YELL
"Lando mahiya ka sa Ate. Lagi mo nalang inaasa ang pagkain namin may Ate. Kahit diaper at gatas ng bunso mo, kay Ate pa rin. Kailan ka magtino Lando? Kailan mo tigilan ang bisyo mo? Sa halip na ibili mo ng gatas ang pera mo, inuuna mo ang bisyo mo. Sawang-sawa na ako sa'yo Lando."
Nagising ako sa sigaw ni Ella. Ang bunso naming kapatid. Ganito sila ng kanyang asawa araw-araw. Hindi lang pala silang dalawa. Kundi ang isa ko pang kapatid. Mabuti wala sila ngayon dito, nasa bahay ng mga magulang ni Jake. Hindi ko maintindihan kung bakit sigaw ng sigaw siya at palagi niyang sinasabi na sawang-sawa na siya sa kanyang asawa pero ayaw niya naman hiwalayan. Kaya ito talaga ang iniisip ko na baka kung mag asawa ako, ganito din ang magiging buhay ko sa lalaking mapangasawa ko. Kaya umabot lang ako sa edad na 35 hindi ko manlang nagawang magka boyfriend o hindi ko talaga iniisip na mag-asawa. Mas mabuti talaga na maging matandang dalaga nalang ako kasama ang aking sari-sari store. Apat kaming magkapatid. Ako ang panganay. Ang sunod sa akin nasa Manila at may tatlo ng anak. Ang ikatatlo at bunso kasama ko sa bahay. N'ong namatay ang mga magulang namin dahil sa isang aksidente, ako na ang tumayong magulang ng mga kapatid ko. Kaya lang nag-asawa sila ng maaga. Hindi naman ganun kaaga. Nasa edad naman sila kaya lang sakto lang ang sweldo ng kanilang mga asawa sa kanilang pang araw-araw. Naawa naman ako sa mga pamangkin ko kaya ako na ang nagbibigay ng gatas at diaper o kung ano pa ang kailangan nila. Dahil nangako ako nuon sa mga magulang ko na hindi ko sila pababayaan. Dahil n'ong namatay ang mga magulang ko, may sari-sari store na ako. Naging Ofw ako ng apat na taon Kaya medyo naka ipon. Kaya n'ong umuwi ako ng Pilipinas nagpatayo ako kaagad ng sari-sari store hanggang sa lumago. Kaya hindi kami nahirapan. Kaya lang iwan ko sa mga kapatid ko kung bakit nag-asawa sila kaagad pagka graduate nila ng college. Parang natakot yata sila mawalan ng lalaki. Hindi ko naman sila kayang tiisin kaya tinulungan ko sila. May trabaho naman kasi ang kanilang Asawa pero kulang pa rin sa kanila. Iwan ko kung bakit lagi silang gipit, dahil ako naman ang lahat na gumagasto sa bahay. Ang tanging ginagawa lamang nila ay magluto at maglinis.
"Alam mo Ella ang aga-aga pero ang bunganga mo sobrang lakas. Hindi nga nag reklamo si Ate Yell na siya naman ang nagbigay. Ikaw itong naghihintay lang, ang dami mo'ng sinasabi. Saka sinasabi ko sa'yo. Hindi ako ang gumagasto sa bisyo. Kada kinsinas at katapusan binibigay ko naman ang sahod ko. Puro ka lang kasi order sa shoppe. Para kang asawa ng contractor. Ay oo nga pala, asawa ka pala ng contractor. Contractor ng taga buhat ng mga simento. Masaya kana? Hindi ka nahiya kay Ate? baka magising siya dahil sa boses mo. Para kang armalite sa tuwing umaga nalang ganyan ka." Sigaw naman sa kanya ni Lando. Hindi ko narinig na sumagot si Ella kaya nakahilamos ako sa aking mukha at bumangon sa aking kama. Pagtingin ko sa orasan na nakasabit sa ding-ding ng kwarto. Alas singko pa lang ng umaga. Kaya malakas ako'ng bumuntong hininga dahil sobrang aga ng dalawa kung mag sigawan. Kahit mabigat ang katawan at wala akong gana kumilos. Pinilit ko ang aking sarili na pumunta sa banyo upang maligo. Naisip ko na duon nalang ako mamaya matulog sa tindahan. Hindi ko din alam sa sarili ko na parang gusto ko'ng makita si Nathaniel. Gusto ko siyang lumayo at hindi magpakita sa akin kaya ginawa ko ang lahat para lang tigilan niya ako. Pero kahapon na hindi na siya pumunta sa tindahan parang nang hina ang buong katawan ko. Hindi naman ako ganito dati at wala ako'ng pakialam sa mga lalaki. Pero sa isang buwan na pabalik-balik ni Nathaniel sa k tindahan. Unti-unting na huhulog ang loob ko sa kanya. Napatunayan ko kahapon nang hindi na siya pumunta at nagpakita sa akin. Pagpasok ko sa banyo naligo ako kaagad para mawala sa isipan ko si Nathaniel. Naisip ko na mabuti nga, na hindi na siya magpakita pa sa akin. Baka bumalik na siya sa Manila dahil nabanggit niya nuon. Na isang buwan lamang daw siya magbakasyon sa kanyang Tito Sebastian. Mabilis lang ang pagligo ko at nagbihis na rin kaagad. Pagkatapos ko'ng suklayin ang buhok ko, bit-bit ang bag ko. Lumabas na ako ng aking silid. Wala ako'ng cellphone dahil wala naman naman ako'ng tatawagan at ayaw ko sa social media. Mas gusto ko pa magpukos sa aking sari-sari store. Paglabas ko ng aking kwarto nakaupo na ang mag-asawa sa mesa habang kumakain kasama ang kanilang dalawang anak. Na parang walang nangyaring sigawan kanina. Nang makita nila ako, tumayo si Ella at Lando upang batiin ako saka niyaya mag-almusal. Binati din ako ng dalawa ko'ng pamangkin saka din nila ako'ng kumain.
"Maganda ba talaga ang umaga niyo? Kasi sa akin hindi, nagising ako ng alarm clock na nagsigawan." Seryuso na sabi ko sa kanila. Habang hinalikan ang dalawa ko'ng pamangkin.
"Ella hanggang kailan kayo magiging maayos at mahinahon ni Lando mag-usap. Hindi ba kayo nahiya sa mga anak niyo? Lumalaki sila habang nakikita nila kung paano nagsisigawan ang kanilang mga magulang. Hindi ko naman kayo sinusumbatan sa mga binibigay ko sa inyo. Sinabi ko sa inyo na hanggang kaya ko, tutulungan ko kayo. Pero sana huwag naman araw-araw na ganito kayong mag-asawa. Saka buti sana kung mga alas dies na ng umaga, pero susko alas singko ng umaga nagsigawan na kayo. Ella umayos ka. Lando mag-usap kayo ng maayos ni Ella. Saka sana please ito na ang huli na mag sigawan kayo. Nakahihiya sa mga kapitbahay natin. Okay lang sa akin dahil nasanay na ako sa inyong apat. Mabuti nalang talaga wala pa dito si Yenna at Jake. Kung nandito siguro mas lalong maingay ang bahay dahil sa sigawan." Sermon ko sa kanilang dalawa. Nakayuko lamang silang dalawa na parang nakaramdam ng hiya sa sinabi ko.
"Pasensya na Ate. Hindi na po mauulit." Magkasabay na sagot nilang dalawa habang nakayuko pa rin.
"Oh siya, kumain na kayo. Sa tindahan nalang ako kakain. Sana mamaya hindi na kayo mag sigawan. Saka sa tindahan pala ako mamaya matulog. Sahod ng mga tauhan ko, kaya baka tanghali na sila darating bukas. Kung may kailangan kayo, puntahan niyo nalang ako sa tindahan. Basta ang bilin ko sa inyo." Bilin ko sa kanila.
"Okay, Ate, pasensya na talaga Ate. Maraming salamat." Sambit ni Lando.
"Maraming salamat Ate. Mag-uusap kami ni Lando ng maayos. Pasensya na talaga Ate. Maraming salamat sa lahat lahat na tulong mo sa amin." Naluluha na sabi ni Ella.
"Asus nag drama pa. Alam niyo naman na hindi ko kayo matitiis. Sige na, aalis na ako. Kayo na ang bahala dito." Saad ko na kanilang dalawa.
"Ba-bye mga pamangkin ko'ng maganda katulad ni Tita." Paalam ko sa dalawa ko'ng pamangkin.
"Ba-bye Tita ganda. Mag-ingat po kayo." Magkasabay na sagot ng dalawa ko'ng pamangkin na isang limang taong gulang at isang tatlong taong gulang. May pamangkin pa ako nan isang taon gulang. Di ba, sawang-sawa na daw pero panay ang anak. Pagkatapos ko silang halikan sa kanilang noo, lumabas na rin ako ng bahay saka dumiretso sa aking sasakyan. Pagpasok ko sa aking sasakyan, bigla ko naman naisip si Nathaniel. Saan na kaya siya? Bumalik na kaya siya sa Manila kaya hindi siya nakapunta sa tindahan? Na turn off ba siya sa sinabi ko kahapon sa kanya? Tanong ko lamang sa aking sarili. Pinilig ko ang aking ulo, saka binuhay na ang makina ng aking sasakyan. Habang nasa byahe ako, nagpa sounds ako. Sumasabay ako sa kanta, ngunit bigla nalang ako tumigil sa pagkanta dahil habang kumakanta ako. Ang mukha ni Nathaniel ang iniisip ko na para ba'ng siya ang kinakantahan ko. Pinatay ko ang sounds para mawala sa aking isipan si Nathaniel. Parang kinulam pa yata ako bg batang 'yun ah. Kausap ko sa aking sarili. Napangiti nalang ako'ng mag-isa sa aking iniisip. After twenty minutes nakarating na rin ako sa tapat ng tindahan. Namilog ang mata ko, saka parang biglang sumigla ang buo ko'ng katawan ng makita ang tao na iniisip ko simula kahapon. Nasa harapan siya ng tindahan, habang may hawak na bulaklak. Ang gwapo niya at parang desinti siya kung tingnan. Hindi na kupas na maong short ang kanyang suot. Hindi na rin itim sa t-shirt ang kanyang damit. Sa isang buwan niya kasi na pagbalik balik sa tindahan. Palagi naka itim siya ng t-shirt at maong na kupas ang kanyang suot. Pero ngayon naka polo shirt siya na kulay blue at naka pantalon. Pormang-porma si Nathaniel. Yes si Nathaniel ang nakatayo sa harapan ng tindahan habang may hawak na bulaklak at nakatingin sa akin habang nakangiti. Parang gusto ko kaagad lumabas ng sasakyan upang yakapin siya dahil aaminin ko, na-miss ko siya. Pero dahil isa akong dalagang Pilipina. Pilit ko'ng pinakalma ang aking sarili. Kahit na parang sasabog na ang puso ko sa sobrang lakas ng pagtibok nito. Pilit ko'ng pinakalma ang aking sarili. Lihim akong napangiti at kinilig dahil nandito siya sa aking harapan. Parang bumalik ako sa pagiging teenager na nakita ang crush. Dahan-dahan siyang lumakad papunta sa sasakyan na walang kurap na nakatingin sa akin. Nang makalapit siya, kinatok niya ang aking pintuan. Kaya malakas ako'ng bumuntong hininga at pilit na pinakalma ang aking sarili. Saka binuksan pintuan ng sasakyan.
"Good morning miss beautiful. Flower for you miss beautiful." Nakangiti na sabi ni Nathaniel. Dahil na-miss ko siya. Ngumiti din ako sa kanya saka kinuha ang bulaklak.
"Salamat, saka para saan ito? Ang aga mo naman yata?" Pormal kong tanong sa kanya n'ong nakalabas na ako ng sasakyan.
"Gusto ko'ng pormal na manligaw sa'yo." Deritsahan niyang sagot sa akin. Bigla naman ako'ng napaubo sa kanyang sinabi
"May lahi ka ba'ng intsek? Ganito ka aga, gusto mo'ng manligaw? Kumain ka na ba ng almusal? Naka inum ka na ba ng kape? O baka hindi ka pa naka inum ng gamot mo?" Seryuso ko'ng tanong sa kanya. Narinig ko'ng tumawa ang mga tauhan ko. Pakamot kamot naman siya sa kanyang batok habang nakangiti.
"Mas maaga mas maganda. Wala naman sa oras ang panliligaw." Nakangiti niyang sabi.
"Tama ma'am." Magkasabay na sabi ng mga tauhan ko. Nag thumbs up naman sa kanila ni Nathaniel. Dahil good mood ako, Niyaya ko siyang pumasok sa loob ng tindahan dahil maraming tumitingin sa kanya. Sarap nilang pang tusukin sa mata.