Fault of your Stare

1989 Words
Kinabukasan... Maaga akong gumayak gaya ng usapan namin ni Tin, sabay na kami papasok at dadaanan ko na lang siya sa kanyang boarding house.. Wash day ang dress code for one week , kung kaya pinili ko ang aking ootd. Dahil kahapon ay first day of school, minabuti kong mag casual dress with white sneakers. Today naman, simpleng jeans and rust color semi crop top ang napili ko. Exactly 6:35am nasa harapan na ako ng gate nila Tin at naghihintay na din siya. 7:00am ang first subject namin, at wala pang 10-15minutes kasama na ang pagpanik sa second floor ang estimated time namin. Siniko ako ni Tin at bumulong .. "Si Mr. Domingo nasa likuran lang natin.." "So?" Maikling sagot ko. "Wala lang, baka lang kako pampa-good vibes ng umaga mo.." pang-aasar sa akin ni Tin "Pls, itigil mo na yang issue na yan..hindi ako interesado.." suplada ng respond ko "Ay, taray! " hindi papatalo na sabi ni Tin. Ng makarating kami ng room ay naghanap kami ni Tin ng mauupuan. Madami-dami na din ang mga classmates namin na naghihintay at nakikipag-usap sa kani-kanilang new circle of friends. Si Brian na kung tawagin namin ni Tin na Mr. Domingo ay umupo sa gawing likuran kung saan may mga kakilala na din siya. Dumating ang aming prof at nagsimula ang aming klase. Business Management1 ang first subject at napansin ko ang aming prof na single pa daw according to her pero may edad na, ay may kapansin-pansin na expression na "basically" . Dahil one hour and thirty minutes ang allocated time sa subject ay hindi ko maiwasang antukin, lalo na at napaka-aga pa. Napansin ko na lang din si Tin na tila inaantok, pero sumusulat sa papel. Bawat word na "basically" na nababanggit ng aming prof ay binibilang ni Tin..at hindi ko napigilan ngumiti at sikuhin siya. Siniko din niya ako bilang tugon at nagulat kami ng magsalita muli ang aming prof na tila may tinatawag. "Those two girls over there, the one with shoulder-length hair and the girl beside her.." nakangiti pero tila sarcastic na sabi nito. Pareho kami ni Tin na nagulat ng na-realized namin na kami ang dine-describe niya. "Please stand up.. since you both seem busy smiling at each other, I will ask each of you a question.." may pagbabanta na sabi nito. "Hala.." narinig ko mula sa aming likuran at hindi ko napigilang lumingon at nakita ko ang mga nakangiti naming classmates na katabi ni Mr. Domingo. "Lagot" bulong nila na nabasa ko mula sa buka ng kanilang bibig. Inirapan ko lang sila at lakas loob na muling humarap sa aming prof na si Ms. Gonzales. "What do you mean by business management?" What is your name again? Sabay turo at tanong sa akin. "I'm Marinella Esteban..."Basically..( sinadya ko talaga sabihin bilang panimula ko at may mangilan-ngilan na naka-puna at natawa ng mahina pero umabot sa aking pandinig.) ...Business management is managing the coordination and organization of business activities. It typically includes the production of money, materials and machine and involves innovation and marketing" proud na sagot ko. "Ok.! Ms. Esteban, you can now take your seat. And you are Ms? " I'm Christine Fabian ma'am" "Ok, Ms Fabian...What do you think is the purpose of the business management? "The main purpose of business management focuses on the organizing, planning and analyzing of business activities that are required to efficiently manage and run the business." with attitude din na sagot ni Tin "Oh..very good! Both of you.." impressed na sabi ng aming prof. At narinig namin ang masigabong palakpakan na nagmumula sa aming likuran. Tila nagkaintindihan naman kami ni Tin at sabay kami tumayo at nag-bow sa kanilang harapan sabay irap sa mga ito bago naupo.. Hindi naman nakalampas sa akin paningin ang reaksiyon ni Mr. Domingo. Tila natawa din ito sa ginawa namin ni Tin at umiiling na naman.. "Next time lang, while I'm discussing here in front. I dont want to see someone na ngumingiti as if may nakakatawa sa mga sinasabi ko..is that clear Ms Fabian? Ms Esteban?" striktang sabi ni Ms Gonzales. "Yes Ma'am" sabay namin sagot ni Tin. Nagpatuloy ang discussion at nagkaroon ng maikling quiz. Dahil ready kami ni Tin, ofcourse mataas ang score namin. " Tommorow, I will rearrange your seat alphabetically so I can easily recognize you all" pahabol pa na sabi ng aming Prof na si Ms Gonzales. Hindi naman kami worried ni Tin dahil kung sakali man halos magkasunod lang kasi and aming surname alphabetically. Baka nga kami din ang magkatabi. Lumipas ang ilang subject at nagkaroon kami ng 45 minutes break. Tumambay kami ni Tin sa canteen upang kumain na din at magkwentuhan about sa naganap sa BM1. "Mabuti talaga at nag-advance reading tayo kahapon..kung hindi sobra-sobrang kahihiyan ang nangyari sa atin today." relieved na sabi ni Tin "Masyado bang obvious ang ngitian natin kanina at napansin agad iyon ni Ms. Gonzales? Nagtataka lang ako ang bilis ng mata niya.." reklamo ko. Maya-maya ay lumapit ang isa sa mga "boys at the back"na classmate namin. "Hi" I'm Jeff.." bati nito "Pwede maki-join? Occoupied na ang mga tables and chairs.."explain niya. Hinagod ko ng simple ang buong cafe at punong-puno nga ito, pero nakita ko ang table nila Mr.Domingo. "Sure" mabilis naman na sagot ni Tin na obvious naman na love-struck sa lalaking kaharap. Kinurot ko siya ng simple at nakasimangot na lumingon sa akin na nagtatanong ang mga mata. "Girl, type mo ano?" pasimple kong bulong habang ini-usog ko ang aking upuan upang magbigay ng space kay Jeff. "Obvious ba masyado?' balik bulong naman sa akin ni Tin. Hindi na ako sumagot pa at minulagatan ko na lang siya bilang warning na baka marining kami ni Jeff. "Ahm, Marinella? right? turo sa akin ni Jeff and...Christine? turo niya kay Tin pagconfirm ng mga names namin. "Tin na lang", matamis na sagot ni Tin "Ahem!, Ella na lang din..sabay shake hands ko kay Jeff" at warning look ko kay Tin. "Tamang-tama mukhang nag-uumpisa pa lang kayo kumain, makikisabay na ako..malungkot kumain mag-isa.." sabi nito bago sumubo sa burger na binili nito. "Bakit hindi ka maki-join sa kanila?" sabi ko sabay turo ng bibig ko sa grupo nila Mr. Domingo "Diba, isa ka sa mga boys at the back kanina? nakita kita don eh, isa ka sa mga tumatawa" medyo naiinis na sabi ko. "uy, sorry na-offend ka ba? Tumatawa kasi kami dahil napansin kayo ni Ms. Gonzales dahil si Brian nakatingin sa gawi ninyo... eh si Ms. Gonzales mukhang type si Brian..Kaya ayon, sinundan niya yung matamang tinitingnan niya at kayong dalawa pala yun. Sakto naman na hindi yata kayo nakikinig at nagtatawanan din kayo?"explain ni Jeff. "Excuse me, nakikinig kami at ngiti lang ang ginawa namin sa isa't-isa, kaya nagtataka naman ako bakit niya kami napansin, samantalang ang dami ko nga nakikita na panay ang yawn at mukhang hindi nakikinig sa kanya pero kami ni Tin talaga ang pinagdiskitahan niya?" nanggigil na explain ko. "Naku, si Brian kasi, napansin din namin na hindi naman nawala ang paningin sa gawi ninyo.." meron yata siya type sa isa sa inyo.."panunukso ni Jeff. Pagkasabi non ay biglang nasamid si Tin.. "Ok ka lang?" tanong ni Jeff sabay hagod sa likod niya. Lalo naman namula si Tin sa ginawa ni Jeff kaya to the rescue na ako. "Kung ano-ano kasi yang kalokohan na sinasabi mo..nakatingin siguro si Mr. Domingo sa amin kasi na-recognize niya na kapitbahay lang namin siya. Malapit pareho yung mga boarding house namin sa bahay nila. Nakita namin siya kahapon at kaninang umaga." palusot ko. "Ah, ganon ba? napahamak tuloy kayo ano..buti na lang matatalino kayo.." sabi ni Jeff. "Ako prepared lang at nakapag-basa, ang matalino talaga itong si Tin.." proud na sabi ko. Bigla naman nag blush si Tin lalo na ng lumingon sa kanya si Jeff. "Maniwala ka diyan kay Ella, pinagloloko ka lang niyan.." pa-humble na sabi ni Tin habang patuloy ang pamumula ng pisngi. Masaya ang aming naging kwentuhan habang kumakain at naging magaan na din ang loob namin kay Jeff. Sabay-sabay kaming tumungo sa susunod na subject namin at nagpasyang magkaka-tabi kami sa upuan. Ako, si Tin at Jeff..Si Tin na katabi ni Jeff sa upuan ay tila hindi mapakali at simple akong sumulat ng note sa scratch paper ko. "Calm down..mahahalata ka niyan masyado.." remind ko sa kanya. Sa paglipas ng lecture, naging mahinahon na din si Tin at balik na sa genius mode. Napansin ko din na may ilang beses na sumusulyap si Jeff sa kanya at makikita ang paghanga lalo na kapag sumasagot si Tin sa mga class discussion namin. "love is in the air" bulong ko sa aking sarili na nakangiti. At ng mapalingon ako sa gawing kanan ko, tsaka ko lang napansin na doon naka-upo si Mr. Domingo at mataman itong nakikinig sa aming prof. Mabilis akong nagbaling ng tingin sa iba sa takot na makita niya ako.. "Bakit ba napapadalas kasi ang paglingon-lingon ko sa mokong na yan.." sita ko sa aking sarili. Maya-maya, tumunog na ang bell..bago tuluyang lumabas ang aming prof ay nag-remind ito na magbasa kami sa susunod na lesson para sa aming discussion. Sa paglingon ko sa aming prof, hindi maiiwasan na mahagip ng tingin ko kay Mr. Domingo dahil magkalapit ang kanilang pwesto. Mabilis akong nagbaba ng tingin para umiwas ngunit hindi siya tumalima sa pagkakatingin sa akin.. Kinalabit naman ako ni Tin sabay bulong muli.."nakatingin na naman si Mr.Domingo sayo." At maya-maya pa lumapit ito sa amin at kinausap si Jeff.. "Brod uwi ka na ba?"tanong nito kay Jeff na may simpleng sulyap sa akin..feeling ko. "Sabay na tayo, diba doon ang way mo sa gawi namin.." sabi ni Brian a.k.a Mr. Domingo. " Sige brod, diba magkakapit-bahay kayo?" baling naman ni Jeff kay Tin "Sabay-sabay na tayo.." suggestion ni Jeff." "Hindi pa kami uuwi.."biglang singit ko Nagtataka naman si Tin sa sinabi ko pero naki-ride na din siya sa flow. "Ay oo nga pala may dadaanan pa kami ni Ella..alam niyo na girl thing.." segunda ni Tin sa sinabi ko. "Samahan na namin kayo" prisinta ni Jeff "wag na! " napalakas na sabi ko at napalingon silang tatlo sa akin lalo na si Mr. Domingo. "Grabe, wagas maka-wag na.., ayaw yata tayong kasabay brod" biro ni Jeff " Next time na lang" salo naman ni Tin. "Sure yan ah.." sabat ni Jeff na hindi naman maalis ang tingin kay Tin. "Sige, mauna na kami sa lakad namin.." sabay hila ko kay Tin ng hindi na lumingon pa kay Mr. Domingo. "Anong drama yun? sasabay lang naman sila pauwi..wala pang 15minutes na makakasama natin sila..tsaka san tayo ngayon pupunta?" tanong ni Tin. "ah basta, hindi ako komportable around Mr. Domingo.." naiinis na sabi ko "uy..natatakot ka ano? baka ma-fall ka?" pang-aasar naman ni Tin "Anong pinagsasabi mo girl, ikaw hindi mo ba napapansin..type ka din ni Jeff.." alam kong type na type mo din naman siya at kung sumang-ayon ako na sumabay tayo sa kanila..wala na, buking ka na! pakipot ka naman konti kasi.." "Ay ang harsh naman ng frenny ko..Seriously, sa tingin mo talaga may gusto din sa akin si Jeff?" excited na tanong ni Tin Nag-roll ako ng eyes at lumakad ng nauna kay Tin "Uy, wait..Ella! San ba tayo pupunta?Eto naman ang napaka-KJ, type ka din naman ni Mr. Domingo eh.."sigaw ni Tin na nakapag-pahinto sa aking paglalakad. "Girl, lakasan mo pa baka hindi nila marinig.." sarcastic na sabi ko. "Sorry na! totoo naman ang sinasabi ko eh.." apologize ni Tin sabay takbo sa tabi ko. "Itigil na natin ang usapan na 'to pls pwede? Tara, punta na lang tayo 7/11, bili tayo ng makukutkot habang nagsusunog ng kilay.." yaya ko kay Tin. After bumili ng kung ano-ano ay naglakad na kami pauwi . Pagtapat sa boarding house nila Tin, hindi na ako luminga pa sa bahay nila Mr. Domingo. Binilisan ko na lang ang lakad ko na parang kabayo, forward lang ang tingin...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD