CHAPTER 9
THE SCANDAL VIDEO ??
"OH, ginabi ka ata ngayon?" tanong ni Isabelle kay Akina na lumakad na papasok matapos siya pagbuksan ni Isabelle ng pinto. Nanlalata na binagsak niya ang bag sa sahig at naupo sa sofa bago isinandal ang ulo sa sandalan.
"Mayroon lang bwisit na nangailangan ng tulong ko." sabi niya habang napapahilot sa noo dahil nananakit iyon sa kirot.
"Akala ko ay nakipag-date ka na." sabi ni Isabelle na inismiran niya dahil nang-aasar na naman ito, "Anyway, may balita nga pala ako sa iyo." sabi pa nito kaya napadilat siya at napatingin rito na naupo sa harap ng computer nito.
"Ano 'yun?"
Lumingon ito gamit ang pag-ikot sa inuupuan nitong swivel chair, "May tutulong na sa atin kung paano maipapasa ang rights sa iyo para kupkupin si Allen." sabi nito na kinangiti niya. Isang magandang balita nga 'yon. Tumingin siya sa taas dahil tiyak na natutulog na si Allen.
"Sino ho siya ng mapasalamatan ko?" tanong niya.
"Si Sir Xander. Kapatid ni Sir Dimitri at Ma'am Beatrice." sabi nito na kinataka niya.
"'Di ba ho mag-asawa 'yon? Paanong pareho nilang kapatid 'yung Xander?"
Ngumiti si Isabelle sa kanya at nakiba't-balikat, "Ewan ko. Basta ang alam ko turing nila Ma'am kay Sir Xander ay kapatid." sabi lang nito kaya tumango na lang siya, "Isa sa top list sa magagaling na abogado sa bansa si Sir Xander, Akina. Kaya ng masabi ko kay Ma'am Beatrice na aampunin mo si Allen ay sinabi niya na kakausapin raw niya ang kapatid niya para matulungan tayo. Kaya dapat talaga na makaipon tayo ng pera para mayroon naman tayong maibigay na pasasalamat kay Sir Xander." pagpapatuloy ni Isabelle.
Napabuntong-hininga si Akina dahil bigla niyang naisip na wala na nga pala siyang trabaho. At ang perang naitatabi niya ay ilalaan niya sana 'yon para kay Allen. Mabuti at sabado bukas kaya walang pasok at maaari siyang magsimulang maghanap ng trabaho.
Tumayo siya at kinuha ang bag at binitbit, "Tiya, akyat na ako." paalam niya rito na tinaas lang ang kamay habang tutok na tutok na sa sinusulat nitong novel.
Napailing siya at humakbang na para umakyat sa taas. Pagdating sa room ay nilapitan niya si Allen na nakahiga sa isang bed habang tulog na tulog.
Naupo siya sa gilid nito at hinaplos niya ang buhok nito. Sisikapin niya na matulungan ito para maalis sa isip nito ang masamang natutunan nito sa tiyo nito. Bata pa lang siya ay pangarap na rin niya ang magkaroon ng kapatid na lalake at iba ang saya niya ng maisip na maaari niya nang kupkupin ito at magiging kapatid na niya. Sana ay matulungan nga sila ni Sir Xander.
*Phone ringing*
Kinuha niya ang phone niya sa bag ng mag-ring ito. Nakita niya na si Shin ang tumatawag kaya sinagot niya.
"Shin?"
"Baby, tumawag ako sa iyo para abisuhan ka na sinusuyod na ng Daddy mo ang buong japan para hanapin ka. Kaya 'pag hindi ka nila nahanap rito ay baka maisip nila na sa pilipinas ka hanapin." sabi nito na kinahinga niya ng malalim.
"Thanks, Shin. Alam ko naman na hindi titigil si Dad sa paghahanap sa akin." sabi niya rito.
"Yeah. I know that. You are the only princess. And they want you to be safe after..." sabi nito na natigilan.
"After?"
"Nah. Never mind. Mag-iingat ka, Akina. Malapit na rin akong matapos kaya asahan mo na bigla na lang akong bubulaga sa harap mo." sabi nito kaya natawa siya.
"Sige, asahan ko 'yan. Ikaw rin mag-iingat ka. I-kumusta muna lang ako kela Tita Rosa." tugon niya.
"Okay. Ai shiteru yo. (I Love You)" sabi ni Shin ngunit halos bulong na lang ang huli.
"What?" takang tanong ni Akina.
"Wala. Mag-iingat ka sabi ko. Alam mo naman na mahal na mahal kita, Bestfriend." sabi nito.
"Psh! Dami mong arte." sabi niya kaya napahalakhak si Shin na kinailing niya, "Sige na. Bye." paalam niya rito.
"Okay. Bye, baby." sabi nito at binaba na ang tawag.
Napabuntong-hininga siya at napatingin sa kalendaryo. Mag-iisang buwan na pala siya rito sa pilipinas, hindi man lang niya napansin.
Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa higaan ni Allen. Kinumutan niya ito ng maayos bago niya bitbitin ang bag palapit sa higaan niya. Pinatong niya sa side table ang bag at naupo siya sa higaan niya. Hinubad niya ang sapatos at medyas bago isuot ang pambahay na tsinelas niya na si Hello kitty. Tumayo siyang muli at lumapit sa closet para kumuha ng damit na pamalit. Pagkatapos ay lumabas siya at dumeretso sa banyo para maglinis ng katawan.
Kung sa school ay pormang lalake siya, dito ay hindi. Kaya pagkatapos niyang maligo ay sinuot niya ang panloob at sinunod ang white spaghetti sando bago isunod ang cotton short na nagpalitaw sa mahahaba, maputi at makinis niyang legs.
Nagpupunas siya ng buhok na pumasok siyang muli sa kwarto. Nagri-ring ang phone niya kaya nagtataka siya na nilapitan ito na nakapatong sa side table.
"Sino kaya 'to?" aniya at dinampot ang phone at tinignan ang tumatawag. Napakunot-noo siya ng makita na hindi rehistrado ang number ng tumatawag. Kaya pinatayan niya ito at nilapag ang phone sa side table at lumapit siya sa tukador para mag-suklay.
-
"What the!" bulalas ni Diesel ng babaan siya ni Jhaycee ng tawag, "I can't believe that girl." aniya na hindi makapaniwala dahil binaba siya nito.
Tumayo siya sa kama niya at dinial muli ang number nito. Napakagat siya ng labi ng mag-ring na.
"Tsk. Sagutin mo." banas niyang sabi at napapikit siya ng hindi nito sinagot ang tawag niya.
Napahinga siya ng malalim at ginulo ang buhok dahil hindi siya mapakali. Lumapit siyang muli sa higaan niya at hinarap ang laptop. Dito niya sinave ang video kanina na nakunan habang kasama niya si Jhaycee. Napangiti siya at napaisip. May biglang namuong kakaibang ngiti sa labi niya ng may namuong plano sa isip niya. Inayos niya ang video na isinalin niya sa isang music video. Busy na busy siya habang tutok na tutok sa laptop kaya hindi niya narinig ang katok at tawag ng Mommy niya.
Pumasok si Beatrice sa kwarto ni Diesel habang may bitbit na tray na naglalaman ng gatas at pagkain nito. Hindi kasi ito bumaba para mag-hapunan. Kaya naisipan niya na dalhan ito na palagi naman niyang ginagawa sa mga anak niya kapag hindi nagsisikain.
Nakita niya na busy ito habang tutok na tutok sa laptop nito habang nangingiti. Kaya maingat siya na lumapit sa isang table at nilapag muna ang tray na may lamang pagkain. Pagkatapos ay lumapit suya ng dahan-dahan kay Diesel na hindi pa rin napapansin ang presensya niya.
Lumapit siya sa likod nito at tinignan ang pinanood nito. Nakita niya ang video nito kasama ang isang babae na pamilyar sa kanya. Nasa dog house ang mga ito at napangiti siya at napailing ng mapanood ang buong video.
"Sino siya, Anak?" tanong niya na kinaidtad nito at agad na sinara ang laptop bago humarap sa kanya na gulat na gulat.
"M-Mom, nandyan pala kayo." gulat na gulat at namumula ang pisngi nito habang sinasabi 'yon.
"Yes. Kanina pa ako tumatawag dahil dinalhan kita ng pagkain, pero busy ka pala. At busy ka sa kakatitig sa mukha ng babaeng kasama mo sa video." sabi niya na may mapanuksong ngiti.
"W-What? It's not what you think, Mom. Isang presentation ang pinanood ko." palusot ni Diesel at ramdam niya ang pag-init ng pisngi niya dahil sa pagkapahiya ng mahuli siya ng Mom niya na nakatitig sa naka-pause na mukha ni Jhaycee habang nakangiting nakatingin sa aso.
"Asus! Ako pa ang pinagloloko mong bata ka. Siya ba ang nagugustuhan ng anak ko?" nakangiting tukso ng Mommy niya.
"Mom! Stop. You're wrong. She's not my type. She's so boyish. Sinapak pa nga ako sa pisngi." pagkakaila niya at pinakita pa ang pisngi niya na sinapak ni Jhaycee.
Hinawakan ng Mommy niya ang mukha niya at tinignan ang pisngi niya. Pinindot nito iyon kaya napangiwi siya at napaaray.
"Asus! Kung hindi mo siya type bakit mo tinititigan ang mukha niya? And she's beautiful even she's wearing a boy shirt.." sabi ng Mom niya.
"Hindi ko nga po siya type. Yes, she's pretty but she's not my type. Ang gusto ko po sa babae ay maliit sa akin na kaya ko siyang mayakap."
"Oh, saktong sakto siya sa iyo. Yakap na yakap mo nga, e." panunukso ng Mom niya kaya tila siya namula.
"'Yung maganda at gusto ko sa babae 'yung palaging nakangiti."
"She's beautiful when she smiling." nakangiti sabi ng Mom niya.
"Saan n'yo naman po nakita na naka-smile siya?" taka niyang tanong.
"Huh? Syempre, d'yan sa video. Nakangiti siya." palusot ni Beatrice. Hindi niya sinabi rito na kilala niya ang dalagang natitipuhan ng anak niya. Sabihin na natin na may plano siya at nais niya na mismong ang mga ito ang maglapit sa isa't-isa, "Nasa kanya ang katangian ng babaeng type mo. Alam mo, Anak." pagpapatuloy niya at naupo sa tabi nito bago niya hawakan ito sa mukha para matitigan sa mga mata, "'Pag tumibok ang puso mo ay doon mo malalaman na may pagtingin ka na pala. Kahit na ano pa ang itsura niya ay magugustuhan mo pa rin siya dahil may nakita ka na special sa kanya na wala sa ibang babae. Kahit ano man ang tanggi mo sa nararamdaman mo ay balewala din dahil kahit ayaw mo man sa kanya ay iba naman ang sinasabi ng puso mo at kilos mo." payo ni Beatrice.
"Mom, gusto ko lang naman siya. At alam ko na hanggang doon lang." sabi ni Diesel na hindi ma-amin-amin sa mommy niya ang tunay na nararamdaman niya.
"Hinihintay mo pa rin ba ang pagbabalik niya?" tukoy nito kay Zia, ang babaeng nagugustuhan niya ngunit mas pinili ang offer na maging model sa ibang bansa.
Hindi siya nakasagot dahil hindi niya alam kung hinihintay pa nga ba niya ito? Hindi niya napansin na hindi na pala niya ito naaalala. Parang hindi man lang sumagi sa isip niya ito.
"Kung gusto mo talaga si Zia, wala naman akong karapatan na utusan ka kung sino ang maaari mong magustuhan. Pero ito lang ang dapat mong tandaan, anak," sabi ng Mom niya at itinuro ang dibdib niya kung saan tumitibok ang puso niya, "iba pa rin kung ito mismo ang papairalin mo. Dahil kahit mawala man ang memorya ng tao ay ibahin mo ang puso. Dahil hindi kailanman ito nawawalan ng pakiramdam. Kaya kung sino man ang narito ngayon ay napaka-swerte niya dahil mamahalin siya ng pusong ito." nakangiting pagpapatuloy ng Mommy niya.
Inalis na nito ang pagtuturo sa dibdib niya at tumayo na mula sa pagkakaupo sa tabi niya.
"May dala akong pagkain, Anak. Kainin mo 'yon dahil ayokong nalilipasan ka ng gutom, maliwanag ba?" sabi nito kaya tumango siya, "good." sabi pa nito bago tumalikod at humakbang na patungo sa pinto.
Napahawak si Diesel sa tapat ng puso niya at hindi niya mawari kung bakit siya napatingin sa laptop niya. Binuksan niya at tumambad ang nakangiting si Jhaycee habang naka-pause ang video. Napalunok siya ng bumilis ang t***k ng puso niya.
"No, it can't be." aniya at nahiga sa kama bago napatingin sa kisame, "Even Mom like her. I feel it." sabi pa niya at napabuntong-hininga bago naupo at hinarap muli ang laptop. Gumawa siya ng anonymous account. Napahawak siya sa labi niya at napangiti habang ina-upload niya ang video nila na may caption na 'The Dog And Cat'.
Nang ma-upload na niya ang video ay napangisi siya. Sinara niya ang laptop at tumayo para kainin na ang hinanda ng Mommy niya.
-
KINABUKASAN ay maagang umalis ng bahay si Akina para maghanap ng trabaho. Gamit niya ang bike ay sinusuyod njya ang isla. Nag-a-apply siya sa mga maliit na establishment ngunit hindi siya matanggap dahil ayaw daw ng working student.. Pinapapunta siya sa ford establishment dahil doon daw ay baka makakuha siya ng work. Pero maisip niya lang na sa pamilya ni Diesel 'yon ay hindi na niya ninais pa.
Napahinto siya sa building kung saan nakatayo ang Ford Hotel. Lahat ng nadaanan niya ay puro sa Ford. Tila nga sobra ang yaman ng mga ito.
May huminto na kotse sa gilid niya kaya itinulak niya ang bike para sana umalis na doon dahil baka nakakaharang siya.
"Miss.." may tumawag sa kanya kaya napalingon siya. Nagulat siya ng makita ang amo ng Tiya Isabelle niya.
"Ma'am.." sambit njya at tinulak ang bike palapit rito.
"Saan ka patungo? Gusto mo bang pumasok sa hotel?" nakangiti nitong tanong na inilingan niya.
"Ay, hindi na po. May hinahanap lang po ako kaya ho ako napapadpad rito." tugon at tanggi niya sa alok nito.
"Ano ba ang hinahanap mo? Baka matulungan kita." nakangiti pa rin nitong sabi kaya nahiya siya na sabihin.
"Wala po 'yun." sabi niya na nahihiya.
"Sige na. At sabihin mo sa akin ang hinahanap mo habang nagkakape tayo." sabi nito at inagaw nito ang bike niya. May lumapit na tila bodyguard nito na kumuha ng bike niya. Nabigla naman siya ng bigla siya nitong hatakin kaya hindi na siya nakapag-protesta.
Sa isang star bucks sila pumasok na kinailang niya habang nakaupo at kaharap niya ang amo ng Tiya niya. Paano kasi, nakatingin sa kanila 'yung mga costumer sa cafe. Tapos 'yung amo ng Tiya niya ay nakapatong ang dalawang kamay sa baba habang nakangiti na pinagmamasdan siya tila tuwang tuwa.
"Ano ba ang hinahanap mo? 'Yung lalakeng gwapo ba?" nakangiting tanong nito.
"Ho?" nagtataka siya sa sinabi nito.
"I'm kidding. Sabihin muna kasi. Malay mo ma-solusyunan ko ang problema mo." sabi nito. Kaya napahinga siya ng malalim at napayuko.
"Naghahanap lang po ako ng work. Natanggal na ho kasi ako sa trabaho dahil sa school schedule ko." sabi niya rito.
"'Yun lang pala, e."
Napaangat siya ng tingin ng pumalakpak ito at dahil rin sa sinabi nito.
"Ano pong ibig n'yong sabihin?" tanong ko.
"'Di ba nahihirapan ka dahil kailangan ka sa school pero kailangan mo rin ng work, right?" tanong nito kaya tumango siya, "Edi kung gano'n ay ipapasok kita sa cafeteria sa school. Hindi ka na magkaka-problema kung ma-late ka dahil sa mismong school ka na magtatrabaho. Ayos lang ba sa iyo 'yon?" pagpapatuloy nito na hindi siya makapaniwala na ipapasok talaga siya nito.
"Oho, ayos po 'yun. Pero nakakahiya po kasi na kayo pa ang nagpasok sa akin. Baka po kasi may masabi ang iba." sabi niya rito kaya hinawakan siya sa kamay niya na nakapatong sa table.
"Don't worry, walang makakaalam na ako ang nagpasok sa iyo sa cafeteria. Tanging pinagkakatiwalaan ko lang na empleyado doon ang sasabihan ko. Kaya pumayag ka na. Sayang din, sige ka." sabi nito.
"Sige ho. Salamat po sa offer." sabi niya rito na kinangiti nito.
"Walang anuman, daughter-in-law." sabi nito na binulong lamang ang huli.
"Ano po 'yun?" takang tanong niya.
"Wala. Ang ibig kong sabihin ay inumin mo na ang inorder kong cafe at mainit na special bread nila. Baka uminit ka ko." nakangiti nitong sabi kaya tumango siya at hinawakan ang cup ng cafe.
Talaga nga naman na napakabuti ng amo ng Tiya niya. Pero bakit hindi namana rito ang anak nitong si Diesel. 'Baka ampon?' aniya sa isip at lihim na natawa.
Pero at least ngayon ay may work na muli siya at hindi na siya mahihirapan sa oras. Ang problema lang ay tiyak na 'talk of the day' na naman siya sa university dahil isa na siyang waitres doon.
"Omg! Nakakaiyak! Bakit siya pa?"
"Oo nga. Ang pangarap ko na maging kami ni Papa Diesel ay wala na. Pero in ferness bagay sila."
"Hindi siya 'yun. Tiyak na iba 'yon. Malabo naman na mangyari na siya 'yon, 'di ba? E, magkagalit nga sila."
Sari saring bulungan ang naririnig niya habang papasok na siyang muli sa university. Sa gate pa lang ay panay na ang bulungan ng mga estudyante habang nakatingin sa kanya.. May ibang babae na masama ang tingin sa kanya tulad na lang nitong grupo nila Miranda na hinarang siya habang tinatahak niya ang mahabang daan patungo sa building kung saan ang room niya.
"Paano mo siya naakit, ha? Ginamitan mo siguro siya ng gayuma." sabi nito sa kanya na may bahid ng inggit at inis na kinataka niya.
"Ano bang pinagsasabi mo? Gayuma, ano 'yun?" tanong niya na puno ng pagtataka.
"'Wag ka nang mag-maang-maangan pa. Alam ko na nung una pa lang na kaya mo siya binangga ay para mapansin ka niya. At ngayon ay napansin ka na at nakuha mo na ang loob niya ay nagma-maang-maangan ka pa. Malandi!" iritang sabi nito at susugurin sana siya ng sampal ng magtilian ang mga estudyante kaya napatingin doon sila Miranda.
Lumingon siya at nakita niya ang pitong kotse. Kotse ng bangtan na kinairap niya. Huminto sa harap niya ang dilaw na kotse na alam niya kung sino ang may-ari.
Mas lalo pang nagbulungan ang mga estudyante dahil sa paghinto nito.
"Jhaycee, anong mayroon?" biglang sulpot nila Mina, Briones, at Rex. Nakibat-balikat siya at napatingin sa bangtan na bumaba ng kotse. At ang huli doon ay si Diesel na pa-suspense pa.
Bumaba si Diesel na nakita niya na suot ang mamahaling sapatos na itim, paakyat ang tingin sa slacks nito, polo nito, may sukbit na bag na itim na mamahalin din syempre, may leather jacket na brown na suot din nito, at huli ay sa mukha nito.
May suot na shades na black, isang hikaw na itim sa tenga, at ang nakapukaw sa kanya ang buhok nito na bagsak na ang itim nitong buhok. Inalis nito ang shades ng maisara ang pinto at ngumiti ito habang nakatingin sa kanya.
"Kyaaahhh! Ang gwapo!"
"Shocks! Kakilig!"
"Nakakainggit si Jhaycee!!"
"Omg! Hindi na siya nag-wax at bagsak na ang buhok niya pero mas lalo atang kumisig."
Sari saring tilian at komento ang naririnig niya dahil sa new look ni Diesel. Isama pa si Mina at Briones na tinulak-tulak pa siya habang kilig na kilig.
"Tsk." usal niya at inayos ang pagkakasukbit ng bag sa balikat niya bago naglakad at hindi na pinansin ito na nagbigay ng ingay sa mga estudyante dahil suplada daw siya at pabebe.
May pumigil sa braso niya kaya napaharap siya at nainis lang siya dahil si Diesel lang pala.
"What?" irita njyang tanong na ewan niya kung bakit siya naiirita ngayon.
"What lang ang sasabihin mo matapos kong magbago ng hairstyle?" inis nitong sabi na kinaguluhan inya.
"Ano naman ang kinalaman ko sa hairstyle mo?" walang gana niyang tanong.
"Mayroon kang kinalaman dahil sinabihan mo lang naman na ang pangit ng buhok ko. Tapos ngayon na inayos ko na ay tila balewala sa iyo." sabi nito na tila siya pa ang may kasalanan.
"Wow! As in wow! Bakit mo naman kasi dinamdam ang sinabi ko sa buhok mo? Nakakatawa ka." sabi niya at napapailing na tinalikuran ito.
Pero nagulat siya ng iharap skya nitong muli at hawakan sa magkabilang balikat bago siya titigan sa mata ng seryoso.
"Walang nakakatawa dahil seryoso ako. Kailanman ay walang babae na sinabihan na pangit ang buhok ko na parang mahulugan lang ng butiki ay patay. Walang babae na kaya akong sapakin sa pisngi na naging pasa kaya kailangan ko pang itago para 'wag lang mahalata. Kaya hindi ako papayag na 'yon lang ang reaksyon mo matapos kong gawin ang lahat para maging gwapo sa paningin mo." wika nito.
"Huh?" usal niya na walang ibang masabi matapos maglabas ng sama ng loob ito sa kanya.
"Anong huh?" inis nitong tanong.
Napatikim siya at inalis ang kamay nito sa balikat inya.
"Bakit naman gusto mong maging gwapo sa paningin ko? Are you--"
"Hindi. Wala akong gusto sa iyo." sagot agad nito at kita niya ang pagkapula ng buong mukha nito.
"Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin, masyado kang defensive. 'Wag ka kasing iinom ng bawal na gamot, tignan mo para kang naka-high." sabi niya rito at ngumisi bago talikuran ito.
"H-Hoy! Hindi ako adik!" hiyaw nito kaya napailing siya at tinahak na niya ang hallway pero napahinto siya sa bulletin board na masyadong hightech. Dahil isang napakalaking flat screen t.v ang bulletin board.
"Bawiin mo ang sinabi--" hindi na nito natuloy ang sasabihin ng mapatingin din ito sa flat screen t.v.
At ang kinagimbal niya ang pag-play ng isang music video kung saan siya at si Diesel ang nasa video. Ito 'yung pinapanganak nila ang aso nito.
Tumingin siya kay Diesel na nakahalukipkip habang pinapanood ang video na tila wala pang ka-alam-alam doon. Alam niya na ito ang nag-video kaya ito ang salarin sa video na nakita na ng lahat ng estudyante.
"Anong ibig sabihin nito, ha?!" galit niyang bulyaw rito na kinakapa nito sa tenga nito na tila balewala rito ang galit niya.
"I don't know. Hindi ako may gawa n'yan dahil hindi naman ako magaling sa ganyan. Sino nga kaya?" maang-maangan pa nito kaya sasapakin niya sana ito ng pigilan nito ang kamao niya, "One punch, one muaah.." nakangisi nitong sabi at ngumuso pa kaya inagaw niya ang kamao niya.
"Umamin ka nga, may gusto ka ba sa akin?" inis niyang tanong rito na kihalakhak nito na parang tanga at ginulo pa ang buhok niya kaya inis na hinawi niya ang kamay nito.
"Wala akong sinasabi na ganyan. Ikaw ang nag-iisip n'yan kaya ikaw siguro ang may gusto sa akin.. Okay lang naman na magkagusto ka dahil gwapo ako, mayaman, at pwede ng matalino rin, kaya walang tapon. Pero ligawan mo muna ako." sabi nito na kinasalubong lalo ng kilay niya.
"Wow! Ang kapal mo din!" aniya na iritang irita sa kayabangan nito.
"Listen, students! Narinig n'yo ang sinabi niya, 'di ba? May gusto daw siya sa akin. Kaya siya lang ang pahihintulutan ko na ligawan ako." anunsyon pa nito na hindi niya mapaniwalaan.
Grabe! Ang lakas ng tama nito. Masisiraan siya ng ulo kapag kinausap pa niya ito.
Kaya mabibigat ang paa niya na nag-martsa na siya paalis doon dahil wala lang siyang mapapala.
"Hoy! 'Wag mong kakalimutan, may date tayo at ide-date mo ako!" hiyaw nito na lalo niyang kinabanas kaya tumakbo na siya para makarating agad ng room.
"Peste! Pesteng araw to! Ano ba ang nakain no'n at ako ang pinagtitripan?" bwisit na bwisit niyang usal at pagkaupo sa upuan ay agad niyang dinukdok ang mukha sa bag para maitulog ang antok. Dahil baka binabangungot pa siya.