CHAPTER TWO

1417 Words
YELL "I'm sorry kung hindi ako nakapunta dito kahapon. May inutos lang sa akin si Tito kaya gabi na ako nakauwi. Bakit ba kasi wala ka'ng cellphone? Sa lahat ng tao na nakilala ko'ng may negosyo. Ikaw lang talaga ang walang cellphone. Paano mo makuntak ang mga costumer mo? Paano kung kailangan mo'ng mag order ng mga paninda mo? Ano ang ginagamit mo? Kaya sana bumili ka na ng cellphone para matawagan din kita." Wika ni Nathaniel habang nandito na kami sa loob ng aking maliit na opisina. Dito ako nagpapahinga at natutulog minsan kapag tinatamad ako'ng umuwi. Niyaya ko siya dito para makapag usap kaming dalawa lang. Kapag nasa labas kasi kami panay pa cute ni Richel at ng dalawa niya pa'ng kasama. Sarap nila kurutin sa kanilang mga hita. May anak at asawa na, pero parang may balak pa magpa pansin kay Nathaniel. Ay isa naman panay naman ang ngiti sa kanila. "Si Richel ang bahala sa mga deliveries ko. Saka alam niya na rin ang lahat dito. Saka ayaw ko gumamit ng cellphone, para saan? Gusto ko mag pukos sa tindahan ko. Saka hindi talaga ako mahilig sa social media, nakaka stress ng mga balita. Kaya mas gustuhin ko pa na walang alam sa mga nangyayari sa Pilipinas. At bakit ka nagpapaliwanag sa akin kung bakit hindi ka nakapunta dito kahapon? Okay lang naman sa akin. Sana hindi ka na pumunta dito at magpahinga ka muna. Diba sinabi mo na gabi ka dumating ka gabi? Bakit ang aga mo'ng pumunta dito? Kumain ka na ba ng almusal?" Pormal na tanong ko sa kanya. "Baka kasi magtampo ka at hanapin mo ako. Baka lang naman nag-alala ka, kung bakit hindi ako nakapunta dito kahapon. Saka sinabi ko na sa'yo kanina na gusto nga kitang ligawan. Wala sa oras o haba ng pagka kilala natin. Basta may gusto ako sa'yo at seryuso ako sa sinasabi ko na liligawan kita kahit ayaw mo." Mautoridad niyang sabi sa akin. Malakas akong bumuntong hininga saka seryuso na tumingin sa kanya. Sinalubong niya rin ako ng seryusong tingin. "Look Nathaniel, bata ka pa. Matanda na ako. Parang Nanay mo na nga ako. Kung hindi tayo kilala ng tao, napagkamalan tayong mag Nanay kapag magkasama tayo. Baka nabigla ka lang sa mga sinasabi mo. Maraming babae na ka edad mo. Samantala ako, matanda na. Saka hindi na ako virgin at marami ng lalaki ang dumaan sa buhay ko. Baka sa huli magsisi ka lang sa akin. Saka diba, sinabi mo na isang buwan ka lang dito? Babalik ka sa Manila at magpatuloy ng buhay mo. Ako nandito para din magtrabaho sa tindahan.Magkalayo tayo, kaya sana humanap ka ng babaeng nababagay sa'yo Natoy." Seryuso ko'ng sabi sa kanya. Gusto ko'ng magsinungaling sa kanya para layuan niya ako. Kahit may naramdaman na ako sa kanya hanggang makakaya kong pigilan. Pipigilan ko na ang aking sarili. Ang akala ko magpaalam siya sa akin dahil tumayo siya sa kanyang kinauupuan. Ngunit umayos siya ng tayo at muling tumingin sa akin ng seryuso. "Wala ako'ng pakialam sa nakaraan mo. Wala ako'ng pakialam kung virgin ka o hindi. Seryuso ako sa sinasabi ko na may gusto ako sa'yo at gusto kitang ligawan. Malapit lang naman ang Zamboanga sa Manila. Pupuntahan kita palagi, o di kaya ikaw ang pupunta sa akin sa Manila. Unang kita ko pa lang sa'yo Yell, nagustuhan na kita kaagad kahit na sampung tao ang agwat ng edad natin. Hindi kita pinag-tripan lang." Seryuso niyang sabi saka dahan-dahan na lumapit sa akin. Nang makalapit siya ng tuluyan hinawakan niya ang aking pisnge at kinulong sa kanyang dalawang palad. "I Love you Yell, hindi ako nagbibiro o nag ti-trip lang. Ikaw may gusto ka din ba sa akin? Kahit hindi mo sasabihin, makikita ko sa iyong mata na may gusto ka din sa akin. Kaya lang natatakot ka. Please Yell, give us our heart na maging masaya tao. Palayain mo ang puso mo na mahalin mo ako. Nag extend ako ng isang buwan sa bakasyon ko dito, para makasama at ligawan ka." Aniya, habang unti-unting nilapit ang kanyang labi sa aking labi. Naduduling ang mata ko habang nakatingin sa papalapit niyang labi. Gustong umiwas ng isipan ko, ngunit ayaw naman ng puso ko. Hanggang sa naglapat ang aming mga labi. Si Nathaniel lang ang nakahalik sa akin. Sa edad ko'ng 35, wala pang ibang lalaki na nakahawak sa katawan ko. Tanging si Nathaniel ang kauna-unahang lalaki na nakahawak at nakahalik sa akin. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko, habang patuloy na humalik si Natoy sa aking labi. Mahigpit din ang hawak niya sa aking baywang. Ginalaw niya pa ang kanyang labi saka sinipsip ang aking bibig. Hindi ko naman alam paano gumanti sa paghalik. Kaya parang tuod akong nanatiling nakatayo lamang at tikom ang aking bibig. "Maraming lalaki ka na bang nahalikan? Bakit parang hindi ka naman marunong humalik?" Nakangiti niyang tanong nang pinakawalan niya ang aking labi. Kaya sinamaan ko siya ng tingin para hindi ako mabuko. "Bakit naman kita hahalikan? Boyfriend ba kita? Saka ang bilis mo, sinabi mo na liligawan mo ako, pero naka ilang halik ka na. Kaya ekis ka sa akin." sungit-sungitan ko'ng sabi sa kanya. Ngunit ang loko tumawa lang ng malakas. "Di ba, sinabi ko sa'yo sa ayaw at sa gusto mo liligawan kita? Saka simula ngayong araw tayo na. Dahil hindi ka nagalit n'ong hinalikan kita. Ang ibig lang sabihin n'on gusto mo rin ako. Kaya simula ngayon, boyfriend mo na ako. Girlfriend na rin kita. Huwag kang matakot o mag isip sa sasabihin ng ibang tao. Nandito ako, hindi kita pababayaan." Seryuso na sabi ni Nathaniel sa akin. Hindi naman ako kaagad nakapagsalita. Kaya hinawakan niya muli ang aking mukha. Akmang hahalikan niya na sana ako, ng may kumatok sa pintuan. Kaya lumayo ako ako kaagad sa kanya. Ngumisi naman siya, saka lumapit sa pintuan upang pagbuksan kung sino ang kumakatok. "Ahm! Pasensya sa disturbo ma'am, Nathaniel. Dinalhan ko lang kayo ng kape. Baka kako hindi pa kayo nakapag kape. Masarap mag kape habang nag-uusap." Nakangiti na sabi ni Richel. Nagpasalamat ako sa kanya at niyaya siyang pumasok. Ngunit binigay niya lamang kay Nathaniel ang kape at nagpaalam. Tatawagin niya daw kami mamaya kapag luto na ang almusal. Nagluluto kasi ang mga tauhan ko ng almusal hanggang tanghalian. Free sila hanggang meryenda. Minsan nagluluto kami ng meryenda pero minsan bumibili lamang kami sa mga naglalako. "Ang sarap ng kape Love." Napaubo ako sa sinabi ni Nathaniel. "Ano ang sinabi ko? Ano ang tinawag mo sa akin?" Tanong ko sa kanya baka na bingi lamang ako ng pandinig. "Love! Simula ngayon love na ang itawag ko sa'yo dahil tayo na. At sana love din ang itawag mo sa akin." Nakangiti niyang sabi sabay kindat sa akin. Kunot noo ko naman siyang tiningnan. "Hoy! Nathaniel. Hindi pa ako pumayag na ligawan mo o girlfriend mo na ako. Kaya tumigil ka. Parang ka'ng bata talaga." Sermon ko sa kanya. "Love. 'di ba sinabi ko sa'yo kahit ayaw mong pumayag na ligawan kita. Liligawan pa rin kita. Saka sinabi ko na sa'yo kanina na simula ngayon girlfriend na kita, boyfriend mo na ako. Kaya wala ka nang magagawa. Saka kailangan mo ako'ng panagutan dahil hinalikan na kita. Saka hindi na ako bata. Alam ko nang gumawa ng bata. Baka gusto mo'ng subukan natin. At para malaman mo din kung juts ako." Pa ngiti-ngiti niyang sabi. "Seriously, Yell. I like you! I love you! I really do. Sana bigyan mo ako ng chance. Sana hayaan mo'ng sundin kung ano ang gusto ng puso mo, upang maging masaya ka Yell. Nandito ako, para samahan ka at mahalin ka. Mahal kita hindi dahil may negosyo ka. Mahal kita dahil mahal kita. Kung nag alinlangan ka sa pagkatao ko. Hayaan mo'ng makilala mo ako ng lubusan at ganun din ako sa'yo." Wika ni Nathaniel na sobrang seryuso ang kanyang mukha. Hindi ko makikita na nagbibiro siya. Bigla ko'ng naitanong sa sarili ko. Kung paano kaya kaya pagbigyan ko at sundin ko muna ang gusto ng puso ko? Pero baka sa huli ako din ang masasaktan. Pero paano kung si Nathaniel nga ang lalaki na pinadala sa akin. Naguguluhan ako sa aking mga katanungan at iniisip. Hanggang sa naramdaman ko nalang na nakahawak na si Nathaniel sa aking baywang at muli ako'ng hinalikan sa labi. "Huwag mong pigilan ang naramdaman mo, Love. Sundin mo kung ano ang gusto ng puso mo." Wika ni Nathaniel sa namamaos na boses at muli ako'ng hinalikan sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD