CHAPTER 13 - FIRST DATE

3638 Words
CHAPTER 13 FIRST DATE ? PASIPOL-SIPOL si Diesel habang nagsusuot ng rubber shoes. Mahigpit niyang itinali ang sintas sa kanang shoes ng kanang paa niya bago siya tumayo at tumalon para testingin kung maganda ba ang bagong bili niya. Nang ayos lang ay napangiti siya at humarap sa salamin para tignan ang porma niya. White shirt na may i-printang badboy habang suot niya ang black leather jack at maong ripped jeans. Sinuot niya ang sumbrero na black na pabaliktad at saka siya ngumiti dahil tiyak na lalong mahuhulog sa kanya si Jhaycee. Nang ayos na ay agad siyang naglakad palabas ng kwarto niya habang pa-sipol-sipol pa siya. Pagbaba niya ay tinungo niya ang dinning area para magpaalam sa Mommy at Daddy niya. "Oh! May na-miss ba ako dito?" bungad niya ng mabigla siya na kompleto ang mga kapatid niya na nakaupo na sa sari-sarili nilang silya. "Baby boy, maupo ka na-- wait.. Saan ang lakad mo?" sabi ng Mommy niya ngunit agad siyang tinanong ng makita na pormadong pormado siya. "Mom, I have a date." sabi niya habang abot-tenga ang ngiti. "May date kayo ni Jhaycee?" nakangiti niyang sabi kaya tumango siya. "Sama ako, Diko! Sama!" biglang sabi ni Benj at bumaba ito sa upuan nito at lumapit sa kanya. Humawak ito sa kamay niya at nagtatalon, "Sama ako. I want to meet your girlfriend." ungot nito. "No. Hindi ka pwede doon dahil tiyak na manggugulo ka lang." sabi niya rito. Napasimangot ito at agad na tumulo ang luha na kinaasik niya sa isip. Tiyak na da-drama-han siya nito hanggang sa mapapayag siya. "Ang bad mo! Sama nga ako! Mommy!" Hiyaw nitong sabi at pumalakaw na ito ng iyak. "Damn! Stop, Benj. You're not a baby anymore." saway niya rito. "Baby Benj, stop crying. Hindi ka pa muna pwedeng sumama dahil unang araw ng date ng Diko mo 'yon." sabi ng Mom niya at lumapit kay Benj para patahanin ngunit nagwala ito at nahiga sa sahig habang nagpapadyak ng paa. Napahinga siya ng malalim dahil hindi naman ito titigil kapag hindi nasunod ang gusto. Napatingin siya kay Bettina dahil kagagawan nito kaya naging spoiled ang bunso nilang kapatid. "Tsk. Bettina, stop teaching him to be like you. Tignan mo ang ginagawa niya ngayon." sabi niya rito kaya napatingin ito at napataas ang kilay. "What? It's my fault again? And it's not my problem anymore if he's acting like that. Bakit kasi hindi mo pa isama siya? Ayaw mo no'n baka mas lalong ma-inlove sa iyo ang nililigawan mo." tugon nito na kinainis niya. "She's my girlfriend already for your information. Nah. Basta hindi siya sasama. Baka masira pa ang date namin." sabi niya. "What's the problem here?" biglang dating ng Dad nila at lumapit sa Mommy nila. Kasunod ay ang kuya Duke niya kasama si Nestle na papakasalan ng Kuya niya. "Mister, gustong sumama ni Baby Benj kay Baby Boy. Kaso first date ng Baby Boy natin at baka makaabala si Benj." sabi ng Mom niya. "Bakit hindi mo isama, Diesel? Malay mo ay lucky charm mo 'yan." sabi ng Kuya Duke niya. "Yes, your kuya is right, Diesel. Benj is the cutest baby boy that I know." nakangiting sabi ni Nestle na tawag niya ay Ate nestle. Dahil tutal ay malapit ng magpakasal ito at ang Kuya niya. Marahas na napabuga siya ng hangin at napakamot sa kilay dahil wala na naman siyang magagawa kundi ang pagbigyan ang makulit nilang bunsong kapatid. "Fine. Fine. Sasama ka na. Pero behave ka lang." sabi niya kay Benj na parang hindi nanggaling sa iyak dahil agad itong tumayo at nagtatalon na humawak sa kamay niya. Anim na taon na ito pero kung umasta ay parang sanggol pa rin. "Mom, dad, we need to go. Baka naghihintay na sa akin si Jhaycee." sabi niya kaya ngumiti ang Mommy niya at may inabot itong lunch box sa kanya na kinataka niya. "Patikimin mo siya nito. Gusto kong matikman niya ang bago kong recipe." sabi nito sa kanya kaya tumango siya at kinuha ang lunch box. "Son, 'wag mong kakalimutan na pakainin ang kapatid mo." bilin naman ng Dad niya kaya tumango rin siya rito. "Yes, Dad. Sige ho aalis na kami." tugon niya at nagpaalam na rin suya bago akayin si Benj na maligalig na naglakad kasabay niya. Sumakay sila sa kotse niya na si Sunny.. Pinag-seatbelt niya si Benj na nasa front seat na katabi niya. "Diko, maganda ba siya?" tanong nito habang tinatahak nila ang daan patungo sa bahay ni Jhaycee. "Yes." tugon niya habang pokus ang mga mata sa daan. "Hmm.. Maybe she's blind." sabi nito kaya napatingin siya rito saglit pero agad din siyang tumingin sa daan. "What do you mean?" takang tanong niya. "Kasi sinagot ka niya." sabi nito na kinapreno niya. Hinarap niya ito at pinisil ang pisngi na kinangiwi nito. "Baka gusto mong pababain kita at iwan?" mariin niyang sabi. "Huhu! Bad ka talaga! I will tell this to Dad." sabi nito at talagang pinagbantaan pa siya. Binitawan niya ang pisngi nito at hindi na pinatulan. "Benj, wala ako sa mood makipag-away sa iyo, kaya tumigil ka na pestihin ako." sabi niya rito. Hindi na ito umimik na lihim niyang pinagpapasalamat. Nakapakulit talaga nito at napaka-spoiled. Lahat ata ng gifriend nila ay gustong makita at tinatawag pa nito na girlfriend din. Napatingin siya bigla sa paligid at tinignan kung ito nga ba ang lugar na sinasabi ni Aling Isabell na Yaya ni Benj. Mabuti na lang at kilala nito si Jhaycee kaya nalaman niya ang address ng dalaga. May nakita siyang ale na naglalakad kaya huminto siya sa gilid nito at binaba ang salamin ng bintana sa gilid niya. "Excuse me ho, Ale." tawag niya rito kaya napahinto ito at lumingon. "Bakit?" tanong nito. "Itatanong ko lang ho kung alam n'yo po ang bahay ni Jhaycee?" tanong niya. "Jhaycee?" takang tanong nito habang nag-iisip. "Opo. Pamangkin po ni Aling Isabelle." sabi pa niya kaya napatingin ito. "Ay, diyos ko! 'Yung mangkukulam! Deretsohin mo lang 'yang kalsada at 'pag nalagpasan muna ang lahat ng bahay ay may makikita kang nag-iisang bahay. 'Yun ang bahay ng mangkukulam na si Isabelle. Sige, mag-ingat ka baka kulamin ka." sabi nito na nag-sign-of-the-cross pa bago nagmadaling maglakad na kinamaang niya. Mangkukulam? Napatawa siya sa sinabi ng Ale. Nagpatuloy na lang siya at sinunod ang instruction nito na deretsuhin lang niya. Nang makalagpas siya sa lahat ng bahay ay nakakita siya ng up and down na bahay na medyo hindi maganda ang pintura dahil natatanggal na ang ilang bahagi. Saka nakakakilabot nga. Dahil nang mahinto siya sa harap ng bahay ay may maskara ng mukha ng mangkukulam habang may sapot-sapot pa ang bintana at pinto. Hindi na niya pinansin pa at huminga siya ng malalim bago bumaba ng kotse. Inayos niya ang suot ng makababa siya at humakbang na siya palapit sa pinto. Kumatok siya ng tatlong beses at hinintay niya na pagbuksan siya. Parang sa horror movie ay lumagikgik ang pinto ng marahan itong bumukas ng kaunti. May sumilip at halos atakihin siya ng makita ang mukha ni Isabelle na parang multo dahil sa puti ng mukha, gulong-gulo ang buhok, at maitim ang labi. "Ikaw pala 'yan, Hijo." sabi nito at binuksan na ng maluwag ang pinto. "Nakakatakot naman ho kayo. Kaya pala kayo nasasabihan na mangkukulam." sabi niya. "Mangkukulam nga ako." sabi nito na kinalaki ng mata niya, "Joke lang." biglang bawi nito at natawa ng makita ang reaksyon niya. Napabuga siya ng hangin dahil akala niya ay totoo. "Oh, dadalawin mo ba ang binata ko, este ang dalaga ko?" tanong nito kaya napaayos ng tayo at tumango. "Opo." tugon niya. "Kung gano'n ay pumasok ka muna. Tulog pa kasi si Jhaycee." sabi nito kaya tumango siya. "Saglit lang po, tatawagin ko lang si Benj, kasama ko po." sabi niya na kinangiti nito. "Really? Kasama mo ang alaga ko?" natutuwa nitong tanong na kinatango niya, "O, sige. Tawagin mo at pumasok na kayo." sabi nito kaya tumalikod na siya at lumapit siya sa kabilang side ng kotse. "Bumaba ka na, Benj. Pinapapasok na tayo sa loob." sabi niya sa kapatid na agad namang bumaba habang bitbit ang lunch box na baon nila. "Hold this. Mommy said that you need to feed me if I'm hungry." sabi nito at pinahawakan sa kanya ang lunch box na kinainis niya. "Tsk. Bakit hindi mo hawakan na lang para 'pag gutom na 'yang tiyan mo ay kukuha ka na lang at hindi mo na kailangan na istorbohin ako." sabi niya rito. "Nah. Nah. 'Pag hindi mo hinawakan 'yan ay isusumbong kita sa girlfriend mo na hindi mo ako inaalagaan." sabi nito at nauna ng maglakad sa kanya patungo sa pinto ng bahay nila Jhaycee. Marahas na napabuga siya ng hangin at sinara na ang pinto dahil tila masisira pa ang date nila ni Jhaycee. Napailing na lang siya at sinundan si Benj na naghihintay sa kanya sa harap ng pinto nila Jhaycee. Nauna siyang pumasok dahil bukas naman na ang pinto. Tinulungan niyang makahakbang si Benj at saka siya tumingin sa loob ng bahay na maayos naman pala, malayo sa labas ng bahay na parang hunted house ang itsura. Sa loob ay maganda ang pintura at malinis. Napatingin sa kanila si Isabelle na lumabas galing ng kusina habang may bitbit na tray na naglalaman ng juice. "Oh, maupo muna kayo at tiyak na bababa na si Jhaycee dahil tinawag ko na." sabi nito kaya tumango siya at hinawakan si Benj sa ulo bago pinaabante ito para lumakad palapit sa sofa. Naupo sila at nagpasalamat sa offer na maiinom ni Isabelle. Nakarinig siya ng yabag kaya napatingin siya sa hagdan na patungo sa second floor. Unang nakita niya ay ang isang makinis, maputi, at mahabang legs na suot ang hello kitty na pambahay na tsinelas. Napalunok siya ng makita niya na si Jhaycee 'yon na ibang iba ang suot. Nakamaikling short ito habang nakasando ng pink. Gulo-gulo pa ang buhok nito at tila inaantok habang naghihikab na bumaba ng tuluyan sa hagdan na hindi pa ata sila napapansin. Hindi niya akalain na ganito pala ito manamit sa bahay. Hindi katulad sa school at labas na panlalake ang suot at parang lalake na maglakad. Pero ngayon ay iba ang nakikita niya. Balingkinita na babae at kung maglakad ay parang prinsesa habang may napakinis na balat. At kahit gulo-gulo ang buhok at kakagising lang ay napakaganda nito na kinalakas ng kabog ng dibdib niya. "Tiya, bakit n'yo ba ako ginising? Inaantok pa ako, e. Ang aga-aga pa." inaantok na sabi ni Jhaycee at sumandal sa pader habang papikit-pikit ang mga mata dahil sa antok. "Jhaycee, umayos ka nga. May bisita ka." sabi ni Isabelle na lumapit sa kanya. Dumilat siya at tinignan ito bago siya napatingin sa gawing sofa para makita lang si Diesel na titig na titig sa kanya. Napakunot-noo siya dahil anong ginagawa nito sa bahay ni Isabelle? "Bakit ka narito, gasolina?" tanong niya at lumapit. "Huh?" parang lutang nitong usal na inismiran niya. "Para kang sira. Tinatanong kita bakit ka narito? Para ka namang nakakita ng multo." sabi niya at tanong bago siya huminto sa gilid nito. Nagtataka siya ng mapansin na titig na titig ito sa kanya mula ulo hanggang paa. Kaya napatingin siya sa suot niya at halos mapamura siya sa isip ng maunawaan kung bakit ito natulala dahil hindi siya nakasuot ng panlalakeng damit. "Shit." bulalas niya at agad na tumakbo paakyat ng hagdan. "Kainis! Bakit kasi ang aga-aga ay nabwi-bwisit iyong lalakeng 'yon? Nakalimutan ko tuloy ang routine ko sa umaga." wika niya at agad na naghanap ng isusuot na damit. Napatingin siya kay Allen na tulog pa kaya walang ingay siya na lumabas muli ng kwarto para maligo at gawing ang morning routine niya. Pagkatapos maligo, magsipilyo, at magbihis ay medyo basa pa ang buhok na bumaba na siya sa baba. Suot niya ang white pants at loose shirt na palagi niyang sinusuot. Pagbaba niya ay napatingin sa kanya sila Diesel kaya inirapan niya ito. "Ano bang ginagawa mo rito at kay aga-aga ay nambubulabog ka?" tanong niya. "May date tayo 'di ba?" sabi nito na tila may pinapaalala sa kanya. "Huh? Anong date ang pinagsasabi mo?" kunot-noo niyang tanong. "Nag-text ako sa iyo na may date tayo. And you said yes." sabi nito. Napaisip siya at naalala niya na madaling araw ata iyon ng maalimpungatan siya ng tumunog ang message tone niya. Medyo hindi niya naunawaan ang text kaya sinagot na lang niya ng okay dahil sa sobrang antok buhat ng mapuyat siya ng lagnatin si Allen. Mabuti at magaling na ito at nagpapahinga na. "Tsk. Wrong send lang 'yun. Hindi ako pumapayag sa date na sinasabi mo kaya makakaalis ka na." sabi niya rito. "What?!" napatayo ito habang hindi makapaniwalang napatingin sa kanya, "No. Whether you like or not, we're going to our date." sabi pa nito. "Umalis ka na at wala ako sa mood." sabi niya rito. Napaisip ito at lalapitan sana siya ng mapangiti ito at may hinarap sa kanya na isang gwapong bata na ngayon niya lang napansin. "Hi, Ms. Beautiful." sabi ng bata na kinawala ng pagkunot ng noo niya at napatingin siya kay Diesel upang senyasan kung sino ang bata. "He's my baby brother. At pinasama siya ni Mommy sa date natin." sabi nito na may ngiting tila sinasabi na hindi siya makakatanggi. "Ms. Beautiful, kung ayaw mong ka-date ang diko ko, tayo na lang. Mas cute ako kaysa sa diko ko." sabi nito na kinangiti niya at naupo siya para mapantayan ito. "What's your name?" tanong niya rito habang natutuwa siya na tinitignan ito. Ang cute at gwapo nito. Ang sarap gawing keychain. "My name is Benjamin Apollo Dei Ford." sabi nito sa mahabang pangalan nito. "Wow! You have a long name." sabi niya rito at pinisil ang pisngi. "Because I am cute." sabi nito kaya natawa siya. "You are so cute, Baby." natutuwang ani niya. "So you like me na? I'm your husband now?" tanong nito na kinatawa niya habang si Diesel ay nagrereklamo. "Benj, ano bang pinagsasabi mo? She's my girlfriend now, okay?" reklamo nito sa kapatid kaya napairap siya rito. "'Wag muna ngang patulan ang kapatid mo. At sinong may sabi na pumapayag ako na maging girlfriend mo?" sabi niya rito at tumayo. "What? Are you kidding me?" inis nitong tanong. "Hindi kita binibiro. Totoo ang sinabi ko na wala akong alam sa sinasabi mo na girlfriend mo ako." sabi niya rito. Natahimik ito at napabagsak ang balikat. Sinusura lang naman niya ito pero nabigla siya ng makita na nalungkot ito. "Okay, fine. We have to go." sabi nito at hinawakan si Benj sa kamay para akayin siguro. Hinawakan niya ito sa jacket kaya napabalik ito sa kinatatayuan nito kanina. "Psh. Binibiro ka lang ay nagtatampo ka na. Maghintay ka rito. May kukunin lang ako sa taas." sabi niya rito at iniwan na niya ito kasama ang kapatid nito. Pag-akyat niya ay tinignan muna niya kung ayos na ba ang lagay ni Allen. Napangiti siya na mababa na ang lagnat nito. Tumayo siya at inayos ang kumot nito bago niya kunin ang bag at maingat na sinara ang pinto. "Mauna na kayong lumabas, Gasolina." sabi niya kay Diesel na napatayo ng makita na siyang bumaba. "Okay." tugon nito at tumingin kay Isabelle, "Mauna na ho kami, Aling Isabelle." paalam nito kay Isabelle na tumango at ngumiti. "O, sige." tugon ni Isabelle kaya inaya na ni Diesel si Benj para lumabas. Paglabas ng dalawa ay saka siya nagsalita. "Tiya, kayo po muna ang bahala kay Allen. Saglit lang ako." sabi niya rito. "'Wag munang alalanin si Allen. Ako na ang bahala sa kanya. Basta i-enjoy mo lang ang date n'yo." sabi nito. "Wala nga ho akong alam sa date na 'yon. Ano kaya ang naisip no'n." sabi niya rito at inayos ang pagkakasukbit ng bag niya. "Nakita ko 'yun, Akina." sabi ni Isabelle kaya napatingin siyang muli rito na nagtataka, "Nakita ko na hindi mo siya natiis. May gusto ka rin sa binatang si Diesel." nakangiti nitong sabi na kinaiwas niya ng tingin. "Ano po bang sinasabi n'yo? Sige ho, mauna na ako." sabi niya rito at tumalikod na. "Sige, ingat kayo. 'Wag ka nang magpa-hard-to-get sa kanya. Sayang ang pagkakataon." sabi pa nito na inilingan niya dahil tila botong boto ito kay Gasolina. Lumabas na siya at nakita niya na naghihintay si Diesel sa kanya habang nakasandal ito sa kotse nito. Napatayo ito ng tuwid ng makita siya. "Saan ba tayo pupunta at maaga kang nag-aya?" tanong niya at umikot sila sa kabila. Pinagbuksan siya nito. "Kahit saan. Basta kasama kita." sabi nito na inirapan niya. "Ang corny ha." sabi nuya at sumakay na. Ngumiti ito at sinara na ang pinto. Napatingin siya sa likod at nakita niya si Benj na nakanguso pero nang mapatingin siya ay napangiti ito kaya napangiti siya. "Are you okay?" tanong niya. "Can I sit to your lap?" tanong nito kaya tumango siya na sakto naman na sumakay na rin si Diesel. Lumusot sa gitna ng upuan si Benj kaya inalalayan niya ito. "Oh, Benj, doon ka na sa likod." sabi ni Diesel. "Okay lang. Dito siya mauupo sa kandungan ko. Kawawa naman siya 'pag nasa likod." sabi niya at inayos niya ang upo ni Benj ng makaupo na ito sa kanya. "Aist." inis na usal nito kaya sinamaan niya ito ng tingin kaya napakamot ito sa kilay bago buhayin ang makina ng kotse. INIS na binuhay ni Diesel ang kotse at nang mapatingin siya kay Benj ay binelatan siya nito at sumandal kay Jhaycee na lalo niyang kinainis. Sumosobra na ang batang ito. Imbes na sa kanya lang ang atensyon ni Jhaycee ay makakahati pa niya ito. "Wife, bakit mo sinagot ang Diko ko? Hindi mo ba alam na bad suya?" sabi ni Benj kaya napatingin siya rito ng matalim pero agad din siyang nag-focus sa daan. "Hoy, Benj! Tigilan mo ang paninira sa akin. Isinama kita dahil nagpupumilit ka. Kung hindi ay baka wala ka rito ngayon." sabi niya rito. "Hindi ko nga siya sinasagot, baby. Assuming lang ang Diko mo." gatong pa ni Jhaycee kaya binigyan rin niya ito ng matalim na tingin. "Hoy! Anong assuming? Tsk. Pinagtutulungan n'yo ako, ha?" sabi niya rito. Napahagikgik ang mga ito kaya lihim siyang napangiti. Binilisan niya ang speed para makarating na sila sa lugar kung saan niya nais na mag-date sila. - UNANG destinasyon nila ay nagpunta sila Manila Ocean park. Ngayon lamang nakapasyal si Akina sa malaking aquarium ng mga isda. Hawak nila ni Diesel sa magkabilang kamay si Benj habang masaya nilang pinagmamasdan ang mga malalaking isda. "Let's take a selfie. Souvenir." nakangiting sabi ni Diesel kaya tumango si Akina. Naupo siya para mapantayan si Benj. Naupo rin si Diesel at umakbay sa kanya kaya napatingin siya rito na nakatingin sa camera habang nakangiti. Humarap siya sa camera at niyakap si Benj bago napangiti rin. Matapos nilang kumuha ng litrato ay inaya sila ni Diesel sa dolphin show. Naupo sila sa pinakagitna. Nakapagitna rin sa kanila si Benj habang hinihintay nila magsimula ang show. "Ayan na, baby benj." natutuwa niyang sabi kay Benj at na&excite. Mahilig syia sa mga ganito lalo na at mga cute na hayop pa. Napatitig naman si Diesel kay Jhaycee at napangiti siya ng makita na masayang masaya ito habang kasama sila ni Benj. Tumingin siya sa harapan ng pumito na ang trainer ng dolphin. Napangiti siya habang pinapanood ang dolphin. Pero iba pa ang dahilan ng ngiti niya. Ang dahilan pa ng ngiti niya ay dahil kay Jhaycee na mas lalo niya pang nagugustuhan. Pagkatapos nila mapanood ang dolphin ay umalis na sila sa ocean park at nagpunta naman sila sa Star City. Hindi rin siya masyadong pamilyar dito dahil palagi lang naman BF island ang napupunta niya. Minsan ay out of the country sila ng pamilya kaya hindi pa rin niya nalilibot ang pilipinas. Kumain muna sila dahil tanghali na rin. Kalong-kalong ni Jhaycee si Benj habang siya ay nakatabi kay Jhaycee para duma-moves na rin. "Ako, wala bang subo?" ungot niya habang nginunguso ang ihihaw na hotdog. Umirap ito pero napangiti siya ng subuan naman siya. "Omg! Nakakakilig ang mag-asawa oh." "Yeah. Ang gwapo ng Daddy, maganda din at astig ang Mommy. Ang cute at ang gwapo naman ng baby nila." Hindi nila namalayan na may nakatingin pala sa kanila na natutuwa na pinagmasdan sila. Napangiti siya ng mapagkamalan silang pamilya. Tumingin siya kay Jhaycee at kumindat na kinapula ng pisngi nito kaya lalo siyang napangiti. "Nadinig mo 'yun? We're family daw." bulong niya kaya napadaing siya ng sikuhin siya nito pero nakangiti siya. "Tigilan mo nga ako." sabi nito. "Bakit namumula ka? Aminin muna kasi na bagay tayo at may future tayo na maging mag-asawa." sabi niya at umakbay rito. "Tsk. Kumain ka na lang at nang makapasyal na tayo. Kung ano-ano ang sinasabi mo." sabi nito na umiwas ng tingin. "Okay, Nay." sabi niya kaya napatingin ito habang nakataas ang kilay. "Nay?" "Nay ang endearment ko sa iyo at gusto ko na tawagin mo akong Tay." sabi niya. "Tsk. Ang baduy mo." "Hoy! Walang baduy sa tawag ng magulang noh. Basta 'yun na ang endearment natin." "Ayaw. Mas maganda pa rin ang Gasolina." sabi nito na natatawa kaya nagsalubong ang kilay niya. "Tsk. Palagi mo lang akong tinutukso sa tawag na 'yon. Oh sige, hahayaan kita dahil mahal kita. Basta tatawagin kitang Akina." sabi niya na kinalingon nito. "Bakit?" tanong niya. Umiling ito at tumingin sa pagkain nito na tila natigilan. Nakibat-balikat siya at ngiting ngiti kumagat ng pork barbeque habang nakaakbay siya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD