CHAPTER 8 - GUSTONG-GUSTO

3331 Words
CHAPTER 8 GUSTONG-GUSTO? "CLASS dismissed!" anunsyo ng Professor nila Akina, kaya nagsitayuan na sila pagkalabas nito. Sinukbit niya ang kanyang bag sa balikat niya at pinamulsa ang mga kamay sa bulsa ng pantalon niya habang nagsimula na siyang humakbang para lumabas. Pero napahinto siya ng biglang hinawakan siya ni Mina sa braso niya. "Jhaycee, sama ka samin. May bagong flavor ng ice cream sa isang ice cream parlor shop d'yan lang malapit sa Ford Hotel." aya nito sa kanya. Inalis niya ang kamay nito na kinabitaw nito. "Ayoko, kayo na lang at busy ako." sabi niya rito at nagpatuloy na sa paglabas sa room. Mabuti naman at hindi na siya pinagtripan ng mga estudyante rito at nakaalis siya ng university ng matiwasay. Pagdating sa hardware ay sumabak agad siya sa trabaho. Natoka naman siya sa pagsalansan ng order na mga muwebles. May nakita siyang dumating na magarang kotse at may bumaba doon na gwapong lalake na naka-suit pa. May inalalayan itong bumaba kaya nakita niya ang maganda babae na maputi at mukhang chinita pero parang pure pinoy naman. Pumasok ang mga ito sa hardware at kinausap ng gwapong lalake ang boss nila. Dumaan siya at napansin niya na napatingin sa kanya ang babae. Tinignan niya ito at napansin niya na ngumiti ito sa kanya kaya tipid na lang siyang ngumiti pabalik rito dahil hindi naman niya ito kilala. "Jhaycee, kami na rito." sabi ni Joseph na inilingan niya at binagsak ang buhat niyang sako ng graba na order pala nung dumating na dalawa. "Hindi na. Masita pa ako." sabi niya rito at bumalik muli sa loob. "Ang ganda ng kasama ni Sir Duke. Girlfriend niya siguro 'yun." bulong ni Buboy na ang kabulungan ay sila Caloy. "Syempre, gwapo si Sir kaya maganda din ang girlfriend." sabi ni Caloy na inismiran niya. "Kay Jhaycee baka may pag-asa tayo. Sayang kasi ang ganda niya pero tibo at lalakeng manamit." sabi ni Rico na hindi ata napansin na naroon siya at dinig na dinig niya ang mga pinabubulungan ng mga ito. Kinuha na lang niya ang isang kahon ng tiles na order at lumabas muli. Kahit medyo masama pa ang pakiramdaman niya ay hindi niya ininda. "Jhaycee.." tawag sa kanya ng boss niya. Napalingon siya at napansin niya na siya na lang pala ang huling hindi pa nakakasahod. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumapit rito na nakaupo habang nasa tapat ito ng table, "Heto ang sahod mo para sa buong buwan." sabi nito na kinataka niya habang nagtataka na kinuha ang maliit na envelope na naglalaman ng sahod niya. "Bakit ho buong buwan na ito?" tanong niya. Napabuntong-hininga ito at tinapat sa kanya ang isang notebook kung saan lumalagda 'pag sahuran na. "Alam ko na kailangan mo ng trabaho. Pero siguro ay naaantala din ang trabaho mo dahil sa pagpasok mo sa school. Ilang beses ka nang na-late kaya bumabagal din ang pagkarga sa mga order." sabi nito. Napabuntong-hininga siya dahil gets na niya ang pinupukol nito. Kinuha niya ang ballpen at lumagda sa notebook para patunay na nakuha na niya ang sahod niya. "Sige ho. Salamat po sa pagkuha sa akin." sabi niya at lumapit sa inupuan niya kanina at kinuha ang bag. Hindi na siya nagpaalam dahil wala naman sa bokubolaryo niya 'yon. Sumakay siya sa bike at pinagtakbo kung saan siya dadaan pauwi. Habang nakatingin sa daan ay busy ang isip niya kung saan naman siya ngayon maghahanap ng trabaho. Napahinga siya ng malalim dahil kahit pala anong pursige sa trabaho ay hindi pa rin pala sapat sa ibang tao. "Ahem!" Napalingon siya sa gilid niya at nakita niya si Diesel na sakay ng kotse nito habang mabagal na nagmamaneho tila sinasabayan siya. Tumingin na lang siya sa daan at binilisan ang pagbaba-bike. Pero tila hindi matatapos ang araw na ito ng hindi siya guguluhin nito. Bigla nitong hinarang ang kotse sa daan niya kaya agad siyang napa-preno at napaapak sa lupa para tuluyan siyang mapahinto at hindi sumadsad sa biglang pag-preno niya. Napatiim-bagang siya dahil kung hindi siya agad huminto ay tiyak na nabangga na siya. Umalis siya sa pagsakay sa bike at tinayo ito ng maayos bago siya napatingin kay Diesel na bumaba ng kotse at lumapit sa kanya. Agad niyang sinapak ito sa pisngi na kinagulat nito. Napahawak ito sa pingi nito habang nakatingin sa kanya ang mga mata nito na gulat na gulat. "What the!" bulalas nito kaya kinuwelyuhan niya ito sa damit sa sobrang banas. "Wala ka ba talagang magawa sa buhay mo, ha?! Bwisit na bwisit na ako sa iyo!" bulyaw niya rito habang gigil na nakahawak ang dalawang kamay niya sa kwelyo nito habang galit na nakatingin rito. "Teka! Magpapaliwanag ako." sabi nito. "Kaya ba ng paliwanag mo ang maaaring mangyari sa akin kung sakali na mabangga mo ako, ha?! Pwede ba, tantanan muna ako! Dahil sa uyo kaya hindi na matahimik ang buhay ko. Subukan mo na bwisitin mo ulit ako at sisiguraduhin ko na hindi lang sapak ang aabutin mo." banta niya rito at malakas na binitawan ang kwelyo nito. Tinalikuran niya ito at lumapit na siya sa bike niya. "N-Nalaman ko na marunong kang magpaanak ng hayop. Y-Yung aso ko kasi, manganganak na ngayon. Hindi ko alam kung saan ako hihingi ng tulong." sabi nito. "Psh. Veterinarian ba ako at sa akin ka hihingi ng tulong? Mayaman ka, 'di ba? Bakit hindi ka tumawag ng veterinarian kaysa ako ang ginugulo mo." baling niya rito at inilingan ito bago niya itulak ang hawak niyang bike para makaalis na. Pero napalinsik ang mga mata niya sa inis ng bigla itong humarang muli sa kanya. "Umalis ka d'yan." mariing sabi niya rito. "Tulungan mo muna ako." sabi nito na inismiran niya lang at dadaan sana siya sa gilid nito ng humarang muli ito, kaya binitawan niya ang bike at bibigyan niya sa ito ng suntok. Pero nagulat siya ng hawakan nito ang braso niya at hindi pa siya nakakapaghanda ng bigla siya nitong buhatin ng parang sako. "Watashi ni ika sete, o shiri!" (Let me go, Asshole?) banas na sabi niya sa salitang japanese at nagpupumiglas sa hawak nito. "Hindi ko alam ang sinasabi mo pero tumigil ka sa pagpumiglas. Kailangan kong gawin ito." sabi nito at nabigla siya ng isakay siya nito sa front seat at sinara ang pinto. Agad siyang umaayos ng upo at hinawakan ang bukasan ng pinto para buksan ang pinto pero ang walanghiya ay ni-lock. Tumingin siya rito nang sumakay na ito. Hinawakan niya ito sa kwelyo at gigil na humawak doon. "Buksan mo ang pinto kung ayaw mong dito mismo kita bugbugin." mariin niyang sabi rito. Nakarinig siya ng ungol ng aso kaya napalingon siya sa backseat at doon ay nakita niya ang aso nito. Napatingin siya sa ari ng aso at napansin niya na malapit ng manganak ito. Napatingin siya kay Diesel at pabalibag niyang binitawan ang kwelyo nito. "Sabi ko sa iyo ay manganganak na siya." sabi nito sa kanya at kita niya ang pilyo sa mga mata nito. "s**t!" bulalas niya ng bigla nitong patakbuhin ang sasakyan. Napaapak siya sa dash board at galit na nag-seatbelt. "Pakitignan ang aso ko. Baka manganak na siya." sabi nito habang ngiting ngiti nag-drive. "Dalhin muna lang sa clinic ng mga aso kaysa ako ang magpaanak." walang emosyong sabi ni Akina habang nakatingin sa bintana. "Tsk. 'Pag kay Sandrong kuting ay pinanganak mo, ang aso ko ay hindi?" dinig niyang iritang sabi nito kaya bumaling siya rito at nakita niya na salubong ang kilay nito. "Paano mo nalaman 'yan?" kunot-noo niyang tanong. Bigla ay nawala ang salubong ng kilay nito at napansin niya ang pagpula ng tenga nito. "Huh? Ah.. Nalaman ko..." sabi nito na tila nag-iisip pa ng sasabihin, "Syempre, kaibigan ko si Sandro kaya nalaman ko sa kanya." sabi nito na tumango-tango pa. Umirap siya rito at muling tumingin sa bintana, "Ano naman sa iyo kung siya ang tinulungan ko?" sabi niya. "What? So, kung ako ay hindi mo man lang tutulungan ang aso ko?" hindi makapaniwalang sabi nito at tumaas ang tono ng boses kaya tumingin siya muli rito. "Hindi kita close para tulungan. Hindi ba't matindi ang galit mo sa akin? Bakit tila nagbago ang ihip ng hangin?" sabi niya rito at naniningkit ang mga mata niya habang tinitignan ito. Napapikit siya ng agad na prineno nito ang kotse kaya gamit ang kaliwang kamay ay kinuwelyuhan niya itong muli at nilapit niya ang mukha nito sa kanya. "Mag-aabiso ka kung pepreno ka. Nakakaloko ka, alam mo 'yun." banas niyang sabi rito na kinalunok nito. "Eh, kasi narito na tayo sa bahay namin." sabi nito kaya nilibot niya ang paningin sa paligid at nakita niya na nakahinto sila sa isang malaking bahay na puro puti ang pintura na may touch ng itim. Tumingin siya muli kay Diesel at nahuli niya ito na nakatitig sa kanya. "Anong tinitignan mo?" nakataas ang kilay niyang sita rito na agad nitong kinaidtad. "H-Huh? A-Anong tinitignan? Wala kaya." iling nitong sabi at umiwas ng tingin. Iritang binitawan niya ang kwelyo nito at inalis niya ang seatbelt. "Buksan muna ang pinto at para matapos na agad at nang makauwi na ako." mariin niyang utos rito na natarantang pinindot ang button sa gilid nito at agad na binuksan ang lock kaya binuksan na niya ang pinto at bumaba. Tinungo niya ang backseat at binuksan ang pinto. Dahan-dahan siyang pumasok sa loob at maingat na hinaplos ang ulo ng aso na umangil tila nais siyang sakmalin. Kailangan niyang paamuhin muna para maibaba niya ito sa kotse. "Ano, manganganak na ba siya?" tanong ni Diesel sa kanya habang malayo ang pwesto nito habang sinisilip sila. Tumingin siya rito at bumaba siya ng kotse. "Ibaba mo ang aso mo. At dalhin mo sa lugar kung saan mo siya nais na manganak." utos niya rito na kinaputla nito at napaturo pa sa sarili. "Huh? A-Ako? Haha.. Nagpapatawa ka ba? Gusto mong kagatin ako n'yan?" sabi nito na pekeng natawa. Seryoso niya lang itong tinignan na kinatigil nito at napahawak sa batok. "H-Hindi ko siya kayang hawakan. Ikaw na lang." sabi nito. "Tsk. Aso mo pero hindi mo kayang hawakan? Pinagloloko mo ba ako?" inis niyang wika. "Bakit, 'pag manganganak na ang mga aso ay talaga namang masungit sila. Mamaya ay makagat pa ako. Baka magkasakit ako." tugon nito na inismiran niya at itataas sana ang kamao ng mapatakip ito sa mukha, kaya gigil na binaba niya ang kamay at muling pumasok sa backseat. Hinaplos niya ang aso at habang tumatagal ay nawala na ang pag-angil nito sa kanya. "Come down, lovely berger." sabi niya rito. Alam niya ang uri ng aso nito at isang pinakamatapang at mailap na aso ito. Mabuti at may kasanayan siya sa mga ganitong uri ng aso. Dahil mas mabangis pa ang alaga niya kaysa rito. Bumaba siya ng kotse habang hawak ito sa tali. Dahan-dahan na bumaba ang aso kaya napahinga siya ng malalim. Nang makababa ito ay tumingin siya kay Diesel pero nagtaka siya ng makita na wala ito. Napatingin syia sa isang hagdanan na paakyat sa rooftop ng mansyon at nakita niya na nakaupo doon si Diesel. "Bumaba ka rito." utos niya rito. "Dito na lang ako. Ikaw na ang bahala d'yan." sabi nito. "Bumaba ka sabi." mariin niyang utos kaya alanganin na tumayo ito, "Bilisan mo at nahihirapan na ang aso. Nag-alaga ka ng aso takot ka naman pala. Tsk." sabi pa niya. "Tsk. Bakit ba inuutusan mo ako? Nakakalalake ka na!" sumbat pa nito. Kaya hawak niya ang tali ng aso na inaya niya ito palapit kay Diesel. "Tandaan mo na ikaw ang humihingi ng pabor. Hindi sana kita tutulungan dahil banas na banas ako sa iyo, pero para sa aso ay gagawin ko. Kaya bilis. Dalhin mo na kami kung saan siya manganganak." sabi niya rito. "Dito." turo nito sa likod lang din ng mansyon. Dito kasi sila sa likod ng bahay huminto. Inakay na niya ang aso at nakita niya ang isang wooden small house na very unique at fashionista. Para siyang attic, pero wala siya sa taas. Parang 'yung style ng attic ang porma. Binuksan ni Diesel ang kawayang pinto at binuksan ang ilaw. Napalingon siya sa bahay na malaki at nagtataka siya na wala atang tao? "Wala bang tao sa bahay n'yo?" tanong niya ng makapasok sila ng aso. Agad namang sumampa ang aso sa higaan nito na tila pinagawan pa. Nilibot niya ang tingin sa kabuuan ng bahay ng aso at tila professional designer ang may gawa dahil maganda at very unique. "Walang tao kaya nga nanghingi ako ng tulong sa iyo." tugon ni Diesel sa tanong niya.. Napahinga siya ng malalim at tumingin muli sa paligid kung nasaan ang gamit ng aso. Nang mapansin niya na wala ay tumingin siya kay Diesel na nakaupo lang sa isang tabi. "Nasaan ang gamit ng aso?" tanong niya rito. "Huh? Kailangan pa ba no'n?" takang tanong nito. Kaya gigil na napapikit siya at lalapit na sana siya rito ng tumayo ito agad, "Ano ba ang kailangan ng aso ko?" tanong nito kaya napabuntong-hininga siya. "Bimpo, incubator para sa bagong panganak na tuta, at kumuha ka na rin ng palanggana na may tubig at gloves." sabi niya rito na kinatango nito. "'Yun lang ba?" tanong nito kaya tumango siya. Agad naman itong umalis kaya tumingin siya sa aso nito at sa ari nito. Napansin niya na nakalabas na ang ulo ng anak nito kaya napangiti siya. "Sige, doggy. Ilabas muna ang anak mo para makita na natin kung ilan sila." sabi niya rito at hinaplos ang ulo. Nakatingin siya habang paunti-unti na lumalabas ang anak nitong tuta. "Heto na." hingal na pukaw sa kanya ni Diesel at nilapag ang lahat ng kinuha nito. Kinuha niya ang gloves at sinuot sa dalawang kamay niya. Kinuha niya ang mga towel na puti at nilagay sa incubator para gawing higaan ng mga tuta. Pagkatapos ay kumuha pa siya ng towel at tumingin sa ari ng aso at napangiti siya ng kaunti na lang ay mailalabas na nito ang isang anak nito. - NAPATITIG naman si Diesel kay Jhaycee ng makita niya itong nakangiti habang nakatingin sa pinapanganak ng aso niya. Napahawak siya sa dibdib niya ng kumabog iyon ng malakas. Hindi niya alam ang nangyayari sa kanya. Kung nung una ay tila siya naiirita rito pero bakit tila pinanlalambutan siya ng loob at kinakabahan 'pag lumalapit ito. Tila rin lalo itong gumaganda sa paningin niya na nung una ay indenial pa siya dahil nga tomboy ito. Tila rin siya nababahag ang buntot tuwing ko-kwelyuhan siya nito. Napatawa siya ng maalala kung gaano kalakas ang sapak nito. Tiyak na mamamaga pa ang pisngi niya bukas. "Anong tina-tawa-tawa mo?" agad siyang natigil sa pag-ngiti at tumayo ng tuwid ng makita na nakatingin ito sa kanya na salubong ang kilay. "Wala-wala." iling na sabi niya. "Tsk. Linisan mo ang tuta. Babantayan ko pa ang aso mo sa muli niyang pagsilang sa tuta niya." sabi nito at bigla nitong pinahawak ang tuta na nabalutan ng towel. "Paano?" naguguluhang tanong niya. "Punasan mo ang dugo at pag-malinis na ay ilagay mo sa incubator." sabi nito kaya ginawa niya ang sinabi nito. Napangiti siya at tumingin rito na seryosong hinihintay na manganak muli ang aso niya. s**t! Pakiramdaman niya ay mag-asawa sila na kailangan na alagaan ang anak nila. "Hoy! Lamog na ang tuta." Napaidtad siya ng sigawan siya nito. Napatingin siya sa tutang hawak niya at napamura siya dahil halos malamog na niya ang aso. Inilagay na niya ito sa Incubator ng matapos niyang punasan ito. Tumingin siya kay Jhaycee na tumingin na sa susunod na nilabas ng aso niya. "Ayan.. Sige, ilabas mo pa, Doggy." kausap nito sa aso niya na hanggang ngayon ay wala pa siyang maipangalan. "Teka! Nakalimutan ko na dapat na i-video natin ang panganganak niya." sabi niya at lumakad palapit sa isang gilid ng dog house. May kinuha siya sa taas at kinuha doon ang kahon kung saan niya nilagay ang video cam. Doon niya tinatago dahil baka pakialam na naman ni Benj na nasisira lang 'pag nahahawakan nito. Sinet-up niya ang cam sa standing nito. At inayos niya ang pwesto kung saan maganda ang video. Nang ayos na ay lumapit siya kay Jhaycee at pa-simpleng kunwari ay nakaakbay siya habang busy ito sa pagtingin sa aso niya. Lihim siyang napangisi dahil tiyak na kitang kita sa video na nakaakbay siya kay Jhaycee, pero ang totoo ay hindi naman. Inalis naman niya ang kamay sa tapat ng balikat ni Jhaycee at tinukod niya ang siko habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa ibaba ng baba nya at pasimpleng dinikit ang ulo sa balikat ni Jhaycee dahil nakatukod din ang kamay nito habang nakatunghay sa aso niya. "Psh. Ilayo mo nga ang ulo mo." sabi nito at itinulak ang ulo niya gamit ang balikat nito. "Oh, ayan na." turo niya sa aso kaya napatingin ito sa aso na nilabas na ang pangalawang anak. Lihim siyang napangiti ng pa-simple niyang naisandal ang ulo sa balikat ni Jhaycee. Napatingin siya video cam at napangiti lalo. "Kumuha ka ng bimpo." utos sa kanya ni Jhaycee kaya umalis siya sa pagkakasandal sa balikat nito at umayos siya ng tayo.. Kumuha siya ng panibagong towel at inabot rito.. Nilagay doon ni Jhaycee ang tuta at inabot sa kanya kaya kinuha niya at nilinisan ang katawan ng tuta. "Ang gaganda ng anak ni Akina." Sabi niya. "What?" inis na bulalas ni Jhaycee kaya napalingon siya rito na nagtataka. "Akina ang pinangalan ko sa aso ko." tugon niya. "Ano ako aso? Palitan mo." banas nitong sabi na kinalaki ata ng tenga niya. "Tama ba ang dinig ko. Ikaw aso? You mean... Akina din pangalan mo?" tanong niya na kinaiwas ng tingin nito. Napangisi siya at kung sinuswerte oh! Tila second name nito ang akina. Akala niya Jhaycee lang. "Hmm.. Dapat pala ang ipangalan ko sa mga tuta ay AkiSel. DieNa. Ano pa ba?" sabi niya at nag-iisip pa ng iba. "What? Bakit mo pinagsasama ang pangalan natin?" banas pa rin nitong tanong na lihim niyang kinangiti. "Syempre, ikaw ang tumulong sa akin sa panganganak ng aso ko na si AKINA." talagang diniin pa niya ang pangalan nitong 'Akina' kaya nagsalubong ang kilay nito na kinatuwa pa niya, "At ako naman ang amo kaya pinag-combine ko na." pagpapatuloy niya. "Psh! Ibahin mo. Ayoko no'n." sabi nito na inilingan niya. "Nah. Hindi na pwede. Nakalagay na sa birth video nila ang pangalan nila." sabi niya na kinataka ng reaction nito. "Anong ibig mong sabihin?" tanong nito kaya nginuso niya ang video cam kaya tumingin ito doon. "Oh, pwes, burahin natin." sabi nito kaya agad niyang binaba ang tuta sa Incubator at agad siyang lumapit sa cam at humarang para hindi makuha ni Jhaycee. "Hindi pwede. Akin tong video cam." sabi niya. "Tsk. Alis." sabi nito at hinawi siya. Kaya naman hinawakan niya ito sa baywang at pinulupot ang dalawang braso sa baywang nito para inilayo ito sa video cam niya. Nagpupumiglas ito pero nagawa naman niyang ilayo si Jhaycee. "Teka! Wag kang gagalaw. May ahas." sabi niya ng mapagtanto niya na nakayakap pala siya kay Jhaycee mula sa likod. Naramdaman niya na natigilan ito sa sinabi niya.. "A-Ahas?" biglang natakot ang tono kaya napangiti siya at pumikit siya para madama ang pagkakayakap rito. "Oo. Nasa likod ko." sabi niya kahit wala naman talagang ahas. Ang lakas ng kalabog ng dibdib niya at tila hindi talaga napipigilan lalo na at kayakap niya ang nagpapalakas nito. Hindi pa niya na-experience ang ganito kahit na nagkaroon na siya ng crush sa ibang babae. Iba si Jhaycee. At alam niya na iba na rin ang nararamdaman niya para rito. Hindi niya alam kung saan na, pero naroon na siya sa like. Gusto na niya ang babaeng ito. Gustong gusto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD