis dahil kung kailan siya nagmamadali ay doon naman na-flat ang gulong ng bike niya. "Need ride?" Napaangat siya ng tingin at nagulat siya ng makita si Diesel na sakay ng magandang bisikleta na may upuan sa dulo. "Huh?" 'yun lamang ang nasambit niya dahil sa pagkagulat dahil hindi niya inaasahan ito lalo't naka-bisikleta lamang. "Tsk. Tatayo ka na lang ba? Male-late na tayo." sabi nito kaya napabuntong-hininga siya at lumapit rito dahil wala na siyang choice. Napangiti ito at tinapik ang unahan nito tila pinapahiwatig na doon siya maupo. Pero napasimangot ito ng maupo siya sa likod nito kung saan may upuan na angkasan. "Bilis! Baka mamaya ay mabagal ka magpidal, lalo pa tayong ma-late." sabi niya rito at humawak siya sa polo nito. "Don't underestimate me." sabi nito at kinuha ang kamay niya at nabigla siya ng ipayakap nito sa baywang nito, "Sisiguraduhin ko na mabilis pa sa alas kwarto ay naroon na tayo. Kaya kumapit ka ng mabuti dahil baka hindi kita masalo." sabi nito na inismiran niya ang kayabangan nito. "Yabang.." sambit niya kaya napahalakhak ito bago ipidal ang bisikleta kaya napakapit siya ng mahigpit sa baywang nito. Insert song (Lagi by Kiss Jane) "Hindi ako nagyayabang, dahil sigurado ako sa lahat ng sinasabi ko. Paano kapag wala pang sampong minuto ay naroon na tayo? Aaminin muna ba na boyfriend mo talaga ako?" sabi nito kaya pinalo niya ang tiyan nito kaya nagpa-gewang-gewang ang pagba-balanse nito at agad na prineno gamit din ang mga paa nito. Lumingon ito sa kanya na inis ang mukha, "Gumagawa ka ata ng paraan para bumagal ako, e." sabi nito at umayos na muli ng upo at muling nagpidal kaya napangiti siya ng lihim, "Tsk. Aminin muna kasi na boyfriend mo talaga ako, ayaw tuloy maniwala sa akin ng iba. Sinasabi nila na nag-i-imbento lang daw ako. Ako pa sinabihan na nag-i-imbento? Isang Diesel Aaron Ford ata ito." pagpapatuloy nito kaya napangiti siya at napabuntong-hininga. "Darating araw na kakamuhian mo ako.. Mabuti pa na 'wag mo nang ibuhos ang atensyon mo sa akin." sabi niya rito. "Bakit naman kita kakamuhian? Oo, noon 'yon dahil nakakabanas ka kasi. Pero ngayon, gustong gusto kita. Actually, mahal na kita." sabi nito na tipid niyang kinangiti. "Masyado kang nagmamadali sa nararamdaman mo. Hindi mo pa nga ako kilala tapos sasabihin mo na mahal mo ako?" sabi niya at isinandal niya ang ulo sa likod nito. "Bakit ba tinututulan mo ang nararamdaman ko? Ako nakakaramdam kaya 'wag mo akong pangunahan. At anong magagawa ko? Sa nagustuhan kita ng hindi naman sinasadya." sabi nito. "Hmmm. Gusto mo kwentuhan kita tulong sa kaibigan ko?" pag-iiba niya sa usapan para makalimutan nito ang sinasabi nito. "Okay, sige, mag-kwento ka para 'pag nakilala ko ang kaibigan mo ay may makuha akong tips kung paano pa kita mapapaibig." sabi nito kaya napailing siya sa kakulitan nito. Napabuntong-hininga siya at napatingin sa paligid. "'Yung kaibigan ko, bata pa lang ay hinubog na para maging kapalit ng ama niya sa posisyon nito. Bata pa lang siya ay libro, tuitor, at martial arts na ang tinututukan niya. Pati nga sa galaw at kilos ay kailangan niyang umangkop sa nais ng kanyang ama. Hindi niya naranasan ang may makalaro o maging isang bata na walang iniisip kundi ang paglalaro. Iniisip na niya noon na dapat ay sundin niya ang ama niya, na dapat ay magaling siya, at dapat ay natatandaan niya lahat ng bagay na itinuro nito sa kanya. Para siyang prinsesa na nakakulong sa hawla at hindi makalabas. Hindi na siya makahinga kahit na ang laki ng kulungan niya at kahit na ang ganda ng nasa paligid niya. Dumating ang araw na nakatakas siya at ginawa niya ang lahat para makalayo sa lahat ng bagay na nakasanayan niya. Sa isang lugar kung saan malayo siya sa buhay niya noon. Sa lugar kung saan ay tila siya nakahinga ng maluwag at masaya. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya makakalaya. Pero hangga't malaya pa siya ay susulitin niya ang natitira niyang oras para lumigaya." pagkukwento niya habang nakangiti pero may luhang pumatak sa mata niya. "I admire her." sabi ni Diesel kaya napatingin siya sa likod nito dahil sa sinabi nito. "Huh?" Huminto si Diesel kaya napatingin siya sa paligid at doon niya lang napansin na nasa school na sila. Bumitaw siya sa baywang ni Diesel at bumaba bago inayos ang pagkakasukbit ng bag niya. "Hanga ako sa tapang niya. Dahil nagawa niya ang nais niya para sumaya." sabi ni Diesel kaya napatingin siya rito na ngumiti sa kanya kaya napaiwas siya. Bumaba ito ng bisikleta at kinuha ang bag nito bago isukbit sa balikat nito, "Let's go." aya nito at umakbay sa kanya. Hindi na siya nakapag-protesta ng agad siya nitong hatakin, lalo na't nakaakbay ito sa kanya. "Omg! Sabay sila!" "Bagay na bagay talaga sila." "Girlfriend na talaga ni Diesel si Miss boyish." Iba't-ibang bulungan ang naririnig niya na kinainit ng pisngi niya dahil hindi isang mapanghusgang mga boses, kundi papuri tungkol sa kanila ni Diesel. "Aist! Nakakairita talaga sila. Aga-aga parang mga bubuyog na nagbubulungan. Pero dahil boto sila sa atin ay ayos lang." sabi nito kaya siniko niya ito na kinadaing nito pero napangiti naman ito na tumingin sa kanya. "Bitaw na nga." maangas niyang sabi rito pero umayos lang ito ng tayo at nakangiting tumingin ito sa dinaraanan nila. "Ayoko nga, ihahatid ko pa ang girlfriend ko." sabi nito kaya inirapan niya ito pero lihim siyang napangiti. "Jhaycee!!" hiyaw ni Mina at Briones pagdating nila sa tapat ng room nila. "Bakit?" tanong niya ng hatakin siya ng mga ito. "Hoy! Anong ginagawa n'yo sa girlfriend ko?" sabi ni Diesel ngunit nabigla siya ng may humawak sa balikat niya at nakita niya si Jin at Michael habang nasa tabi rin sila Benedict, Sandro, Ralph at Jack. "Yow, Pre." sabi ni Michael habang may kakaiba itong ngiti na tila binabalak. "What?" takang-tanong niya dahil parang may binabalak ang mga ito. "Mayroong booth festival ngayon." sabi ni Michael na kinakunot ng noo niya. "Oh, tapos?" nagugulahan niyang ani. Nagkatinginan ang mga ito at may binulong sa kanya si Michael na kinalaki ng mga mata niya at bigla siyang napangiti sa sinabi nito. "Ano, tara na?" nakangising aya nito kaya inalis niya ang kamay ng mga ito sa balikat niya at napangiti siya na naunang lumakad. "Hindi n'yo man lang ako inorient, edi sana nakapaghanda ako." sabi niya at ngumiti ng maluwag. ~ "SAAN n'yo ba ako dadalhin?" tanong ni Jhaycee habang nagpupumiglas sa hawak ni Mina at Briones. Huminto sila sa isang kwadradong pinagkukumpisal. Nagtataka siya kung bakit mayroon nito ngayon sa school? "Jhaycee, WCU fest ngayon kaya mayroon ngayong free kumpisal para sa mga estudyante." sabi ni Mina na todo ngiti kaya tinignan niya ito dahil pakiramdam niya ay may binabalak ito. "Oo, tama siya, Jhaycee. Nakapag-kumpisal na kami kaya gusto namin na ikaw naman para pagkatapos mo ay manood naman tayo ng basketball game ni Rex o 'di kaya ay tignan pa natin ang ilang booth." sabi ni Briones. "Bakit may festival ang school na hindi ko nalalaman?" tanong niya dahil parang hindi naman siya nakakarinig na mayroong magaganap na festival ang school. "Ah, kasi 'di ba nung taekwondo class mo, umuwi ka kaagad? Doon inanunsyo ng speaker secretary ang festival event ngayon." paliwanag ni Briones kaya napatango siya. Kaya pala, hindi nga niya malalaman dahil umuwi siya agad tapos na-aksidente pa si Diesel no'n. "Sige, Jhaycee. Pumasok ka na at doon lang kami sa bench na 'yon. Bawal kasi ang malapit rito kapag may nais na mag-kumpisal kay father." sabi ni Mina kaya napabuntong-hininga siya at tumango. Mabilis na umalis ang mga ito na kinabalikat niya. Tumingin siya confess room at napahinga siya ng malalim bago lumapit at pumasok sa isang pinto. Naupo siya at tinignan kung nasa loob ba 'yung priest pero wala pa ata. May biglang pumasok kaya napaayos siya ng upo at hindi niya alam kung bakit siya kinabahan. "Ahem.." tikhim nung Pare na medyo parang pamilyar sa kanya ang tikim, "Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?" sabi ng boses na medyo ipit. "A-Ah.. Magandang umaga ho, father." bati niya. "Magandang umaga rin, hija. Ano ang nais mong ibahagi sa akin at ano ang nais mong ipanghingi ng kapatawaran?" sabi nito kaya napalunok siya. Magsasalita na sana siya ng humabol pa ito, "Sa lovelife ba 'yan?" tanong nito na kinakunot ng noo niya. "Ho? Hindi po doon. About sa--" "May nagugustuhan ka na bang lalake?" tanong nito na pinutol suya. Nagtataka siya kung bakit kakaiba ata ang pare. "Nagugustuhan?" aniya at natigilan siya. "Mayroon ka bang nais na sabihin na hindi mo masabi sa harap ng lalakeng mahal mo? Pwede mong sabihin sa akin para matulungan kitang malaman kung gaano muna ba siya kamahal." Napayuko siya at nakaramdam siya ng hiya na ipagtapat 'yon. Pero hindi naman nito alam kung sino siya kaya siguro ayos lang. "Mayroon po kasing lalake na nangungilit sa akin.. Nung una ho ay para kaming aso't-pusa na nagbabangayan at nagkakasakitan. Pero hindi ko ho alam kung bakit bigla siyang nagparamdaman ng pag-ibig sa akin." sabi niya. "Ito bang lalakeng ito ay may puwang na puso mo?" tanong nito na hindi niya agad nasagot, "Sinabi ba niya na mahal ka niya at kahit masaktan siya gagawin niya para sa iyo?" tanong muli nito. Bigla ay naalala niya ang araw na ginawa nito upang iligtas siya sa kapahamakan. At naalala niya ang araw na sinabi nito na mahal siya nito. "Opo." "Opo, dahil may puwang na siya sa puso mo?" pagtatama nito. "Dahil handa po siyang isakripisyo ang sarili niya para sa kaligtasan ko." pagtatama niya rin. "Ibig sabihin ay wala pa siyang puwang sa puso mo?" tanong muli nito na hindi niya masagot dahil nalilito pa siya, "Hija, kung wala siyang puwang sa puso mo ay bakit hindi mo masagot ang tanong ko. Mayroon lamang o wala ang sagot." pagpapatuloy nito. "Nalilito ho kasi ako na baka isang kalokohan lang po ang lahat. Alam ko naman po na malabo ang lahat." aniya. "Bakit naman malabo? Kung malinaw naman ang intensyon niya sa iyo. At sinabi muna na nalilito ka? Dalawa lamang ang dahilan n'yan.. Pwedeng nalilito ka dahil natatakot ka o pwedeng nalilito ka dahil may nararamdaman ka? Alin sa dalawang 'yon?" Tila siya tinamaan sinabi nito kaya hindi siya makahanap ng isasagot. "Hindi ka makasagot dahil pareho mong nararamdaman 'yon, 'di ba? Ganito ang gawin mo, hija. Bakit hindi mo alisin ang takot at sumabay ka na lang sa sitwasyon. Sa lahat naman ng pag-ibig ay nakakabit na ang takot na masaktan. Pero kung hindi mo susubukan ay hindi mo malalaman ang kahalagan at saya ng pag-ibig. Kung may nararamdaman ka na para sa lalakeng 'yon ay ipakita mo, dahil sayang ang oras na maaari n'yong pagsamahan. Masarap ang umibig, kaya 'wag kang matakot na sumugal." Napangiti siya dahil nagkaroon siya ng liwanag sa sinabi nito. "Ngayon mo sabihin sa akin. May puwang ba siya sa puso mo?" tanong muli nito kaya ngumiti siya at tumango. "Opo." tugon niya. "Yes!" sabi nito na kinataka niya dahil parang boses ni Diesel 'yon. Sumilip siya para alamin kung sino ba ang Pare pero hindi niya makita. "Diesel?" takang tanong niya na kinatahimik nito kaya kinabahan siya. Agad siyang tumayo sa upuan at binuksan ang pinto ng confess room. Paglabas niya ay nagulat pa siya ng makita ang halos lahat ng estudyante na tila tuwang-tuwa sa nangyaring pag-confess niya. Maglalakad na sana siya paalis ng may pumigil sa kanya at nakita niya si Diesel nga ang nagpanggap na Pere. Hinawi niya ang kamay nito at sasampalin niya sana ito dahil niloko siya nito pero nagulat siya ng pigilan nito ang kamay niya at hinapit sya baywang palapit sa katawan nito na kinalaki ng mata niya. "Sorry kung pakiramdam mo ay niloko kita pero gusto ko na talagang malaman ang nararamdaman mo sa akin. Hindi naman kita sasaktan, Akina. Gustong gusto at mahal na mahal kita para gawin 'yon." sabi nito na kinatulala niya at kinalakas ng kabog ng dibdib niya. Binitawan nito ang kamay niya at pumulupot ang dalawang braso nito sa baywang niya bago niya malaman na dumampi na ang labi nito sa kanya. Hindi siya makapag-react at para siyang nanigas sa kinatatayuan niya. Pakiramdam niya ay huminto ang paligid at nawala ang mga tao. Si Diesel at siya na lamang ang nanatili. Bumitiw ito ng halik at ngumiti sa kanya na lalo nitong kinagwapo. Napatitig siya sa mukha nito at nakita niya sa mata nito kung paano tumingin ang Daddy nito sa Mommy nito. Napalunok siya dahil ngayon lamang siya tila nawalan ng boses at angas. Parang mas nanaig sa kanya ang Akina na malambot at madaling bumigay. Niyakap siya ni Diesel kaya ramdam niya rin ang malakas na pagkabog ng dibdib nito. "Masayang masaya ako na malaman na may pagtingin ka rin sa akin. Hindi mo alam na abot ang kaba ko na baka sabihin mo na wala ka man lang nararamdaman sa akin." sabi nito kaya bumitaw siya ng yakap rito at lumayo rito ng kaunti. "Paano mo naman nasabi na ikaw ang lalakeng tinutukoy ko?" tanong niya at ngumisi siya ng makita niya ang pagkasalubong ng kilay nito. "Kung hindi ako 'yun, sino, ha?!" maktol nito na parang gustong sumigaw sa galit. Nakibat-balikat siya at tumalikod rito bago napangiti. "Ewan ko.. Bahala ka d'yan." sabi niya at lumakad na siya paalis. "Hey! Alam ko na ako 'yon, 'wag ka nang mag-maang-maang pa. Ako 'yon!" ayaw paawat nitong sabi at humarang sa daan niya. "Kasalanan mo 'yon.. Bakit hindi mo tinatanong ang pangalan nung may pagkakataon ka nang isahan ako?" aniya at lalagpasan na sana niya ito ng pigilan siya nito. "Sino siya?" seryosong tanong nito na ibig niyang matawa dahil ang angas kaso mahina talaga. "Hmm.. Let's say na siya 'yung lalake na 'pag tinapunan mo ng apoy ay mabilis na magliliyab." sabi niya rito at tuluyan na niyang nilagpasan ito. Kung hindi pa nito mahuhulaan 'yon ay ewan na lang niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD