Kasalukuyan kami nakapila papasok ng auditorium. May general assembly ang lahat ng freshmen business course.
"ilang araw na tayong pumapasok, talagang ngayon lang ang assembly ?" question ni Tin habang tila may hinahanap ang kanyang mga mata.
"At sino ang hinahanap mo?" sita ko sa kanya.
"Nagtitingin ako ng bakanteng mauupuan natin.." palusot niya.
"Tayong dalawa na nga lang ang close dito, paglilihiman mo pa ako?" biro ko
"Ikaw nga eh, hindi umaamin na crush mo din si Mr. Domingo" sumbat ni Tin.
"Here we go again, there's nothing to confess about sa issue mo na yan girl.." hirit ko
"Denial Queen.." muli niyang sumbat.
"duh, whatever.." giit ko.
Ng makaupo kami, napansin ko na hindi ko nakita ni ang anino ni Mr. Domingo pero hindi na din ako nag-abala pa na hanapin ito. Baka mahuli lang ako ni Tin.
Nag-umpisa ang programa sa pamamagitan ng panalangin. Maya-maya pa ay sinundan ng pag-awit ng Lupang Hinirang na aawitin umano ng JWU Voice. Mula sa likuran ng stage, lumabas ang ilang mga estudyante na member ng choir at ganon na lamang ang gulat ko ng makita ko si Mr. Domingo na isa sa kanila.
"Ehem! yung seret crush mo choir pala..sabagay sabi mo nga diba ang ganda na ng boses, good looking pa.." pang-aasar ni Tin.
Hindi ko na lang pinansin si Tin at ayoko na humaba pa ang diskusyon ..Tumayo kami bilang nakagawiang paggalang sa pag-awit at inilapat ang kamay sa dibdib tsaka kami nakisabay na umawit.
Natapos ang mahabang speech at welcome address ng aming Department Dean at ilan pang mga kinikilalang professors , tila ang isinaad na darating na acquaintance party ang namutawi sa isip naming lahat. Lahat ay excited at masaya.
Dahil sa general assembly na naganap ay hindi na naging regular ang aming klase sa araw na iyon. Gaya ng nakagawian namin ni Tin, tambay na lang muna kami sa school cafe.
Nagkakagulo sa excitement ang mga kagaya naming freshmen.
"Ano kaya ang isusuot ko?" tanong ng karamihan sa isa't-isa na naririnig ko.
"Casual dress code lang diba?" sarcastic na sagot ng isip ko kaya hindi ko namalayan ang mga sinasabi ni Tin.
"Hey..Ms. Ella Esteban?! are you with me.." tanong tuloy ni Tin.
"Ha?! ano nga uli yung sinasabi mo?" paglilinaw ko
"Tingnan mo, hindi ka nga nakikinig sa akin.."lutang ka girl
"Ang sabi ko, lumingon ka sa likuran natin...makikita mo si Mr. Domingo may kasamang magandang babae.." inform ni Tin.
Hindi naman ako sumunod sa sinabi niya, instead itinuloy ko ang pagkain ko. Pero deep inside curious ako..ano ba ang mga type ni Mr. Domingo? sabi nga ni Tin maganda, pero anong level ba ng ganda. Maya-maya pa ay hindi ko inaasahan..dumaan sila sa harapan namin mismo at hindi ko na maiwasang mang-osi.
Maganda nga! Maputi at flawless--"flawless din naman ako ah, morena nga lang", "bilugan ang mga mata"--it's a tie, mas expressive at mahahaba pa nga ang eyelashes ko, hindi kagaya ng sa kanya mukhang fake eyelashes.."sexy at maganda ang hinaharap"-----sige diyan talo na talaga ako, kasi ang dibdib ko mukhang likod, "at higit sa lahat ang lakas ng appeal" ako malakas lang ang boses--masusing panunuri ng isip ko
"Wow, gandang pang beauty pageant" amazed na sabi ni Tin
"Trophy girlfriend" medyo bitter yata na pagkakasabi ko na hindi nakawala sa pandinig ni Tin.
"Hmmm, wala daw siya gusto pero mukhang nagseselos..girl mukhang hindi pa naman sila, nanliligaw pa lang naman yata si Mr. Domingo mo" parinig ni Tin sa akin.
Pero siempre, pinadaan ko na lang sa kabilang tenga ko ang mga narinig ko..Gusto ko patunayan na wala talaga akong gusto kay Mr. Domingo.
"Akala ko pa naman, type ka talaga ni Mr. Domingo..iba kasi yung mga tingin niya sayo.." tila malungkot na sabi ni Tin.
"Asyumera ka lang masyado.." sabi ko kasi sayo, tigil-tigilan mo ang masyadong malisyosa.." sermon ko sa kanya.
"It hurts ba frenny?"bulong sa akin ni Tin na hindi talaga tumitigil sa pang-aasar.
"Hay! naku naman talaga..tinawag mo pa akong frenny pero wala kang ginawa kundi asarin ako.."
"nini na lang tawagan natin ...nini short for frenny! Pero sorry na talaga frenny ay nini..basta I'm just here para maging crying shoulder mo lalo na sa ganitong pagkakataon.."dagdag pa ni Tin.
"Kapag hindi mo ako tinantanan diyan, tatawagin ko si Jeff...sasabihin ko na ang frenNy I mean nini ko here ay may matinding pagtingin sa kanya.." banta ko .
"Uy, walang ganyanan" mabilis na sabad ni Tin
"Promise, hindi na ako magbabanggit pa ng tungkol kay Mr. Domingo.." saad niya sabay pa- pinky swear pa siya sa akin.
"Ang OA, may ganyan talaga? parang bata lang?" saad ko pero inabot ko din ang pinky finger ko to settle ang childish act ni Tin at sabay na lang kami nagkatawanan sa ginagawa namin.
At dumating nga ang pinaka-aabangan ng lahat-- ang acquaintance party night. Naging abala ang mga ka-boardmates ko na tila mga ate ko na sa pag-aayos at pagpili ng aking susuotin. Gusto daw nila bumawi through me sa mga naging pagkukulang nila sa kanilang Freshmen Acquaintance Party. Masaya sila sa naging kinalabasan ng mga ginawa nila sa akin---light make-up at konting lip tint lang naman pero nag-iba talaga ang awra ko dagdagan pa ng konting pa-kulot effect ng shoulder length kong buhok na bumagay din ang katamtamang laki ng hoops earrings na pilit pina-suot sa akin. Saktong tight black jeans na slightly ripped na tinernuhan ng top kung saan na-emphasized ang collarbones ko ang aking party ootd.
"Who you po?" biro ni Ate Tess sa akin
"Nasaan na si Ella? ilabas mo si Ella" exaggerated na dagdag pa ni ate Chi
"Face of the night is Ms.Marinella Esteban!" hirit din ni ate Beck
Naputol ang saya moment namin ng tumunog ang aking cellphone--si Tin ang tumatawag. Hinihintay na pala niya ako kaya nagpaalam na ako sa mga supportive kong mga ka-boardmates s***h mga ate.
"ihahatid ka namin hanggang sa may kasama ka na, mahirap na baka ma-kidnap ka pa.." biro ni ate Tess.
Sabay-sabay naman silang sumang-ayon sa idea kaya wala na din akong nagawa...Paglabas namin ng gate, marami-rami ding mga dumadaan na halatang aattend ng party. Isa sa mga kakilala ng aking mga ates ay nagkataon nakatambay na tila naggi-guitar jammin' kasama ang ilan sa harapan ng kanilang boarding house.
"witwiw" pito ng isa.
"Hoy! Edgardo, tigil-tigilan mo yan..bata pa 'tong si Ella" birong banta ni Ate Chi.
"Pakilala mo naman ako.." hirit pa ng isa sa kanila sabay strums ng gitara sa saliw ng pretty woman at halos sabay-sabay silang kumanta
"Pretty woman, walking down the street....
'Hay naku, wag mo na nga pansinin ang mga iyan...male-late ka na" sabay hila sa akin ni ate Beck.
"Bye boys.." pang-aasar pa ni Ate Chi bago kami tuluyang lumakad patungo kina Tin.
Nasa harapan na ng gate si Tin ng dumating kami at excited din itong kumakaway pa sa akin.Mabilis kong pinakilala siya sa mga ates ko bago sila nagpaalam ng bumalik ng boarding house.
"Wow! how to be you po?" biro niya sa akin.
"Tatlo ba naman ang nag-join force na pagandahin ako eh.." biro ko din.
"Hay, naku..ako din hindi nakaligtas sa mga ka-boardmate ko.." reklamo ni Tin na halatang inayusan din at bumagay naman sa kanya.
"Glow-up ang beauty mo frenny! ay nini nga pala..hahaha" compliment ko kay Tin.
"Siyempre, birds with same feather, flocks together..." dagdag pa ni Tin na siyang ikinatawa namin.
"Tara na? yaya niya sa akin ng biglang bumukas ang gate sa tapat at iniluwal non si Mr. Domingo. Halatang nagulat si Mr. Domingo na tila hindi agad ako nakilala. Feeling ko, ang ganda ko talaga sa gabing ito dahil sa kanyang reaksiyon.
"nini, alam kong may promise ako sayo na hindi ko na ibo-brought up pero spare mo na ang gabing ito sa akin..natulala na sa beauty mo si Mr. Domingo.." umpisa na naman ni Tin.
Bigla akong na-conscious at gusto kong hilahin si Tin upang mauna na kaming maglakad ng..
"Pwede ba akong sumabay sa inyo..? mula kay Mr. Domingo.
Hindi ako nakasagot agad, kaya si Tin na ang nagsalita.
"Sure! iisa lang naman ang pupuntahan nating party isa pa, we're classmates diba Ms. Esteban?" baling sa akin ni Tin.
"Tara!" maikling sabi ko ng hindi lumilingon kay Mr. Domingo.
Tahimik kaming tatlo na naglakad at pare-parehong nagpapaki-ramdaman. Panay naman ang siko sa akin ni Tin at panay din ang saway ko sa kanya.
"Hindi ko natatandaan na formal akong nagpakilala sa inyo..I'm Brian Do.."naputol na sabi ni Mr. Domingo ng biglang sumabad si Tin.
"Domingo..alam namin..kilala ka na namin! I'm Christine Fabian "Tin for short" sya naman si Mari....." naputol din ang pagpapakilala ni Tin sa akin dahil sumabad din si Mr. Domingo.
"Marinella Esteban or Ella" baling ni Mr. Domingo sa akin sabay abot ng kanyang kamay at malagkit na titig kung hindi ako nagkakmali. Dahil ayoko naman maging awkward, iniabot ko din ang aking kamay upang makipag-shake hands at hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba? may pagpisil siya sa king mga kamay sa naging maikli naming pagsi- shake hands dahil kunwari at obvious na pag-clear throat ni Tin.
"Ehem! ayaw ko man maputol ang moment na ito pero parang kailangan na natin pumasok sa loob.." singit ni Tin.
Pilit ko binaling ang aking tingin kay Tin at hindi ko na kaya pang salubungin ang mga titig ni Brian. Pagdating namin, naki-join na kami sa mga classmates namin at nakipag-kwentuhan sa kabila ng malakas na music habang naghihintay ng opening ng party.
Maya-maya pa ay huminto ang malakas na dance craze music at narinig naming lahat ang tunog ng mic. Konting introduction at reminder mula sa members of faculty and administrators then officially start na ang Acquaintance Party!
Si Jeff at ilan pang mga boys at the back ay nagyaya sa amin isa- isa patungo ng dance floor. Hawak niya pareho ang kamay namin ni Tin habang gumigiling at hinihila kami. Nagpadala na din kami sa agos at nag-umpisang umindak. Si Tin ay medyo mahiyain pagdating sa sayawan..Ako naman ay medyo nag-uumpisa ng humataw ng aking dance moves. Sayang naman ang namana kong talent sa pagsayaw mula sa aking mga magulang kung hindi ko gagmitin sa mga ganitong pagkakataon.
Magkakatipon ang aming block sa isang side ng dance floor. Si Jeff na halatang magaling sa pagsayaw ay in-organized kami at nag-form ng circle. Siya ang unang sumayaw sa gitna at nagpakita ng kanyang mga dance moves..Nag-moonwalk siya palapit sa isa pa naming kaklase na susunod na mag-perform sa gitna ng circle. Walang kagatol-gatol na gumalaw ito ng tila robot moves. Wala kaming magawa kundi pumalakpak at i-cheer ang bawat nagpapasiklab sa gitna. Meron din dance move ng the floss, running man, dougie..at madami pang ibang dance steps.
Pagdating ng turn ko para magpasikat, siyempre hinataw ko ang booty bop side to side at hips sway na nagbigay naman ng dahilan para magsigawan sa pag-cheer ang aking mga classmates lalo na ang mga boys! Ng matapos ako ng medyo hinihingal pa, nakita ko si Mr. Domingo na hindi maipinta ang mukha.
"Problema ng lalaking 'to?lahat nag-eenjoy at nagtatawanan ..tapos siya nakasimangot? Ang KJ!" tumatakbo sa isip ko at nakita ko na lang na umalis na siya sa dance floor at hindi nagkaroon ng pagkakataon sumayaw sa gitna.
Lumapit sa akin si Tin at nagsalita sa tapat ng tenga ko.
"Anong nangyari don kay Mr. Domingo? nagsayaw ka lang, nag-walk out na!" malakas na sabi ni Tin
"Who Cares" sigaw ko
"Ha?"Ano?! tanong ni Tin
"Don't Mind him!" sagot ko kay Tin tapos hinila ko na siya at sumayaw pa kami ng sumayaw kasama ang ilan naming kaklase.
Tila namaos ang aming mga boses sa pagtawa at pagsigaw habang sumasayaw ng niyaya ako ni Tin na kumuha muna ng maiinom.
Masaya kaming nagtungo sa drinks area at naabutan namin si Mr. Domingo kasama si "Miss Beauty Pageant". Nabaling ang tingin niya sa amin dahil malakas ang tawanan namin ni Tin. Pagkalingon sa amin ay hinawakan niya sa bewang si Ms. Beauty Pageant at tila may ibinulong dito.
"Uh-oh, akala ko pa naman may something na kayo kanina ni Mr. Domingo" simpleng whisper ni Tin sa akin.
Nakasunod pala sa aming likuran si Jeff at ilan pa naming kaklase kaya hindi na ako nakapag-react pa sa sinabi ni Tin.
"Ella! the dancing queen..." bungad ni Jeff sabay konting sulyap kay Tin.
"Suko na ba sa paghataw?" nakangiting tanong nito
"Pahinga lang sandali, kailangan din mag-recharge.." sabi ko bago uminom .
"Andito pala si Brian..brod saan ka nagpunta kanina?hindi mo kami pinakitaan ng dance move mo ah.." saad ni Jeff ng mapansin si Mr. Domingo.
"KJ ang peg ng brod mo.." mga salita ng gusto ko na lang sana sarilinin ngunit hindi nakisama ang bibig ko at hindi iyon nakatakas sa pandinig ni Tin.
Kinurot ako ni Tin sa bewang at binigyan ng warning look.
"Aray! nabigla kong sabi at nangatwiran kay Tin ng pabulong.
"Totoo naman ang sinasabi ko, imagine sa buong klase siya lang yung nag-inarte at may pa-walk out pa siyang nalalaman.." sabay roll ko ng aking mata.
"Tara, balik tayo sa dance floor sayang ang oras..sana hindi na lang nag-attend kung walang plano mag enjoy sa pagsasayaw!" malakas na yaya ko kina Tin, Jeff at sa ibapa. Sinadya ko lakasan pa ang boses ko, at gusto ko umabot iyon sa pandinig ni Mr. Domingo at hinuli ko ang tingin niya tsaka ako umirap ng wagas.
"Ay taray! " di napigilang komento ni Tin.
Hindi ko alam kung anong puwersa ng pagkamuhi ang sumanib sa akin..basta ang alam ko naiinis ako sa "KJ Syndrome" na pakana ni Mr. Domingo.
**