NATHANIEL
Habang nakatingin ako sa dagat, iniisip ko si Yell. Isang linggo mula n'ong naging kami, araw-araw ko pa rin siyang nililigawan. Palagi ko na rin siyang nakikita na nakangiti. Hindi katulad n'ong una ko siyang nakita na parang ang bigat nga kanyang dinadala sapagkat laging masama ang tingin niya sa akin. Ngayon nakikita ko ang isang mabait at masayahin na Yell. Hindi ko lang siya mapilit na bumili ng cellphone dahil ayaw niya talaga. Pero balak ko siyang bilhan kapag babalik na ako ng Manila para palagi pa rin kaming mag-usap kahit pansamantala muna kaming magkalayo. Ang plano ko lang sana na magbakasyon sa lugar ni Tito para makapag relax at makapag pahinga. Dahil sobrang hectic ng schedule ko this past two months. Ngunit hindi ko akalain na sa aking pagpunta dito, makilala ko ang babaeng bumihag ng aking puso. Marami na rin akong naka fling na mga babae, ngunit walang seryusong naging relasyon. Siguro dahil hindi ko pa nakita ang babaeng para sa akin. Pero n'ong unang beses ko'ng makita si Yell kakaiba na kaagad ang naramdaman ko para sa kanya. Kaya kinabukasan pumunta ako sa kanyang tindahan at kunwari na bibili ng kape. Hindi ako nagpakilala sa kanya na isa ako'ng CEO. Kundi sinabi ko lang na taga Manila ako at magbakasyon lang ng isang buwan kay Tito Sebastian na governor sa kanilang lugar.
Araw-araw ako'ng pumupunta sa kanyang tindahan upang kulitin siya. Ang cute niya kasing ma-inis, lalo na kapag tinatawag niya ako'ng Natoy. Kay sarap sa aking pandinig kapag tinatawag niya ako'ng Natoy. Kaya natutuwa akong inisin pa siya lalo. Pero ang totoo, paraan ko lang talaga iyon, para pansinin niya rin ako. Pero parang allergy siya sa akin, kaya ginawa ko ang lahat mapalapit lang sa kanya. Kaya n'ong sinabi niya sa akin na layuan ko siya dahil menopause at ayaw niya na sa tam*d dahil sawang-sawa na daw siya, lalo n'ong sinabihan niya ako'ng juts. Hindi ko na napigilan ang aking sarili na halikan siya. Pag-uwi ko sa bahay ni Tito kinausap ko si Tito na tulungan ako'ng magdahilan kay Daddy at Mommy na manatili pa ako sa kanilang lugar ng isang buwan. Kahit mabait si Daddy at Mommy ngunit minsan may gusto sila na kailangan kung sundin. Kaya minsan gusto ko din magpaka layo-layo muna. Close kami ni Tito kaya parang daddy ko na rin siya. Pinaliwanag ko sa kanya kung bakit gusto ko pa muna manatili sa kanila. N'ong nalaman niya, tumawa siya at pumayag naman sa gusto ko. Kahit kasi matanda si Yell ng sampung taon sa akin. Siya talaga ang nagustuhan ko. Pagkatapos namin mag-usap ni Tito kaagad akong bumyahe papuntang Manila upang asikasuhin muna ang dapat ayusin sa kompanya. Pagdating ko sa Manila hindi ko na magawang magpahinga o pumunta ng mansyon. Kaagad ko'ng inasikaso ang dapat asikasuhin sa opisina, dahil kailangan ko kaagad bumalik sa Zamboanga. May sariling private chopper ako, kaya mabilis lang pag pagbyahe ko from Zamboanga to Manila. Mabuti nalang pumayag naman si Daddy dahil ang paalam ni Tito ay tutulong ako sa kanyang campaign bilang governor ulit sa kanilang lugar. Hindi ako tumigil sa pagtrabaho hanggang sa sumapit ang alas dos na ng madaling araw, natapos ko rin ang lahat. Nag send ako sa email ng secretary ko, na siya muna ang bahala sa kompanya dahil may importante ako'ng asikasuhin. Pagkatapos ko'ng ma send sa kanya lahat ng bilin ko. Nagpahinga ako saglit sa aking private room dito sa aking opisina. Nang nakapag pahinga na ako, dahil may damit naman ako dito, naligo ako kaagad saka nagbihis. Naisipan ko muna na bumili ng bulaklak kaya mabilis ako'ng bumaba ng building upang bumili ng bulaklak sa flower shop. Nang makabili na ako, bumalik na rin ako sa kompanya at dumiretso na sa roof top ng building at sumakay sa private chopper ko, pabalik ng Zamboanga. Sakto alas siete ng umaga nakarating ako sa bahay ni Tito Sebastian. Pagbaba ko ng chopper dala ang bulaklak, nagpahatid ako sa driver ni Tito sa tindahan ni Yell. Hindi ko na nagawa pa'ng pumasok sa bahay ni Tito sa sobrang pagmamadali. Pagdating ko sa kanyang tindahan wala pa siya, kaya nakipag kwentuhan muna ako sa kanyang mga tauhan.
"Alam mo sir, matagal na ako dito, dito na ako nakapag asawa. Kaya alam ko na hindi pa nakapag boyfriend si Ma'am Yell. Ganyan lang jasi ang sinasabi niya sa tuwing may pupunta dito para ligawan siya. Wala daw siyang oras sa mga lalaki kaya ganun ang sinasabi niya na sawa na siya sa tam*d at ayaw niya sa juts para daw ma turn off ang manliligaw niya. Kaya kinabukasan hindi na sila bumabalik. Saka naisip namin na ang iba, gusto lang ligawan si ma'am dahil nga malaki ang tindahan at ang akala nila naghahanap si ma'am ng lalaki na mapangasawa. Pero lahat na pumunta dito ekis kay Ma'am Yell. Ikaw lang talaga ang nagtagal kahit anong pagtataboy sa'yo ni Ma'am. Kaya sinasabi namin ito sa'yo dahil pasado ka sa amin para kay ma'am yell. Mabait si ma'am, siya nga ang tumutulong sa mga kapatid niya kahit may mga mga asawa na ito. Hindi siya nagreklamo.Kaya ma swerte ang lalaki na magiging asawa ni ma'am. Kaya sir huwag mo'ng sukuan si Maam. Pakiramdam namin natatakot lang talaga siya makipag relasyon dahil nga sa edad niya." Pagkwento ni Mang Lino sa akin. Sumang-ayon naman ang iba pa. Mas lalo ako'ng humanga kay Yell kaya mas lalo ko itong nagustuhan. Marami pa silang kweninto sa akin tungkol kay Yell hanggang sa nakita namin ang kanyang sasakyan na parating kaya iniwan na nila ako baka daw makita sila ni Yell na nakipag usap sa akin.
Bilin daw sa kanila ni Yell na huwag sabihin kahit kanino na hindi pa siya nakaranas magka boyfriend. Dahil malaki daw ang respito nila kay Yell wala silang pinagsabihan. Sa halip, sinasabi daw nila na ilang beses ng nagpa laglag si Yell. Sa akin lang daw nila sinabi ang lahat dahil may tiwala daw sila sa akin na hindi ko paglaruan ang kanilang amo. Nang huminto ang sasakyan ni Yell sa tapat ng kanyang tindahan. Malawak ang ngiti ko habang nakatingin sa kanya. Ilang oras ko lang siya, na hindi nakita miss na miss ko na siya kaagad.
"Ang lalim ng iniisip ah?" Napabalik ako sa aking tamang pag-iisip nang tinapik ako ni Tito Sebastian sa aking balikat.
"Tito, may iniisip lang. Thank you pala Tito dahil tinulungan mo akong magsinungaling kay Daddy."
"Ikaw pa ba! Alam mo naman na paborito kitang pamangkin. Kamusta ang panliligaw mo? Sinagot ka na ba ng babaeng nagustuhan mo, dito sa sakop ko? Kung pinapahirapan ka, sabihin mo lang. Alam mo naman na marunong ako'ng gumawa ng paraan upang makuha mo ang iyong iniirog." Pagbibiro ni Tito sa akin. Kaya sabay kaming tumawa. Sunday ngayon kaya niyaya ako ni Tito na samahan siyang umatend ng kasal ng anak na kanyang kaibigan. Dito sa tabing-dagat ang reception kaya, tumambay muna ako sa may malaking bato malapit sa dalampasigan, habang umiinum ng beer. Na-miss ko na kaagad si Yell, kaya balak ko pagkatapos nito, magpaalam ako kay Tito na mauna nang umuwi para puntahan si Yell sa kanyang tindahan. Sinabi niya kahapon na sa tindahan daw siya mamayang gabi matulog, kaya sasamahan ko muna siya.
"Kami na Tito. Hindi ko muna sinabi sayo, dahil balak ko siyang dalhin bukas sa bahay niyo, upang pormal ko siyang ipakilala sa inyo." Nakangiti ko'ng sagot kay Tito.
"Hanep ka talaga pamangkin. Kaya paborito kita eh. Ang galing mo. Excited na ako'ng makilala ang bumihag sa puso ng pamangkin ko. Kilala ko naman siya, kaya lang gusto ko siyang makilala ng personal as your girlfriend iho. Kaya dalhin mo siya bukas upang pormal namin siyang makilala ng Tita mo."
"Thanks Tito. You're the best talaga Tito. Saka dapat lang talaga na ako ang paborito mo'ng pamangkin dahil ako lang naman ang nag-iisa mo'ng pamangkin." Natatawa ko'ng sabi. Kaya umiling siya at tinapik ako sa aking balikat. Pagkatapos nagpaalam na babalik na siya sa kanyang mga kasamahan na mga pulutiko din. Nagpaalam din ako sa kanya na mauna nang umuwi kapag maubos ko ang ini-inum ko'ng beer. Magpahatid lang daw ako sa driver niya, kaya nagpasalamat ako kay Tito bago siya bumalik sa kanyang mga kaibigan. May kinausap din ako kanina kaya lang puro pulutiko ang kanilang topic. Hindi talaga ako mahilig sa politics kaya nagpaalam ako na maglakad lakad hanggang sa dito ako napadpad. Pagkatapos ko ng isang bote ng beer, nag senyas ako kay Tito na aalis na. Nag thumbs up naman siya sa akin. Kaya dumiretso na ako sa kanyang sasakyan. Mabuti nasa loob din ng sasakyan ang driver ni Tito kaya pagpasok ko, bumyahe na rin kami kaagad papunta sa tindahan ni Yell.